Melancholic Wife -
k a b a n a t a 9
Jenissa's POV
Nakatanaw lang ako sa bughaw na dagat. Ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan ay dinig na dinig ko. Ang paghalik ng dagat sa aking mga binti ay parang malalakas na pagyugyog ng katotohanan na nakagawa ako ng kasalanan sa asawa ko.
"What are you doing here alone?"
Umupo siya sa aking tabi. Nakatitig siya sa ibabaw ng dagat. May kung ano'ng inis akong naramdaman. Naiilang din ako dahil katabi ko siya.
"Bakit hindi ka makipag-bond with them?" Ngumuso siya sa mga kasabay namin; mga magulang at mga staff ng center. "They are having fun. Habang ikaw ay nakatulala rito," sabi pa niya.
Sana alam niya na si Jack lang ang malapit sa akin sa lahat ng staff ng center. Kahit sa mga parents din ay wala akong masyadong kakilala.
Humablot siya ng sigarilyo sa kaniyang bulsa. He light it up and so the smoke travels above. Bumuga siya ng usok. The smell is so good. Napapikit na lang ako at inenjoy ang amoy ng sigarilyo ni Rev.
"Don't tell me, namimiss mo na naman ang asawa mo?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Inirapan ko siya subalit nakangiti pa rin siya. Ang tanga ko lang kasi kagabi. I should have been doing that alone. Bakit kasi nilapitan ko pa s'ya at sumumamo pa ako sa kaniya na gawin namin iyon? Kung tinapos ko na lang ang ginagawa ko mag-isa ay hindi na ako nagu-guilty ngayon.
"Paano kung oo? May problema ba tayo kung namimiss ko ang asawa ko? Masama bang mamiss ang taong mahal mo?"
"Wow! That doesn't really hurts," sarkastiko niyang sabi. "I'm jealous!" Biglang sumeryuso ang boses niya noong sinabi niya ang mga katagang ito.
I laughed with no emotion.
"Sinabihan na kita na tumigil ka na, Rev. Ayaw ko ng may issue. Tatay ka ng estudyante ko at may asawa akong tao. Better stop it," sabi ko sa kaniya. "Wala ka rin namang karapatan para magselos," direktang sabi ko sa kaniya.
"But, Jen, kung para sa iyo ay wala lang ang nangyari sa atin. Para sa akin ay espesyal iyon. I never felt that before. Iba ang nararamdaman ko habang kasiping kita," sabi niya matapos niyang ibuga ang usok ng sigarilyong inimbak niya sa bibig niya.
His lips were red as blood. Ang ironic nga, he's smoking but his lips were red and wet.
"Subukan mo kayang makipagtalik sa iba. Baka sabihan mo rin sila ng mga sinabi mo ngayon. Maraming dalaga riyan, Mister Morris. Sila na lang at huwag ako," ani ko.
Narinig kong bumuga siya ng malalim na pag-hinga. Binalik ko ang aking sulyap sa dagat. People are having fun. Couples enjoyed the beautiful sea. Habang ako naman ay nandito sa dalampasigan, having a conversation with this man who I fucked with last night.
"Bakit ba kasi ako pa, Rev?"
He smiled. Tumingin siya ngayon sa akin. I want to take my eyes off of him but his glare were magnetizing my eyes to keep on looking at him. Inaamin ko na ang guwapo niya. And I am certain that he is more gentle than my husband. "Subukan nating baliktarin ang tanong, Jen." He's not calling me 'Ma'am Jen' anymore and I liked it better.
Naagaw niya ang atensiyon ko.
"Bakit ba si Farris?" tanong niya sa akin. "Kung ano ang sagot mo iyon din ang akin," sabi niya.
"R-Rev," awat ko sa kaniya pero tumayo siya at agad na umalis.
Naiwan na naman akong mag-isa.
Nasa isip ko ang tanong ni Rev.
Bakit nga ba si Farris? Naging mahirap ang pinagdaanan ko sa kamay ng asawa ko. People doubts him. Lalo na ang bestfriend ko na si Jackielou. I can't even convince her to like my husband. Maraming nagsasabi na huwag na lang siya, huwag na lang si Farris. Iwan ko na lang daw siya.
Pero bakit hindi ko kaya? Bakit hindi ko siya maiwan-iwan? Nahulog na ba ako sa asawa ko'ng iyon? Mali! The reason is I love him. Kahit nabalot ako ng takot noon at hinanakit ko sa kaniya ay hindi ko siya kayang iwan. Oo, sinusubukan kong tumakas. I could do it. Kahit na lalaki siya at mas malakas ay kaya ko siyang patulugin at himatayin. Kaso hindi ko ginawa. Nagparaya ako at hinayaan ko siya na kaladkarin niya ako sa puder niya. Yes... Because I love him. I love Farris. "Iba talaga ang drama niya ano? Imagine, nilalandi niya ang tatay ng estudyante niya?"
