Hoy, Mr. Snatcher! -
CHAPTER 23
Isla's POV
"Ano ang masasabi ninyo tungkol sa mga paratang sa inyo?!" malakas na tanong ko na todo habol sa pababang artista na si Terence. Halos matalisod na ako para lang kumuha ng statement nito. "No comment," sabi niya lang.
Bigong-bigo naman akong bumalik sa station para ibalita sa kanila na wala akong nakuhang statement galing dito.
"Ayos lang 'yan! Inom na lang mamaya!" sabi sa akin ni Janice na kasama ko sa team. Napatikhim na lang ako at nag-iwas ng tingin.
Not that bad, wala man akong nakuhang statement galing sa mga ito, may nakuha naman akong ibedensiya na gugulo sa isipan ng mga madla na kasama niya nga si Riza ang rising star na kontrabida sa kanilang pelikula. Naging abala naman ako sa pagpapaikot ng aking mga salita habang nagtitipa sa desktop. Facts na may pasikot-sikot.
Napangisi naman ako nang matapos. Nag-inat pa ako bago sumimsim sa inumin, napatingin naman ako sa cellphone ko. Hindi ko na rin namamalayan ang sariling nagtitipa ng mensahe para rito. After I broke up with him, bumalik ako sa iskwater ngunit wala na siya roon. Tuluyan na talaga akong iniwan. Bandang huli'y ako pa rin ang nagsisi hanggang ngayon dahil pinakawalan ko siya. But maybe that's really the right thing to do.
"Ayan ka na naman. Tatlong taon na ang nakalipas, Isla. Kailan ka ba magmo-move on diyan sa ex mo, ha?" tanong sa akin ni Alice na kasama ko rin sa trabaho. Napailing na lang siya sa akin. Tatlong taon na ang nakalipas ngunit hindi ko pa rin ito nakakalimutan.
"Sinong nagsabing may magmomove on sa team na 'to?" natatawa kong biro.
Tatlong taon ngunit nasanay nang siya ang kinukwentuhan ng ganap kp sa buhay. Hindi ko alam kung nababasa niya ba 'yong mga text ko araw-araw pero umaasa ako balang araw na baka mag-reply siya, baka bumalik na siya. "Umaasa ka pa rin na babalikan ka niya? Ikaw kaya 'tong tangang nang-iwan." Malungkot lang akong ngumiti sa kanya. Alam ko.
Kapag sinusubukan kongbkalimutan siya? Hindi ko mapigilang ikumpara 'yong mga pinagsamahan namin sa kung sino at hindi ko sila mapigilang ikumpara kay Alon. Palagi si Alon itong mas better.
Ang daya niya naman kasi. He set the bar too high.
Nanatili ang titig sa akin ni Alice. Lagi naman siyang nag-aalala para sa akin. Magsasalita pa saba ito ngunit agad na naputol dahil sa sigaw ni Janine, ang kambal ni Janice. "Guys! Oh my god! Breaking news!"
"Ano 'yon?"
"Si Mr. Rat. He's going back to the philippines, isang malaking news kung sakaling ma-reveal natin ang mukha niya at kapag nainterview natin!" Nagtaka naman ako bigla. "Sino 'yon?"
"Hindi mo ba kilala 'yong white hat hacker na nasa team ng pilipinas ngunit pinadala sa ibang bansa sa sobrang galing?" tanong ni Janice sa akin. Nagtaka naman ako lalo at napakunot ang noo sa kanila.
"2 years ago pa 'yon pero ngayon babalik na siya! Kaloka ka, Girl! Sikat na sikat kaya 'yon no'n dahil muntikan ng mabankrupt ang Imango kung hindi lang siya tumulong." Napatango naman ako. Hindi ko man kilala pero mukha ngang malaking scoop kung sakaling mainterview 'yon.
"Feeling ko gwapo 'yon!"
"Sana sa akin ibigay 'yon kung sakali. Willing makipagbardagulan, malaman lang ang tunay na mukha ni Mr. Rat."
"Malay mo mukhang daga, Mr. Rat, eh," sabi ko kay Janice. Agad niya naman akong sinimangutan.
"Alam mo, panira ka talaga sa mga pantasiya ko! Nakakainis ka!" Napatawa lang ako bago tumayo at nag-inat-inat. "Saan ka pupunta?" tanong nila sa akin.
"Sa labas. Sched ng interview kay Mr. Pascua," ani ko kaya napatango sila sa akin.
"Nako, good luck! Sama ka mamaya sa amin, ha?! Inom tayo!" Umiling lang ako dahil wala akong balak sumama sa mga ito. Wala naman magandang naidudulot ang alak. Panandalian mong makakalimutan ang problema pero hindi pa rin 'yon matatapos do'n.
After my interview with Mr. Pascua, akala ko'y makakauwi na ako ngunit pinatawag din ako sa opisina ng editor in chief namin.
"Miss Emperyo."
"Po?"
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I can see how delicate are you in your field. Gusto ko sanang kumuha ka ng impormasiyon tungkol kay Mr. Rat dahil 'yon ang inaabangan ng media ngayon." "Pero hindi pa po nari-reveal ang mukha?"
"Exactly! Kaya ikaw ang gusto kong ipadala sa airport. It will be a big scoop lalo na kapag nainterview mo 'yon!" sabi niya sa akin na nakangiti sa akin na akala mo'y madali ng pinapagawa nito. Sumasakit na agad ang ulo ko rito. "You may go," nakangiti na nitong saad. Napabuntonghininga na lang akong lumabas.
