Flaws and All -
Chapter 3-Kubo
"Xochitl! Ano ka ba namang bata ka kanina pa tunog ng tunog ang alarm clock mo! Alas diyes na! Wala ka bang pasok ngayon?" Napabalikwas ako agad ng bangon, at napatingin sa aking orasan. Gosh! Tatlong oras akong late! Anong oras ba ako nakatulog kagabi? Sa pagkakatanda ko ay alas diyes ng magpaalam na sa akin si Daevon at nahirapan akong hagilapin ang antok ko sa sobrang kilig! Okay, kelangan ko nga palang magmadali! I grabbed my bath robe and went to my bathroom.
"Beshy!! Bakit wala ka sa first subject natin? I cannot! I'm not sure if I passed the quiz!" Napanguso ako. Halla nagquiz sila! "But I excused you, mag quiz ka nalang next time" she flipped her hair after combing some strands. Im pretty sure she'll pass the quiz, hindi papahuli ito sa katalinuhan ng kanyang kuya.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng malawak ng tumunog ang aking celphone at pangalan ni Daevon ang nag flash sa screen.
Fr: DaevonWala ka sa first class mo. I hope you're all good.
Nakangiti ako habang nagtatype ng aking reply, hindi ko na nga naririnig pa ang sinasabi ni Prim dahil busy ako sa aking cellphone.
Oh my God, dati hanggang tingin lang ako. Seryoso ba to? Tinatanong nya kung bakit wala ako sa first subject ko! Ibig sabihin hinanap nya ako? OMG!
"Uy si Chairman" Napatingin ako agad when someone mentioned Chairman, teka bakit sya andito? Hindi niya ito klase ha? Baka may rounds sila ngayon?
I restrained my self from jaw dropping when he took off his shades,
Lord noong nagpaulan ka talaga ng good genes sa loob ng kwarto nitong si Chairman at Prim ano?
Grabe! Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, there's something weird inside me... Parang nag iinit? Parang natataranta?
"Hi kuya? Nagra-rounds ka?" Umiling ito saka umupo sa tabi ko, nasa gitna ako ng kambal. "Nope, I ditched Sir Jethro's class awhile back for a meeting so I need to attend this class to catch up".
I need tissue. Saan ba may gamot? Sumakit ulo ko. Oh no, my bleeding is nose!
"Pwede ba? Respeto po sa taong nasa gitna nyo, pwede po bang magtagalog?" I said, he tilted his head and smirked.
Hinawakan nya ang isang strand ng buhok ko saka iyon inipit sa aking tenga.
Shut the front door! I cannot! Teka, yung puso ko nalaglag na ata!
"Sige po, binibini. Kamusta ang tulog mo kagabi? Hindi ba sumakit ang iyong mga kasukasuan? Hindi ba...
"Hep! Sasakit rin ulo ko dyan, Chairman"
"Come again, sweet?"
"Uh.. Za-rette" I awkwardly smiled at him, he called me sweet? Teka, baka namisheard ko lang? Xochitl, Sweet...
It rhymes. Konti. Maybe
"Mas masakit sa ulo po yung malalim na tagalog" Prim looked at me maliciously, nanlalaki ang mata nito at namumula ang pisngi.
"Okay. Sabi ko, kamusta tulog mo kagabi? Medyo mabigat ang routine natin, hindi ba sumakit muscles mo?" Umiling ako, sasabihin ko rin ba na nakatatlong balik ako sa kusina kagabi? No. I should not.
Pasimple ko nalang kinurot ang sarili ko.
"Okay naman ako, nakatulog ako ng maayos Chair.. Zarette" I fake a smile, naguguilty parin ako na nasayang ang pagti-train nya sa akin dahil nga marami rin akong kinain.
"I assume you ate a lot after, I just hope you ate something healthy"
Nakangisi nyang sabi.
Napaiwas ako ng tingin, oh no, marami nga akong kinain at lahat ng iyon ay very unhealthy. Feeling ko tuloy I failed him in so many levels. Hindi kaya ako maglunch? Pero hindi ako nag breakfast! Ano ba yan?! I gulped before fishing my phone on my pocket, nagvibrate kasi ito. Si Daevon. Omg!
From: DaevonI'm just wondering if you're free after your next subject? Vacant ko kasi. Sabay tayo lunch?
