Esta Guerra (Tagalog Version)
Chapter 58:Layuan

Madaling araw ay gumising ako kahit puyat dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko alam kung saan ako pumunta ng matapos mangyari iyon. Masyado akong nagpakalunod sa alak kaya wala akong maalala.

Nauna pa pagbangon kaysa sa tilaok ng manok. Binuksan ko ang bintana upang pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Ramdam ang na kapaskuhan kahit dalawang linggo palang nagsisimula ang ber months. "Magandang umaga, Senyorita", si Manang Evy na kagigising lang din. Galing siya sa comfort room ng kusina.

Kasalukuyan akong nagtitimpla ng tsa'a habang nakaupo sa may counter. Grounded ako ng huli kong buwan dito sa El Preve. Hindi ako pwedeng lumabas maliban na lang kung payagan nila ako pero mukhang malabo iyon. "Magandang umaga din po, Manang Evy", tamlay kong bati.

Bumilis ang oras at inubos ko iyon sa pakikipag usap kay Cade sa video call habang hindi pa nauwi sila Mama.

Tumatawa ako habang nakikipag usap sa kanya. Marami siyang kinuwento tungkol sa maghapon niyang ginawa. Nabanggit niyang dinalaw siya ni Siege. Hindi ko akalain na ang batang iyon ay malapit sa kanya.

"Mamaya na lang ulit. May pupuntahan lang kami ni Inay", sabi nito saka pinatay ang tawag ng ngumiti ako.

Binanggit niyang pupunta sila sa bayan ng Gurabo pero hindi niya naman sinabi kung ano ang dahilan. Naalala kong may matandang lumapit sa akin doon para humingi ng pang bili ng pagkain. Nagtaka ako dahil nakilala niya ko kahit na may taklob ang mukha ko.

Pumunta ako sa balkonahe inabot pala kami ng pag uusap ni Cade hanggang hapon. Sandali akong nag half bath saka tinanaw ang mga tauhan ng pamilya namin. Wala talaga kong takas. Parehas na may bantay ang gate sa harap at likod ng bahay.

Birthday ngayon ni Mang Ben pero napagpasyahan niyang hindi mag day off. Kaya naman nakaisip ako ng magandang plano.

Halos madapa ko dahil sa mabilis kong pagpulas para salubungin ang deliver ng pagkain. Tinulungan naman ako ni Letty sa dalahin ng pagkain pati ang family chef namin ay taka dahil sa pag order ko pero sa huli ay hindi naman siya tumututol.

Nagbake naman siya ng cake tulad ng sinabi ko.

"Kain po kayo!", tawag ko sa guards sa labas. Pero parang wala silang naririnig.

Dumating ang ilang case ng alak na pinasok ko sa loob.

"Konting inom lang tayo! Pang pa-relax ho!", iinom naman ako kasama sila at iyon ang plano.

"Happy Birthday! Happy Birthday to you!", sabay-sabay naming kanta ng hinipan ni Mang Ben ang cake nito.

Ang matandang lalaki ay hinalikan ang asawa nito sa pisngi. Nagkantyawan pa kami dahil dito.

"Kain na po tayo! Mag iinom na!", una akong tumagay dahil nagdadalawanh isip pa ang mga ito.

Hindi naman siguro magagalit sila Mama at Papa dahil sa pagdiriwang na ito. Saka baka gabihin sila at hindi rin maabutan ang kasiyahing ito.

Nang lumalim ang tumagal ang inuman ay sakto naman ang pagtext sa akin ni Cade.

Umakyat siya sa gate ng likod bahay at doon ko siya sinalubong. Ang hagikhikan ng mga nasa loob ay rinig sa pool area.

"Happy Monthsary", hindi ko naalala na ngayon pala iyon kaya nahiya pa kong tanggapin ang lumang kahon.

Hinawakan ko ang kamay niya at pumunta kami sa kubo. Bubuksan ko sana ang binigay niya pero pinigilan niya ko.

"Wala akong regalo. Sorry hindi ko naalala", kinagat ko ang ibaba kong labi.

Natatawa siyang tinignan ako saka dampi na hinalikan ang aking labi.

"Masyado kang problemado sa mga bagay. Hindi naman siguro mahalaga na maalala mo basta mahal ko yun naman ang mas matimbang" Nilabas niya ang cellphone at nag browse.

"Pwede ba kitang isayaw?", nilahad niya ang sariling kamay.

Namula ako dahil doon. Ito na naman ang kung anong nararamdaman ko. Halos tumalon sa tuwa ang puso ko. Daig ko pa ang isang prinsesa. Tinanggap ko ang kamay niya kasabay ng paghawak nito sa aking bewang.

Kung tayo ay matanda na

Sana'y di tayo magbago

Kailan man

Nasaan ma'y ito ang pangarap ko

Sinasabayan niya ng pagkanta ang bawat pagsaliw namin sa tugtog. Ang mga paa namin ay parang may sariling isip dahil sa pag indayo nito.

