Flaws and All
Chapter 2- Number

Nadismaya ako ng makitang nadagdagan na naman ang kilo ko, kahapon pagkatapos naming magworkout ay nabawasan naman ng isang guhit pero bakit ngayon nadagdagan ng dalawa? Ayaw ko na tuloy pumasok, panigurado tatanungin ako ni Prim kung nabawasan ba ako ng timbang o hindi. Yun pa ba? Sigurista ang bestfriend kong iyon!

"Ano ba yan? Kain ka pa kasi kagabi eh" sita ko sa sarili ko, pero teka hindi ba dapat ang malalanding pagkain ang sisihin ko?

Oo tama, iyon ang dapat kong sisihin.

Sila ang dapat sisihin, ang lalandi!

Tamad akong tumayo at nagbihis.

Plano ko ring hindi mag breakfast ngayon pero naalala ko palang katatapos ko lang kumain.

Ano ba to?! Para kay Daevon. Para kay Daevon.

"Uy Xochitl, ikaw pala yan" liliko na sana ako pero tinawag ako ni Daevon.

Sus ako lang naman ang ganitong size ng katawan dito sa campus. Don't me ha.

Pero teka, si Daevon. "Ah.. Hehe ako nga" tinakip ko ang bangs ko sa mukha ko para hindi nya makita ang pamumula ng mataba kong pisngi. Jusko Daevon!

"Kamusta? Sumesexy ah?" My cheeks heated up, teka lang ang alam ko nadagdagan ng dalawang linya yung kilo ko pero bakit sabi nya sumesexy ako? Hindi kaya malabo na ang mata nya?

"Hindi naman. Pacheck up ka ng mata baka kasi malabo lang" biro ko, humalakhak sya ng malakas. Oh my gosh, bakit ang sexy?

I admit he may not be the best looking guy in this school pero sya talaga ang pumukaw sa puso ko, maliban sa childhood crush kong si Zarette.

"Hindi ah, nagpapapayat ka na ba? Wag masyado ha? Baka di na kita mareach nyan" saglit lang, yung feels ko, panindigan mo to Guzman!

"M-medyo lang naman. D-iet" I flashed an awkward smile, tinatanaw lang kita dati ngayon katabi at kausap kita.

Siguro halos lahat ay alam na crush ko si Daevon, noong last game kasi ng volleyball team nagpagawa ako ng malaking banner na may mukha nya at mukha ko. Nakakahiya, tuwing naaalala ko nahihiya ako sa sarili ko kasi napakacorny ko pala

noon.

Nagpasalamat naman sya sa akin after nung game pero pagkatapos noon hindi na nya ako pinansin, ngayon nalang ulit.

Bakit kaya?

Dahil ba harang ako sa daan? O dahil wala syang choice kundi pansinin ako?

"Sya nga pala, can I get your number? Wala kasi akong katext eh" aniya ng paliko na ako, agad akong napatigil at napatitig sakanya.

Seryoso ba sya?

Joke time ba?

Nilabas nya ang kanyang cellphone at inabot iyon sa akin. Nanginginig ang kamay kong inabot iyon at nilagay ang aking numero.

"Thanks! See you next time, text you later" he winked and then waved his hand good bye.

"HE ASKED FOR MY NUMBER! WALA RAW SYANG KATEXT PRIM! HOMAYGHAD, MY PAMILY!" Pinigilan ko ang sarili kong yugyugin si Prim dahil baka mabali ko ang buto nya, hindi ko mapigilan ang sarili kong magsaya. Daevon asked for my number!

"Baka naman gusto lang ng taga load?" Pambabasag ni Prim sa akin saka sya kumagat sa blueberry cheesecake nya. Kita mo to, binawalan akong kumain ng marami ngayong recess babasagin pa tong kilig moment ko. Umismid lang ako at ngumuso "Hindi naman ako papayag no! Five hundred per month lang, char."

Nakatikim ako ng batok sakanya, Aray ha! "Xochitl! Are you serious?! I will hate you talaga pag yan ginawa mo" umiling ako grabe to, ang sakit parin ng katawan ko tapos babatukan pa ako. Hmp!

"Syempre joke lang yung besh, hindi ba pwedeng magjoke? Uy yung kuya mo oh" turo ko sa kinatatayuan ng kuya nya. May nakaluhod na babae sa harap nya, baliktad na talaga ngayon ano? Babae na ang nagpropropose. "Tara, lapit tayo!" Kita mo to, sabing masakit yung katawan ko eh.

"Chairman, uhm... matagal na kitang crush. Yung mga letters sa locker mo ako yung naglalagay" she confessed. Si Ryan, Ely at Kiko ay nanunuod lamang at nakapamulsa.

