Hoy, Mr. Snatcher! -
CHAPTER 8
Isla's POV
"Isla," tawag sa akin ni Aling Linda.
"Po?" tanong ko sa kanya at nilapitan siya.
"Aalis na ako. Hintayin mo na lang si Alon," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. Marami pa siyang bilin bago umalis.
Napatingin naman ako sa labas nang makita si Alon na may kasamang batang lalaki. 'Yon na ata ang anak niya. Ang sabi kasi nito'y dadalhin niya ang anak niya ngayong araw. Ipakikilala sa akin. "Isla," pagtawag niya kaya lumapit ako sa kanila.
"Ito na ba 'yong anak mo?" hindi ko mapigilang itanong at nilapitan ang isang batang lalaki. Ang cute nito kaya mas lalo akong napangiti.
"Hi," bati ko sa kanya.
"Hello po," nakangiti rin niyang bati. Pinanggigilan ko naman ang pisngi nito.
"Hindi 'yan ang anak ko," sabi ni Alon nang natatawa. Pinagkunutan ko naman siya ng noo.
"Ayan, oh." Turo niya sa isang asong hindi ko naman alam ang lahi.
"Si Choco," sabi nito na ngumiti. Napatunganga naman ako bago ko na-realize ang sinasabi nito.
"Sabi mo anak mo!" hindi ko mapigilang sambitin. May pasabi sabi pa akong kaya kong maging ina sa anak niya pero pucha.
"Anak ko nga si Choco," sabi niya naman ng natatawa. Kinarga niya pa ang aso niya at pinakita 'yon sa akin. Tsokolateng-tsokolate ang kulay nito. Ngumiti ako at hinagod ang katawan nito. "Sino 'yang batang 'yan?" hindi ko maiwasang itanong habang nakatingin dito sa batang lalaki na tahimik lang sa isang tabi.
"Si Gab, kapitbahay namin. Ang sabi ko dadalhin ko dito si Choco at iuwi na rin mayamaya pero nagpumilit na sasama kaya wala akong nagawa," sabi niya sa akin. Napatango naman ako roon. "Gab, diyan muna kayo ni Choco sa isang gilid. Huwag makulit, okay?" tanong niya pa kay Gab. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan itong binibilinan ang batang lalaki. Ilang oras ang lumipas na Tmtahimik lang sila habang nandoon pero nang natatae si Choco ay agad na nagsabi si Gab.
"Kuya, si Choco natatae. Dalhin ko lang sandali sa labas," sabi niya. Napatango naman sa kanya si Alon.
"Huwag masiyadong malayo at baka mabangga kayo," sabi ni Alon sa kanya. Tumango lang naman ito.
Pagkatapos namin manatili do'n ay niyaya nila akong sumama sa kanilang kumain sa labas. Dumating na rin naman kasi si Aling Linda at maaga kaming pinauwi dahil mukhang good mood ito. Baka nakachamba sa asawa. "Ililibre ko lang itong si Gab ng ice cream diyan sa 7/11. Sasama ka ba?" tanong ni Alon. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.
"Kuya, pwede ba akong matulog na lang sa inyo mamaya?" tanong ni Gab kay Alon.
"Bakit na naman, Gab?" tanong niya sa bata.
"Kasi naman po, namimiss ko na naman ang lola ko," sabi ng bata na napanguso.
"Sige na nga," sabi niya at malungkot na ngumiti rito. Hindi ko maiwasang mapatitig lang sa mukha ni Alon na tila nag-aalala sa bata. Napansin niya naman ang tingin ko sa kanya.
"No'ng ninakawan kita, namatay ang lola nitong si Gab," sabi niya dahil nga nakatitig ako na tila nagtataka.
"Maski ang tatay nitong si Gab, walang perang magamit para sa pamburol ni Lola," pagkukwento niya.
"Kaya nagnakaw ka?" hindi ko maiwasang itanong. Tumango naman siya at malungkot na ngumiti.
"Gusto ko lang naman na mabigyan nang maayos na libing ang Lola niya dahil isa rin 'yon sa tumingin sa akin no'ng mga panahon na iniwan na ako ng nanay ko," sabi niya sa akin at napakibit ng balikat. Hindi ko maiwasang mapatitig lang sa kanya.
"Pero katulad nga ng sinabi mo. Ano man 'yong dahilan ko kung bakit ako nagnakaw, nagnakaw pa rin ako. Mali pa rin ang ginawa ko," sabi niya na nginitian pa ako. Ngumiti lang siya sa akin nang mapansin ang titig ko sa kaniya.
"Ang kalat-kalat mo talagang kumain, Gab," sabi niya sa bata at pinunasan ang ice cream na nakakalat sa labi nito. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. He genuinely care for the child. Tila ba mas gumagwapo siya sa paningin ko lalo na ng malaman ko ang dahilan niya. Hindi ko alam kung tama ba na buksan ang sarili sa taong 'to.
