Finding Mommy
Chapter 9 Ngiti

(Lindsey POV)

"What's the deal? Tanong ko nalang. Wala Namang mawawala kung papakinggan ko Ang deal na sinasabi Niya total nandito na Rin Ako. Kung maganda Ang iaalok niya sa akin ay walang pagdadalawang isip ko itong tatanggapin. Kahit na Hindi maganda Ang unang impression Namin sa isa't Isa pero kaya ko Naman siguro siyang pakisamahan. Ang mahalaga magkaroon Ako Ng trabaho. Lulunukin ko nalang muna Ang pride ko. "100 thousand monthly. Be my son's Yaya" derechong sagot Niya

Literal na nanlaki Ang mga mata ko sa sinabi Niya. Parang nabingi yata ako sa narinig ko.

"100 thousand? Hindi 10thousand? Para maging Yaya? Magkalayo Naman Ang tunog. Tama ba yong narinig ko?" Hindi ko namalayan na nabigkas ko pala yong nasa isip ko.

"Yes. You Heard it right Ms. Llano." Hindi Naman Ako nakasagot dahil kung saan saan na nakarating Ang iniisip ko.

"OMG. 100 thousand yon. Hindi ko kikitain Ang ganong kalaking pera sa isang trabaho lang. Makakapagbayad na kami ng utang, may sobra pa. Maipapaayos ko na Ang Bahay namin sa probinsya, mabibigyan ko na ng magandang Buhay Ang pamilya ko." Excited Kong sambit sa sarili ko. Hindi ko palalampasin Ang opportunity na ito. Hindi Naman mukhang mahirap Ang trabaho. Tingin ko Naman makakaya at magugustuhan ko ito.

"I know this is too far from your expectations maybe, but please think about it first." Sabi Niya na nagpabalik sa diwa ko. Di bale Ng Hindi magamit Ang pinag aralan ko. Magagamit ko Rin naman ito in the future.

"I don't need to think about it" agap Kong tugon sa kanya

"Why? Isn't it enough? You're the only one who can tame my son that's why I'm willing to pay the price that you want for your service." Pangungumbinsi pa niya. Di na Naman nya ako kailangan kumbinsihin dahil desidido na akong tanggapin Ang trabaho.

"Hindi Naman sa ganon-"

"Then why? Is it because of the job? I can give you all the benefits that my employees received." putakte Naman. Ang kulit nya ha. Kung patapusin niiya kaya Ako magsalita. Kaloka sya ha. "Please consider this job. I badly needed you for my son while I'm still looking for his mother." Pakiusap nito.

"Teka nga, pwede ba patapusin mo Muna Ako sa sasabihin ko" pagtataray ko sa kanya kahit na magiging boss ko pa Siya. Pero Hindi ko nakaligtaan Ang sinabi niya tungkol sa Ina Ng Bata "Bakit niya ito hinahanap? Hindi ba yong babae na naabutan ko kanina Ang Ina Ng Bata?" naguguluhan Kong Tanong sa Sarili ko. Ipinagsawalang bahala ko nalang ito dahil privacy na nila yon. "Ang gusto ko kasing Sabihin, Hindi ko na kailangan pang isipin Kasi tinatanggap ko na Ang offer mo. Aba sa Ganda Ng offer mo walang makakahindi niyan" pagpapaliwanag ko

Sumilay Naman Ang ngiti sa mga labi Niya. Kita ang mapuputi at pantay pantay niyang mga ngipin. "Ang guapo Niya Lalo pag ngumiti." Puri ko " Ayy ano ba itong pinag iisip ko❞ kastigo ko sa utak ko. Kinapa ko Naman Ang bandang dibdib ko dahil parang nakaramdam Ako Ng biglang pagkabog.

May kung ano pa siyang sinabi pero Hindi ko na ito narinig at diko din namalayan na tumayo ito. Tulala lang akong napatitig sa kinaroroonan Niya na parang nandon pa Rin Siya.

