Hoy, Mr. Snatcher! -
CHAPTER 4
Isla's POV
"So talagang sumama ka?" tanong sa akin ni Alice mula sa kabilang linya.
"Boba ka talaga! Hindi porket gwapo 'yon ay mabuting tao na. Tanga mo! Paano kaya kita naging kaibigan?" Nakikita ko na ang itsura nito kahit boses niya lang naman ang naririnig ko. "Buhay pa naman ako at higit sa lahat may cellphone na ulit."
"Pinairal mo na naman 'yang kalandian mo. Mag-ingat ka namang boba ka."
"Oo na po, mag-iingat na," sabi ko na lang sa kabilang linya.
Natulog lang ako na iniisip pa rin ang pangyayaring 'yon. Hindi ko akalain na sasama nga talaga ako sa isang snatcher. Malandi ka nga talaga, Isla.
Next day, as usual ay pumasok lang ulit ako. Hindi pa rin nakaka-move on si Alice dahil hanggang ngayon ay pinapagalitan pa rin ako. Ang daming sinasabi.
"Hey, pwede ba kayo?" Napatingin naman kami nang may magtanong sa gilid namin. Si Randy. Nasa tabi niya si Seven, kasama pa ang iba nilang tropa. "Saan?"
"Birthday ni Deo, baka gusto niyong pumunta? Sunduin namin kayo. Sa amin na kayo sumabay."
"Kung pupunta si Isla, pupunta ako," sabi ni Alice at ngumiti.
"So kapag pupunta naman si Alice pupunta ka, Isla?" tanong ni Randy sa akin.
"Hmm, hindi," natatawang sambit ko. Alam kong nagpapalusot lang 'yang si Alice dahil alam niyang hindi ako sasama. Wala talagang balak pumunta 'yan. Nakakasama rin namin sina Randy madalas dahil halos blockmates namin sila sa iba't ibang subject.
"Aww, sayang naman. Next time?" tanong ni Randy sa amin.
"Sige, next time," sagot naman namin ni Alice na tumango.
"Oh? Narinig niyo 'yon, ha? Next time daw," sabi ni Randy sa kaniyang mga tropa. Napailing na lang naman kami. Wala talagang balak makisama sa kanila. Yayamanin ang mga 'yan. Mahirap na.
"Lagi na lang kayong dalawa lang ang magkasama, hindi ba kayo nagsasawa sa mukha ng isa't isa?" natatawang tanong ni Randy sa amin ni Alice. Totoo naman kasi talaga 'yon. Kami lang ni Alice ang madalas dikit kaya kahit na magkaaway ay kailangan mong tiisin ang mukha nito. We sometimes talk with our blockmates pero mas sanay sa isa't isa.
"Bakit ikaw? Hindi ka rin ba nagsasawa sa mukha ng girlfriend mo? Kayong dalawa lang lagi ang magkasama," hindi ko mapigilang sambitin sa kaniya. Dahil hindi naman talaga sila mapaghiwalay. Maliban na lang kung uwian. "Grabe ka naman 'yarn!" sabi nito at napasimangot. Natawa naman sa kaniya ang mga kaibigan niya.
"Lunch? Ayaw niyo bang sumabay?" tanong naman ni Deo.
"Hindi na, karinderya lang kami. Wala kaming budget sa mga mamahaling kainan," sabi ni Alice. Lalagpasan na sana namin ang mga ito kaya lang ay bigla na namang nagsalita si Randy. "Treat namin!" malakas nitong saad.
"Hindi na. It will be uncomfortable sa inyo, ganoon din sa amin," sabi ko sa kanila at ngumiti na lang. I know that their tropa is just so nice but I don't want to have utang na loob.
"Aww, so hindi kayo kumportable na kasama kami? Habang kami'y ayos na ayos kasama kayo," nagtatampo pa kunwaring saad ni Randy. Nagkatinginan naman kami ni Alice at pareho pang napailing.
Lagi namang sumusubok na magyaya ang mga ito na mag-lunch o kahit na ano ngunit lagi rin naming tinatanggihan ni Alice. Siguro'y dahil na rin parehas kaming hindi kumportable around these rich kids. Saka hindi namin kering makipagsabayan sa mga chikahan nila.