"Kuya! Kuya!" malakas na sigaw ni Gab at tinuro ang labas.
"Kinuha si Choco!" malakas na sigaw ni Gab at tinuro 'yong pinagkakatalian ni Choco kanina. Agad naman na nanlaki ang mata ko at mabilis na tumakbo para humabol do'n. Ganoon din naman ang ginawa ni Alon. "Ako nang bahala!" sigaw niya sa akin.
"Pakibantayan si Gab, please," sabi niya pa sa akin. Napatango naman ako at napabalik sa pinag-inawanan ko kay Gab. Nakangiti naman ang bata kaya agad akong nagtaka sa kanya.
"Tara, Ate," pagyaya niya sa akin.
"Huh? Saan?"
"Sa bahay namin," sabi niya nang nakangiti.
"Huh? Bakit?" naguguluhan ko ng tanong ngayon.
"Yong kumuha kay Choco, kilala ko po 'yon. Balak po talaga namin i-surprise si Kuya dahil birthday niya ngayon."
"Birthday niya? Bakit hindi man lang niya sinabi," hindi ko maiwasang sambitin at napakamot pa sa ulo. Ngumiti lang naman ang bata sa akin.
"Mahal na mahal talaga ni Kuya si Choco," sabi ni Gab na napanguso pa ngayon.
Napatawa rin ako nang mahina nang maalala ang itsura ni Alon. Sinundan ko lang naman sa paglalakad itong si Gab. Mukhang alam niya rin naman kung saan ang daan pauwi ng bahay nila kaya tiwala ako. Napatingin naman ako sa paligid nang makarating kami sa isang eskinita na dikit-dikit ang mga bahay. May mga nagchichismisan sa isang gilid at napatingin pa sa akin dahil mukhang hindi sila pamilyar sa mukha ko.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Gab! Sino 'yang kasama mo?"
"Si Ate Isla po, kaibigan ni Kuya Alon," sabi niya rito. Nakakatakot naman ang mga tingin nila sa akin.
Napatingin naman ako sa ilang lalaking mukhang kaninang tanghali pa nag-iinuman dahil mukhang mga lasing na samantalang sa kabilang banda naman may mga nagsusugal. Napanguso na lang ako at dire-diretsong naglakad pasunod kay Gab.
Nakakakaba naman kasi talagang pumunta sa isang lugar na hindi mo kilala ang mga tao. Halos lahat pa sila'y napapatingin sa akin kaya nag-iiwas na lang ako ng tingin. Nakarating naman kami sa medyo dulo ng bahay, tagpi-tagpi pa 'yon. "Yan po ang bahay ni Kuya Alon," sabi niya at tinuro dito. Siguro nga masiyado na akong nagtitiwala na walang masamang mangyayari sa akin dito dahil ilang buwan ko pa nga lang nakikilala 'yong si Alon at ang sama pa nang una naming pagkikita pero nandito ako ngayon sa bahay niya.
Sa labas pa lang ay naririnig na agad namin ang pagbati sa kanya ng mga tao. Mukhang punong-puno na ang bahay nito.
"Happy birthday, Kuya!" masayang bati ni Gab na hinila ako papasok sa loob. May hawak-hawak 'yong iba ng maliliit na biscuit na mukhang binili sa tindahan at pancit na kaunti lang rin.
"Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Alon sa akin. Agad naman akong napakamot ng ulo dahil si Gab naman ang nagyaya sa akin dito.
"Delikado dito, Isla," galit niyang sambit sa akin.
"Huh? Bakit naman?" hindi ko maiwasang itanong sa kanya. Dito siya nakatira pero sinasabi niyang delikado ang lugar niya?
"Delikado rito para sa mga katulad mong hindi nila kakilala," masungit na saad niya.
"Sino 'yan, Tol?"
"Sino 'yan?" Napatingin naman ako sa isang babae na pulang-pula ang labi. Tinignan pa ako nito nang masama bago minata. Napatikhim naman ako, mukhang hindi naman pala ako welcome dito.
"Pasensiya na, hindi ko naman gustong pumunta ng hindi naman pala invited saka sinamahan ko lang si Gab. Happy Birthday na lang," sabi ko na malungkot na ngumiti. Palabas na sana ako kaya lang ay bigla niya akong hinawakan sa palapulsuhan.
"Kumain ka na muna."
"Hindi na. Ayos lang ako," sabi ko dahil mukha namang hindi na magkakasiya 'yon kung makikisalo pa ako sa kanila.
