Esta Guerra (Tagalog Version)
Chapter 59: Welcome Home

"Letty, bakit mo sinabi kay Cade!", hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.

Ngayong araw ang pag alis ko sa El Preve. Nag komento si Cade sa Instagram update ko ngayong araw.

Aalis ka na pala...

Walang nakapansin ng kumento niya kundi ako lang. Parang normal iyon dahil sa mga fans kong nag comment din sa picture.

"Hindi ko naman sinabi. Narinig niya iyon. Nag usap kami ni Kuya", paliwanag nito habang tinutulungan akong ibaba ang mga bagahe ko.

Wala akong balak ipaalam kay Cade dahil isa iyon sa napag usapan namin ng aking mga magulang. Hindi ko alam kung parusa ang gusto nilang gawin sa akin.

Naputol ang usapan namin ni Letty ng mauna akong maglakad sa kanya. Nandoon si Mama na naghihintay kasama sina Papa, Arrow, at Mang Ben.

"Good luck to your project. Mag ingat ka", sabi ni Mama ng hinalikan ako nito sa pisngi.

"Thank you, Ma. I'll do better", saka niyakap siya.

"Clear your mind, Anak", si Papa iyon na niyakap din ako. Alam ko naman ang gusto niyang patungkulan.

"Piper!", lahat ay napatingin sa lalaking naka long sleeves at pantalon. Pawisan ang mukha niya habang naghahabol hininga.

Tiniis kong hindi siya titigan kaya minabuti kong ilagay ang gamit sa sasakyan.

"Piper, kausapin mo naman ako", ang mga mata niya ay nagmamakaawa. Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi magpatapon ng kahit sandaling pagtingin sa kanya.

Tinitigan nila akong lahat para bang sinusukat ang bawat kilos ko. Humakbang ako papalapit sa kanya.

"Cade, umalis ka na", pero imbis na sundin niya ang sinabi ko ay niyakap ako nito.

Tinitanya ko ang aking sarili."We're done, Cade. We're done"

Hindi ko akalain na nabitawan ko iyon. Halos madurog ang puso ko pero alam kong sa huli siya rin naman ang pupulot nito para mabuo. Sa ngayon ay hindi na muna ito sa amin.

"Hindi ako naniniwala. Marami tayong pinangako para sa ating dalawa? Makakaya natin ito", hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Ayaw ng anak ko sayo kaya pwede ba umalis ka na", aniya Mama ng tinulak nito si Cade.

"Iho, para sa ikakabuti na lang lahat. Patahimikin mo na ang anak ko"

Ang mga mata niya ay nakatitig sa akin ang sakit ng nararamdaman niya ay nararamdaman ko. Kinakalma ko sarili habang abot ang aking paghinga. May mga sugat at pasa siya sa kanyang mukha. Binaybay ko rin ang braso niya may mga galos iyon.

Ano naman kayang nangyari sa kanya?

Halos isang buwan kaming hindi nag usap. Binalewala ko ang mga phone calls niya at text hanggang sa i-block ko siya ng tuluyan. Sa panahon na hindi kami nag uusap ay si Arrow ang kasama ko.

"Ganyan ang ngiti ng anak ko pag kasama ka, Arrow"

Madalas iyon sabihin ni Mama kapag napunta si Arrow upang surpresahin ako. Ganito nga ang ngiti ko. Ngiting mababaw ang saya at hindi kasing lalim kapag kasama ko si Cade.

"Hindi pa rin mabubura na anak namin Piper kahit sa papel lamang iyon! Isa ka sa amin! Isa ka sa mga Roshan! Isa kang magnanakaw at mamatay tao!"

Isa iyon sa pinakamasakit na sinabi ni Papa ng isang beses niyang maabutan na nag aaway kami ni Mama. Masakit man aminin pero isa nga ako sa kanila.