I flipped! I legit fell on the floor! Yumuko nalang ako at napakagat sa labi ko habang iniinda ang sakit ng likod ko.
Hindi ko na nga naisip pang hanapin ang cellphone ko, ang gusto ko lang ay tumayo at umalis sa nakakabinging lugar na yon. All of them are laughing except for the twins, of course.
"Anong nakakatawa? Meron ba? Mas nakakatawa siguro yung panuorin kayong isa isang nakikick out" he said in a low, warning tone.
Lahat ay natahimik. Habang ako naiiyak.
I gathered all of my strength to try to stand, but I failed. Hanggang sa may naramdaman akong kamay sa bewang at kaliwang kamay ko.
It's Chairman's hand on my waist.
"Prim, you know their names. I want all of their names listed, leave it in my office" inakay nya ako paalis ng classroom, paika ika pa ako habang naglalakad kami.
"Pasensya na Chair.. Zarette ha? Mabigat talaga ako tapos naisipan ko pang sumandal ng ganon kaya siguro natumba yung upuan?"
"Why are you apologizing? Wala ka namang ginawang mali. Tigilan mo rin ang pagsasabi mo na mabigat ka, I checked your weight siguro hindi akma para sayo pero hindi ka naman sibrang bigat. I can carry you while running around this very campus if you want"
I chuckled, magaling pala syang mag joke ano? Hindi naman tama na ang isang babaeng tulad ko ay seventy five kilos!
"Alam mo Zarette, alam ko na, na mataba ako and I blame myself. No need to tell me that it's right to look like what I look right now, kasi kung ako ang tatanungin I look disgusting...
"Shut your mouth, will you? Stop body shaming yourself. As long as you want what you're doing to your body then it's fine. Magagawan ng paraan yan, pero kung lagi mong mamaliitin ang sarili mo walang mangyayari. And you look fine, maganda ka. Hindi mo na kailangan ng maliit na size ng bewang para masabihan kang maganda ka"
Pakiramdam ko ay dinuduyan ako pataas sa alapaap, ang sarap pala sa feeling kapag may nagsasabi sayo na maganda ka kahit ang daming dapat ipintas sayo, lalo na kung yung nagsabi ay kasing gwapo pa ni Chairman.
Hindi ko maintindihan kung bakit nya yun nasabi sa akin? Sa babaeng doble ang laki ng katawan kesa kanya.
It sound comforting though, nakakadagdag ng self confidence kahit papaano.
We stopped by the botanical garden, inalalayan nya akong umupo sa may kubo saka sya humiga sa tapat ng upuan ko. May unan pa sya!
"Welcome to my comfort place, kapag masyadong toxic sa office o pag vacant andito lang ako. You can visit and stay in here too, lalo na kapag may mga nambubully sayo o kapag bored ka❞ napangiti ako, ang bait pala nya. Kasi kahit naman lumaki kaming halos magkasama ay hindi naman sya ganito sakin, lagi lang kasing sila Kiko ang kasama nya.
Pero mabait naman sya, masungit at authoritive lamang. You can't say no to him.
"Zarette"
"Hmm?" I sighed, bakit pati pag ganon nya ang gwapo parin?
"How is it feels to be like you? I mean yung pogi, yung hinahabol ng mga babae." Umayos sya ng upo at sumandal sa haligi ng kubo sabay yakap sa kanyang unan. He looks adorable, jaw dropping. "Tiring." He answered habang yakap parin ang unan.
"Why? I mean, you're loved by many. Ang daming nagkakandarapa para mahalin o mapansin mo lang"
"So I should feel thankful? Yes, maybe. Pero hindi ko gusto ng ganon, I do want everybody's attention. Nakakapagod makasakit, lalo na kapag kailangan mong umiwas sa mga taong may gusto sayo na hindi mo naman gusto. It's tiring to see the looks on their faces whenever I try to push them all away" He looked at me, making my heart skip a beat. I bit my lower lip.
