Esta Guerra (Tagalog Version)
Chapter 3:Real Date

Nang matapos kumain ay pumunta kami sa terrace ng bahay. Malaki iyon kaya kasya ang iilang mesa. Pinaghila ko ng upuan sila Mama at Papa malapit sa round table.

Umupo na rin ako sa tabi nila. Si Letty naman ay pinaglagay kami ng meryenda sa mesa. Ilang oras kasi matapos ng umagahan ay nag badminton kami nila Papa. Kaya nakaramdam kami ng gutom. Ito na rin ang nagsilbing tanghalian namin. Alam nilang hilig ko ang badminton noon pa. Ito na rin ang bonding naming pamilya.

"Piper, about your project na binanggit mo kanina. Sinong leading man mo? This time I want you to date for real", madalas akong kulitin ni Mama sa ganitong bagay. Gusto niyang ayusan niya ko for my 'first real date'. Dahil ang mga nakadates ko noon ay para sa mga fans. Gustong-gusto nila akong i-love team kung kani-kanino but it was all fake.

Nagkape lang kasama ang lalaki. Isyu agad? Hindi ba pwedeng were just talking about our life na walang halong malisya.

May mga nanligaw naman sa akin pero wala akong maramdaman na kahit ano. Wala manlang 'spark'. It's lame.

My Papa's staring at me like there's no tomorrow kaya napanguso ako.

Alam kong ayaw niyang pinag u-usapan ang ganitong bagay. I hate dating. Ang korni magmahal. I mean those fucking cheesy lines! Kinikilabutan ako.

Parang sa mga teleseryeng napagbidahan ko like rags to riches? Ayoko no'n. Hindi sa pag di-discriminate or something pero it's impossible naman na ma-inlove ang mayaman sa mahirap. Ang hirap kaya mag-adjust.

"Look my princess you have to experience those kilig feelings. Enjoy-in mo ang pagiging bata mo. When you get old you'll probably missed it", sabi ni Mama.

Sa pagbukas niya ng kanyang pamaypay ay tumunog iyon dahil sa hangin na nilikha nito.

"Tignan mo ang Mama mo. Sa dami ng dinate, sa akin ang bagsak. Ako kasi ang lintik na manliligaw niya na hindi siya tinantanan. Dapat ay makahanap ka ng lalaking katulad ko. Yung hindi ka susukuan kahit anong mangyari. 'Yung bibigyan ka ng rason para lumaban kahit alam mong pagod ka na." kita ko kung paanong hinampas ni Mama si Papa sa kanyang braso gamit ang pamaypay.

Kahit si Letty na nakatayo sa aming tabi ay napangiti dahil sa mag asawang nasa harap ko. Nagkulitan pa sila. I'm here raising my eyebrows.

They're sweet. Masakit iyon sa mata pero gusto kong ganyan sila. Kaysa naman mag away.

"Anyways, go back to my question. Hindi mo pa iyon nasasagot saka ano bang pamagat ng movie project mo?", sabi ni Mama ng mahimasmasan sa pagkukulitan nila Papa.

"Paper Rings about a rich girl who falls inlove with a poor boy. Ang leading man ko sa movie'ng iyon ay si Latrelle Aurelieus"

Tumango-tango naman si Papa while Mama's forehead wrinkled. Alam kong kilala niya si Latrelle. Dahil madalas si Mama magbasa ng mga magazines at sigurado akong nakita niya sa isa sa mga iyon si Latrelle.

"Gwapo yun anak pero I don't like him as our son-in-law. Alam mo na babaero. Ang daming isyu tungkol sa kanya", hindi ko masisisi si Mama sa kanyang sinabi dahil matinik ngang babaero ang isang iyon. Wala pa siyang inaamin sa mga interviews na totoo ang mga dating issues niya. Ang palagi niyang dinadahilan ay sweet siyang kaibigan o hindi kaya naman ay wala siyang kumento.

Ang sweet niya naman ng sobra to the point na nakikipaghalikan siya sa kanyang kaibigan. Same kami ng entertainment kaya madalas ko siyang makita. One time after the ball nakita ko siya sa parking lot. Halos lahat ng staff at artista ay nakauwi na. Nakita ko siyang may kahalikan. Enjoy na enjoy pa ang loko.

