Hoy, Mr. Snatcher!
CHAPTER 9

Isla's POV

"Hey," bati ko kay Alon nang makita ko siyang nagtatapon ng basura dito sa gilid. Gulat naman siyang napatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Doon ako nagtatrabaho." Turo ko sa fast food chain malapit lang sa kanila.

"Huh? Bakit hindi kita nakikita?" "Closing ako."

"Akala ko no'ng late kang umuwi noon ay dahil late ng natapos ang klase mo?" hindi niya maiwasang itanong na nakakunot ang noo. Hindi naman kasi nito alam na nagpa-part time rin ako ng gabi.

"Papasok na ako. Bye!" sabi ko at kumaway sa kanya. Pumasok naman na ako sa loob. As usual ay marami na naman ang customer kaya lang ay nagulat ako nang makita ko si Seven na kumakain dito. Hindi naman kasi ito madalas kumain sa ganitong mga lugar kaya nakakagulat na nandito siya ngayon.

"Hey," bati ko sa kanya nang makalapit.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Eating?" kunot noong tanong niya sa akin. Napanguso naman ako. Tama naman siya roon pero bakit dito?

"Dito kami magkikita ni Alice para sa report," sabi niya kaya naman napanguso ako at napatango. Gaga talaga 'yon. Halatang nang-aasar na naman.

"Oh, okay," sabi ko at nginitian siya. Sila kasi ang magkagrupo ni Alice.

Sinubukan ko namang tawagan siya dahil medyo magdidilim na at wala pa rin ito.

"Hoy? Nasaan ka? Nakakahiya ka, pinaghihintay mo si Seven dito," hindi ko mapigilang sambitin.

"Huh? Nandiyan na siya agad? Ang sabi niya'y mamayang 8 niya na lang dadaanan diyan?"

"Iaabot ko lang naman ang folder, madali lang 'yon," sabi niya pa sa akin. Pinatayan pa ako ng tawag ng gaga. Mayamaya lang din naman ay dumating na rin naman si Alice. Umalis na rin sila, nginitian ko lang si Seven na seryoso lang na nakatingin sa akin.

Pauwi na sana ako kaya lang ay agad na nagulat nang makita ko si Alon na nakaupo sa gilid ng fast food chain.

"Ay puking ina."

"Anong ginagawa mo rito?"

"Hinihintay ka."

"Huh? Bakit?"

"Delikadong umuwing mag-isa ng ganitong oras," sabi niya sa akin. Napanguso naman ako para itago ang ngiti. Aba, malandi ka talaga, Isla.

"Sanay naman na ako na ganitong oras palagi ang pag-uwi, nag-iingat naman ako," sabi ko at ngumiti.

"Habulin ka ng snatcher at holdaper, Miss," sabi niya sa akin kaya pinanliitan ko siya ng mata.

"Mukha ka kasing mayaman."

"Mukha pa akong mayaman sa lagay na 'to? Mas mahirap pa nga ako sa daga!" hindi ko mapigilang sambitin. Napatawa naman siya doon ngunit nagseryoso rin.

"Nagpalipat na ako sa closing, sabay na lang tayong umuwi sa mga susunod na araw."

"Huh? Hindi na kailangan! Kaya ko ang sarili ko." Hindi naman siya nagsalita tila pinal na ang desisyon nito.

Nang makarating kami sa tapat ng apartment ko ay nagpaalam na rin ito. Napangiti na lang akong pumasok sa loob ng apartment. Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong nararamdaman ko pero ang sarap sa pakiramdam.

Ganoon nga ang madalas na mangyari. Lagi kaming sabay sa pag-uwi. Parang pahinga ko na rin ang ngiti mula sa mga labi nito kapag nililingon ako.

"Hoy, ang kanina ka pa?" tanong ko nang mauna na naman itong lumabas ng fast food chain kaysa sa akin. Medyo marami rin kasi 'yong kailangan naming gawin.

"Hindi, kakadating ko lang din. Tara na."

"Busy ka?"

"Bakit? Sa 'yo ko dapat 'yan tinatanong, 'di ba? Busy ka?"

"Hindi."

"Tara 7/11, noodles tayo sandali."

"Aww, wala akong pera, next time na lang," sabi ko sa kanya na napakamot pa sa ulo. Napatingin naman ako sa pera ko na pang dalawang linggo pa. Ni hindi pa nga rin ako nakakabayad sa apartment at baka mapalayas na talaga ako ng landlady ko.

"Libre ko," sabi niya at nginitiang hinila ako patungo sa malapit na 7/11. Bumili siya ng dalawang noodles.

