Hoy, Mr. Snatcher!
CHAPTER 3

Isla's POV

"Isla!" sigaw ni Mike. Napapikit naman ako. Ang sakit na ng ulo ko para mas lalo pang pasakitin dahil sa lalaking ito. Nag-iwas ako ng tingin at dire-diretso lang sa paglalakad palabas. "Mabenta ka talaga kay Mike," natatawang sambit ni Alice. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gwapo naman 'yan, ha? Bakit ayaw mo? Mayaman pa!"

"Boba ka talaga. Paki ko sa itsura niyan? Saka ano naman kung mayaman? Pera niya ba 'yon?" tanong ko at napangiwi. 'Yang mga katulad ni Mike 'yong tipo ng taong umaasa lang sa pera ng kaniyang mga magulang. Hindi marunong magtrabaho para sa sarili.

"Atleast maiipapasok ka niya agad sa TeaNews." "Yon ang pinakakilalang news company sa pilipinas.

"Wala ka bang tiwala sa akin? Kayang-kaya kong pumasok do'n sa sarili kong kakayahan." Napakibit pa ako ng balikat. Isa kasi ang Mama ni Mike sa pinakasikat na news anchor. "Sus, sana all."

Naabutan naman kami ni Mike.

"Hey, Isla." Peke naman akong ngumiti sa kaniya.

"Uy, Hi!" Tila nagulat ko pang saad sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?" Sikat ito sa campus dahil nga may itsura at kilalang anak ng isang news anchor pero wala siyang kahit na anong nagawa para sa sarili niya. Kilala sa mga estudyante bilang pabigat at mayabang. Alam ko naman na kung bakit 'yan nandito. Halos lahat naman kasi ay kilala siya kaya madali lang itong makabingwit ng chix, lalong lalo na dito. Aba't sino pa nga bang palalagpasin ang pakikipagkita sa Nanay niya?

"Yayayain sana kitang mag-lunch," sabi niya ng nakangiti. Palihim naman akong napangiwi. Magaling 'tong mag-ayang kumain ngunit napakagaling manumbat.

Aba't gustong-gusto ko ng libre pero kung isusumbat lang din naman, salamat na lang sa lahat.

"Hindi ako pwede, kasabay ko si Alice." Tiningnan ko naman si Alice nang masamang tingin nang magtangka itong pilitin ako.

"Oo nga, kakain na rin kami ni Isla. Alis na kami." Kita ko naman ang pagkadismaya sa mukha ni Mike ngunit wala akong pakialam dahil ayaw ko rin naman sa ugali nito.

"Sabay na ako sa inyo," makulit na saad ni Mike.

"Hindi na, busy kami."

"Seven!" malakas na tawag ni Alice sa crush kong si Seven. Agad naman akong nataranta roon ngunit sinubukan kong pakalmahin ang sarili. Para siyang pinag-isipan Diyos nang ginawa. Mula sa perpektong mukha nito, ganoon din si katawan at pag-uugali. Siya na ang pinagpala sa lahat.

"Hey," bati niya at ngumiti pa sa amin. Pucha, para akong malulusaw sa tingin nito. Puwede na akong humimlay.

"Hindi ba kasabay ka naming mag-lunch dahil may mga pag-uusapan pa tayo?"

Ang sarap kurutin ng tagiliran nito dahil alam na alam niya naman na may gusto ako rito. Nagtataka naman siyang tinignan ni Seven ngunit agad ding napagtanto ang sitwasiyon kaya agad itong napatango.

"Oo nga, kanina ko pa kayo hinihintay." Grabe? Puwede ba siyang ibulsa.

"Ganoon ba? Sige, next time na lang, Isla."

"Init talaga ng dugo mo riyan." Kapag nakikita ko kasi ito'y naaalala ko ang araw na buong araw niyang sinusumbat na nilibre niya ako ng punyetang lunch na 'yon.

"Boba, sino bang hindi iinit ang ulo sa pesteng 'yan? Sumbatero ang pucha!" inis na saad ko at napailing. Nakalimutan na kasama pala namin si Seven.

