Hoy, Mr. Snatcher!
CHAPTER 7

Isla's POV

"Isla, si Alon. Ang bagong delivery boy natin," sabi ni Aling Linda. Natulala naman ako habang nakatingin kay Alon na nagulat ding nakatingin sa akin.

Bagong panganak kasi ang asawa ni Nonong kaya naman panandalian itong lumiban muna sa trabaho. Hindi naman kaya ni Aling Linda na mag-isa lang siya rito dahil marami rin namang customer kahit paano.

"Isla?" gulat na tanong sa akin ni Alon. Huling kita ko rito, noong party ni Deo. Sumama rin siya sa amin sa paghahatid kay Alice at siya ang humarap sa Nanay ni Alice na nagwawala na ngunit nang makitang gwapo ang naghatid sa anak ay para itong demonyong naging anghel.

Hindi ko alam pero may tiwala na agad ako kay Alon. Legit na mabait ang mokong na ito.

"Magkakilala kayo? Si Weng ang nagrekomenda riyan kay Alon," sabi ni Aling Linda na napakibit ng balikat. Aso't pusa rin talaga sila ni Aling Weng.

"Siya, alis na muna ako. Kayo ng bahala rito sa shop," sabi ni Aling Linda sa amin.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Sinusundan mo ba ako, ha?" tanong ko sa kanya ngunit tinignan niya lang ako ng nakakunot ng noo.

"At bakit ko naman gagawin 'yon, ha?"

"Kasi type mo ako?"

"Feeling," natatawang sagot niya rin.

"Naghahanap ako ng maraming racket. Pambayad do'n sa cellphone mo, katulad ng sabi ni Aling Linda, nirekomenda ako ni Aling Weng," sabi niya at napakibit ng balikat. "Ah."

"Ayos na ba 'yong kaibigan mong nagwala no'ng nakaraan?" tanong niya sa akin. Napatawa naman ako sa kanya dahil do'n.

"Ayos na siya. Salamat nga pala sa pagsalo sa sermon ng Nanay ni Alice."

"Wala 'yon. Saka akala ko naman nakakatakot, ang bait-bait naman pala."

"Akala mo lang 'yon. Grabe kayang magalit sa akin 'yon dahil sa Nanay ko." Napatingin naman siya sa akin dahil dito.

"Inagaw kasi no'ng Nanay ko 'yong dating nobyo ni Tita kaya ayon, pati ako napagbubuntungan ng galit," sabi ko sa kanya. Napatango naman siya sa akin.

"Nasaan na ang Mama mo?"

"Patay na parents ko," sabi ko na nakibit ng balikat habang inaalis na ang mga delata sa box para ilagay sa pwesto nito.

"Sorry," mahina niyang sambit. Napatawa naman ako roon.

"Bakit ikaw ba pumatay sa parents ko at nagso-sorry ka riyan?" natatawa kong tanong. Napanguso lang siya na tinulungan na rin ako.

"Ikaw? Nasaan parents mo? Alam ba nilang nagtatrabaho ka na? May lahi ka ba? Hindi ka ba nag-aaral? Alam ba nilang ninakawan mo ako, ha?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Wala na akong mga magulang," sabi niya sa akin na nakangiti.

"Pasensiya na."

"Hindi sila patay, gagi. Nakikita ko pa paminsan-minsan ang nanay ko sa facebook," natatawang saad niya.

I felt like I shouldn't ask any question kaya naman nanatili na lang akong tahimik.

"Nasa ibang pamilya na."

"Masaya naman na 'yon kaya ayos lang sa akin kung maiwan akong mag-isa kaya ko naman na ang sarili ko," sabi niya na napakibit pa ng balikat.

"Prostitute nanay ko," sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Hindi ko alam kung sinong ama ko pero kita mo naman sa mata, mukha ngang may lahi ako," natatawang sambit niya. Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. "Nandidiri ka ba?"

"Saan? Bakit?" hindi ko maiwasang mapakunot ng noo sa kanya.

"Dahil prostitute ang nanay ko? Anak ako ng maduming babae?" sabi niya na natatawa pa rin ngayon na para bang sanay na sanay siyang marinig ang mga katagang 'yon.

"Bakit? Nandidiri ka ba sa Mama mo?" Hindi naman siya sumagot.

"Sino ba naman ako para mandiri? Everyone have their own circumstances. Ni hindi ko nga alam ang tunay na kwento. Sino ba naman ako para humusga?" nakangiti kong tanong. Wala naman silang tinatapakan na ibang tao for me to judge them.

Magsasalita pa sana siya kaya lang ay biglang may dumating na mga customer kaya natahimik na kami.

"May bago pala kayong delivery boy, Isla? Ang gwapo naman niyan," nakangiting saad ni Bea, nakatira lang ito sa malapit at madalas talaga itong bumili rito.