"Next time na lang! Kung gusto niyo naman ay sumama na lang kayo sa karinderya. Si Alice pa ang manlilibre sa inyo," sabi ko sa kanila.
"Boba ka, dinamay mo pa ako," bulong niya sa akin. Alam ko naman kasi na hindi papayag ang mga ito na kumain doon kaya safe ang pera ni Alice.
"Boba, tingin mo kakain ang mga 'yan doon?" natatawang tanong ko.
"Sige... Next time na lang," sabi ng mga ito kaya napatawa na lang ako.
"Sige na! Una na kami!" Ayaw madekwat ang pera.
"Hoy, Seven! Saan ka pupunta?" Narinig kong tanong nila kay Seven kaya napalingon ako.
"Magpapalibre," sambit nito at sumunod pa sa amin.
"Hoy, Deo! Ikaw rin?!" tanong nila ng sumabay rin si Deo.
"Pucha ka, Isla," bulong ni Alice sa akin. Napa-peace sign na lang ako sa kaniya. Hindi ko naman kasi inaasahan na sasama ang mga ito. "Pasensiya na kayo sa mga kaibigan namin. Huwag kayong mag-alala, harmless naman ang mga 'yon kahit paano," natatawang saad ni Deo. "Sasama talaga kayo?" tanong ni Alice sa kanila. Hindi ko alam kung dahil ba sa panlilibre ito o talaga nagulat siya na sasama sina Seven sa amin.
Napalingon naman ako kay Seven na tahimik lang sa isang tabi. Napatingin siya sa akin nang mapansin ang titig ko sa kaniya. Ngumiti lang ako, ganoon din naman siya. Mas lalo ko tuloy 'tong naging crush. Ano pa bang kulang dito kay Seven? Halos lahat ay nasa kaniya na. Ako na lang ang kulang.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nag-lunch lang kami pagkatapos ay nagsibalikan na ulit sa klase. Pagkatapos ko namang mag-aral ay dumeretso na agad ako sa part time job ko.
"Good evening po," bati ko sa kanila.
Araw-araw ay closing ako kaya naman gabing-gabi na kung makauwi. Tapos kung may mga school works pa ay talaga namang wala na akong tulog pagpasok.
"Thank you, Isla, ha? Mag-ingat ka sa pag-uwi," nakangiting saad sa akin ng manager ko. Mabait ito lalong-lalo na sa mga taong nakikita niyang pursigido. Hindi naman sa sinasabi kong masipag ako pero parang ganoon na nga. Madilim na nang lumabas ako mula sa fast food chain na pinagtatrabahuan ko. Patingin-tingin lang ako sa paligid ko dahil baka mamaya ay manakawan nanaman ako.
Ang tagal pa dumating ng jeep kaya matagal lang akong nakatayo rito. Ni wala pa akong kasabay habang naghihintay.
"Miss, hold up 'to! Huwag kang sisigaw." Jalos manginig na ako sa takot nang makaramdam ng kutsilyo sa tagiliran ko.
Tangina, totoo ba 'to? Noong nakaraan ay nasnatch-an ako, ngayon naman ay hold up? Seryoso ba?
Ibibigay ko na sana ang bag ko kaya lang ay agad akong napatili nang makita kong tumalsik 'yong holdaper sa isang tabi at nakailang suntok pa sa kaniya ang lalaking tumulong sa akin. Nanlaki naman ang mata ko nang makitang pamilyar 'yon. Si Alon!
Nagsuntukan pa sila roon hanggang sa napaibabawan niya na ang holdaper.
Nahinto lang nang may pumito na na pulis. Sa hindi ko malamang dahilan. Agad kong hinila si Alon.
"Holdaper po 'yan!" malakas kong sigaw sa mga pulis na dumating.
Ang ending tuloy, nawala ang pinapangarap kong maagang makatulog ngayong araw dahil dinala kami sa presinto. Mabuti na lang ay may cctv kaya naman agad din nilang nasolusiyonan.
