Hoy, Mr. Snatcher! -
CHAPTER 22
Isla's POV
Hindi ko naman mapigilan ang mapahagulgol ng iyak habang pinagmamasdan 'yon. Hindi ko alam kung alam niya bang ninakawan ko siya. Naninikip na agad ang dibdib ko sa ideyang 'yon.
Nakita ko naman na may tawag galing kay Alice. Alam ni Alice na umuwi ako rito sa amin. Hindi niya nga lang alam ang dahilan kung bakit. "Hello," bati ko rito.
"Isla, nasaan ka?" Nabato-balani ako sa kinatatayuan nang marinig ang tinig nito. Hindi naman ako nagsalita dahil nakokonsensiya sa ginawa. Ni hindi ko man lang pinagpaalam sa kaniya. Alam ko kung gaano kaimportante ang perang 'yon para sa kaniya. He's been saving for us to travel, for us to have a new house, lahat para sa aming dalawa ngunit eto ako, nagawa pang galawin ang perang hindi naman sa akin.
"I'll pay you..." mahina kong saad.
"Babayaran kita..." sambit ko na pilit pinakakalma ang tinig.
"Nasaan ka?" ulit na tanong nito. Hindi naman ako nagsalita. Pakiramdam ko'y mapapahagulgol ako ng iyak. Narinig ko naman ang tinig ni Alice at Diego bago inagaw ang cellphone mula kay Alon.
"Isla, nandiyan ka pa ba?" tanong ni Alice sa akin.
"I'm still here..."
"Kumusta ka na? Kailan ka uuwi? Tinambakan ka na ng prof natin ng trabaho. Ga-graduate pa tayo, 'di ba?" sunod-sunod ang tanong nito.
"Uuwi na ako bukas..." Gising na si Boboy at wala rin naman akong matitirhan dito.
Wala nga lang akong perang pamasahe pauwi.
"Tita, uuwi na po ako," paalam ko rito kinabukasan.
"Dapat lang nang sa gayon kahit prutas lang ay may maimbag ka naman dito kay Boboy. Kasalanan mo kung bakit siya nabaril," aniya kaya agad namang napaawang ang labi ko dahil doon. Ito na naman siya, sinisisi na naman ako sa bagay na wala akong kinalaman. Noon pa man ay sinisisi niya na ako sa pagkamatay ni Mama, pasakit lang daw ako sa buhay nito.
Mabuti naman at kahit paano'y nagbigay siya ng pamasahe pauwi.
"Alice..."
"Pauwi ka na?" tanong niya sa akin. I always want to solve my problem on my own ngunit mukhang hindi ko 'yon kayang gawin sa ngayon.
"Pupuwede ba akong makitira sa inyo?"
"Huh? Hinihintay ka ni Alon. Mag-usap muna kayo!" anito. Hindi naman ako nagsalita. Wala akong mukhang maihaharap kay Alon. Pakiramdam ko'y kahit tignan ko lang ito, magkakasala na ako.
"Fine. If ever something happens. Call me. Kahit na gerahin pa tayo ni Mama, ititira kita rito," aniya sa akin. I don't want to ask for a favor but it's Alice, my best friend.
Habang naglalakad patungo sa eskinita. Agad kong nakita ang ilang kapitbahay na nakatingin sa akin.
"Isla, saan ka galing?"
"Ang tagal ka nang hinahanap ni Alon!"
"Buti bumalik ka pa."
"Akala namin patay ka na."
Sari-saring komento ang narinig ko habang naglalakad patungo sa bahay ni Alon. Nang makarating doon, agad ko siyang nakitang nakaupo lang sa upuan sa kusina habang nakatingin sa pinto. Agad siyang napatayo nang makita ako. "Saan ka galing? Bakit bigla ka na lang nawala? Ayos ka lang ba? Anong problema? Kumain ka ba nang tama? Nangayayat ka, Miss," sunod-sunod ang tanong nito habang pinagmamasdan ako. Hinawakan niya pa ang pisngi ko. Ni hindi ko magawang tumingin sa kaniya.