Isang beses na pinayagan akong lumabas ni Mama ay nakita ko kung paano tratuhin ni Papa ang mga trabahor. Parang hindi siya ang kilala kong tatay. Sinasaktan niya ang mga iyon kapag hindi niya gusto ang trabaho.

Madaming nangyari sa panahon na hindi namin pag uusap ni Cade. Madalas kong mahimigan ang paghihimutok ni Mama sa opisina ni Papa. Nalaman nilang kumakalap ng ebidensya si Cade para maipagsawalang bahala ang pag mamay-ari nila sa lupa.

Kasunod din nito ang madalas na pagpunta ni Atty. Tecson. Nanahimik lang ako sa tabi habang bulgaran ang katiwalain nila. Ilang beses na nag protestang mga magsasaka tungkol sa kanilang sinasahod. Sino ba namang matutuwa sa limampung pisong sahod kada linggo?

Nalaman ko din na ang proyekto ni Papa na kalsada sa El Preve ay may bayad sa kanya ang mga motoristang dumadaan doon.

Bulgaran kong nalaman ang ganoong bagay at naintindihan ng harapan ang mga ginagawa nila. Hindi na hiya kilos nila dahil alam ko na ang lahat. May ilan pa rin naman na hindi nila pinag uusapan sa harap ng hapag pero sapat na iyon para malaman ko kung sino ba talaga sila.

Sa pag uutos sa akin ni Mama na kunin ang mga papeles sa opisina minsan kong nakita ang listahan ng mga taong pinapatay nila pati na rin ang lihim nilang transaksyon. Mga pa-sobrang pera para sa mga proyektong ginawa at ang ilan ay nakabinbin pa.

Inalalayan ako ni Papa na sumakay.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Piper! Maghihintay ako! Kilala kita, Piper. Kita sa mga mata mong nasasaktan ka!", huling sambit ni Cade bago ko tuluyan isara ang pinto ng sasakyan. Si Arrow ay lumipat sa tabi ko na kaninang nasa passenger's seat.

"Mang Ben, alis na po tayo", kahit si Mang Ben ay malungkot din ang mukha. Wala akong magawa kundi titigan si Cade sa rear view ng sasakyan.

Unti-unting pinatong ni Arrow ang ulo ko sa kanyang balikat. Namalayan ko na lang na naglandas ang luha ko. Nakaramdam siguro siya na ayoko ng kahit anong salita na manggagaling sa kanya kaya buong biyahe ay tahimik siya. Ilang araw na mamalagi si Arrow kasama ako dahil gusto niyang makilala si Latrelle sa personal. Iba kasi ang nararamdaman nito sa lalaking iyon.

Ang binili kong pasalubong para kila Pixie at Aria ay tinabi ko sa refrigerator parehas iyon na pagkain katulad ng gusto ng kaibigan ko.

"Welcome Home!", tuwang-tuwa si Aria ng binuksan ko ang pinto. May spare key siya ng bahay ko kaya kahit anong oras ay pwede siyang makapasok. Binaba niya ang lalagyan ng confetti na kanyang pinasabog kasama niya si Pixie na may hawak na cake.

"Nag abala pa kayo", pagod kong sambit.

"Ano ka ba!? Minsan lang kaya ito. Pasama sa taping mo. Kailan ba yon!? Gusto kong makita si Fafa Latrelle!", para siyang kinikiliti sa singit habang kinukulit ako.

"Next week pa ang taping ng alaga ko.  Nako! Sobrang hectic ng schedule mo! Ikaw kasi eh!", si Pixie iyon na inaayos ang buhok.

"Nga pala, si Arrow na ba to'?!", para bang specimen na sinuri ni Aria ang lalaking nasa likuran ko.

"Oo nga! Ang gwapo ni Engr. Vitale ah!", bati nito sabay hampas sa braso.

"Thank you. You're still jolly", tumatawang sambit ni Arrow. Bigla kong naalala ang tawa ni Cade. May kumuhit na kung ano sa puso ko.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report