"Hoy, Thanks, Seven, ha? Ang kulit kasi no'n. Hindi tuloy namin alam kung paano paalisin," nakangiting sambit ni Alice sa kaniya. Close rin kasi ito ni Alice dahil kaklase naman namin si Seven sa ilang subjects. Hindi ko siya magawang kaibiganin dahil na rin crush ko talaga ito. Nakakaattract kaya 'yong lalaking ang tali-talino at responsableng katulad niya.

"Wala 'yon," sabi niya naman at ngumiti pa nang mapansin ang tingin ko sa kaniya. Kunwari naman ay wala akong pakialam na tumingin sa ibang direksiyon. Ang bait pa!

Lord, kung hindi si Seven ang para sa akin, bakit hindi?

"Sabay ka na sa amin mag-lunch," sabi pa ni Alice.

Palihim ko naman siyang tinignan nang masama ngunit nginisian lang ako nito.

"Sure," pagsang-ayon naman ni Seven. Tahimik lang akong sumabay sa kanila. Silang dalawa lang ang nag-uusap, hindi rin ako halos tumitingin sa gawi ng mga ito dahil sa hiya.

"Anong gusto niyo? My treat," nakangiti niyang sambit sa amin. Gago? Bakit pati ngipin gwapo?

"Nako, allergic sa libre 'yang si Isla."

"Huh? Bakit?" nakangiti pa ring tanong ni Seven. Akala ko'y si Alice ang kinakausap nito ngunit napansin kong sa akin ang tingin niya.

"Ah... ano..." Hindi ko alam kung paano magsasalita kaya humahagikhik na si Alice sa gilid. Para akong bumalik sa high school dahil sa kilig na nararamdaman.

"Don't worry hindi kita susumbatan," sabi niya pa nang nakangiti. Napanguso ako dahil mukhang narinig niya nga ang usapan kanina.

"Nako, hindi na. Ayos lang." Kahit na pinipigilan ko ito, tumayo na rin siya para bumili nang makakain namin. Kinurot naman ako sa tagiliran ni Alice tila kilig na kilig para sa akin. "Malandi ka talaga." Natatawa niya pa akong inasar.

"Boba, sino kayang nagyaya ha?"

Parehas naman kaming natahimik nang dumating si Seven. Tahimik lang akong kumain habang panay lang ang pag-uusap ni Seven at Alice.

Minsan ay napapasulyap ako kay Seven. Biniyayaan talaga ng napakagwapong mukha ang isang 'to. Malinis na malinis sa katawan kaya hindi na ako magtataka na marami ring nagkakagusto sa kaniya kahit sa ibang batch. Syempre pati na rin sa batchmate namin. Full package kaya ang lolo mo.

Nag-iwas na lang ako ng tingin nang sumulyap siya sa akin. Napansin ata ang paninitig ko sa kaniya.

"Nililigawan ka ni Mike?" tanong ni Seven sa akin hindi ko naman maiwasang mapatawa sa tanong nito. Napatitig tuloy siya sa akin, tila nagtataka.

"Lahat naman ay pinopormahan no'n, isa lang ako sa mga 'yon."

"Pero ikaw lang 'yong talaga ang pinakapaborito."

"Boys will always be boys. Mas pursigidong kunin ang mga hindi nila makuha," ani Alice na natawa pa.

"Madaming nagtangkang manligaw riyan kay Isla pero ni isa walang sinasagot. Balak atang maging matandang dalaga sa hinaharap."

"Boba, sa tingin mo papatol ako sa mga mayayaman na matataas ang tingin sa sarili?" I know that it's not their fault to be rich but those people who thinks they're superior just because they have the money and keeps on making fun about others is not really right.

"Sus, boyfriend lang, dami mo pang sinasabi," sabi niya at inirapan pa ako. Napakibit na lang ako ng balikat. Napatingin naman ako kay Seven na nakatingin lang sa akin. Ngumiti naman siya nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya. "Do you hate rich people?"

"No? I'll be hypocrite if I do. I also want to be rich someday," natatawa kong sambit.