"Isang pack nga ng napkin, Pogi," nakangiti niyang saad kay Alon nang nangalumbaba pa. Ngumiti naman si Alon bago ibinigay niya ang pack ng napkin na nasa gilid. "Pogi mo naman. Anong pangalan mo?" tanong niya.

"Alon," sabi naman nitong si Alon sa kanya.

"Malandi ka, Bea. Mag-aral ka muna, aba, baka gusti mong isumbong kita sa Mama mo," hindi ko mapigilang sambitin sa kanya.

"Aba't bakit naman? Mukhang bata pa naman 'tong si Alon," sabi niya kahit na mas bata naman si Bea ng ilang taon sa akin.

"May anak na ako," sabi ni Alon. Pareho naman kaming nahinto ni Bea roon. Napatulala naman ako sa kanya.

"May anak ka na?" gulat kong tanong. Nginitian naman ako ni Alon at tumango sa akin.

"May asawa ka na?" hindi ko pa maiwasang itanong. Agad naman siyang napailing sa akin.

"Single Dad," sabi niya pa. Gago?

"Gusto mong makilala?" tanong niya.

"Dadalhin ko next time dito sa shop," sabi niya ngunit napatulala pa rin ako dahil mukhang bata pa ito, mukhang kaedad ko nga lang siya.

"Ikaw naman pala 'tong may gusto kay Alon, Isla," natatawang saad ni Bea na binayaran na ang napkin na binibili.

Inambaan ko lang siya. Natatawa naman siyang kumaway paalis. Napatunganga pa rin ako, nag-i-invest na ako ng feelings ko sa kupal na 'to pero may anak na pala. Buong linggo tuloy, iniisip ko 'yon.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Hoy!" malakas na sigaw ni Alice nang makitang tulala lang ako sa isang tabi.

"Anong problema mong gaga ka?" tanong niya sa akin. Tulala lang kasi ako habang naglalakad kaming dalawa.

"May anak na pala 'yong snatcher na kinukwento ko sa 'yo," hindi ko mapigilang sambitin.

"Aba't gaga ka, sinasabi ko na nga bang nagkakagusto ka na roon! Tigilan mo 'yang kaharutan mo, huh?"

"Pero alam mo ba, infairness, ah, gwapo nga raw talaga dahil pinapahanap pa nina Wendy," sabi niya sa akin.

"May anak na nga! Naririnig mo ba ako, ha?" inis kong tanong sa kanya.

"Ano naman? Saka bakit gusto mo na agad 'yon? Haliparot ka talaga. Ilang beses pa lang kayong nagmi-meet at hindi mo pa nga halos alam ang tunay na pag-uugali no'n!" sabi niya sa akin.

"Anong magagawa ko? Saka ilang beses ko siyang nakikita sa shop. Doon na nga siya nagtatrabaho, 'di ba?" hindi ko mapigilang sambitin at napairap sa kanya.

"Yon talaga 'yong naghatid sa akin sa bahay? Sabi ni Mama jowain ko raw," sabi niya sa akin. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin, napatawa siya sa akin. Teka nga. Bakit ba ganito ako kung mag-react?

"Malandi ka! Hindi pa nga kayo saka akala ko ba si Seven ang gusto mo?" tanong niya sa akin.

Naalala ko naman tuloy bigla si Seven, kasama ko siya no'ng naghatid kay Alice, sumabit si Alon para daw makatipid ng pamasahe. Kinuha niya 'yong number ko! Gusto ko rin naman si Seven pero masiyado siyang mataas at halos perpektong- perpekto na. Mabait, gwapo, mayaman. Ano pa bang kulang sa taong 'yon?

Hindi babagay sa akin. Practical lang ako rito.

"Ano? Crush ko si Seven pero alam mo naman kung gaano kayaman 'yon saka madami chix na kahit ako'y magkakagusto rin," natatawa kong saad at napailing na lang. Lapitin kaya ng mga magaganda, matatalino at mayayamang babae si Seven.

"True, masiyado ngang mayaman," sabi niya ngunit nakita ko siyang nakatingin kay Deo. Napangisi ako kapag naaalala ko itong dalawang 'to no'ng nakaraan.

"Gusto mo talaga si Deo, 'no?" tanong ko sa kanya. Gwapo naman kasi 'yon at mabait din lalong-lalo na sa bestfriend ko. Bago pa siya makasalita'y nakalapit na ito sa amin.

"Hey," bati nila ng makalapit sa amin.

"Hoy," nakangiti kong sambit kay Deo.

"Pauwi na kayo?" tanong nila.

"Si Alice pauwi na," sabi ko.

"Pero hindi mo pwedeng ihatid at baka kung ano pang gawin mo riyan sa kaibigan ko," hindi ko mapigilang sambitin.

"Grabe! Ihahatid lang, dami pang sinasabi," natatawa niyang sambit.