"Sige na," sabi niya at hinila ako patungo sa lamesa. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga kaibigan niya. Hindi ko naman tuloy maiwasang pagmasdan ang bahay nito. Mukhang siya nga lang talaga mag-isa ang nakatira rito. Halos wala rin kasing mga gamit. Isang buong hilera lang 'yon, sa isang buong kwarto ay sasama na lahat, ang kusina, sala maski ata ang tulugan ay do'n na rin.
"Kumain ka na at ihahatid na kita pauwi," sabi niya sa akin ng seryoso. Hindi ko alam kung bakit ba ito nagagalit o ano. Napanguso na lang ako. Halos nilagay niya lahat sa pinggan ko 'yong mga pagkain na binigay ng mga kaibigan niya kaya ang sama ng mga tingin nila sa akin. Lalo na 'yong babae.
"Sino ba kasi 'yan, Alon? Bakit nandito?" tanong nila. Ni hindi pa nga ako nakakasubo.
"Busog pa ako. Uuwi na ako," hindi ko mapigilang sambitin sa kanya. Seryoso naman akong tinignan ni Alon gamit ang asul niyang mga mata.
"Kumain ka na muna kahit kaunti lang," aniya sa akin. Aba't paano ka makakakain kung ganyan ang tingin ng mga kaibigan nito? Sumubo na lang ako ng isang subo at tumayo na.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Uuwi na ako," seryoso ko ring saad sa kanya. Pipilitin pa sana ako nitong kumain ngunit dire-diretso na akong naglakad palabas ng bahay niya. Wala ng pakialam kahit na kinakabahang dumaan sa mga taong dito nakatira.
"Wow, chix ata 'to, ah," nakangising sambit ng ilang lalaki sa gilid. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad ngunit hinarang ako ng isang lalaki.
"Miss, dito ka muna. Makipagkwentuhan ka sa amin," sabi nito. Magsasalita na sana ako kaya lang ay may biglang umakbay sa akin. Agad ko namang nakita si Alon na seryosong tinitignan ang mga lalaki.
"Pasensiya na pero uuwi na ang girlfriend ko," seryoso niyang saad.
"Ah, ganoon ba? Sa 'yo pala 'yan, hindi ka nagsasabi," sabi nila kay Alon. Seryoso lang naman itong tumingin sa kanila, mukhang natakot sa tingin nitong kasama ko kaya naman hindi na sila humarang pa sa daanan kaya lang ay hindi pa rin inaalis ni Alon ang pagkakaakbay sa balikat ko hanggang sa makalabas kami ng eskinita.
"Pasensiya ka na. Hindi ko naman gustong paalisin ka roon pero delikado talaga ang lugar na 'to para sa 'yo," sabi niya sa akin.
"Kilala mo naman ang mga 'yon."
"Yon na nga, kilala ko ang mga 'yon. Madalas sila mambastos ng mga naligaw lang diyan sa eskinita at madalas may away riyan. Ayaw ko lang naman na makita mo 'yon," seryoso niyang sambit.
"Sus, 'yon lang pala. Hindi mo kailangan mag-alala para sa akin dahil kaya ko naman kahit paanong ipagtanggol ang sarili ko at sanay na sanay naman na ako makakita ng away."
"Hindi basta-basta away 'yong sa kanila, may mga dala-dala pang itak ang mga 'yon paminsan-minsan.".
"Saka kaya ang sarili? Lapitin ka nga ng disgrasiya," sabi niya at nginiwian pa ako. Hindi ko naman maiwasang mapasimangot sa kanya.
"Ihahatid na kita sa inyo, madilim na," sabi niya sakin. Tumango naman ako sa kanya.
"Wala ka bang takot, ha?"
"Bakit?"
"Pumunta ka sa bahay na hindi mo naman sigurado kung mabuti o masamang tao 'yon lalong-lalo na't kita mo naman na rin ang lugar, halatang pinamumugaran ng masamang damo," sabi niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya na nakakunot ang noo.
"Hindi ka naman masamang damo at siguro naman hindi lahat do'n ay masamang tao."
"Tapos ngayon magpapahatid ka sa nagnakaw sa 'yo noong nakaraan."
"Unang-una ang sabi mo sa akin na isang beses mo lang 'yon ginawa at para 'yon sa Lola ni Gab."
"At naniwala ka naman agad?"
"Bakit nagsinungaling ka ba?" Umiling naman siya.
"Saka sa ilang buwan din nating pagkakakilala, hindi ko naman maitatanggi na mabuti kang tao."
"Hindi ako kasing buti ng iniisip mo."
"Ewan ko ba sa 'yo, ang dali-dali mong magtiwala. Paano kung sisirain nila 'yon edi ikaw 'tong wasak?" "Choice naman na nila kung sisirain nila ang tiwala ko. Edi kung sinira, kawalan na nila 'yon."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report