"Oo nga!"
"Kunwari'y battered wife pero malandi pala? Nakakainis siya. Bakit hindi na lang kasi iyan umalis sa center? Wala naman iyang ambag bukod sa drama ng buhay niya at kalandian niya."
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Sinabihan ko ang sarili ko na hayaan na lang sila. Kapag natapos rin naman nila akong pagsalitaan ng kahit na ano ay matatahimik din sila. "Ah," daing ko.
Tumayo ako at agad ko siyang hinarap.
"What the hell is happening with you? Hindi ko naman kayo inaano! Ni hindi ko nga kayo sinusulyapan. Bakit ba kasi imbyernang-imbyerna kayo sa akin?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nanginginig ang katawan ko dahil sa galit ko. I never talked to them. Hindi ko sila pinapansin kahit na ano ang sinasabi nila. Pero hindi rin tama dahil namimisikal na sila. Kailangan nilang matutuhan ang leksiyon na para sa kanila. Sumosobra na sila!
Nanlilisik ang mga mata kong nakatitig kay Ma'am Devilla at Ma'am Nievez.
Lumapit si Ma'am Nievez sa akin at malakas niya akong tinulak. Mabuti na lang at nakabalanse ako ng maayos. Kung hindi ay natumba na ako.
"Lumalaban ka na ngayon, Ma'am Bennett!?"
Tumawa ng malakas si Ma'am Devilla habang umabante siya. Inikutan niya ako habang nakataas ang kabilang kilay niya. Kung asin lang ako ay natunaw na ako sa mga titig nila.
"Hindi ako lumalaban kung tanging pagsasalita lang ng masama ang ginagawa niyo sa akin. Ibang usapan na kapag namimisikal na kayo!" gigil kong sabi.
Nagtinginan sila at muling sabay na tumawa.
"Pisikalan na iyon para sa iyo? Ito ang pisikalan!"
Napahawak ako sa aking pisngi. Umanghang ito dahil sa malakas na sampal ni Ma'am Devilla.
Nanubig ang gilid ng mata ko. Pumikit ako kaya'y gumulong ang luha pababa sa aking pisngi.
"Ano? Alam mo na ngayon ang pisikalan?" tanong pa ni Ma'am Nievez.
Gumulo ang isip ko. Nakita ko ang mga kamay ni Farris na sinasampal ako. Inalipin ako ng mga alaalang dapat hindi ko na maalala. Takot na takot ako. Dahil sa sampal ni Ma'am Devilla ay nakaramdam ako ng lubos na pagkatakot. "S-Stop," sabi ko.
Wala silang marinig. Sinabunutan nila ako at pinagsasampal-sampal. Nakaluhod ako ngayon habang lugod na tinatanggap ang pananakit nila. "J-Jack," iyak ko.
Nasaan ka na ba, Jack? Bakit hindi ka pa bumabalik? Minamaltrato nila ako, Jack.
"J-Jack, kailangan k-kita," iyak ko.
Binabalik nila ako sa nakaraan ko. Binabalik nila ako sa masalimoot kong nakaraan sa kamay ng asawa ko. Ito ang nararamdaman ko noon habang binubugbog niya ako. Palagi akong tumatawag ng kahit na sino pero walang dumarating. Huminga ako ng malalim. Kung walang tao ang lalapit at ipagtatanggol ako ay tatayo ako para sa sarili ko. Hindi ako binuhay ni Mommy para bugbugin ng kahit na sino.
Umahon ako at malakas na sinampal si Ma'am Devilla.
Natahimik silang dalawa. Napangiwi si Ma'am Devilla.
"Hayo-Aray!" Sasampalin sana ako ni Ma'am Nievez pero nasalo ko ang kamay niya at agad ko siyang sinuntok na naging dahilan ng pag-dugo ng ilong niya. Nanginginig pa rin ako dahil sa galit. Tumutulo pa ang mga luha ko na dulot ng sakit at galit.
"Matagal na akong nagtitimpi sa inyo! Sa buong paaralan, ako lang ang sumsuman niyo kapag nag-uusap kayo. Masyado ba kayong inggit sa akin? Oo! Binubugbog ako ng asawa k-ko. Ano naman ngayon? Ikaw, Ma'am Nievez? Hindi ba ilang beses ka ng nagpalaglag!?" Wala na ako sa tamang kontrol. Galit na galit ako sa kanila.