Lumabas naman ako ng office. Napatingin naman ako nang makasalubong ko ang sikat na tv anchor na Mama ni Mike.
"Good noon, Isla," nakangiti nitong bati sa akin. Ngumiti lang ako at yumuko sa kanya. Walang talagang kupas ang ganda nito kaya lang kapag naalala ko ang anak niyang gago hindi ko maiwasang mairita.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Ayos naman na kami ni Mike kaya lang ay nakakainis kapag pumupunta siya dito at pinapalusot ang ina pero balak lang naman manggulo.
After a long tiring day, sarap na sarap akong natulog sa aking kama.
"Isla!" Nagising ako sa malakas na sigaw mula sa telepono. Si Alice 'yon.
"Hmm?"
"Nasaan ka na? Ngayon ka daw pupunta ng airport, ah? Hinahanap ka na ni Chief!" sabi ni Alice mula sa kabilang linya.
"Oo pala, pucha," bulong ko dahil ramdam na ko ang sakit ng ulo. Tumayo na lang ako at nagmadaling kumilos kahit masama rin ang pakiramdam.
"Aba't dalian mo na!" sigaw niya. Nagmamadali naman akong nag-ayos at nagmadaling kinuha ang sapatos. Sinara ko naman na ang pintuan ng apartment ko. Pumara na rin ako ng taxi para mas mabilis. Pagkarating ko roon ay iniilingan na ako ni Chief.
"Dapat kanina ka pa nasa airport, Isla," naiiling nitong saad.
"Pasensiya na ho," sabi ko na lang sa kanya.
"Nako, dapat ako na lang kasi ang pinapunta mo diyan, Chief!" sabi ni Janice.
"Oo nga, Chief, kahit ako na lang," sabi naman ni Janine at ngumuso. Naiiling na lang din akong sumakay sa van.
Habang papunta kami ng airport, inayos ko na lang muna ang sarili. Kasama ko naman ang camera man naming si Brix.
"Nako, bakit ka ba na late, Isla?" tanong niya sa akin.
"Medyo masama ang pakiramdan ko, pasensiya na," sabi ko sa kanya. Nilingon niya naman ako roon.
"Hala, sana nagpahinga ka na muna," anito.
"Ayos lang ako." Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango lang sa akin.
Bumaba naman na kami nang makarating doon, agad nakita ang marami-rami ring reporter na nakaabang sa labas at medyo marami rin ang taong nandito.
"Sobrang sikat naman ata no'n." Hindi ko naman alam na may nangyari pa lang ganoon years ago. Sabagay, saan nga ba ako nakapocus noon? Sa pag-aaral at paghahanap kay Alon. "Hero sa paningin nang marami," sabi naman ni Brix na nginitia pa ako. Tumango lang din naman ako sa kanya.
"Let's go," sabi ko at nakipagsisiksikan sa pagpasok sa loob para makaabang sa paglabas no'ng sinasabi nilang hacker.
"Ivideo mo 'yong team." Turo ko sa mga white hat hacker na nakaupo sa loob. Tumango naman siya at sinunod ang sinabi ko.
Agad ko namang hinila si Brix nang medyo napalapit na na kami sa loob. Nagsipasukan na ang mga reporter lalo na no'ng tumayo na 'yong grupo ng white hat hacker na kanina lang ay nakaupo, may mga dumating na at sinalubong nila ang mga 'yon. Nagmamadali naman kaming tumakbo para pumunta roon.
"Shet!" mahina kong bulong at nakipagsiksikan talaga sa kanila lalo na't ng makakita ng mga bagong mukha kasama ng team.
"Sino ho si Mr. Rat sa inyo?!" malakas kong tanong habang papalabas na sila. Napatingin lang sila sa akin ngunit hindi rin naman nagsalita. Marami pa ang nagtanong ngunit walang ni isang sinagot ang mga ito.
Patuloy lang sila sa paglalakad patungo sa labas. Nakipagsisiksikan lang ako habang patuloy na nagtatanong ng mga tanong na mukhang wala naman silang balak sagutin. Nang magtungo na sila sa labas, naiwan ako sa loob dahil sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong nahilo. Saka ko lang naalala na masama nga pala ang pakiramdam ko. Napaupo ako sa sahig sa sakit ng ulo.
"Hey, are you okay, Miss?" Napatingin naman ako sa isang baritonong boses na para bang pamilyar na pamilyar sa aking pandinig. Agad akong natulala sa taong nasa harap ko ngayon.
Hindi ko nakikita ang asul na mga mata nito dahil sa salamin niya pero alam na alam ko kung sino ito. Natulala ako sa kanya. Halos mapipi at hindi makapagsalita. Gulat na gulat ako. Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o ano. Napatingin lang ako sa kanya.
And just like that, everything became blurry.
"Hoy, ano? Ayos ka na ba?" nagtatakang tanong ni Alice sa akin. Napatayo naman ako sa pagkakahiga. Nilibot pa ang tingin sa paligid.
"Na saan ako?" tanong ko sa kanya.
"Sa kwarto mo?" tanong ni Alice sa akin.
"Ibig mo bang sabihin, panaginip lang ang lahat ng 'yon?" Nagtataka naman 'tong napatingin sa akin.
"Huh? Bakit?"
Napatulala lang ako sa kawalan feeling so empty. I just really miss him so damn much.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report