"Hindi ka na ba nag-aaral?" tanong ko kahit obvious naman na 'yon.

"Ni hindi nga ako nakapagtapos ng high school," sabi niya sa akin na nagkibit pa ng balikat. Napatitig lang ako sa kanya ngunit nginitian niya lang ako. "Ayaw mo ba ulit mag-aral?"

"Para saan pa? Saka nagtatrabaho na rin naman ako, wala na ring magpapaaral sa akin. Kontento naman na ako sa buhay ko." Napatitig ako sa kaniya roon. Magkaiba nga talaga kami.

Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain ng noodles.

"Soon to be reporter ka, 'di ba?"

"Kung papalarin. Sana."

"Kaya mo 'yan, ikaw pa ba?"

"Ikaw ba? Anong pangarap mo?" Natigilan naman siya roon.

"Bata pa lang ako, sinampal na ako nang realidad na bawal mangarap," sabi niya kaya napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. Nginitian niya lang naman ako at nagkibit ng balikat.

"Bata pa lang ako, ako na ang nagpalaki sa sarili. Kailangang humanap ng makakain kung gusto pang mabuhay. Wala nang panahon para mag-aral pa. Noon, gusto ko. Pero sa tagal ng panahon, kinalimutan ko na lang din," aniya na ngumiti sa akin.

"Puwede mo ulit simulan ngayon," nakangiti kong saad sa kaniya. Napatitig naman siya sa akin bago nagkibit ng balikat.

Nang matapos kaming kumain ay napagpasiyahan naming umuwi na dahil gabing-gabi na rin. Katulad ng nakasanayan, inihatid ako nito sa tapat ng apartment.

"Good night, Alon," sabi ko at ngumiting pumasok sa loob ng apartment.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Kunot noo ko namang tinignan 'yon, unknown number 'to.

Unknown Number:

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Good night, Miss.

Agad naman akong napangiti nang dahil do'n. Ang tagal-tagal na niyang kinuha ang number ko pero ngayon niya lang nagawang mag-text sa akin.

"Isla, pwede bang sumabay sayo?" tanong ni Seven nang makita niya akong palabas ng school.

"Huh? Magji-jeep lang ako, may kotse ka naman, 'di ba?" hindi ko maiwasang itanong na napakamot na sa ulo.

"Mayroon nga kaso nga lang ay hindi ko dala," sabi niya na napahawak pa sa batok. Nginitian ko naman siya. "Sure ba, saan ka ba pupunta?"

"Sa fast food chain," sabi niya na tinutukoy ang fast food chain na pinagtatrabahuan ko.

"Huh? Anong gagawin mo roon?" hindi ko maiwasang itanong ngunit nagkibit lang ito mg balikat. Hindi ko na rin naman siya pinilit pa.

Sumakay naman kami sa jeep, hindi ko maiwasang mangisi kapag nakikita ko siyang naiilang ngunit pinipilit na panatilihing kalmado ang sarili.

Napasulyap ako sa kanya nang makitang hindi siya kumportable habang sinisiksik ng isang babaeng mukhang gustong-gusto ang gwapong mukha nitong si Seven, hindi ko naman tuloy maiwasang maawa rito. Napatingin siya sa akin ng makitang nakatingin ako sa kanya, agad siyang nag-iwas ng tingin pagkatapos.

Bumaba naman agad kami sa jeep nang makarating sa fast food chain.

"Hey, ayos ka lang ba, ha?"

"I'm fine." Napangiti naman ako sa kanya.

"Sana kasi sumabay ka na lang sa mga rich kids mong kaibigan o 'di naman kaya ay nagpasundo ka na lang sa driver mo."

"Edi hindi ka rin kasabay," sabi niya na simple lang na ngumiti sa akin.

"Huh?" gulat naman akong napatingin sa kanya ngunit nginitian niya lang ako at pumasok na sa fast food chain. Bago ako pumasok napatingin ako sa kabilang fast food chain, kita ko naman si Alon na siyang nakatingin lang sa gawin namin. Nginitian niya lang ako bago siya pumasok sa loob ng cafe. Napanguso na lang ako.

"What the? Why are you wearing that?" hindi ko mapigilang itanong kay Seven nang makita ko 'tong suot ang uniform namin dito sa fast food chain.

"This is my first day," sabi niya na ngumiti pa sa akin.

"Seryoso ba 'yan?"

"Yeah."

"Mayamam ka naman, ha? Hindi mo na kailangan pang magtrabaho rito," sambit ko pa sa kanya ngunit nginitian niya lang ako.