Nang lumabas, nakasabay ko si Alon. Napatingin ako sa kaniya nang mapansin ang pasa mula sa gilid ng labi nito.
"Anong ginagawa mo roon?" tanong ko na pinanliitan siya ng mga mata.
"Trabaho," simpleng saad niya na inalis pa ang dugo sa kaniyang labi gamit ang kaniyang hinlalaki.
"Siguro'y kasabwat ka rin nang holdaper na 'yon, 'no?! Ano namang gagawin mo roon nang ganito kagabi?! Saka bakit bigla ay nandoon ka na? Ni hindi nga ako sumigaw!" Hindi ko mapigilang pagbintangan ito. Tinignan niya naman ako ng nakakunot ang noo. Sinamaan niya pa ako ng tingin.
"Pucha, Ikaw na nga itong tinulungan, parang ako pa itong masama. Holdaper naman ako ngayon," bulong niya na naririnig ko naman. Hindi na niya pinansin pa ang mga sinabi ko at tinalikuran na ako.
Hindi ko naman mapigilang ma-guilty dahil tinulungan na nga ako nito at may mga pasa pa siya sa mukha ng dahil sa akin. Sinisisi ko pa siya pero kasi naman masisisi ko rin ba ang sarili ko? Sino ba naman kasing hindi magtataka sa kaniya? Saka ninakawan niya kaya ako noon!
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Bandang huli tuloy nanaig ang konsensiya ko.
Hinabol ko na lang siya at hinila patungo sa isang malapit na tindahan para lang bilhan siya ng yelo.
"Ano na naman ba 'yon?" iritado na nitong tanong sa akin ngayon. Aba't siya pa itong naiinis ngayon.
"Teka lang kasi! Bibili tayo ng yelo para riyan sa pasa at sugat mo!" sambit ko sa kaniya.
"Wala akong pambili ng gamot kaya yelo na lang," sabi ko at napanguso. Napatingin naman ako sa kaniya nang tumawa ito nang mahina. "Same."
"Panyo? Wala ka ba riyan?" tanong ko sa kaniya.
"Wala," sabi niya naman sa akin. Tinignan ko naman ang bag ko at naghanap ng shirt na hindi ko pa nagagamit. Mabuti na lang ay nakakita ako. "Huwag na."
"Tanga, malinis 'yan."
"Hindi ko naman sinabing marumi," sambit nito na nginiwian pa ako. Hindi ko siya pinansin at kinuha ang yelong binili namin. Pinukpok ko muna ito sa ulo niya bago ko nilagay sa damit. Joke. "Huwag mo namang idiin. Malamig," sabi nito na napanguso.
"Bobo ka ba? Kaya nga yelo?" patanong na saad ko kaya agad niya akong sinamaan ng tingin.
"Alam mo 'yong malamig pero hindi mo alam 'yong peligro? May kutsilyo 'yong tao. Mabuti na lang ay naihulog niya kung hindi ay nasaksak ka na," sabi ko sa kaniya. Hindi ko akalaing manenermon ako ng isang snatcher na hindi ko naman talaga kilala maliban lang sa pangalan nito.
"Wow!" Napatawa siya ng sarkastiko.
"Nanggaling talaga sa 'yo 'yan? Ikaw nga itong walang katakot-takot na hinabol ako. Hindi lang isang beses 'yon. Paano pala kung mamatay tao ako? Edi patay ka na."
"Pero buhay pa rin ako at hindi ka naman mamatay tao," sabi ko at napakibit na lang ng balikat. Talagang nakikipag-usap ako sa isang snatcher? At talaga bang nagtitiwala ako rito? "Pero hindi rin ako mabuting tao," sambit niya na nag-iwas ng tingin.
"Sa tingin mo hindi ko 'yon alam?" tanong ko at napataas ng kilay pero hindi ko talaga alam kung bakit nandito ako ngayon at nakikipag-usap sa hindi naman mabuting tao. Parehas kaming natahimik. Pinanatili ko na lang ang tingin sa mukha niya at ipinahid ang yelo dito.
"Thanks," mahinang bulong ko. Gulat niya naman akong tinignan ngunit ngumiti rin mayamaya.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report