"Pero may benefit rin naman yun eh, yung mga binibigay nila sayo. Suporta, pagmamahal. They look up to you, isa pa if ever magmahal ka madali ka rin nyang magugustuhan"
"Hindi rin, bakit hindi nya ako gusto? Bakit sa iba parin sya nakatingin? Bakit iba ang gusto nya? You see, life is unfair. You think it's perfect, you think it can give you everything. But reality check, it's not, it won't. And I'm not after the benefits, the freebies from the girls? I don't need them, kaya kong bilhin ang mga yon para sa sarili ko." Umayos sya ulit saka humigang muli. Ganon pala ano? Unfair rin ang buhay kahit maganda at gwapo ka na.
"So hindi ka masaya?" Bumangon syang muli at lumapit sa parang maliit na cabinet at naglabas ng isa pang unan at inabot sakin. Niyakap ko iyon at sininghot. Amoy ni Chairman ang naamoy ko, mabango.
"Masaya. Okay lang naman. Pero mas masaya pag tahimik, yung wala kang nasasaktan. Gusto ko ako yung maghahabol kasi ako yung lalaki" I looked away when he looked straight into my eyes, para kasing may kung ano sa aking sistema, parang may gustong kumawala.
"Sleep when you want to sleep. I will excuse you later" aniya bago humiga ulit at pumikit.
Kahit pala biniyayaan ka na ng magandang mukha, kahit pala hinahabol habol ka na makakaramdam ka parin ng lungkot sa buhay. Akala ko kapag kasing ganda at gwapo na nila wala na silang problema, na okay ang lahat para sakanila. Sabagay, maraming gwapo at maganda na naloloko parin, na nasasaktan parin.
Life will always be unfair for everyone, hindi ito selective. Hindi perpekto ang buhay, it's flawed just like us.
Hindi ko na namalayang nakatulog nga ako, kinusot ko ang aking mata bago ako dumilat. Nakaupo na si Chairman at nakasandal sa haligi habang yakap ang unan at hawak ang kayang cellphone. Doon ko lang naalala ang cellphone ko! "Yung cellphone ko! Sheez" napahawak ako sa ulo ko dahil tila nandilim ang aking paningin. "Ang pagbangon hindi agad agad, mahihilo ka. Don't worry about your phone, pinakuha ko na kay Prim. I even asked her to buy you some foods" ngumiti ako ng bahagya sakanya, nakakahiya mukhang naabala ko talaga sya ngayon. Hindi ba ay makikiseat in sana sya dahil hindi sya nakapasok sa klase nya? Hays.
"Sorry ah? Hindi ka nakapasok ng dahil sa akin" I apologized, he smirked while shaking his head "Okay lang yun. I can ask for a hand out, kaya ko na yon." He assured me.
"So, mamaya ulit? Gym?" Tumango lamang ako, kahit naman masakit ang katawan ko ay naenjoy ko ang routine kagabi. Ikaw ba naman magkaroon ng gwapong fitness instructor, hehe.
"Beshy! Eto na yung phone mo and foods mo!" Hawak ni Prim ang isang bottled water at dalawang nakawrap na sandwich. "This one is tuna filled, this one naman egg. Hindi daw kasi pwede yung sandwich na gusto mo sabi ng Serious Black" bumelat pa si Prim sa kanyang kapatid na napakamot nalang sa kanyang batok.
Paborito ko kasi ang nutella spread sandwich sa canteen. Pero sige na nga, mukha namang masarap itong mga binili ni Prim dahil ito ang madalas nyang binibili.
"Okay I have to go, may practice ako ngayon" cheerleader kasi itong bestfriend ko, proud na proud ako dyan! Inayos nya ang buhok nya at lumabas na. May maliit kasing pinto ang kubong ito,
"Halla yung text!" Agad agad kong binuksan ang cellphone ko at nagbasa ng mga mensahe. Five texts galing kay Daevon! Puro tanong kung asan ako at kung okay lang ba ako.
Ahhh!! He's concerned about me? Oh my. Ang puso ko!
"Guzman?" Napalingon ako kay Chairman na ngayon ay umiinom sa bottled water nya, how can he be so damn attractive just by drinking from its bottled water?
"Uh, oo eh." Sagot ko.
