Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 38: Mata lang ang walang latay
"Hoy. Ikaw...", hindi ko alam kung sinong tinutukoy ni Mang Gracio kaya't nagkatinginan kami ni Mang Imben.
Kasalukuyan kaming nagsasaka ngayong araw. Araw ng sabado ngayon at walang pasok kaya't ako muna ang humalili kay Inay kasama si Cazue.
"Ano pang ginagawa mo! Bilisan mo!", agad niyang hinawakan ang dulo ng damit ko. Saka hinala ako sa aking kinatatayuan muntik pa kong mawalan ng balanse dahil sa ginawa niya.
Si Cazue naman ay pigil ang inis ng mapatigil siya dahil sa ginawang iyon ni Mang Gracio. Ngumiti naman ako sa kanya para malaman niyang ayos lang ako.
"Mang Imben kayo ng bahala kay Cazue. Babalik din ako", paalam ko sa matanda bago kami lumayo ni Mang Gracio.
May maliit na rest house ang mga Roshan malapit sa palayan. Natanaw ko ang pamilyar na postura. Ang mamahaling saklob na panlalaki ang siyang nangingibaw. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga tauhan. Tinulak akong palapit ni Mang Gracio sa kanya.
"Maiwan ko na kayo, Senyorito Arrow", nagbigay pugay siya sa lalaki bago tuluyang umalis.
Nag iwan ng kakaibang pag awang ang ngiti niyang kumurba kay Arrow.
Unti-unti naman siyang lumapit sa akin maging ang mga tauhan niyang parang tuta niyang nasa likod.
"Kumusta?", natatawa nitong sambit matapos tapakan ang upos ng sigarilyo.
Hindi ako umimik sa tanong nito. Nakatingin lamang ako sa kanya tinatantya ang gusto niyang sabihin.
"Dati ka pa. Ang taas ng ambisyon mo", seryoso nitong sabi. Ang mga mata niya'y kakaiba kumpara kanina.
Ang kaninang tupa ay parang naging leon sa ilan lamang segundo.
Naalala ko kung paano siyang nagalit noon sa akin dahil sa nalaman niyang may paghanga ako kay Piper. Pero tinigilan niya rin nama ako ng malamang hindi ako gusto ng dalaga.
"Mataas talaga si Piper", pamimilosopo ko. Ngumisi ako at ang isang tauhan niya ay gayak akong susuntukin pero pinigilan niya iyon.
"Hinay ka lang bata. Mamaya ay ipapaubaya ko rin siya sa inyo", sabi nito sa isang iyon.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga tauhan niya. Hindi ko sila makilala siguro ay dayo lang sila sa lugar na ito.
"Ngayon palang binabantaan na kita. Layuan mo si Piper ng wala ng dumanak na dugo"
Nakapamulsang ngumisi ako sa kanya. Mas lalo siyang nainis sa ginawa ko kaya't natuwa ako sa reaksyon niya.
"Hindi ko siya lalayuan. Ikaw ang lumayo bago ako mawalan ng respeto sayo", pagmamatigas ko.
Nagkasubukan kami ng tingin. Tinatantya ang pasensya ng isa't-isa.
"Mayabang ka na ah?"
Walang anu-ano'y sinuntok niya ko. Ang mga tauhan niya ay tinawanan ako. Mayabang ang kanilang postura porket madami sila. Kung nandito sina Abel at Lecio. Yari silang lahat.
Dinura ko ang dugo na dulot ng suntok niya. Tumindig ako ng matayog. Tatanggapin ko ang pisikal niyang pananakit. Yun lang naman ang kaya niyang gawin.
Kahit ilang beses niya kong saktan ay hindi mababago ang nararamdaman ni Piper. Awa ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Lahat kinuha mo. Si Mara! Ngayon si Piper naman! Anong meron sayong lalaki ka!?", sinuntok niya kong muli pero ngayon ay mas malakas na iyon.
Sa sikmura tumama kaya hindi ko naiwasang mapaluhod. Tinayo ako ng dalawang tauhan niya saka inalalayan sa pagtayo. Hinawakan ang magkaibang braso ko. Hindi ako pumiglas dahil wala din naman akong magagawa. Matatapos din ako. Titiisin ko na lang ang sakit.
"Makuntento ka sa kung anong meron ka. Wag mo kaming gambalain ni Piper. Kahit patayin mo ko hindi ka niya mamahalin", at humalakhak ako.
May minuwestra siya sa mga iyon. Tumango ang isa saka sandaling pumasok sa loob ng bahay.
"Hindi muna kita papatayin, Cade. Gusto kong maramdaman mo ang paghihirap ng Tatay mong mahina", lumapit siya saka hinawakan ng mariin ang baba ko.
Ang galit kong pahibas na dahil sa nangyari kay Itay ay muli niyang binuhay. Pinilit kong makawala sa pagkakahawak sa akin pero hindi ko nagawa. Pinilit kong maabot siya sa pamamagitan ng pag sipa pero hindi iyon naging sapat. Tawanan nila ang umugo sa aking tenga. Naramdaman ko ang sakit ng nakaraan na nilimot ko na.
"Putangina mo!", singhal ko sa kanya na halos mawaglit ang litid ng aking leeg.