Isang lalaki ang lumapit sa akin para patahanin ako. Tiningnan ko lang siya.
"Pero may narinig ka ba sa akin na sinabi ko at kinalat ko sa buong paaralan na nagpalalag ka.... na narinig kitang kinausap ang lover mo na buntis ka? Hindi ka niya pinanagutan kaya ka bumili ng kahit na anong uri ng gamot para lang mawala ang bata sa sinapupunan mo!"
"Watch your mouth!" sigaw niya at muli akong sinampal.
Pumiglas ako pero pinipigilan ako ni Rev.
"Stop it! Stop it! Ano ba!?" awat ni Rev sa amin.
Bumalikwas ako. Kahit siya ay hindi niya ako kayang pigilan.
"Take your hands off of me! Nasampal ako, Rev! Nasampal ako!"
Sinampal ko si Rev at tinulak ko siya kaya naman ay napaatras siya at napalayo sa akin. Binaling ko ang tingin ko kay Ma'am Nievez na namumula.
Tinulak ko siya. Ilang beses ko siyang tinulak at ilang beses din siyang halos matilapon sa buhangin. Nagsawa ako kakatulak sa kaniya kaya'y sinampal ko siya ng magkabilaan.
"Binubugbog ako ng asawa ko pero hindi ako tulad mo na mamamatay tao! Sige! Hindi ba matapang ka!? Now tell me na hindi ka napalaglag! Tell me!" sigaw ko sa kaniya habang tinutulak ko ang kaniyang balikat. "Tigilan mo ang kaibigan ko-"
Binaling ko kay Ma'am Devilla ang atensiyon ko. Isang malakas na sampal ang nakapagpatigil sa kaniya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Ikaw, Ma'am Devilla, kumusta kayo ni Gov? Kaya ba hindi na tuwid ang ilong mo dahil wala ka ng pamparetoke!?" sabi ko habang naka-poker face. "Hindi ka na ba sinususustentuhan ng matandang iyon?" "Huwag kang gumawa ng kuwento, Jenissa!" nanggagalaiti niyang sabi.
Tumawa ako ng malakas. Inikot ko ang mga tingin ko sa mga parents at ibang teachers na nakatingin sa amin.
"Huwag mo akong ihalintulad sa iyo! Dakilang Tsismosa!" saad ko. "Everyone, listen!" Tinuro ko si Ma'am Devilla na pulang-pula ang mukha at nanginginig sa kaba. "Itong babaeng ito ay kabit ni Governor!" Nagbulung-bulungan ang mga tao.
"Bawiin mo ang sinabi mo, Jenissa. Bawiin mo," sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ilang beses ko na kayong pinatawad, ilang beses akong nagbibingi-bingihan at ilang beses akong nagkukunwaring walang alam tungkol sa inyo. Ayaw ko ng gulo. Pero kayo ang nagsisimula nito. Alam niyo, kahit na si Jackielou na tunay kong kaibigan ay hindi ko sinabihan tungkol sa mga baho niyo? Matalik ko siyang kaibigan pero may respeto ako sa inyo kaya nanahimik ako," sabi ko.
Tumawa nang malakas si Ma'am Nievez. "Kaibigan mo? Tunay? Matalik? Baliw!"
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"O-OO! K-Kaibigan ko siya. M-Matalik na kaibigan," nauutal kong sabi.
"Puwes hindi ka lang pala battered wife. Isa ka ring betrayed bestfriend!" saad ni Ma'am Nievez.
Lumunok ako. Nabingi ako sa sinabi niya.
"Ano'ng pinagsasabi mo?"
Lumapit sa akin si Ma'am Devilla. "You started it. Hayaan mo kami ang tatapos ng eksena para sa iyo," simula niya. "Your bestfriend is fucking your husband!"
Lumunok ako ng laway. Para akong nabulunan. Hindi ko maintindihan.
"Nagkakamali kayo! Hindi iyan totoo! They never met! Kaya tama na ang pagsasalaysay niyo ng maling kuwento," sabi ko sa kaniya.
May poot si Jack sa asawa ko kaya sigurado akong nagsisinungaling lang ang babaeng ito.
Umiling-iling sila. May mga ngiti sa kanilang nga labi na para bang pinamumukha nila akong talunan.
"They always meet and always fuck, Jenissa. Akala mo kaibigan mo siya? Well, you're wrong because your bestfriend came first before you!"
Tinuro ko ang mukha ni Ma'am Nievez. "Liar!"
