Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 37 Hindi niya gagawin
"Pasensya ka na at hindi agad kita nakilala", sabi nito ng bumalik kami sa sala. Inubos ko ang meryendang hinain niya dahil sa gutom.
Pinakita niya ang photo album na kinuha niya sa kanyang kwarto.
"Ayos lang yun Tiya. Teka. Ano nga palang nangyari dyan sa pilat mo?"
Hinaplos niya iyon.
"Ito... Panlalaban ko ito nung hinahanap nila si Erman", tumabi siya sa akin saka nilapit sa isa pang pahina ang album.
Nandon si Itay kasama si Inay pati na rin ang iilan pang kaibigan nito. Naghanay sila sa pagkuha ng pagkain. Ang ilan sa kanila ay nagtatawanan habang ang iba ang abalang nakikipagkwentuhan.
"Iyan ang huling larawan na masaya kaming magkakasama"
Sa pagkakatanda ko ay may ganitong larawan din si Inay na nakatabi sa silid niya. Madalas niyang tignan iyon nung bago palang namatay si Itay.
Halos mabahaw ang pang upo ko dahil mag iisang oras akong hindi tumayo dahil sa kwentuhan. Madami sa aking kinuwento si Tiya Flora. Nagsimula sa kung paano silang naging magkaibigan ng aking mga magulang hanggang sa mapunta sa kasalukuyan niyang buhay.
"Salamat po Tiya. Sasabihin ko po agad kay Inay na nahanap na kita", nakipagkamay ako bago tuluyang tumayo upang gumayak sa aking pag uwi.
"Oo nga pala...", bumaling ako sa kanya.
"Nahanap mo na ba si Karlos?", kunot-noo lamang ang naisagot ko.
"Si Karlos kapatid ni Father Kule. Pwede ka niyang tulungan", wala sa aking nabanggit si Inay na may kapatid si Father Kule.
Ang alam ko lang patungkol sa kanya ay wala na siyang mga magulang. Hindi rin naman ako nagtanong sa kanya noon kung may iba pa siyang kamag-anak bukod sa kanyang mga magulang. Abalang tao si Father Kule. Bukod sa abala siya sa kapilya at paglilingkod sa Diyos. Abala din siya sa pagtulong sa mga taong nangangailangan.
Kilala siya sa buong bayan ng El Preve dahil sa bait niyang taglay. Pero kahit anong bait ng isang tao ay may nagbalak pa rin sa kanyang saktan siya.
"Hanapin mo siya. Marami ka pang hindi nalalaman. Saglit lang iho", mabilis siyang pumunta sa kanyang kwarto. Pinagmamasdan ko siyang maghanap ng kung anong bagay sa pamamagitan ng pagsiwang ng pinto.
Lakad takbo ang ginawa niya hanggang sa makalapit sa akin.
"Ito si Karlos", pinagmasdan ko ang hawak niyang larawan. Kuha ito sa loob ng kapilya. Siya ay nakaakbay kay Father Kule.
"Bunsong kapatid siya ni Father. Hanapin mo siya at sabihin mong kilala mo ako", tumango ako sa sinabi niya.
"Opo. Wag kayong mag aalala. Mag iingat po kayo"
Habang nasa loob ng tricycle ay tinitigan ko ang larawang binigay niya. Mukhang pamilyar itong Karlos. Alam kong nakita ko na siya noon pa. Ang ngiti niyang ito na may malalim na puyo sa pisngi. Hindi ko makakalimutan ang ngiting iyon. "Dito na lang po", pagkasabi ko ay sabay kong inabot ang aking bayad.
Nahagip agad ng mga mata ko ang isang babaeng katulad ng aking uniporme. Nakaupo siya sa aming terasa habang hawak ang isang tasa. Maingat niyang binaba iyon ng makita ako.
"Mara, anong ginagawa mo dito?", agad kong tanong ng makatuntong ako kung nasaan siya.
"Nalimutan mo kasi itong gamit mo", tinukoy niya ang lesson plan ko kasama ang iba pang importanteng papel.
"Ito ang suman, Mara", alok sa kanya ng aking Ina.
"O, Cade. Mabuti at nandito ka na. Kanina ka pa niya iniintay", pagbaling ni Inay sa akin.