"Gaano sya katagal magtext sayo?" He asked, out of the blue. Napaisip ako at nagtantya "mga ten minutes? Minsan five minutes, baka busy kasi. Saka di ko naman akalain na itetext nya ako, okay na yun na maghintay ako" I said smiling from ear to ear.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Hindi na sya nagsalita ulit o nagtanong, feel ko rin naman ay may pinagkakaabalahan na sya sa cellphone nya. Sino kaya girlfriend ni Chairman? Swerte nun ha! Syempre complete package na siya. Matalino, mayaman, athletic, musician... Gwapo. Ang hirap nya abutin, kaya for sure sa katulad nya sya maiinlove.
"Chairman, ay uh Zarette. Anong ideal girl mo? Siguro katulad mo no? Matalino, mayaman, kayang gawin lahat tapos sobrang ganda. Yung almost perfect?" Sinara nya ang kanyang bottled water at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Para bang hinihigop nito ang lakas ko, para bang hindi ko kayang maalis ang titig ko sa mga matang iyon.
"I want someone that is flawed. Yung tao, ayoko ng perpekto."
When everyone's looking for the perfect one, he's looking for one that is flawed. Ang tunay na pagmamahal ay yung handa kang mahalin kahit gaano ka pa kaimperfect, someone who can love you flaws and all.
"So pwede ako?... Eh joke lang" kung pwede lang ay tampalin ko ang bunganga ko sa sobrang kadaldalan ko. Mabubuko ko pa yung sarili kong may HD ako sakanya! Hidden desire!
"Zarette! Oh, Xochitl andito ka rin pala?" Sunod sunod na pumasok si Kiko, Ely at Ryan.
Umingay na ang kubo na iyon, mabuti nalang! Natabunan yung tanong ko kay Chairman. Hays. Saved by his friends! Mabuti nalang talaga! Bakit ko ba kasi natanong iyon? Baka isipin nya crush ko sya kahit hindi naman... Kasi crush na crush ko talaga sya. Hihi.
Kumain nalang ako ng binili ni Prim, infairness masarap talaga healthy pa! I almost choke when I look at Chairman and he's already looking at me. Chairman, marupok ako!
Sana naman ay hindi nya iniisip yung walang kwentang tanong ko kanina. Kasi kung oo, nakakahiya. Bakit ba kasi natanong ko yun? Dahil ba hoping ako na magugustuhan nya ako? No way Xochitl, syempre kung hahanap na rin naman sya ng girlfriend malamang yung sexy na!
Syempre hindi ako yun.
"Xochitl! Uy!" Napalingon ako agad, of course I know that voice. It's Daevon!
"Uy. Sorry pala hindi ako nakareply, nakatulog ako eh" kakalabas lang namin nila Chairman sa Kubo, dumiretso na sila sa office samantalang ako papuntang canteen, gusto ko kasi ng Iced coffee. "Okay lang. Nakapaglunch ka na?" Tumango ako.
"Pero pupunta ako canteen gusto ko kasi mag iced coffee, ikaw?" Ngumiti sya at hinawakan ako sa kamay sabay hila sakin papuntang canteen. Oh my gosh, hawak nya ang kamay ko. What the?! "Gutom na talaga ako. Kanina pa kita hinahanap eh, pero okay lang yun. Nakatulog ka naman pala eh" napatingin ako sakanya at pinanuod lang syang umoorder para sakanya. Bakit ganon? Dati sobrang layo nya sa akin, tapos ngayon bakit parang ang dali daling abutin?
Totoo ba to? O pinapaasa nya lang ako? O ako lang talaga nagbibigay ng meaning sa mga pinapakita nyang ito?
Pero sige na nga, let's enjoy the moment dear self. Bihira lang ang mga taong nabibigyan ng pagkakataon na makasama ang kanyang crush.
Nagbayad na ako pagkatapos kong umorder at saka umupo sa isang bakanteng two seater round table. Umupo na rin sya sa kabilang dulo habang hawak ang tray na naglalaman ng pagkain nya. Sumipsip lang ako sa aking iced coffee habang tinetext si Prim kung asan sya.
To: Prixie Renesmee Saan ka? Guess what besh? Kasama ko si Daevon ngayon! Omg diba? Omg!
"Sino kasama mo kumain?" Tanong nya, inilapag ko ang cellphone ko sa aking gilid saka ko isinunod ang aking iced coffee.
"Si Chairman" kaswal kong sagot habang nakangiti, kumunot ang noo nya at binaba ang kanyang kutsara at tinidor.