"Mahirap lang talaga tangggapin ang katotohanan, Jenissa. Pero iyon ang totoo. Niloloko ka lang ni Jackielou. Sa simula pa lang alam na namin ang lahat. Siya ang kasintahan ni Farris. Matagal na silang magkasintahan. Nagulat nga kami dahil isang araw, nalaman na lang namin na hindi siya ang pinakasalan at ikaw iyon. Kawawa ka naman," sabi ni Ma'am Devilla.
Naawang ang bibig ko. Hingal na hingal ako. Pinikit ko ang mga mata ko. Inaalog ko ang ulo ko upang mawala sa isip ko ang sinabi nila.
"This is not true! Hindi ako kayang lokohin ni Jack. She's my bestfriend!" sabi ko.
Hindi ko kayang i-absorb ang narinig ko.
"Kung ayaw mong maniwala sa amin. Then, find out yourself. Ang daming puwedeng kumuha ng files ni Principal pero si Jackielou ang pumunta. Nasa bayan pa si Sir Fuentes pero ang bestfriend mo ang nagpresenta na siya na lang daw ang magbabalik dahil may personal siyang aasikasuhin. And I am sure nakailang putok na sila ng asawa mo."
"Hindi iyan totoo. Hindi magagawa ni J-Jack iyan! Please stop ruining our friendship! Galit lang kayo sa akin kaya niyo sinasabi iyan! Stop it! Stop lying! Mahal ako ng kaibigan ko! Nagbago na rin ang asawa ko! Mahal ako ni Farris!" "Mahal!?" May kinuha si Ma'am Devilla sa bag niya at pinakita niya ito akin.
Nanlaki ang mga mata ko. Kaya pala akala ko naubos ang vitamins ko. Nasa kaniya pala ang isang bottle. Nahulog ko siguro ito noong nasa gate kami papasok sa resort.
"Bakit nasa iyo ang vitamins ko? Saan mo nakuha iyan?" usisa ko.
Umiling-iling siya habang nakatitig siya sa akin.
"Iyan ba ang epekto ng pagkakakulong mo sa puder ni Farris sa loob ng limang taon? Crazy! Hindi ito vitamins, Jenissa. This is a drug that will increase your arousal! Magiging malibog na malibog ka na para bang hindi mo kontrolado ang sarili mo. Mangangati ang puke mo at hindi mo alam kung paano ito kamutin dahil buong katawan mo naman talaga ang nangangati. Pati utak mo mangangati."
"W-What!?" Naawang ang bibig ko. Napahawak ako sa aking mga labi.
Kaya pala palagi akong nalilibugan. Lalo na kapag nakainom ako ng drogang sinabi ni Farris na bitamina raw.
"Guess what, inalog ko at nakita ko na may powder ito. Pinapashabu ka ng asawa mo nang sa ganoon ay maadik ka at hindi ka aalis sa kaniya," sabi ni Ma'am Devilla. "Kawawa ka naman!"
Paluhod akong bumagsak sa ibabaw ng buhangin. Kaya pala pinakikitaan ako ng Farris na iyon ng kagandahang loob dahil planado niya ang lahat? Pinapadroga niya ako para hindi ko siya iwan at ako na mismo ang lalapit sa kaniya upang hindi na siya mahirapan kapag gusto niya akong galawin?
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Jen," anang Rev na ngayon ay nakaalalay sa akin.
Kung kanina ay kumalma ang katawan ko sa panginginig. Ngayon ay para akong grinding machine. Yumuko si Ma'am Nievez.
"Ano pa ang hinihintay mo? Kung ako sa iyo para matiyak mo kung nagsasabi kami ng totoo o hindi ay uuwi ako. I will see it myself."
"Alam mo, Jenissa, may tamang rason ka na para mamatay. The world is so cruel to you. Namatay ang Mommy mo during your early age, minamaltrato ka ng Daddy mo at pinambayad-utang ka pa at ginawang impyerno ang buhay mo. Niloko ka ng asawa mo matapos kang bugbugin at maltratuhin. Pinaglaruan ka rin ng matalik mong kaibigan na sinusumbungan mo ng mga hinanakit at pagsusumamo na makaalis ka na sa puder ni Farris. You're a total mess. Kill yourself and rest well on your grave." bulong ni Ma'am Nievez.
Pumikit ako habang ang mga kamay ko ay kinumkom ang mga buhangin na kayang makumkom ng mga ito. Gigil na gigil ako habang masidhing umiiyak.
"Niloko nila ako! Niloko nila akong lahat!" diin kong sabi.
