Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 4:Cade
Habang naglalakad sa malawak na palayan ng aming pamilya ay ninammam ko ang sariwang simoy ng hangin nitong probinsya. tyPapunta ang daan na ito kina Letty.
"Pakiramdam ko I will enjoy my vacation." sa sulok ng aking mga mata kita ko kung paanong ngumiti si Letty.
Habang hawak ko ang skin care products na hindi ko dapat malimutan. Hawak niya ang iba ko pang gamit.
"Sana nga. Hindi ko alam kung anong naisip mo, Piper. Mabuti na lamang at pinayagan ka ni Inay. Susunod din si Itay para mabantayan ka"
Ilang beses kong kinulit si Manang Evy na payagan akong magbakasyon sa kanila. Unang pangungulit ko ay hindi siya pumayag pero pagkalaon ay pumayag din naman. May isa pa kong pabor sa aking mga magulang. Wag akong pabantayan kay Mang Ben. Kailangan niya rin naman mag bakasyon. Hindi yung ako lang ang nagre-relax.
Magpahinga muna siya sa sakit ng ulo na dahil sa akin.
"No. Mang Ben will not follow us. Du'n muna siya sa bahay. Kung ayaw niyang magbakasyon ay 'di ko siya tutulan. Kung gusto niyang magtrabaho sa bahay ay ayos lang"
Ang mga naninilbihan sa amin ay mayroon sariling kwarto para hindi na sila umuwi. Ayaw ni Papa na nasasayang oras kaya ayaw niya ng late. Pero itong sina Letty at Manang Evy ay nauwi kung minsan. Malapit lang din naman ang bahay nila. Huminga nang malalim si Letty saka binaba ang hawak niyang gamit. Ang mainit na sikat ng araw ay sadyang masakit sa balat dahil saklob lang ang aming suot.
"Sinabi ko sa'yo kanina dapat nag tricycle na tayo", pagod niyang sinabi habang nagpa-paypay gamit ang sarili nitong kamay at nakapamewang sa daan.
"Minsan na nga lang ako magpainit. Saka I have my skin care products." tinaas ko ang shoulder bag na naglalaman ng mga iyon.
"Much better. Kahit papaano ay nabawasan ang init na nararamdaman ko", sabi ko.
Sa lilim ng malaking puno kami nagpahinga habang pinagmamasdan ang mga magsasaka na abala sa trabaho.
"Bilis-bilisan niyo! Magta-tanghali na!", singhal ng isang lalaking wari ko'y nasa mid 40's. May hawak siyang payong. Suot nito ay mahabang manggas saka pantalon na sira-sira. Bumaba ang tingin ko at nakasuot siya ng bota na katulad ng suot ng iilang magsasakang nandoon.
"Bakit may tumambay agad sa kubo! Hindi pa tapos ang gawain!" hirit pa nito.
Lumapit siya sa isa sa mga pinakabata doon. Hindi rinig sa pwesto namin ang sinabi niya ngunit alam kong galit siya dahil sa pagtiim ng bagang nito. Piningot niya ang bata saka sinabuyan ng putik sa mismong inaaro nitong lupa. Ang isang lalaki ay patakbong lumapit sa batang iyon-galing sa malaking kubo kung saan nagtipon ang mga magsasaka.
He's wearing a red long sleeves. Ang ilan sa mga butones niya ay bukas. His pans are ripped and fadednaka bota rin siya. Kahit na gano'n lang ang kanyang suot ay malakas pa rin ang dating nito.
Napagpasyahan kong lumapit sa kanila at hindi ako nagpapigil kay Letty ng hinawakan niya ko.
"What's with you?", tanong ko sa lalaking nangangalit ang mga mata sa batang ngayon ay nakahawak sa braso ng lalaking nakapulang long sleeves.
I'm mesmerized to his handsomeness. His sweat dripping on his face. Binagtas ko ang mukha niya gamit ang mga aking mga mata. Hindi gaanong makapal ang kilay nito at tama lang ang bilugan niyang mga mata. Ang kinis ng mukha nito na para bang hindi isang magsasaka.
Idagdag pa yung Adam's Apple niyang umaalon. Para siyang isang hunk actor. Bumaba ng bahagya ang tingin ko sa kanyang katawan. Ang dibdib niya'y bakat sa kanyang damit dahil sa pawis na malapit ng matuyo.
"Senyorita Piper, bakit kayo nandito?", magalang na tanong sa akin ng lalaki na ngayon ay parang maamong tupa.
Tinitigan kong mabuti ang kanyang mukha. Napagtanto kong siya si Gracio ng mahanap ko ang mga taling sa mukha nito pati ang pilat sa kanyang kilay.
Tinignan niya sandali ang babaeng nasa likod ko saka binalik ang mga mata sa akin.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Hindi dapat kayo naggagala ng ganitong oras. Tirik ang sinag ng araw"
Pinagmasdan ko ang batang nakatingin sa akin na ngayon ang mga mata niya'y unti-unting nawawala ang pagkatakot.
Ngumiti ako sa kanya at pilit din siyang ngumiti sa akin.
"Hindi niyo dapat pinagmamalupitan ang mga tao dito lalo na ang batang ito. He looks to young. Sa palagay ko'y underage lang ang isang ito"
Tumingin ako kay Mang Gracio upang pagtaasan siya ng kilay. Inayos ko ang aking saklob ng sandaling umihip ang hangin. Muntikan pang malaglag. Buti na lamang at nasalo agad ng kamay ko. Kung hindi patay ako kay Aria kapag nagkataon bigay pa naman niya ito sa akin na galing sa Taipei.
"Hindi dapat sila pinag tra-trabaho", sabi ko.
Araw ng Sabado ngayon kaya alam kong walang pasok ang mga estudyante. Dapat nagpapahinga siya, o hindi kaya naman tumutulong sa gawaing bahay.
"Mga tamad!" aniya Mang Gracio.
"Mang Gracio, pag pasensyahan niyo na lang ang kapatid ko dahil mabagal siyang kumilos. Ako ng bahalang mag disiplina sa kanya pero 'wag niyo siyang saktan. Kapwa lang tayo mga trabahador dito", he said in a husky voice. Ang lalaking nakasuot ng pulang sleeves.
Napaawang ng kaunti ang bibig ko. He's so manly. His muscles flex as he hold his brother's arms.
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa kaya inayos ko ang aking tindig. Si Letty naman na nasa likod ay pasimpleng bumulong sa aking tenga.
"Cade ang palayaw niya"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Even his nickname makes me weak. I wonder if he's single.
My gosh! Piper! Nasisiraan ka ng bait!
Nagwapuhan lang ako sa kanya at wala ng iba. Mukhang maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya kaya sigurado akong babaero siya.
"What's your name kid?" magiliw kong tanong sa kanya ng pinantay ko ang sarili ko sa kanya.
Imbis na sumagot sa aking tanong ang lalaking si Cade ang nagsalita.
"Dero ang pangalan niya", matipid nitong sabi.
Aalis na siya ng bigla akong nagsalita. "si Dero..."
"""Ayos lang naman siya kaya 'wag kang mag alala"
Para bang dinala niya ako ng umalis siyang palayo. Ang lakas ng dating nito.
"Senyorita, bakit parang na tulala ka?" usisa ni Letty habang winawagayway ang kamay nito sa harapan ko.
"Huh? Ano... Uhm... May inisip lang." kinagat ko ang ibaba kong labi.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report