Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 26: Know Your Place
Piper's POV
"Manang Evy! Mang Ben!", yakap ang agad na binungad ko sa kanila. Nakatayo sila sa may gate na kahoy at hindi ko na inalintana ang init ng sikat ng araw. "Mangingitim ka!", sambit ni Manang Eve.
Nang sila sa aking pagyakap ay iniabot niya sa akin ang paper bag. Tinignan ko ang nasa loob nito. Ang paborito kong rosas na tsinelas.
"Salamat Manang Evy! Anyways, how's Papa and Mama? Are they fine? Ilang araw na silang hindi manlang tumatawag o text sa akin", nagkatinginan ang dalawang matanda sa tanong ko saka ngumiti.
"Oo naman. Ayos lang sila. Inaasikaso nila ang Country Club niyo. Sa katunayan nga ay pinapauwi ka nila bukas o sa makalawa", malungkot akong tumango sa sinabi ni Mang Ben.
"Parang sandali ka lang nawala ay ganyan ka na makapulupot", sabi ni Manang Evy sa anak nito.
"Ito naman si Inay. Alam mo naman ako. Makaina!", tumawa silang pareho. Si Mang Ben naman ay agad din niyang niyakap saka hinalikan sa pisngi.
"Itay sigurado akong naging masaya kayo dahil walang bantayin na Piper", humalakhak siya sa sinabi ng anak nito.
"Mabuti nga't hindi na sakit sa ulo itong si Piper. Hindi katulad nung panahon na nag aaral pa siya", natawa naman ako sa sinabi ni Mang Ben. Tama naman siya bukod sa naglayas ako pauwi dito sa probinsya marami pa kong kalokohan na ginawa noon.
Natandaan ko pang ilang beses akong nagcutting dahil ayoko sa history subject namin nung highschool ako. Maraming nasabi sa akin ang mga pinsan ko pero si Mang Ben kahit na mali ako ay piniling ipagtanggol ako. Pero kahit na ganon ay pinangaralan niya ko pagkauwi ng bahay. Palagi siyang nangangaral sa akin at kung hindi siya ay si Manang Eve na tinatawagan ako sa telepono.
Madalas kasing hindi alam ng mga magulang ko ang pinag gagawa ko. Nalalaman lang nila kapag nagsumbong ang isa sa mga pinsan ko. Wala naman akong ibang kakampi kundi ang mga anak ni Tita Ai at si Kuya Wyn pati si Kuya Ten.
"Tumawag din pala ang Manager mo. Bakit naman naka block ang number niya sayo?", aniya Manang Evy ng nakapasok na kami sa loob.
Si Letty naman ay nakangiting sumalubong sa kanyang mga magulang saka niyakap ang mga iyon. Habang ako naman ay kumuha ng tubig na inumin para sa kanila.
"Alam niyo naman si Pixie napaka kulit. Kaya I blocked her. Pakisabi na lang sa kanya na I'm fine and okay. Walang makakasunod na paparazzi dito", pagsisigurado ko saka pinaghila sila ng upuan.
Nagsimula na kaming magtanghalian ng saktong dumating si Abel. Pawisan siya at nagmamadaling uminom ng tubig. Hindi niya napansin ang mga magulang niyang kumakain.
"Saan ka na naman galing Abel?", nagmadaling binaba nito ang hawak niyang baso matapos uminom. Saka sinalubong ng pagmamano ang mga magulang nito.
"Naglaro lang, Inay. Mabuti naman at dumating na kayo", naghila siya ng sariling upuan. Galit na nakatingin sa kanya ang kapatid nito.
"Kuya ang sabi mo sabay tayong uuwi. Mukhang napatagal ka pa sa paglalaro mo. Siguro may babae ka na namang nakita ano?", naningkit ang mga mata ni Abel sa kapatid nito. "Abel tama na muna ang babae. Nabanggit sa akin ng isa sa mga kaibigan mo sawi ka na naman", nagkatinginan kaming dalawa ni Letty saka tumawa sa binanggit ni Mang Ben. "Kung sinuman ang nagsabi sa inyo Itay ay hindi iyon totoo. Sa katanuyan nga ako pa itong iniyakan nung babae ", halos mabulunan kaming dalawa ni Letty sa paliwanag ng kapatid niya. "Oo nga po, Itay. Hayaan niyo na lang si Kuya. Magtitino din yan", ngumuso si Letty sa sarili niyang kasinungalingan.