Tinapik ko lang ang kamay nito bago nag-iwas ng tingin.
"Kukunin ko na ang mga gamit ko. Kay Alice na muna ako titira," seryoso kong sambit dahil pakiramdam ko'y hindi ko kakayaning makita siya sa ngayon. Nilalamon lang ako ng konsensiya ko.
"Anong ibig mong sabihin? Umalis ka. Bumalik. Ngayon, aalis ka na naman? Iiwan mo na naman ako?" tanong niya na sumunod sa akin habang kinukuha ko ang ilang damit sa aparador. Ni hindi ko magawang tignan ang walang laman na alkansiya niya roon.
"Babayaran kita, huwag kang mag-alala."
"Magpahinga ka na muna, Isla. Huwag mo nang alalahanin pa 'yon," aniya.
"Walang aalis hangga't hindi pa tayo nakakapag-usap nang maayos." Seryoso niya pa akong tiningnan.
"Puwede ba, Alon? Huwag kang tanga! Ninakawan kita! Naiintindihan mo ba ako? Ninakawan kita... Tinangay ko lahat ng perang mayroon ka!" malakas kong sigaw sa kaniya.
"Alam kong mahalaga kung saan mo man ginamit ang perang 'yon, Isla. Pera rin naman nating dalawa 'yon. Para rin naman sa 'yo 'yon," aniya sa akin na nginitian pa ako. Sinubukan niya pang palisin ang luhang tumutulo mula sa mga mata ko ngunit inis ko lang na inalis ang kaniyang kamay.
Mas lalo lang akong nakonsensiya dahil dito.
"Walang aalis, please..." aniya na niyakap pa ako nang mahigpit. Hindi ko na rin namalayan ang luha mula sa mga mata. Sa ilang araw kong nanatili sa probinsiya para akong nawawalan ng enerhiya but with him. I feel at ease... I feel at home... "I'm so sorry..." mahina kong saad.
"Ayos lang 'yon, Miss..." Hinaplos niya lang ang aking buhok bago ako nilingon.
I thought everything will be fine because I'm already here but karma will really slap you with a big impact.
"You lost your scholarship now, Ms. Emperyo. Isang linggo kang absent." Kung manamalas ka pa, kasabay ng bigayan ng grades nang um-absent ako.
"Dean, baka naman pupuwedeng masolusiyonan pa po. Pasensiya na po talaga..." Sinubukan kong makiusap ngunit buo na ang desisyon ng mga ito. Bagsak na agad ako sa isang subject kahit na finals lang naman ang wala ako. "Uy, ano? Kumusta?" nag-aalalang tanong ni Alice nang lumapit siya sa akin.
I lost it..." mahina kong Napapikit naman siya dahi oon. Napaawang din ang labi niya habang nakatingin sa akin.
"What will you do now?" tanong niya sa akin ngunit hindi ko rin alam. Napahalakhak na lang ako. Nasisiraan na ng bait. I worked really hard for that scholarship. Paanong sa isang iglap, tuluyan na itong nawala? Hindi ko na talaga alam. "Retake ulit," ani ko. Tinutukoy ang subject na bagsak ako. Pagbibigyan pa naman niya kaming i-retake 'yon.
That week, kalat lang ako sa school. Pabalik-balik sa ilang prof ko para sa finals at ilan pang activities and quizzes na na-missed.
"Oh, nandiyan na pala si Isla."
"Mabuti't may kapal ka pa ng mukhang humarap kay Alon gayong ninakawan mo ito?"
Nagtawanan pa ang ilang kapitbahay ko.
"Tigilan niyo nga si Isla," galit na sambit nk Francisco sa kanila. Pagod lang akong ngumiti bago nagpatuloy sa paflalakad pauwi. Narinig nila ang sigaw ko noong nakaraan. Agad namang kumalat sa buong lugar. Hindi na rin ako nagtaka. Deserve ko rin naman. Napatingin ako kay Alon na nakangiting pinakita ang dalang pagkain.