"Ano ba itong nangyari sa akin? Baka dahil lang sa na overwhelmed Ako. Tama yon na nga dahilan. Wala Ng iba" para akong baliw na kausap Ang Sarili ko. Isang tikhim ang nagpabalik sa diwa ko. Nakita kong nasa harap ko na ulit Siya at nandito din Ang secretary Niya.

"So, Ms Llano, please read this" sabay abot Ng papeles sa akin.

"It is an employee contract agreement. If you are satisfied with it after reading then you can sign it. If you have questions please don't hesitate to ask. But before that, let me introduce myself. We've been talking a while ago but we haven't introduced ourselves. Though I know a little of your background since I have read your resume." Tumatango Naman Ako sa sinasabi Niya. Kanina pa nga Naman kami nag uusap at sabay pa nga Kumain pero di ko pa Siya kilala. "I'm Liam Michael De Guzman. I'm the CEO and company owner. My son's name is Ethan and he's 2months old turning 3 next month." Pagpapakilala Niya

"I'm Lindsey Llano sir, pero tawagin nyo nalang po akong Shey." Pagpapakilala ko Rin

"So Shey, do you have a boyfriend or are you living with someone perhaps?" tumaas Naman Ang kilay ko sa tanong Niya "Ano ba Yan, kailangan ba talaga itanong yon" sa isip isip ko

"Please don't get me wrong. I know it's too personal, I just want to make sure that you're full attention will be on my son. He will be your responsibility after you signed that contract." Paliwanag pa nito.

"Wag kayong mag alala Sir. Wala po akong boyfriend or karelasyon at lalong Wala akong Planong pumasok sa isang relasyon" pero kung Ikaw Ang maging karelasyon ko pag iisipan ko. Singit Ng maharot Kong utak. Pinaseryoso ko Naman Ang Mukha ko baka mahalata niyang pinagnanasaan ko Siya.

"Isa Po akong responsableng tao sir. Aalagaan ko pong mabuti Ang anak ninyo." Kahit pati kayo aalagaan ko. Gusto ko pa sanang idagdag.

"Good. Please take your time reading the contract. Just let me know once you're done."

"Ahmm sir, Bago ko Po sana pirmahan ito, pwede po ba ako himingi Ng pabor?" kabadong Tanong ko. Bahala na. Kakapalan ko na talaga Ang Mukha ko.

"What is it?"

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Ahm pwede po ba magrequest Ng cash Advance? Kailangan ko lang Po Kasi talaga." Sabi ko habang nilalaro Ang mga daliri ko.

Tiningnan Naman niya Ako na parang may pagdududa.

"Wag po kayong mag alala Hindi ko Naman po kayo tatakbuhan." Kailangan ko talaga Siya makumbinsi dahil siya nalang Ang pag asa ko para mabayaran Ang utang Namin. "Can you tell me the reason?"

"Ahm, pambayad lang po sa utang Ng pamilya ko Sir. Kailangan na Po kasi namin mabayaran next week" nakayuko Kong sagot. Nakakahiya talaga baka isipin niya piniperahan ko sya Lalo na siya Rin pinagbayad ko sa bills Namin sa bar tapos ito na Naman. At Ang yabang ko pa Kani na tapos Ngayon di pa nga nakapag umpisa nag advance na.

"Ok. I can give it to you once you start" nakahinga Naman Ako Ng maluwag sa pagpayag Niya. Solve na problema ko.

"Thank you Po sir" nakangiti Kong Saad

"So, Can you start tomorrow? By the way, you'll be staying in my house. It is stated in the contract. Ipapasundo nalang kita bukas."

"Ok Po sir. Thank you po❞ tumalikod na ito sa akin at bumalik sa kanyang table. Ibinigay ko na Rin ang pinirmahan Kong contract.

"Ok. You can go now so you can pack your things." Saad nito pagkaabot ko Ng contract.

Lumabas Ako ng gusaling iyon na may ngiti sa labi. Sa wakas nakahanap Rin ako Ng trabaho. Hindi ko inaasahan na Ang taong nakaaway ko pa pala kagabi Ang magbibigay sa akin ng trabaho.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report