Finding Mommy -
Chapter 10 Sundo
Pagkauwi ko ay dumerecho na ako sa karenderya ni Nanay Perla para makapagpaalam. Kailangan ko din pakiusapan siya kung maaaring ituloy ko Ang pagrerent sa kuarto kahit Wala Ako Dito Kasi sayang din Ang mga gamit ko at panigurado na Rin na may babalikan Ako kung sakaling Hindi ako makatiis o matanggal Ako agad sa trabaho. Bumungad agad SA akin Ang nakangiting Mukha ni Nay Perla pagkapasok ko.
"O shey, nandito ka na Pala. Bat ka ba nagmamadali kanina?"
"Late na Po kasi ako sa job interview ko Nay kaya nagmamadali Ako kanina. Kaso diko pa rin naabutan. Pero nakakuha Naman Po ako ng trabaho sa iba Nay kaya Ngayon lang ako nakauwi." Pagkukwento ko
"Mabuti Naman anak. Nakahanap ka rin sa wakas. Yan talaga Ang ipinagkaloob Sayo Ng Panginoon. Kailan ka daw magumpisa?" masayang Saad ni Nanay
"Bukas na Po agad Nay. Kaya Po magpapaalam Po ako sa inyo. Stay-in Po Kasi Ang trabaho ko nay. Kung maari Po ituloy ko pa Rin Ang Renta ko sa kuarto kahit Wala Po ako" Malungkot Kong Sabi. Batid ko Rin sa mga mata Niya Ang kalungkutan. Pero alam Kong Masaya siya sa pagkaroon ko Ng trabaho.
"Oo Naman nak. Pwede ka magstay kahit kailan mo gusto. Lilinisan ko nalang yang kuarto mo palagi habang wala ka." Nakangiti niyang Sabi
"Salamat Po Nay. Ang swerte ko talaga na nakilala ko Po kayo." Madamdamin Kong Saad sa kanya sabay yakap.
"Ikaw na bata ka. Nagdrama ka pa. Dadalawin mo Naman kami dito diba?" sabay Palo sa braso ko. Mahina lang Naman. At niyakap na Rin ako "Opo naman Nay. Dadalaw Po ako pag nagkaroon Po ako Ng day off." Humiwalay Ako Ng yakap at nginitian ito.
"Mag iingat ka doon ha. Tawagan mo ako pag may problema ka."
Kahit nangungulila ako sa pamilya ko ay napupunan Naman iyon Ng mga taong may malasakit at itinuring akong kapamilya katulad ni Nay Perla.
"Opo Nay. Di na Po ako magtatagal nay Kasi mag iimpake pa po ako ng mga gamit na dadalhin ko bukas" paalam ko sa kanya.
If
you are not reading this book from the website: FindNovel.net then you are reading a pirated version with incomplete content. Please visit FindNovel.net and search the book title to read the entire book for free Habang nag iimpake ay tumunog Naman Ang cellphone ko. Si ems.
"Hello bhest" excited na sagot ko
"Parang Masaya ka ah. Anong Meron?"
"May trabaho na ako bhest" tili ko
"Wow. Talaga? So saan tayo magcecelebrate?" excited Niya ring Tanong
"Saka na Tayo magcelebrate pag nakatanggap na Ako Ng sahod. Baka mausog pa eh." Tatawa tawa Kong sagot
"Ang kuripot mo talaga. So kailan ka magsisimula?
"Bukas na. Heto nga at nag iimpake na ako ng mga gamit."
"Wait. Impake? Bakit mag aabroad ka ba?" takang tanong niya
"Ano ka ba, pag aabroad lang ba ang pwede mag impake?" pabalang Kong sagot sa kanya
"Eh bakit ka nga nag iimpake?"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Stay-in Kasi Ang trabaho ko"
"Stay-in? Anong klase ba yang trabaho mo?"
"Yaya" tipid Kong sagot
"What? Yaya? As in tagabantay Ng Bata?" bulyaw nito.