"Let's eat," nakangiti niyang saad sa akin..
"I know you're tired..." aniya pa na naglahad ng yakap sa akin. Nanatili lang naman akong nakatayo roon habang nakatingin sa kaniya. Do I deserve him? Nilagpasan ko lang siya at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok sa loob. Sinimulan ko nang gawin ang ilang activities na kailangan ko na rin agad ipasa. "Kailangan mo ba ng tulong?"
"No." Wala siyang nagawa kung hindi ang titigan lang ako. I've been unnecessarily annoying. Hindi ko nga alam kung paano niya ako nagagawang pagtiisan.
For the past weeks, malamig lang ang trato ko sa kaniya. Pagod lang din talaga sa lahat ng bagay. Isa pa, kapag nakikita ko ito'y kinakain lang ako ng konsensiya ko. Pakiramdam ko'y hindi ako karapat-dapat para sa kaniya. He deserves more than this.
"Natutulog ka pa ba?" tanong niya sa akin nang mapansing binibilang ko ang napagbentahan sa mga tingi-tinging ibinebenta. Kailangan ko ng extra pang pera lalo na't hindi na ako scholar ngayon.
"May pera pa ako rit--" Hindi ko na siya pinatapos pa. Ni hindi ko pa nga nababayaran ang malaking halagang nakuha ko sa kaniya. Paano pa ako makakatulog kung sakaling hihingi pa ako sa kaniya ng tulong ngayon? "Problema ko 'to, Alon. Hindi ka kasama rito."
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Pero kasama mo dapat ako riyan. Boyfriend mo ako, Isla. Ayos lang na humingi ng tulong sa akin." Makikita mula sa mga mukha nito na seryoso siya sa kaniyang sinasabi.
"No. Please stop annoying me. Marami na akong problema. Huwag ka nang dumagdag pa, please lang." Alam kong masiyado na naman akong nagpapadala sa init ng ulo ko but I know how persistent Alon is.
"Isla... Aalis ka na ulit? Hatid na kita." ani Alon nang makitang papasok na ako sa eskwela. Tumango ako sa kanya. Ni halos hindi na nga ako makauwi kahahanap ng bagong racket.
"Uy, nangayayat ka na. Kumakain ka man lang ba?" tanong ni Ken sa akin nang dumeretso ako sa fastfood. Tumawa lang ako. Nagkunwaring ayos lang tutal doon naman ako magaling.
"Bobo ka ba? Ang sabi ko chicken, bakit ako bibigyan ng soup? Palitan mo 'yan!" malakas na sigaw sa akin ng isang babae nang ibigay ko ang order nito. Napapikit na lang ako sandali. Masiyado nang lutang na hindi na nagagawa nang maayos ang trabaho.
Things have been really hard for me. Ang hirap pang mag-adjust. Hindi ko na alam kung anonh uunahin ko. Napaupo lang ako sa labas ng fastood.
Nakita kong lumabas si Alon sa fastfood chain na pinagtatrabahuan niya kasama si Sabrina. Pinanood ko kung paano siya pumasok sa loob ng kotse nito. Ni walang emosiyon nang tuluyan na silang makaalis.
I know that he won't cheat. He loves me too much. Tumayo na ako bago bumalik sa trabaho.
Nang lumabas para umuwi na'y nakaabang na siya sa pinto.
"Gusto mo munang kumain tayo ng mami?" nakangiti niyang tanong. I always wonder how this fine man loves me so much? Bakit? Ano bang espesiyal sa akin bukod sa wala akong pera? "Hindi na."
"Alon," tawag ko sa kaniya habang naglalakad kami.
"I saw you earlier. Going to Sabrina's car." Hindi naman siya nagulat doon.
"Tatanggapin ko na ang trabahong inaalok niya sa akin," seryosong sambit niya. Tumango naman ako.