"The girl I like said she doesn't want someone who rely on his parents," sabi pa nito na ngumiti ulit sa akin bago umalis sa harap ko.

Napakunot noo ako saglit doon ngunit nawala ang pag-iisip ko nang tawagin ako ng manager ko. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Seven. Nawiwierduhan. Ang perpekto na ng buhay nito kaya bakit nandito siya ngayon at nagsisilbi sa iba. Hindi pa man din friendly ang taong 'yan.

"Hi, Miss, mami para sa 'yo!" Napangiti naman ako nang pagkalabas na pagkalabas ko ay sinalubong agad ako ni Alon at pinakita ang mami na binili niya.

"Yayayain sana kitang kumain sa mamihan kaya lang ay may mga tatapusin ka ngayon kaya binilhan na lang kita habang naghihintay," sabi niya ng nakangiti. Napangiti naman ako sa kanya.

"Gagi ka. Baka mamaya maubos ang sahod mo sa akin," ani ko na napanguso. Hindi rin matanggian ang galing sa kaniya because he just really look genuine about it. Nanghihinayang din ako sa effort pagdating sa kaniya. Double standard, I know.

"A 'thank you will do."

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Wow, english 'yon!"

"Thank you!"

"Isla." Napatigil naman si Seven sa pagtawag sa akin nang makitang may kasama ako.

"Ah, Seven si Alon nga pala. Alon si Seven, 'yong crush ko ay," bulong ko kay Alon. Nasabi ko kasi sa kanya na crush ko si Seven no'n.

Hindi naman siya nagsalita, nakatingin lang siya kay Seven na seryosong-seryoso ang mukha na usually namang ganiyan.

"Ah, 'yong crush mo," pag-uulit niya sa sinabi ko at inirapan pa ako. Aba, may pairap-irap na 'to ngayon!

"May sundo ka ba, Seven? Gusto mo bang sumabay na lang sa amin ni Alon? Delikado rin kasi rito lalo na't gabi." Agad naman siyang napatango. "Yeah, baka matagalan pa nga si Manong."

"Tara na," sabi ko at ngumiti pa sa kanya. Samantalang itong katabi ko naman ay tahimik na ngayon, para bang napipi ngayong may kasama lang kami.

"Tahimik mo?" pabulong na tanong ko sa kanya. Nagkibit lang naman siya ng balikat ngunit suplado pa rin ang mukha.

Nang makasakay naman kami sa jeep, halos lumayo pa itong si Alon sa amin at doon pa siya pumwesto sa kabilang banda samantalang nag-usap naman kami ni Seven. "Kumusta ang first day? Mahirap ba?"

"Oo, pero ayos naman kahit paano, ganito ka ba palagi?" Tumango naman ako.

"How about our projects?"

"Kapag kinakailangan talagang tapusin syempre wala ng tulog. Papasok na lang ng bangag," natatawa kong saad.

"Sounds hard," sabi niya na nakatitig lang sa akin. Napahawak pa ako sa kanya nang biglang pumreno ang jeep.

"Manong! Mag-ingat naman po kayo!" masungit na reklamo ni Alon na nasa isang tabi. Busangot ang mukha. Parang kanina lang ay ang saya-saya pa nitong ibinigay sa akin ang mami. Ngayon, uma-attitude ang lolo mo. Nagulat naman ako nang bumaba ako ay siya rin ang baba nila. Expected ko naman na 'yon kay Alon dahil madalas naman talaga ako nitong ihatid.

"Bakit bumaba pa kayo? Doon ka pa, Seven.".

"It was kind of creepy being alone."

"Takot ang pucha," bulong ni Alon na narinig ko, binantaan ko ito kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Tawagan mo na ang driver mo, magpasundo ka na muna," hindi ko mapigilang sambitin dahil delikado na talaga.

"Pumasok ka na, sasamahan ko na lang 'to rito," sabi ni Alon sa akin.

"Madami ka pang tatapusin, Miss, para ipaalala ko sa 'yo."

"Hintayin ko na, saglit na lang naman 'yon, malapit lang dito si Seven," sabi ko na lang. Tahimik naman na kaming tatlo na naghintay. Nang makarating ang sundo ni Seven ay pinapasok ko na siya kahit na pinagpipilitan niyang pumasok muna ako sa apartment ko.

"Bakit ba ganyan ang mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa," hindi ko maiwasang sambitin kay Alon na seryoso lang ang mukha na hindi man lang magawang ngumiti.

"Wala."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report