Siguro kaya ginawa niya iyon ay para hindi magmukhang kaawa-awa ang kapatid niya..
"Kung alam mo lang Ben. Ang anak mo ang palaging umiiyak sa babae. Hindi babae ang umiiyak sa kanya", saad ni Manang Evy na ngayon ay tapos ng kumain.
Si Abel naman ay sumama ang timpla ng mukha. Kung sabagay wala namang alam si Mang Ben sa tunay na nangyayari sa anak nito dahil minsan lang silang magkasama. Pero kumpara kay Manang Evy alam niya ang tunay na nangyayari sa kanyang anak.
Bumulong naman si Letty sa Kuya niya ngunit hindi iyon nakatulong upang pagainin ang loob nito.
Ilang minuto ay natapos na kaming lahat kumain. Napagpasyahan kong tumulong sa hugasin pero hindi na tumanggi si Letty sa ginawa ko.
Abalang nanonood si Abel na paborito niyang si Fernando Poe Jr. Halos maumay na nga ako dahil kahit sa gabi iyon ang pinapanood niya. He has a collection of Fernando's movie in his flash drive kaya kahit ilang beses niyang panoorin ay pwede.
Umupo ako sa tabi ni Letty at tahimik kaming nanonood ng biglang nag ring ang cellphone ko sa bulsa.
"Who's this? Where did you get my number?", binigyan naman akong daan ni Letty para makatayo ako. Lumayo ako ng kaunti upang hindi sila maistorbo sa kanilang pinapanood.
"Oh come on baby. You're not used to it? I have connections kahit nga sa Mama mo ay malakas ako", his voice sounded confident.
Hindi ko alam kung bakit nagawa niya pa rin na hagilapin ang phone number ni Mama para ma-contact ako. Dahil sa totoo lang yung huling cellphone niya ay tinapon ko sa lawa sa pagkairita sa kanya.
"Don't call me baby. I'm not yours", inis kong sinabi.
"You're mine. Wala ka ng ibang pagpipilian. Bakit sinong gusto mo? Yung magsasaka?", mas lalo akong nainis dahil sa pagtawa nito.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang sa amin ni Cade.
"You don't care. Puso ko ito", matapang kong sinabi.
"Bastarda kang anak, Piper. Know your place baby!", he said authoritatively.
"Know your place too. Wag kang epal sa buhay ko. Hindi ibig sabihin na gusto ka ng mga magulang ko para sa akin ay gusto rin kita", binaba ko na ang tawag matapos ng sinabi ko. Ayoko ng humaba pa ang ganong usapan. Uminom akong tubig upang mapawi ang pagkainis ko. Umupo akong muli sa tabi ni Letty at nagtatawanan sila sa kanilang panonood habang nag kwe-kwentuhan.
"Sigurado ka bang walang namamagitan sa inyo ni Lois Vitale anak?", para bang nabingi ako sa tanong ni Manang Evy.
I'm excited to see that girl pero ang maisip na makita ang kuya niya ay nakulo ang dugo ko. Pero mahiwaga naman kung bakit biglang naitanong ni Manang Eve kung anong meron sa dalawa ni Abel.
"Wala Inay. Nakakasuka!", humalakhak siya habang hawak ang sarili nitong tiyan.
"Baka kainin mo rin ang sarili mong suka", napa O naman ang bibig namin ni Letty sa sinabi ng kanyang Ama. Humalakhak ito sa sarili niyang sinabi.
"Nagbibiro lang ako, Abel. Pero bakit bigla kang natahimik. Mas mabuti yan kung ganon at alam mo kung saan ka dapat lu-lugar"
Nakaramdam ulit ako ng nainis. Parang si Arrow Vitale iyon na nagsabi sa akin. May know your place pa siyang sinabi. Kainis.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report