Nakasunod naman ako sa kanya. Nilagay ko sa mangkok ang ulam kong dala. Si Cazue naman ay pinatay apoy ng sinaing niyang niluto.
Bumalik siya sa kwarto at nandon si Dero na naghihintay sa kanya. Nakadapa ang bunso kong kapatid habang nagsusulat.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Binaba ko naman ang bag ko sa isa sa mga upuan sa kusina. Bumalik ako kung nasaan si Mara at saka dumistansya ng pagkakaupo sa kanya.
Luminga ako sandali kila Abel baka nandon si Letty. Ayokong magselos si Piper dahil sa simpleng bagay. Baka makarating ito sa kanya. Mahirap na hindi ko siya malalambing kapag wala siya sa tabi ko. "Salamat, Mara. Pero hinayaan mo na lang dapat ang mga gamit ko doon. Hindi naman ito mawawala"
Pinasok ko ang mga iyon sa aking kwarto.
Si Inay naman ay pakanta-kanta habang nagwawalis ng sala.
"Anak bagay kayo ni Mara", lito ako sa sinabi niya.
"Inay alam mong si Piper ang gusto ko. Hindi ba't sabi mo ay dapat akong mapalapit sa kanya", napatigil siya sa kanyang ginagawa.
"Hindi kayo pwede anak. Alam mo yan. Hindi ko sinabing mahulog ang loob mo sa kanya. Ang sinabi ko lang ay mapalapit ka pero hindi kagaya ng kagustuhan mo. Iyan si Mara ang mas nakakabuti para sayo" Minabuti niyang itinuloy ang kanyang ginagawa.
Ako naman ay lumabas na lang at pinagpatuloy ang pakikipag usap kay Mara. Kailangan niya ng umalis kundi patay ako.
"Cade gusto mo bang mamasyal sa nalalapit na perya?", malapit na ang pyesta dito sa amin kaya sa isang linggo ay gayak na ang perya.
Gusto kong mamasyal doon pero iba ang gusto kong makasama.
"Meron na kong kasama. Ang mabuti pa Mara ay umuwi ka na. Sasamahan kitang maghintay ng tricycle", sa pag hawak ng braso niya ay pahila ko siyang tinayo.
"Cade, hindi kayo bagay. Tayo ang mas bagay. Sa hilatsa palang ng mukha ng babaeng iyon hindi niya kakayanin ang simpleng buhay"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Sinabutan ko ang aking sarili dahil sa pagkainis sa kanya. Lumapit siya sa akin saka hinaplos ang pisngi ko.
"Cade, she's different. Magkaiba kayo. Sobrang magkaiba. Tayo ang magkatulad", ang mga daliri niya ay unti-unting naging mapang akit ang haplos.
"Kaya nga gusto ko siya. Gusto ko siya dahil naiiba siya. Magkaiba kayo", inalis ko ang kamay niya saka siya hinila palabas.
"Kailangan mo ng umuwi", pumiglas siya sa paghawak ko sa kanya.
"Susukuan ka niya, Cade. Hindi niya kayang talikuran ang lahat para sayo. Your love is forbidden. Hindi kayo pwedeng magsama", matapang niyang sinabi. Naramdaman ko ang bahagyang pagkislot ng dibdib ko. Para bang nagsikip ang paghinga ko.
"Hindi niya ko susukuan. Hindi niya rin kailangang talikuran ang lahat para sa akin. Susuportahan ko siya sa gusto niya dahil don siya sasaya"
Tinitigan kong mabuti ang mga mata niyang may pagbabadya ng luha. Kinagat nito ang ibaba niyang labi.
"Nandito lang ako kung sakaling itaboy ka niya. I'll make sure that she'll do that", sabi nito bago tuluyang pumara ng tricycle.
Napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan siyang makalayo.
Hinawakan ko ang dibdib ko.
"Huminahon ka, Cade. Hindi ka niya susukuan"
Huminga ako ng malalim at pabalik na sana ako sa loob ng magsalita ang kabute kong kaibigan.
"Ano yan, pre? Nababaliw ka na?"
Sinuntok ko siya ng mahina sa braso.
"Gago. Hindi. Igaya mo pa ko sayo", humalakhaka si Abel sa sinabi ko.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report