"You mean si Zarette? Bakit? I mean, bakit sya yung kasama mo? Malapit pala kayo?" Sumipsip ulit ako sa inumin ko at sumandal sa aking upuan.
"We grew up together kaya pwede ko sigurong masabi na close kami. Pero kasi mas close sya kila Kiko since boys sila kami naman ni Prim ang mag bestfriends. Kanina kasi nabaliktad ako sa upuan ko tapos saktong andun si Chairman, nilayo nya ako sa mga bully. Then yun, tumambay kami sa kubo saka doon narin naglunch" sagot ko sakaniya, mas laling kumunot ang noo nya bago bumuga ng malalim na hininga.
Teka, may nasabi ba akong mali?
"Kelan pa kayo friends?" Tanong nya, napaayos ako ng upo at tinagilid ang aking ulo. "Uhm, eleven years na? Six years old ako non eh." Napatango nalang sya at tinuloy ang pagkain. Weird. Bakit kaya? Anong problema?
Umupo lang ako doon hanngang sa maubos ang aking iced coffee maging ang kanyang pagkain, hanggang sa sinabi na nyang ihahatid na nya ako sa classroom. Ilang minuto rin iyon mula dito sa canteen, madadaanan pa nga namin ang office niya at ni Chairman.
"Anong itsura ng office mo?" Tanong ko sakanya, curiosity hit me. Ngumiti naman sya at hinawakan ulit ang kamay ko saka ako inakay sa kanyang office. Halla yung puso ko besh! Iba yung pakiramdam habang hawak nya yung kamay ko, parang yung nakatingin sakin si Chairman.
Ay bakit ko ba kinukumpara? Parehas ko naman silang crush hihi.
"Welcome to my office. Yung table sa gilid sa secretary at Vice President yan" aniya. Malinis, maayos, mabango rin. Kulay cream ang buong office, marami ring mga papel sa bawat tables. Napalingon ako ng sunod sunod na may pumasok sa office ni Chairman.
"Mga classmate ko to ah." Nakiusyoso ako at lumapit kila Kiko. "Huy Kiko, anong meron? Mga classmate ko yan ah? Wala ba kaming class ngayon?" Ely tapped my shoulder and whispered to me. "Kapag binully ang prinsesa, gaganti ang Chairman" aniya. Nanlaki ang mata ko at napahawak pa sa aking dibdib.
"Binully ng mga kaklase ko ang girlfriend ni Chairman? Oh my Lord! Hindi lang pala ako ang binubully nila ano? Grabe talaga yang mga yan eh... Hindi ba ako kasali? Ayy hindi talaga ako kasali dyan wala akong binubully, swear!" I said. Grabe, sino kaya yung binully nila? Bakit kasi nambubully sila? Hindi ba maganda yung girlfriend ni Chairman? Oh my Lord.
Ely, Ryan and Kiko chuckled. Hawak pa ni Kiko ang cellphone nya at nagc-coc ito.
"Kasama mo si Guzman? Patay" hindi ko narinig yung last word na sinabi ni Ryan pero tumango ako. Daevon walked towards me pagkatapos isara ang pinto ng kanyang office.
"Ano kayang mangyayari sa mga classmates ko? Sana suspended para wala rin kaming class ni Prim. Hehe joke lang naman" pumasok si Ely sa office habang si Ryan at Kiko naman ay nasa likod ko lamang.
Lumabas ng nakangiti si Ely saka tinapik ulit ang aking balikat. Nakoloop Ely, hindi mo magugustuhan pag ako tumapik sayo. Joke.
"Suspended silang lahat. Nasa sainyo na ni Prim kung makikisit in kayo samin" aniya, napanganga ako. Halla. Seryoso? Note to my self, wag ibully ang girlfriend ni Chairman! Pero nice naman ako ha? Pero teka... Sino?
"Ely. Sinong girlfriend ni Chairman? I asked, he smiled at me and ruffled my hair.
"Hindi nya girlfriend. Magiging palang. Secret, it's for you to find out" and he winked, hindi sa akin kung hindi kay Daevon.
Oh my God?!
Bakla si Ely?!
"Anak ng?!!" Galit na galit na sabi ni Kiko "Hello?? Umaattack ako Zacchaeus Everette!" Pagalit nitong sagot sa tawag ni Chairman.