"Alis na ako," sabi ko kay Alice na iniiwasan pa rin si Deo hanggang ngayon. Mukhang nahiya ito dahil nga ang daming pinakukwento sa tao. Agad akong hinawakan ni Alice nang sambitin ko 'yon. "Iniiwasan mo ba ako, Alice?" tanong ni Deo sa kanya. Napangisi naman ako doon. Napatingin naman ako kay Seven na nakapamulsa lang sa isang tabi, kasama rin ni Deo.

"Hindi? Bakit naman kita iiwasan?" tanong ng haliparot kong kaibigan. Sinesenyasan pa ako nitong tulungan siya sa pagtakas. Nginisian ko lang siya.

"Nagalit ka ba dahil hindi kita naihatid? Pasensiya na, lasing na rin kasi ako," Napapakamot pa sa ulong sambit ni Deo. Aba't ang lakas-lakas nitong humarot ngunit tiklop naman pala sa bestfriend ko. "Hindi mo naman kailangan gawin 'yon. Ayos lang, ano ba?" natatawang sambit niya.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Ano? Alis na kami," natataranta pang sabi ni Alice.

"Teka, usap muna tayo," sabi niya kay Alice at hinila ito.

"Hoy! Kapag nalaman ko lang na may ginawa ka riyan, dedu ka sa akin!" ani ko sa kanya. Inalis ko pa ang kamay kay Alice bago ngumisi.

"Opo, Boss. Usap lang," sabi ni Deo sa akin. Kumaway na lang ako kahit binabantaan na ako ni Alice.

"Hatid na kita," sabi ni Seven na sumunod sa akin.

"Hindi na, may trabaho pa ako," sabi ko at nginitian lang ito.

"Nga pala, 'yong polo mo. Hindi ko pa rin naibabalik. Pasensiya na. Nakakalimutan ko kasi," hindi ko mapigilang sambitin dahil madalas kasi kapag pumapasok ako ay nagmamadali na para sa klase lalo na ngayon sapagkat ang daming requirements at mga report.

"Ayos lang kahit huwag na," sabi niya sa akin. Agad naman akong napanguso ng dahil do'n.

"Hindi naman ako marumi, saka nilabhan ko naman 'yon," ani ko. Mukhang mamahalin din 'yon kaya nakakahiya kung hindi ko isosoli pero puwede ko 'yon pagkakitaan. Joke.

"I didn't mean it like that. Fine, just give it to me," sabi niya na napanguso rin. Napatawa naman ako sa kanya.

"Sige na, aalis na ako. Ingat sa pag-uwi, Seven," sabi ko sa kanya. Magsasalita pa sana ulit ito kaya lang ay kinawayan ko na siya dahil paniguradong pipilitin niya lang akong sumabay sa sa kanya.

Habang patungo ako sa fast food chain na pagpapart time-an ko. Bahagya akong nagulat nang g mapatingin kay Alon na siyang kakalabas lang sa isang fast food chain na malapit lang sa pinagtatrabahuan ko, nakasuot din ito ng damit nila roon. Grabe, ang liit naman ng mundo naming dalawa.

Mukhang pauwi na ito. Nag-iinat inat pa. Aba, ang dami talagang racket nito. Syempre, para sa anak niya rin siguro.

Aba't hindi na ako natapos kakaisip tungkol do'n. Gustong-gusto ko ng sabunutan ang sarili dahil sa naiisip. Bakit ba interesadong-interesado ako sa kaniya? "Hoy, matunaw 'yang waiter nila sa kabila," natatawang saad sa akin ni Kenneth, ang katrabaho ko.

"Siya 'yong tinutukoy nina Manager na gwapong waiter kaya naman maraming nadadagdag na customer sa kanila," sabi ni Kenneth sa akin.

"Gwapo no?" tanong niya. Napatango naman ako.

"Gwapo nga," sabi ko at ngumiti na lang.

"Tara na sa loob. Hinahanap na tayo ni Manager kailangan na ng taga-hugas," sabi ni Kenneth na nginitian ako. Tumango naman ako at pumasok na sa loob.

Nang magsimulang maghugas, dumapo ang isipan ko sa anak ni Alon.

Ano naman kasi, Isla? Ayos lang na may anak. Mahilig naman ako sa bata. Huwag lang balikan ng nanay ng bata. Nako!

Teka nga! Bakit ko ba iniisip ang mga ito?

"Yong pagiging snatcher niya nga natanggap mo. Ano pa itong may anak lang siya? Kaya kong maging ina sa anak niya!" Hindi ko namalayan na nagsasalita na pala ako kaya agad na napatingin sa akin si Kenneth. "Huh? Sinong may anak? Saka sinong snatcher?" tanong niya sa akin. Napailing na lang ako.

Ang kapal talaga ng mukha mo, Isla. Nasisiraan ka na talaga.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report