Huminga ako ng malalim. Tumayo ako kaya naman ay naalis ang mga kamay ni Rev na napakapit sa akin.
Nilagpasan ko ang mga taong nakatitig sa main.
Matatanggap ko kung si Farris lang ang nangloko sa akin. But talking about Jack? Kaibigan ko siya. Lahat ng problema ko ay sinasabi ko sa kaniya.
Paano niya nagawa sa akin ito?
Hinayaan kong malayang pumatak ang mga luha ko patungo sa buhangin.
"Jen! Tumigil ka nga!" awat ni Rev sa akin.
Humarap ako sa kaniya at sinampal ko siya ng ilang beses. Nakita ko na pumikit lang siya at mas inilapit niya sa akin ang mukha niya.
"Sige pa. Ilabas mo ang galit mo, Jen. Ilabas mo ang galit mo sa kanila! Isipin mo na ako sila! Sumigaw ka at sampalin mo ako! Handa akong maging punching bag para lang gumaan ang pakiramdam mo at maging okay ka. Nandito lang ako," sabi niya. Tinulak ko siya at agad na iniwan.
Pumunta ako sa inn at pumasok ako sa kuwarto namin ni Jackielou.
"Paano mo nagawa sa akin ito, J-Jack!?" gigil kong tanong sa loob ng kuwarto.
"Hayop ka! Manloloko ka! Manloloko kayong lahat!" patuloy kong sigaw.
Tumigil ako kasisigaw. Desidido na ako ngayon. Uuwi ako at huhulihin ko sila. Kapag tama ang mga sinabi ni Ma'am Devilla at Ma'am Nievez ay sinisiguro kong ito na ang huling araw na iiyak ako dahil sa mga taong nanloko sa akin. Hinablot ko na lang ang bag ko at sinabit ito sa aking balikat. Mabilis akong lumabas mula sa inn at agad na tinahak ang daan paalis sa resort na ito.
Ang sakit lang isipin na niloko ako ni Jack. Parang kapatid ko na siya. Alam niya ang lahat ng hinanakit ko. Paano niya ako natiis na paglaruan sa loob ng mahabang panahon?
Hindi man lang niya inisip na siya ang pahinga ko kapag napapagod na ako. Hindi niya man lang ba naramdaman na pamilya na ang turin ko sa kaniya?
"Where are you going? Huminahon ka muna! Kumalma ka!"
Hinila ni Rev ang kamay ko kaya'y napatigil ako sa aking paglalakad.
"Pakawalan mo ako, Rev. Tigilan mo na ako, Rev. Tigilan niyo na ako. Ayaw kong umasa pa na may totoo sa akin dahil wala naman talaga. Tama sila, I'm a mess," pumiglas ako at binawi ang kamay kong hawak niya. Hinabol niya ako. Inunahan niya ako at hinarang niya ang katawan niya. Iniiwasan ko siya pero palagi niya akong inuunahan para harangan.
"Jen, makinig ka naman sa akin. Galit ka, alam ko 'yan. Nasaktan ka, oo, alam ko rin iyan! Pero hindi ito ang tamang panahon para magdesisyon agad. Hayaan mo muna na tumino ang isip mo," sabi niya.
May awa at pag-aalalang dumaan sa mga mata niya. Pero ayaw ko na munang magtiwala pa sa kahit na sino maliban sa sarili ko.
Nakakapagod na magtiwala at umasa na may taong nandiyan para sa iyo. Ayaw ko na munang ibigay ang tiwala ko kasi nakakapagod iyong ganito, bandang huli matatagpuan mo ang sarili mo na naloko ng mga taong pinagkatiwalaan mo. "Umalis ka sa harapan, Rev. Hayaan mo muna ako! Hayaan niyo akong mag-isa. Hindi kita kailangan! Hindi ko kailangan ng kahit na sino!"
"Jen," tawag niya sa akin.
"Please? Sarili ko lang ang kailangan ko. Not you. Hayaan niyo na muna akong makapagpahinga mula sa mga taong niloko ako at masaya pa sa ginagawa nila. Hayaan mo na ako, Rev," sabi ko sa kaniya.
Nakita ko paano bumagsak ang mga balikat niya. Tumabi siya kaya'y diretso na ako sa paglalakad.
Isang hakbang, dalawang hakbang, tatlong hakbang... Hahakbang pa ako at gusto kong makita ng harap-harapan kung paano ako niloloko ng kaibigan ko at asawa ko nang sa ganoon ay matauhan na ako. My heart is heavy... so heavy. Para akong nilibing ng buhay ni Farris at Jack. Mga manloloko sila!
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report