"I hate people who have trashy attitude in particular," ani ko na napailing na lang. Napatango naman siya sa akin dahil do'n.

Inihatid niya na rin kami sa room matapos ang biglaang lunch. Bait talaga! Puwede na ba ako mag-jowa nito?

Matagal ding natapos ang klase namin ngunit nagawa ko ring makinig.

"Ingat sila sa 'yo!" natatawang saad ni Alice nang makitang paalis na at patungo sa part time job ko.

"Ingat ka rin. Ikamusta mo ako kay Tita," natatawa kong saad. Minura niya lang ako.

Sumakay na lang ako sa jeep. Nang makababa naman ay hindi ko maiwasang magulat nang makita ko na naman 'yong snatcher ko.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Nanlaki ang mata naming dalawa. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero ibang-iba naman ang itsura nito sa itsura niya kumpara no'ng ninakawan niya ako. Noon, nakahoodie ito na itim, ngayon naman ay kitang-kita ang mukha niya. May iilang napapatingin sa kaniya dahil totoong may itsura nga ito. Para talagang foreigner.

"Snatcher! Snatcher!" sigaw ko at tinuro siya. Hindi naman siya makatakbo dahil napapalibutan ng mga tao at kung sakaling tatakas siya ay siguradong maraming mamumukhaan siya.

"Ito? Snatcher?"

"Opo!" malakas kong sigaw ngunit nilapitan ako nitong gagong ito.

"Babe! Nandito ka na pala! Kanina pa kita hinihintay! Nagtatampo ka pa rin ba sa akin?" tanong niya pa. Tinignan ko naman siya at halos maghesterya dahil sa pinagsasabi niya. Agad pa siyang lumapit sa akin at inakbayan ako. "Galit ka pa rin ba, Babe? Sorry na," sabi pa niya na kinurot ang pisngi ko. Nginisian pa ako ng gagong 'to.

"Hindi 'yan totoo! Snatcher 'to! Maniwala kayo sa akin!"

"Grabe ka naman, Miss, hindi naman tamang ganiyanin mo 'yang boyfriend mo. Ang gwapo-gwapo pa naman," sabi ng isang babae.

"Aba't huwag kayong nagpapaniwala sa mukha nito! Mukha lang itong inosente pero magnanakaw ito!" malakas kong sigaw pero nanatili pa rin ang pagkakaakbay nitong snatcher na 'to sa akin.

"Miss, kung ano man 'yang problema niyo ng boyfriend niyo, pag-usapan niyo," sabi ng isang matandang lalaki. Napailing-iling pa sila sa akin na tila ba hindi ako nagsasabi ng totoo. Aba't mukha ba akong sinungaling?!

"Pasensiya na po kayo. May konting sira po kasi 'tong girlfriend ko sa utak, pasensiya na po," sabi pa nitong mokong na ito. Mas lalo naman nanlaki ang mata ko at siniko siya ngunit hindi ito nagpatinag at nagsimula ng maglakad paalis doon kasama ako.

"Kaya naman pala."

"Hah!" Tumawa pa ako nang sarkastiko. Halos hindi ako makapaniwala dahil walang ni isang tumulong sa akin.

"Magnanakaw nga ito!" malakas ko pang sigaw ngunit hindi nila pinakinggan at umalis na rin doon.

"Tangina mong hayop ka!" inis kong sambit sa snatcher na 'to nang makarating kami sa isang lugar na kami lang dalawa. Masama naman ang tingin nito sa akin.

"Huwag po! Huwag po! Huwag niyo naman po akong saktan!" malakas kong sigaw na napatakip pa sa mukha nang may dukutin ito sa kaniyang pantalon. Agad naman akong napatingin sa kaniya nang napahagalpak ito ng tawa. "Anong tinatawa-tawa mo riyan ha?!" malakas kong sigaw.

"Ang tapang mo masiyado." Bahagya pa itong natawa at nailing na lang sa akin.

"Ano? Hindi mo pa rin ba ibabalik ang mga ninakaw mo?!" inis kong sambit at napadiretso na ng tayo.

"Wala na nga sa akin."