"Ah, bakit? Tatanggapin mo na rin ba ang nararamdaman niya para sa 'yo?" Bahagya pa akong humalakhak kaya pinagkunutan niya naman ako ng noo.
"Anong pinagsasabi mo, Isla?" Umiling lang ako at ngumiti.
"Let's break up," ani ko. I was looking for a chance to break up with him. I just always feel unworthy of his love. Pakiramdam ko'y ang bababa ko kapag siya ang kasama. He's too much for me. Ayaw kong dumating din 'yong araw na mapagod na lang siya bigla sa akin. I know I'm being an asshat but I'm too messy right now. Gusto kong ayusin muna ang sarili bago siya balikan.
"Anong pinagsasabi mo? Bigyan kitang piso, bili ka kausap mo," aniya na walang balak makinig. Sinubukan ko pang ulitin ngunit isip bata itong nagtakip ng tainga. Kahit nang makauwi kami'y ganoon din. "Anong ginagawa mo?" tanong niya nang makitang inaayos ko na ang mga damit ko.
"Maghiwalay na tayo, Alon..." mahinahon kong sambit.
"Is this about Sabrina? Tinanggap ko lang naman ang trabahong inaalok niya para sa 'yo. I know you needed help, Isla."
"So this is about me again..." Mas lalo ko lang gugustuhing makipaghiwalay sa kaniya. I don't think I can sacrifice things just like what he's doing...
"Sinabi ko nang hindi ko kailangan ng tulong mo, 'di ba?"
"Pareho na tayong pagod. Tapusin na lang natin 'to. Wala na rin akong oras para sa 'yo, Alon."
"Pagod ka lang, Mahal ko..." aniya na sinubukan pa akong yakapin.
"Please huwag ka namang magbiro nang ganiyan. Hindi na... Tatanggihan ko na ang trabaho kung hindi mo gusto..." malambing niya pang saad. Sinusubukang amuhin ako.
"Kung ayaw ko? Hindi kita dinidiktahan sa kung anong gusto mo, Alon! Kung gusto mong magtrabaho roon, gawin mo. Ngunit huwag mong dinadahilan na para sa akin," inis kong sambit.
"Hindi rin ako nagbibiro. Pagod na ako. Please lang... Huwag mo nang dagdagan pa..." ani ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. He didn't let me go. Hinayaan niya lang akong makatulog ay kumalma sa kaniyang bisig.
Sa mga sumunod na araw, kapag sinusubukan kong makipaghiwalay sa kaniya, nagkukunwari siyang walang naririnig. Saka lang ako sinasagot kapag iba na ang usapan.
"Alon!" malakas kong sigaw nang makita siyang nag-collapse habang nagluluto ng hapunan namin.
Mabuti na lang ay naririnig naman mula sa labas ang tili ko. Mabilis naming nadala si Alon sa hospital. Napapikit na lang ako habang nakatingin sa kaniya.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"He collapsed because of fatigue." Pinaliwanag din ng doctor na maaring dahil sa gutom at pagod na rin.
"Kuya Alon's been trying really hard to help you. Halos hindi na 'yan natutulog, Ate, para lang r-um-acket," ani Totoy na kasama ko rito sa hospital. I felt really bad. I'm being too much for him. My love is too shallow for him. I just don't really deserve him.
Kapag hindi pa ako natutulog, kung ano-ano ring ginagawa nito. Inaayos ang ilang paninda niya o kaya naman ay naglilinis ng bahay. Nagluluto ng pagkain para sa akin.
Nang magising ito, agad siyang dinaluhan ng kaniyang mga kaibigan habang ako naman ay nanatili lang na nakatingin sa kanila.
"Hindi niyo na sana ako dinala pa rito sa hospital. Sayang lang ang gastos," aniya sa mga ito. Nahinto lang siya nang makita ako.
Seryoso lang ang mga mata ko nang lumapit sa kaniya. Nagsialis naman nang makita ang seryosong mukha namin. Nag-excuse ang mga ito na magpapahangin lang sandali.