Makuha mo pa kayang

Ako'y hagkan at yakapin, ooh

Hanggang pagtanda natin

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Nagtatanong lang sa iyo

Ako pa kaya'y ibigin mo

Kung maputi na ang buhok ko?

Tumingin sandali ang mga mata niyang unang bumihag sa akin. Dinantay niya ang ulo ko sa kanyang dibdib. Sana ay hindi na magwakas itong sandali na dapat sana hindi isang nakaw. Dapat sana ay amin ito na walang humahadlang. Pagdating ng araw

Ang 'yong buhok

Ay puputi na rin

Sabay tayong mangangarap

Ng nakaraan sa 'tin

Hinalikan niya ko sa noo saka sa labi.

"Masyado yatang maganda ang eksena dito?", bumitiw ako sa pagkakahawak kay Cade. Si Mama iyon na may hawak ng pamaypay. Nakataas ang isa niyang kilay habang matapang na nakatingin sa kamay ni Cade na nakahawak sa akin. "Pasensya na po---", pinutol ni Papa ang nais na sabihin ni Cade.

"Walang pase-pasensya! Masyadong makapal ang mukha mo at pati dito sa bahay ko ay tumapak ka!"

Ang mga kasambahay namin ay nakiusisera habang mga guards naman ay mahigpit na hinawakan si Cade.

"Sumunod ka sa akin, Perouzé!", aniya Mama sa mataas na tono ng boses nito.

Maagap akong sumunod habang nakatungo ang mga kasambahay ng dumaan kami sa pwesto kung nasaan sila.

"Lalayuan mo si Cade dahil wala kang magagawa at kung hindi---", hindi ko napigilan ang sarili ko.

"At kung hindi ano, Ma? Tayo ang may atraso sa kanila! Sila ang ninakawan! Tayo ang nagnakaw!"

Naramdaman ko ang sakit ng dumampi ang palad niya sa aking pisngi. Hinawakan ko iyon at pinipigilan ang luhang nagbabadya na tumulo.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Mamatay si Cade o lalayuan mo siya? Wala silang magagawa anak. Alam mo yan. Mamatay sila sa kahibangan nila. Akala mo ba hindi ko alam ang pinag gagawa ng isang iyan? Baka nag e-espiya lang siya dito para kumalap ng ebidensya!" Kumulo ang dugo ko sa sinabi nito.

"Tunay ngang magnanakaw kayo. Pero wag niyo siyang gagalawin. Gagawin ko ang gusto niyo pero sa oras na malaman kong may hindi magandang nangyari sa kanya. Kalimutan niyong anak niyo ko!", matapang kong sabi. Padabog sinara ang pinto habang si Papa naman ay bagong dating tila walang alam sa nangyari dahil sa ekspresyon ng mga mata nito.

Agad niyang nilapitan si Mama na hinihimas ang sentido.

"Manang-mana siya sa pinag manahan niya", aniya Mama na problemado saka niyakap si Papa.

"Wala tayong magagawa doon, Leonora. Parehas sila ng kapatid mo"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

Si Letty naman ay sinalubong ako na naghihintay sa pintuan ng kwarto ko.

"Pasensya ka na. Hindi kita nasabihan agad. Nagmadali kasi si Donya Leonora", nilalaro niya ang kamay nito habang hindi sa akin makatingin ng diretso.

"Ano ka ba? Ayos lang yon. Saka tumingin ka sa akin ng diretso wala kang kasalanan. Sige na, Letty. Bumalik ka na sa baba. Magpapahinga lang ako"

Tamad kong sinarado ang pinto at sandali palang ang upo ko ay may kumatok. Si Papa iyon na hindi na inintay ang permiso kong pumasok siya. "Uuwi ka na ng Laguna matapos ang ilang araw. Ihahatid ka ni Arrow kasama si Mang Ben"

Hindi naman ako umimik habang nakatayo ang pinagmamasdan ang buong palayan.

"Ang cellphone mo", nagdadalawang isip akong ibigay iyon.

"Hindi na kailangan, Papa. Ako ng bahala sa lahat. Kung gusto niyong hindi ko kausapin si Cade ay pagbibigyan ko kayo. Lahat ng paglayo gagawin ko"

Namuo ang bigik sa lalamunan ko at pinipigilan ang sarili kong damdamin. Nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa aking binitiwan na mga salita. "Magpahinga ka na", ani nito.

Pagpihit niya ng seradura ay napaupo ako. Ang panlalambot ng tuhod ko ay hindi ko napigilan. Humagulgol ako ng makitang tinatawagan ako ni Cade. Nanginginig akong pinatay ang tawag. Buong gabi ay inubos ko iyon sa pag iyak hanggang sa makatulog ako.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report