"Alin doon? I'm receiving tons of letters every day." He said, as a matter of factly. Of course he's receiving crap ton of letters every day, sa sobrang gwapo ba naman nya, mvp player, matalino, head ng supreme school government. "Chairman, gagawin ko ang lahat para mapansin mo ako. Graham cake for you, favorite mo" inabot iyon ni Chairman saka inabot kay Kiko. "Hindi ako kumakain unless chef o sa bahay namin galing ang luto. Anyways, thank you for the effort. Now get up, nagmumukha ka ng tanga" sumenyas ito sa mga kaibigan bago nilagpasan si Ate.

Lumapit ako sakanya at inabot ang aking kamay pero tinapik nya lamang ito "I don't need your help, taba." Napayuko ito ng makita si Prim sa tabi ko, napaismid ako at hinila na lang si Prim palayo. Siya na nga tutulungan, isa pa masakit pa ang katawan ko ha.

"My kuya won't eat that graham" napalingon ako kay Prim, sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "He won't eat that for sure, kahit paborito nya iyon. Alam mo naman si Kuya, kung ako makakakain ng normal na pagkain sya naman pihikan." Yes, hindi kumakain ng mga pagkaing hindi gawa sa bahay nila o luto ng chef nila si Chairman. Samantalang itong si Prim kahit idala mo pa to sa turo-turo gusto nito. Napatigil ako sa pagiisip ng tumunog ang cellphone ko, Daevon's number flashed on my screen.

From: Daevon My Love

Hi. -Daevon

"Ahhh! Oh my gosh!" I fanned myself with my fingers, panaginip lang ba to? Teka!

"Ahhhhh!" Sigaw ko, nakatanggap ulit ako ng mahinang batok kay Prim pero hindi na ako nagreklamo. It's like my wake up call, totoo nga! Hindi ako nananaginip!

"Omg, Daevon texted me!" I shrieked! Napatingin agad si Prim sa cellphone ko saka ngumiti ng malaki. "Oh? What are you waiting for? Pasko? Text back na!" And I did texted back, nanginginig pa ang kamay ko habang nagtatype ng message. To: Daevon My Love

Uy Hi:)))

Matagal na akong may number nya, stalker nya ako no? Syempre! Crush ko sya! Crush na crush talaga.

Kunwari naman hindi ko ineexpect na magtetext sya, I know it's him! Kung sino sino pa kaya tinanong ko para sa number nya!

From: Daevon My Love

You don't have a class or vacant?

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Titili sana ako pero umupo sa tabi ni Prim si Chairman kasama ang mga barkada nya. He dislike the sound of tili, kaya minsan banas to sa kapatid nya. I suppressed my scream, internal screaming nalang! Oh my gosh! To: Daevon My Love

Vacant. You?

Para akong timang dito na nakangiti, I cannot. Hindi ko kaya ang feels na to. Lord ang hinihingi ko lang naman ay makita ko sya ngayong araw pero kinuha nya ang number ko and ngayon katext ko na!

Ito po ba ang kapalit ng page-exercise ko? Sige na po, araw arawin ko na po!

Chairman tilted his head to check Xochitl out, hindi ito mapakali sa upuan nya.

"Anong meron dito?" He asked himself, he grabbed his bottled water and played with it. Bago sya uminom ay sumulyap sya ulit sa kaibigan ng kambal.

"Si Daevon? Sus, libag ko lang yun" inapakan nya ang plastic saka sumandal sa upuan.

"Halla nawalan ng signal!" He watched as she pout her lips, cute.

Hindi ito halata sa sobrsng kapal ng salamin ng aviator nya.

"Para kang sira dyan, mawawalan ng signal ngayon kasi magmemaintenance check sila" pinakita pa ni Prim ang kangyang cellphone.

"Kainis! Kung kelan umuusad na love life ko!" Umirap pa ito at sumimangot. May kinuha ito sa bulsa, twix chocolate bar. Marahas niya itong binuksan saka kinagatan, hanggang sa parang may naisip ito nilingon nito si Prim na masama ang tingin sakanya.

"I thought no more chocolate?" Nakataas ang kilay, nakapamewang.

"Ahh.. ehh.. Isa lang naman besh. Sige na" she did everything to look cute, pero kinuha ni Prim ang hawak nitong tsokolate na hinablot rin ni Zarette at kinagatan. "Gutom ako" aniya habang ngumunguya, ng tsokolate. Hindi sya kumakain ng tira o nakagatan na ng iba, pero siguro gutom lamang sya. Paborito nya pa naman ang twix. Pinanuod lamang ni Xochitl si Zaretter habang kinakain ang tsokolate nya.

"Ang gwapo. Ang sarap... Nung chocolate" she gulped and sighed. Hindi nya na namalayang titig sya sa labi nito. "Chairman, wag please? Daevon ako" aniya sa sarili, but she can't even look away.

"Tama na Meadow, tama na tingin. Hanggang tingin ka lang naman... Pero sige last na titig pa. Hihi. Lord patawarin nyo po ako, taglandi po ang araw na ito."