"Natapos mo ba ang project mo? Nakakain ka ba nang maayos?" nakangiti niyang tanong sa akin ngunit hindi naman napapalitan ang mukha ko. See? Even when he's the one who's in the hospital bed, nagagawa niya pang itanong 'yon sa akin. "Kumain ka na." Iniayos ko na ang ilang pagkain na binili sa labas.
"Kain ka na rin. Sabay na tayo..." Ngumiti pa siya sa akin kaya tumango ako. We ate together.
Inalagaan ko lang siya habang nasa hospital kami ngunit habang pinagmamasdan siya roon, alam ko na hindi ako sapat para sa kaniya. Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal na mayroon siya.
"Maghiwalay na tayo..." seryoso kong sambit nang makauwi na kami. Agad niya akong tinanong ng ibang bagay. Iniignora na naman ang sinasabi ko.
"Stop ignoring me!" malakas kong sigaw dahil sa frustration na nadarama. I just feel bad for him. He deserves more than this. He doesn't deserve what we have. Hindi sapat ang pagmamahal na mayroon ako sa kaniya.
"Pagod na ako, Alon... Makinig ka naman... Parang-awa mo na..." seryoso kong sambit habang nakaluhod sa kaniya.
"Tumayo ka na riyan at kakain na tayo..." nakangiti niya pang saad. I know he won't listen.
"Pagod na ako... Pagod na ako sa lahat... Pagod na ako sa 'yo..." Bahagya naman siyang natigilan doon. I know he's been trying to take care of me. As much as possible, ginagawa na niya ang lahat para lang pagaanin ang nararamdaman ko. Ako ang problema. Buhay ko lang.
"Tangina naman, Alon. Ang dami ko nang pinagkakaabalahan, dumagdag ka pa," ani ko kaya nahinto siya. Maski ako'y naninikip din ang dibdib sa pinagsasabi. I'm saying things I don't mean to say again.
"Imbes na nag-aaral at nagtatrabaho ako, naroon ako sa 'yo, binabantayan ka," malamig kong saad.
"I'm sorry..." mahinang saad niya.
"Ano? Bakit ka r-um-a-racket? Para sa akin na naman ba? Tangina naman, Alon!"
"Hayaan mo rin naman kasi akong tumulong sa 'yo, Isla."
"Tumulong? Putangina! Dumadagdag ka lang lalo sa problema ko!" Hindi ko na rin namalayan ang luha mula sa mga mata. Gusto kong bawiin ngunit hindi puwede. If I want to break up with him. Now's the time. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ko kailangan ng putanginang tulong mo?!"
"Tama na, nakakapagod ka. Pagod na ako." Ang totoo? Napapagod na ako sa sarili ko. Ayaw ko rin dumating sa puntong napapagod na rin siya sa akin. "Huwag namang ganyan, Isla."
"Parehas naman na tayong pagod, Alon. Tama na." Nagpatuloy ang pagtulo ng luha ko. Sinubukan niyang palisin 'yon ngunit inalis ko lang ang kamay niya. "Pagod na ako..." ulit ko pa.
"Tangina, kaya ko pa. Kaya pa natin." Totoo pala talagang nagsasalita ang mga mata. Kita ko ang sakit mula sa asul na mga mata nito.
"Please, juwag ganito. Sorry na... hindi ko na uulitin..." No... I should be the one saying sorry...
Hindi na tama 'to, hindi na healthy. Ni hindi ko na nga siya nakakausap nang maayos. I was too much to handle habang siya tinatanggap lang nang tinatanggap 'yong pagmamahal na dapat higit pa rito. I'll fix myself first. Babalikan ko rin siya. "Tama na, please. Pahinga na tayo..." Hindi ko rin alam na masakit palang makakita ng tango.
Ngumiti ako sa kaniya bago niya ako niyakap nang mahigpit.
"Mahal kita... Mahal na mahal kita, Miss..." bulong niya bago ako hinalikan sa noo.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report