"Yup" tamad Kong sagot
"Nahihibang ka na ba Shey? Alam ko Namang matindi Ang pangangailangan mong magkatrabaho pero bakit Naman pati pagiging Yaya pinatos mo ha. Marami Naman dyang trabaho na angkop sa pinag aralan mo" pangaral pa niya "Relax ok? Tutubuan ka ng tigyawat Nyan sige ka❞ panakot ko sa kanya. Hate na hate Kasi Niya Ang magkaroon ng tigyawat.
"At nakuha mo pa talagang magbiro ha." Nahihimigan ko pang may tampo Ang boses niya
"Wag ka na magtampo bhest. Ipapaliwag ko Sayo detalyado. Pero Bago yon, pwede ba ako Dyan matulog ngayong Gabi? Yang address mo kasi Ang nilagay ko dun sa resume ko. Kaya malamang Dyan ako susunduin bukas." Paliwanag ko. Magkasama Kasi kami ni Ems sa apartment noon pero nong nagkaroon Siya Ng boyfriend humiwalay na Ako para Meron Silang privacy. Kaso Hindi ko nabago Ang nilagay Kong address sa resume ko.
"Oo Naman. Mabuti pa nga na pumunta ka dito para maipaliwang mong mabuti sa akin, Bruha ka. Tamang Tama Wala si Ron, umuwi sa kanila." Tukoy niya sa boyfriend Niya.
Thank you bhest. Tapusin ko lang itong pag iimpake ko then aalis na Ako. Dyan na ako maghahapunan ha. Bye" Hindi ko na hinintay Ang sagot niya ay binaba ko na at pinagpatuloy Ang pag iimpake.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Pagkadating ko sa apartment ni Ems ay nakahanda na agad Ang hapunan. Kumain agad kami dahil nagutom ako sa ginawa ko kanina. Matapos naming kumain ay pumunta na kami sa Sala para makapagkwentuhan. Girls scout talaga itong kaibigan ko dahil nakaready na Ang beer in can at mga chichiria.
"Wow. Di ka Naman handa noh❞ natatawa Kong Saad.
"Hindi Naman masyado. So ano na? Umpisahan mo na" atat niyang Sabi. Kahit kailan talaga tong kaibigan ko may pagka Maritess.
So ayon na nga. Kinuwento ko sa kanya Ang nangyari sa akin kanina Hanggang sa makauwi Ako. At Ang bruha nakanganga lang at nanlaki Ang mga Mata. Isinarado ko Naman Ang bibig Niya at doon na siya natauhan. "Whoa. So Hindi Pala basta Basta Ang pagiging Yaya mo. Tsaka grabe yong sahod mo ha nakakalula❞ di makapaniwalang sambit Niya. Kahit Ako Hindi pa Rin makapaniwala Hanggang Ngayon.
"Pero teka. Sabi mo yong lalaki na nakaaway mo kagabi Ang boss mo? So paano kayo nagkasundo?" takang Tanong niya
"Sa lahat daw kasi ng mga nag aapply Ako lang daw ang nakasundo Ng anak niya." Sagot ko sabay inom Ng beer.
"Talaga? So para kayong itinadhana, Ganon?"
Nirolyohan ko Naman Siya Ng Mata "Anong Tadhana Ang pinagsasabi mo dyan. Nagkataon lang yon." Depensa ko. May tadhana pa siyang nalalaman.
"Fine. Pero bhest baka Naman Meron pa siyang ibang anak na nangangailangan Ng Yaya ereto mo Ako ha." Biro pa niya
"Anong ereto yang pinagsasabi mo. Ano yon jojowain lang."
"Malay mo naman di ba?" pangungulit pa niya.
"Hay naku. Magligpit na Tayo para makatulog na. Baka malate na Naman Ako Ng gising bukas mapurnada na Naman Ang trabaho ko❞ himutok ko sa kanya. Baka Kasi Maaga Ang sundo ko bukas. Nakakahiya Naman kung Ako pa Ang hihintayin.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report