Nang nakita niya ko ay ngumiti lang siya. Ang babae naman ay hindi ko kilala kaya hindi ako ngumiti sa kanilang dalawa.

"Ma, ang advance mo mag isip. Huwag mo kong igaya sa mga naging leading lady niyang nagkukumahog para makadate siya. Hindi niya ko makukuha sa mga kindat niya. Ayoko rin na makikipaglandian ako tapos ilalabel lang iyon as a friend or worst ay walang label. Ang cheap lang!", diretso kong ininom ang juice na nasa baso. Napangiwi ako dahil sa asim nito pero ngumiti rin ako.

"Ok ka lang ba, Senyorita? Masyado bang maasim ang timpla ko?", tanong ni Letty ng lumapit siya sa akin.

"Yes. I'm fine. Masarap yung timpla mo so don't worry about me." tumango naman siya saka bumalik sa kinatatayuan nito.

I don't like Letty's watching us. Ayokong nahihirapan siya at nakatanghod lang habang kumakain kami. Pero hindi ko naman siya masuway dahil ito ang gawain niya noon pa man.

"Piper, tignan mo itong si Letty madaming seryosong manliligaw. Gumaya ka sa kanya. Pinagsisibak ni Manang Evy ng kahoy ang mga manliligaw niya. Kung may manliligaw man sa unica ija ko. Sinisigurado kong dapat ay maranasan niyang magsaka ng ating lupa", sabi ni Papa.

My family owns lot of rice land. Ang iba ay kino-convert na lang na subdivision lalo na kung ito ay malapit sa syudad. Pero rito sa aming probinsya ko-konti lang ang na-convert. 'Yung iba ay pangpublikong daanan pati na rin para gawing leisure park. Dati'y ka-kaunti lang ang ektarya ng lupa namin pero napalaki nila. Hindi ko alam kung paano nila nagawa. Ang alam ko ay sipag, tiyaga at pag papaikot ng pera ang naging susi nito. Iyon ang madalas na pangaral sa akin ni Papa. "Pa, masyado naman mahigpit ang pagsasaka saka nakakapagod." tumango si Papa saka humigop sa kanyang kopita. Nagpakawala siya ng kaunting usok mula sa kanyang bibig.

"Oo, para naman malaman natin kung gaano katibay ang pagiging lalaki ng magbabalak manligaw sayo"

Papa's right kaya hindi na lang ako umimik. Lumingon ako kay Letty na ngayon ay nakangiti sa akin. Alam kong isa rin siya sa mga taong gustong masaksihan kung paano at sino ang aking iibigin. Bukod sa wala pa iyon sa aking isip ay wala akong matipuhan.

"Siguraduhin mo lang na may gintong kutsara ang magugustuhan mo. Alam mo naman ang ibang mahihirap ay mapagsamantala. Gusto nilang yumaman sa madaling paraan which is wrong" Napatingin ako kay Letty. Nakatungo siya sa sinabi ni Mama. Lumamlam ang mga mata nito habang nilalaro ang sarili niyang daliri.

"Hindi lahat Ma katulad ng sinabi mo. Isa na don sila Letty. Pinaghihirapan nila ang mga bagay na gusto nilang makuha." depensa ko.

Batas iyon sa aming pamilya pero isa sa mga kapatid ni Papa ang sumira nito - si Tito Emman. Minahal niya si Tita Ai na hindi mayaman. Wala naman daw sa kanya ang estado sa buhay.

Natandaan ko, I asked him one time in our family gathering. He said that it's cliche but when you love someone you fight for your love. You need to sacrifice everything na kahit maghirap at magutom ka ay okay lang. Hindi nadadala ang karangyaan sa kabilang buhay at panandaling kasiyahan lang ang dulot nito. Pero ang pinaramdam ng taong tunay na nagmahal sayo; iba ang saya na para bang nakarating ka sa langit.

Sabi niya, gano'n ang pinaramdam ni Tita Ai kaya hindi niya naisip ni- minsan na pinerahan siya nito.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report