"Bayaran mo ako!"

"Pucha, hindi ko naman alam na ganito 'tong pinasok ko," bulong niya pa na narinig ko.

"Ano?!"

"Babayaran kita," sabi niya na napakamot pa sa ulo.

"Pero hindi pa ngayon."

"Huhulog-hulugan ko na lang," seryosong sambit niya. Tinignan ko naman ito na pinanliitan ng mga mata.

"Paano ako makakasigurado na babayaran mo nga talaga ako?"

"Bibigay ko sa 'yo 'tong number ko," sabi niya na nilabas pa ang keypad niyang cellphone.

Mas lalo naman na napakunot ang noo ko dito. Hindi ko alam kung sinong mas siraulo sa aming dalawa, sino ba namang nasa tamang isip na makikipag-usap sa snatcher? At sino ba namang tangang nagnakaw tapos ngayon sasabihing babayaran niya 'yon?

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Babayaran nga kita," sabi niya nang makitang hindi ako naniniwala.

"Paano?"

"Ibibigay ko nga 'tong number ko!" inis na niyang sambit sa akin ngayon. Aba't parang siya pa itong napeperwisyo ngayon.

"Paano ako nakakasiguro na number mo nga 'yan? Saka paano kung tatakasan mo lang ako?!"

"Hindi na nga! Paano pa kaya kita matatakasan? Halos lagi tayong nagkikitang dalawa," inis niyang sambit.

"Kung gusto mo naman ay sumama ka sa akin ngayon, kukuhanan kita ng cellphone at ako na ang bahalang magbayad," inis na sambit niya.

"Anong ipambabayad mo 'yong kinuha mo rin sa masama?"

"Importante pa ba 'yon? Ang mahalaga dito ay naibalik ko na sa 'yo 'yang cellphone mo," inis niyang sambit. Oo nga naman? Paki ko na ba kung saan niya kukunin 'yon basta ang mahalaga ay binayaran niya na ako. "Hindi ka ba natatakot na isuplong kita sa pulis?"

"Bakit ako matatakot? Wala ka namang pruweba," sabi niya at napakibit pa ng balikat.

"Wow, nag-iisip ka rin pala," ani ko na nginisian siya.

Sa totoo lang ay tama siya roon, sinubukan ko naman talagang mag-report ngunit dahil walang pruweba ay wala ring nangyari.

"Bakit ikaw? Hindi ka ba natatakot sa akin?"

Napatigil naman ako sa paglalakad at napatitig sa kaniya. Seryosong-seryoso siya habang hinihintay ang sagot ko.

"Bakit? Alam mo rin bang pumatay maliban sa pagnanakaw?" tanong ko. Ang seryosong mukha nito ay napalitan ng amusement.

"Paano kung oo?" tanong niya. Agad naman na nanlaki ang mga mata ko kaya napatawa ito.

"Joke lang." Kung makapagbiro'y akala mo close kami.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang maisip ang tanong nito. Bakit nga ba hindi ko magawang matakot dito? Siguro'y dahil gwapo. Ewan ko ba!

Hindi rin naman ako nagsisi na sumama ako dahil sa bilihan talaga kami ng cellphone nagtungo, hulugan 'yon.

Napasilip naman ako habang fin-i-fill-up-an niya ang papel. Aba, baka mamaya pangalan ko pala ang inilagay nito.

Alfonso Pacifico Alfaro

'Yon ang pangalan niya. Hindi naman siguro nito dadayain ito, hindi ba?

"Oh." Abot niya ng cellphone sa akin.

"Pwede ka nang umalis," sabi ko at inirapan siya.

"Grabe ka, hindi ka man lang ba magpapasalamat?" tanong pa nito. May kapal pa siya ng mukha para hingin ang pasasalamat ko.

"Bobo ka ba? Sino ba itong ninakawan ako ha?" tanong ko.

Napanguso na lang siyang lumabas ng phone store. Napairap na lang ako. Napatitig pa ako sa kaniya habang naglalakad na rin palabas. Maybe this will be the last time I'll see him, huh?

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report