"Xochitl, pasok ka daw sa office" aniya saka bumalik sa paglalaro "Pasalamat sya tatlong stars nakuha ko kung hindi.." Rinig kong sabi ni Kiko, pero teka lang bakit ako pinapatawag sa loob? Kahit naguguluhan ay sumunod parin ako at pumasok sa office kasama si Ely.
Wow, ang luwang! Mas maluwang pa to sa classroom namin, parang pang dalawang klase ang kanyang office. May mga upuan na kayang mag accommodate ng fifty students, may mga computer rin na apat sa gilid at may mga reclining chair. Tapos may apat pang massage chair!
Sa pinakagilid, itim na may touch of white na table andun si Chairman. Nakaupo sa kanyang swivel chair, nakataas ang paa, pinaglalaruan ang mapula nyang labi habang nakatingin sa akin. Sasabihin ko na ba sakanya na marupok ako kaya wag nya akong ginaganyan?
Binulsa ko ang dalawang kamay ko sa magkabilaan kong bulsa at lumapit sakanya. Lahat ng nadadaanan ko ay yumuyuko at umiiwas sa akin ng tingin. Tama yan, mahiya kayo kasi masama ang bullying! Lalo pa sa prinsesa ni Chairman! Hays. "Andidito na po ako! Bakit ho, Chairman... Zarette? Hehe. Wala ho akong binubully ha? Hindi ba ay magkasama tayo kanina? Promise talaga Chairman, wala akong ginagawa. Mabait to. Honesto, promise. Amen! I heart you poooo!" He bit his lip while looking at my eye, and I bit mine unintentionally. Hindi ko na naman napigilan ang bunganga ko, anong I heart you po? Anong Honesto, promise? Huhu napapanuod ko kasi yun sa commercial! Pati yung andidito na po ako! Huhu. Nagpipigil ng tawa sa gilid si Ely.
"You can have your class with us for a week, your classmates will be suspended and tasked to clean the whole school for a week" nakaramdam ako ng habag sa mga kaklase ko, kahit naman lagi nila akong binubully ay mga kaklase ko parin sila ng ilang taon.
"Eh, okay po. Yun lang po ba?" Tumango sya at sumenyas na lumabas na ako, tumalikod na ako at humakbang pero natigil ako at humarap ulit sakanila.
"Eh Chairman, pwede po bang tulungan ko sila sa paglilinis? Kasi you know, ang lawak ng school. Hindi sa tinatamad po ako pumasok ah, masipag talaga ako. Pero kasi, mga anak mayaman tong mga to baka di sila marunong maglinis, baka kelangan nila ng guidance?" I said without batting an eye.
"Bakit ikaw? Anak mayaman ka, do you know how to clean?" Sinamaan ko sya ng tingin habang tumatango, anong akala nito sakin? Tamad? Slight. Hehe
"Very light, pero kasi I think suspension is enough and to clean the whole school grounds is too much."
"Hindi naman nagrereklamo ang mga janitors sa lawak ng nililinisan nila" okay, sabi ko nga shut up na ako. Ngumiwi ako at natahimik. k
"Opinyon ko lang naman po yun, hehe. I trust your verdict, Chairman."
Ngumiti ako saka tumalikod. Ano ba yan, bakit ba ako nangingialam?
Of course he knows what he's doing, and he knows that these guys deserves whatever the punishment is.
"Okay I changed my mind, you're all suspended and I will let your parents know that you are suspended, the reason why and other informations. It's your choice if you want to help clean the school or not."
Napalingon ako, and I saw him typing on his computer. Why the sudden change of mind? But I am thankful that he somewhat listened to me.
Salubong sakin ni Daevon pagkalabas ko ng office, nasa likod niya si Kiko at Ryan.
"Xochitl, alis na ako may klase pa ako. Wala ka na bang klase?"
"Wala na eh, baka hintayin ko nalang matapos si Prim. Sige ingat ka."
He waved his hand and marched away, hindi na ako kumaway pa dahil hindi nya narin naman makikita.
Saktong pagharap ko ay nasa tapat ko na si Chairman, nakaeyeglass na ito at sinusuklay ang buhok pataas gamit ang kanyang daliri.
Bakit ang gwapo?
He should be illegal.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report