Nanlaki ang mata nya ng makasalubong ang mga mata ni Chairman ng ibaba nito ang kanyang salamin, looking straight to his eyes is dangerous para gusto mo nalang isuko ang pagkatao mo sakanya.

"Ayan na may signal na!" Kiko even clapped his hands, paano ay hindi ito makakaattack sa coc kapag hindi nakaconnect sa internet. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko saka nagreply kay Daevon, My love. Papasok na sana ako ng gym ng makarinig ako ng parang may sinusuntok na punching bag, sumilip ako at nakita si Chairman.

Dripping wet from his sweat. With hid Disheveled hair.

Topless.

Mabilis ang pagkabog ng puso ko, aatras sana ako pero tinawag nya ang aking pangalan saka sya nagpakawala ng malakas na suntok.

"Pasok lang, tinawag ni Daddy si Prim." Huminga ako ng malalim saka humakbang papasok sa gym nila, under construction pa kasi ang gym room sa bahay at wala pa kaming nabibiling equipment.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Si mommy kasi, gusto nya magkaroon ng gym sa bahay para raw may mapagkaabalahan sya maliban sa mga designs nya. Akala ko nga akin, kanya pala.

"Start your routine with stretching" aniya, kaya binaba ko muna yung hawak kong jumping rope at ginaya yung pinanuod kong stretching kahapon. "Mali, step back your foot a little more."

Inalis nya ang gloves nya at lumapit sakin, oh God. Tinapik nya ang right leg ko saka inayos ang porma saka hinawakan ang likod ko.

Nanginig ang kalamnan ko at bahagyang napatigil. Pero ng humigpit ang hawak nya sa likod ko ay nagpatianod nalang ako sa bawat galaw nya.

"Inhale through your nose..." Inhale... "Exhale through your mouth" exhale. Hindi ko na namalayang inalalayan nya akong mabend ang aking likod paharap.

"Dahan dahan ang pag exhale. Don't mind the pain" hanggang sa parang sumusunod nalang ako sakanya, sabay na kaming gumagawa ng routine, todo alalay sya sakin, kapag di ko kaya ang ipinapagawa nyang routine ay sya nalang gumagawa at inoorasan ko.

Pabagsak na akong umupo sa couch nila habang sya naman ay may hawak ng jumping rope at sinimulan ng tumalon. Sinipat ko ang orasan at halos tatlumpong minuto na pala kaming nageexercise.

Chairman is surprisingly nice to me today, lagi naman syang nice sa akin pero wala ang maawtoridad na awra nito kanina.

Serious Black mode off sya ngayon.

Tila ba madali syang maabot ngayon.

"Besh, oh tapos ka na sa routine? Si Kuya kasabay mo? Nako, you should work out with Kuya, he knows more routine than I do. Kaya lang medyo masungit na instructor yan" she giggled, no Prim, mabait syang instructor. "Uhm Chairman" tumaas ang kilay nya saka tumigil sa paginom, and now I feel jealous of how red his lips are. Gaano kaya ito kalambot? "Chairman who?" I smiled awkwardly.

"Za-rette, ah ano alis na ako. Andyan na sundo ko eh" tumango lang sya kaya ngumiti ulit ako at tumalikod, but he reached for my hand, stopping me from walking away.

Sandali syang napatigil. "If your muscles continue to sore drink your medicines. And eat just fruits for tonight" aniya bago binitawan ang aking kamay. Agad akong tumalikod dahil alam kong namumula ako, I felt my face heated up. Hindi, pagod lamang ito. Oo, tama pagod lang.

"Manang, ano pong prutas meron tayo?" Binaba ko ang gym bag ko sa counter top at umupo sa aking upuan, yes mas sarili akong upuan kasi pang sexy lang yung ibang upuan noon at nakasira ako ng isa. "Mansanas, saging at ubas. Kain ka na masarap ang ulam iyong paborito mong spicy chicken wings"

Hindi marunong makisama si Manang, kita nyang diet ako at prutas ang tinatanong ko ang isinagot sa akin yung ulam. Bakit ngayon pa?! Hindi kahapon? Hindi pwedeng hindi ako kakainin ng spicy chicken wings! It's my life!! Ang ending nakatatlong balik ako sa kusina, napatigil na lang ako ng maisip ko kung paano ako tinuruan ni Chairman. Lahat ng itinuro nya sa akin, maging sa diet.

I feel so guilty.

Hindi nya naman siguro ako tatanungin ano?

Hindi ako mapakali dahil kanina ko pa katext si Daevon, ni hindi ko na nga naisipan pang matulog ng maaga kahit ang usual kong tulog ay tuwing alas nuebe ng gabi. Sino ba kasing makakatulog kung yung crush mo ang katext mo? Sana lang ay hindi ako malate ng gising bukas.

Sana.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report