"Mabuti naman at naisipan mong umuwi rito, Anak", sabi ni Papa sa kalagitnaan ng aming pagkain.

Hiniwa kong dahan-dahan ang beef steak upang malasap ang nanunuot na lasa nito. Si Mama naman na katapat ko ay aking sinulyapan. Namutawi ang ngiti nito at ginantihan ko rin siya ng isang ngiti.

Inabot niya ang kamay kong nasa mesa at hinaplos iyon. "Akala ko hindi ka susunod sa akin sa pag uwi mo dito. Sabi kasi ni Pixie ay abala ka sa mga projects mo"

Ilang beses niya kong niyayang umuwi rito pero ni-isang beses ay hindi iyon umubra sa akin.

Balak ko naman talagang umuwi rito. Pagkatapos sana ng aking teleserye pero nagkaroon ako ng photoshoot sa isang sikat na clothing brand na pagmamay-ari ng kaibigan ni Pixie. Kaya hindi ko na iyon nagawang tanggihan. "Actually, mayro'n akong upcoming projects sa sobrang dami ay ni-reject ko ang iba. Pagod na rin kasi ako kaya ang tinanggap ko na lang 'yung isang movie ko na ish-shoot namin pagkatapos kong magbakasyon dito", I flipped my hair at pinagpatuloy ang pagkain.

Hindi katulad ng kanina ay maingay ang paligid. Pinaalis na ng mga body guards ni Papa ang mga nag pro-protesta. Mabuti nga iyon ng hindi ako naiistorbo. Kung sakaling madalas ang pagpro-protesta ng mga magsasaka ay naisip kong kila Letty muna ako magbakasyon. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila pero kailangan kong makapahinga ng ayos.

Napangiti ako ng may bigla akong maalala. Tanda ko pa kung paanong nag-igib kami ni Letty at namitas ng mga prutas para ipang ulam. 'Yun nga lang madalas ay taga pulot lang ako ng manggang pinapanguha ni Abel - kapatid niyang panganay.

Kumusta na kaya si Abel? Hindi kami friends sa FB kaya I'm clueless kung anong itsura niya ngayon. Ang alam ko lang ay kumpara noon mas luwag na ang buhay nila. Nang isang beses kong nakausap siya sa Face time ay pinakita nito ang kabuuan ng bahay na hindi pa tapos ayusin.

Hindi ko manlang naabutan si Abel ng oras na 'yon dahil busy raw.

"Ma, pwede bang kina Letty muna ako ngayong bakasyon?" nabitawan ni Mama ang hawak nitong tinidor. Si Papa naman ay tiim-bagang na nakatingin sa akin.

"Kung papayag si Manang Evy sa gusto mo", sabi ni Papa ngunit ang aking ina ay ilang beses ang pag inom ng tubig habang pinapaypayan ang sarili.

Kita ang pagtutol sa itim na mga mata ni Mama ng magtama ang tingin namin. Bahagyang lumungkot iyon.

"Hayaan mo na siya, Leonora." kasabay ng paghawak niya nang mahigpit sa kamay ng aking ina.

Ang mga mata niyang puno ng lungkot ay pilit na ngumiti. Sumingkit iyon ng kumurba ang kanyang mga labi.

"Pwede bang dito ka muna anak kahit isang linggo lang ng makapag bonding naman tayo. I'll promise kakain tayo with your Papa sa mamahaling restaurant. Saan ba ang gusto mo?"

I love my Mama so much na kahit putok lamang ako sa buho ay hindi niya pinagkaitan ako ng buong pagmamahal pero mas malapit ako kay Papa. Dahil noon pa man, Papa always spoiling me and treats me like a Princess. Habang si Mama ang nag di-disiplina sa akin hanggang sa hindi niya na ako kinaya. Kung kaya't umuwi kami sa Laguna kung nasaan ang iba kong pinsan. Kaso lang hindi lahat sila ay kasundo ko.

Ilang beses kong pinasakit ang ulo ni Mama lalo na nu'ng nag highschool ako.

Madalas ay nasa Manila ako dahil sa pag a-artista pero umuuwi din akong Laguna. Condo kasi ang tirahan ko sa Manila at ang bungad sa akin kada umaga ay nagtataasang building. Hindi katulad sa Laguna ay puro bulubundukin ang nakikita ko pag-inaayos ko ang tali ng bintana.

It's like hell for me when I got there for the first time. Pero nang tumagal ay nasanay rin ako kaya't nahilig din ako sa pag a-acting. Sa katunayan nga ay hindi na ko nakatapos ng pag aaral dahil mas inuna kong maging artista when I've got an opportunity.

Nasa Manila ako ng panahon na iyon, walking with my friends sa mall. Someone scouted me dahil sa ganda kong iyon ay nabighani siya. Para raw akong model. And yes, nagsimula ako bilang model tapos nag shampoo commercial ako. Hanggang sa may nag-offer sa akin na maging extra at heto! Viola! I'm on billboards na.

Masasabi kong hindi lang pagiging pulitiko ang pinaka dirtiest na trabaho pati ang pag a-artista. Kasi aminado ako, iilan lang sa mga kasama ko sa iisang entertainment ang kasundo ko. Plastikan lang kami on-cam, o hindi kaya naman we're educated enough para respetuhin ang isa't-isa na kahit di okay samahan ay nag ngi-ngitian pa rin.

"No, Ma. Ayokong kumain sa mamahaling restaurant. Umay na ko. Lalo na sa fast food." malimit kasi akong umuwi sa bahay ng late kaya hindi na ako nakakapagpaluto. Ang ending nag o-order ako ng spaghetti, burger, pizza, at etc. Minsan naman sila Mama at Papa ay pumupunta roon pero bihira lang si Papa kasi marami siyang ginagawa as a governor of this province. Pero hindi maipagkakaila na kahit minsan lang kami magkita-kita ay present sila sa family gathering. "You're right anak. I think I should cook for you", but my Papa insisted sa sinabi ni Mama.

"Ako na lang ang magluluto kung gusto ng anak mo ang lutong bahay", lihim akong ngumiti sa sinabi nito pero si Mama ay iba ang naging reaksyon. Pinagtaasan niya ng kilay si Papa.

"Pinapamukha mo talaga sa akin Don Emilio na masarap ang luto mo?" tumawa naman si Papa sa sinabi ni Mama.

To be honest, ayaw ni Papa ang luto ni Mama. Hindi kasi ito maalam sa gawaing bahay lalo na ang pagluluto pero si Papa, siya ang madalas magluto noon para kay Mama. Kwento niya sa akin. That's why Mama fall inlove with him. Sa totoo lang nu'ng binata si Papa ay masasabi kong he's tall dark and handsome. He's like a dark version of Kuya Tendery. Mas kamukha pa ni Kuya Ten ang aking ama kaysa tunay niyang ama. Si Mama naman ay akong-ako nung dalaga pa siya pero unlike Mama madami siyang dinate na lalaki before niya makilala si Papa. Hindi ko alam kung paano kami naging magkahawig pero I'm thankful because it's such a blessing.

Matagal din bago nagpakasal silang dalawa. Si Mama kasi ay kasagsagan ang kasikatan niya bilang artista while my Papa naman ay nangangandidato para maging Mayor ng bayan na ito.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report