"Kumalma ka, Cade. Gusto mo bang malaman kung sinong pumatay sa kanya?", mapanukso ang mga nitong may ibang pinapahiwatig. Ang tono ng pananalita niya ay mas lalong pinagsilakbo ang aking nararamdaman. "Alam ko kung sino, Cade. Alam ko!", humalakhak silang lahat sa sinabi ni Arrow. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon. Naging maluwag ang pagkakahawak sa akin kaya nakabwelo ako ng suntok sa kanyang mukha. Napaupo siya sa ginawa ko at hindi lang iyon. Nakailang ganti pa ko bago tuluyang maawat. Putok ang labi nito dahil sa ginawa ko.
"Matapang ka na ngayon. Kumpara dati hindi ka nalaban", pinagpag niya ang dumi sa kanyang itim na pantalon.
"Binabalaan kita Cade. Ang katulad mong magsasaka ay hindi bagay sa kanya. Magiging katulad ka lang ng tatay mo! Kahit anong gawin mong paghanap ng hustisya sa kanya ay hindi mo magagawa! Pera at kapangyarihan ang katapat ng katotohanan"
Nanghina ang katawan ko sa sinabi niya. Pero hindi ko iyon pinakita dahil alam kong matutuwa siya kapag nakita niyang apektado ako.
"Lumaban ka ng patas. Lumaban kayo ng patas! Ang hirap sa mayayaman hindi kayang lumaban ng patas dahil sila ang totoong mahihina" Naramdaman ko na lang ang pagguhit ng latigo sa aking likod. Kasabay nito ang pagbagsak ko sa lupang kinatatayuan.
"Tignan natin kung hanggang saan yang katapangan mo magiting na magsasaka"
Tumalikod siya saka nagsindi ng sigarilyo. Binigay niya sa isa sa mga tauhan niya ang latigong hawak.
Isa-isa silang nilatigo ako at walang habas na pinagsusuntok. Nawala siya sa paningin ko ng dahil sa dugong dumanak mula sa aking ulo. Wala na kong maramdamang sakit saka tuluyan na kong nawalan ng malay.
"Pre!", boses iyon ni Abel.
"Pre! Hoy! Potek naman!", inalog niya ang katawan ko kaya't nagising ako.
Unti-unti akong bumangon. Dahan-dahan lang ang ginawa ko pero ramdam ko ang sakit ng katawan ko lalo na ang nasa bandang likod.
"Anong nangyari sayo!? Kundi ka pa hanapin ni Cazue ay baka pinaglalamayan ka na ngayon"
"Gago", pinilit ko siyang inabot para sipain pero hindi ko nagawa dahil masakit ang buong pangangatwan ko.
"Anak! Mabuti at gising ka na!", sabi ni Inay na humangos mula sa pintuan. May dala siyang palanggana at bimpo. Pinatong niya iyon sa lamesita.
Nilublob niya ang bimpo sa maligamgam na tubig saka pinahid sa katawan ko.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Anak anong nangyari sayo? Ang sabi ni Cazue ay nakita ka niya sa may palayan nakahandusay", bakas sa kanyang mukha ang pag alala. Halos magtubig ang mga mata nito habang dahan-dahan akong pinupunasan. "Wala ito, Nay. Napaaway lang", tumigil si Inay sa kanyang ginagawa.
Pabagsak niyang binaba ang bimpo.
"Hindi ako naniniwala Cade. Anong ginawa ni Gracio sayo?"
Ilang beses akong kinulit ni Inay tungkol sa nangyari pero nanatiling tikom ang aking bibig. Wala akong dapat sabihin sa kanya. Ayoko siyang mag alala. Ngayon ay si Abel na lamang ang naiwan sa tabi ko. Wala din tao sa kanila kundi siya lang dahil bumalik na ulit si Letty sa mansyon para asikasuhin si Piper. Madalas ay dito natutulog si Abel kapag wala siyang kasama sa kanila. Hindi man halata sa kanya pero matatakutin ang isang ito.
"Mag isip ka na ng magandang dahilan kay Piper mamaya lang ay darating na ang isang iyon"
Nagulat ako sa sinabi niya kaya't pinilit kong tumayo upang mag ayos. Masakit man ang katawan ay hindi ko ininda iyon.
"Maliwanag naman ang sinabi ko, Pre. Wag mong sabihin kay Piper", sabi ko sa repleksyon niya sa salamin.
"Hindi ako", maikling sinabi nito.
Si Dero na bitbit ang lugaw ay nakangiting pilit sa akin.
"Ako, Kuya. Hehe!", inabot niya sa akin ang lugaw. Tinignan ko siya ng masama.
"Eh! Ano... kasi... Ang kulit ni Ate Piper. Sinabi ng natutulog ka tapos ayon nasabi ko!", pakamot-kamot siya sa kanyang ulo habang nagpaliwanag. "Gusto mo bang sabihin ko ako ang bumugbog sayo?", suhestiyon ni Abel.
"Hindi yon maniniwala. Mas mukha ka pang lambutin kaysa sa akin", sabi ko habang nagsusuklay.
"Kung nandon lang sana ko ay hindi yan mangyayari sayo. Mata lang ang walang latay sa Arrow na yon", pag mamayabang niya.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report