Melancholic Wife
k a b a n a t a 10

Jenissa's POV

Wala sa sarili akong humakbang patungo sa nakaawang na pintuan. Ilang beses akong nadapa at marami akong sugat na natamo. Hindi ko na kasi maramdaman kung nasugatan ako. Namamanhid ang balat ko. Malamig ang simoy ng hangin habang tinatahak ko ang daan patungo sa pintuan.

Kumapit ako sa frame ng pinto. Mariin akong napakapit habang nasasaktang tinatanaw ang pinakamasakit na tanawin na nakita ko. Ang kaibigan kong tinurin kong kapatid ay nakapatong ngayon sa asawa ko. Wala silang saplot at parehong tirik ang mga mata dahil sa pagpapaligaya nila sa isa't isa.

Nandoon sila, nagpapakasaya at pinapaligaya ang isa't isa. Habang ako naman ay nandito sa labas. Giniginaw at nasasaktan. Durog na durog habang pinagmamasdan ang indayog ng mga katawan nila.

Gusto ko ng bumitaw dahil sa nakita ko. Wala na akong makapitan pa. Gusto ko na lang huminto sa paghinga. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang sumuko. Baka tama nga sina Ma'am Nievez at Ma'am Devilla. Wala akong silbi. Tanga ako. I'm a total mess. Ang gulo-gulo ng buhay ko.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Farris kay Jack.

Nakita ko paano nilibing ni Jack ang kaniyang mukha sa leeg ng asawa ko. Para bang napagod sila sa ginawa nila.

"Of course! Hindi ba ako dapat ang nandito sa mansion na ito? This is what you've been promising me. Sabi mo noon ipapahinga mo ako sa isang magandang bahay," tugon ni Jack. "But you didn't fulfill your promise,” dagdag na sabi ni Jack. "Oooooh. Stop doing that, Aki." Kiniliti ni Jack ang Asawa ko.

"Bakit? Hindi ba iyon totoo? Promise mo iyon sa akin! You even told me that we'll be making tons of kids," nagtatampong saad ni Jack. "Dapat kasi ay matagal na nating ginawa ang mga plano natin. Kung napaaga lang iyon ay tiyak na masaya tayong nagsasama at hindi tayo nagkikita ng patago!"

Patuloy lang sa pagbulwak ang mga luha ko. Tahimik kong pinatatahan ang sarili ko. Marahan kong hinahaplos ang aking braso. Wala na kasi si Jack na gumagawa nito sa akin. Wala na ang kaibigan ko na nagimg sandalan ko kapag sinasaktan ako ni Farris.

Sa tuwing kinukuwento ko sa kaniya ang paghahalay ng asawa ko sa akin ay inis na inis siya. Ngayon ay naisip ko na baka nagagalit siya kay Farris noon dahil nagseselos siya sa akin. Siguro, habang niyayakap at niyayapos niya ako upang patahanin ay lihim siyang nakangiti at tuwang-tuwa sa mga tinamo kong pasa mula kay Farris.

Paano niya iyon nailihim sa akin sa loob ng limang taon at higit?

Napatakip ako sa aking bibig nang makita paano hinalikan sa noo ni Farris si Jack.

Ayaw kong marinig kung ano ang sasabihin niya. Ayaw ko!

"Mahal kita. Mula noon hanggang ngayon, Aki. Hindi pa naman huli ang lahat para sa atin. Ang mga pangarap na sinimulan nating pinangarap noon ay kakamtan natin iyon. Just you and me. Together with our kids." Tumalikod ako at tatakbo na sana paalis kaso natigilan ako nang sinabi iyon ni Farris.

Napailing ako at napahawak sa aking dibdib. Pinigilan ako ang sarili kong gumawa ng ingay.

"Paano ang asawa mo? Sagabal siya sa buhay natin. Habang buhay ba tayong mangangarap na lang? Palagi na lang siyang nasa gitna natin at hinaharangan ang mga pangarap natin, Farris! Matagal na panahon na ang hinintay ko. Hindi na ako makapaghihintay pa ng ilan pang taon. Pagod na ako. Naiinip na ako! Sa tingin ko ay kailangan na nating alisin ang sagabal sa buhay natin."

Tumayo ako ng tuwid. Pinunasan ang mga mata kong basa. Sa panahong ganito ay kailangan kong maging matatag. Kung walang magpupunas ng mga luha ko ay iaangat ko ang mga kamay ko at tutuyuin ko ang mga mata kong basa dahil sa hindi maawat na mga luha.

Umikot ako at lumapit ako sa pintuan. Pareho na silang nakabihis. Tahimik kong pinakinggan ang kanilang kumbersasyon. Kailangan kong makinig upang mabatid kung ano ang pinaplano nila. I am sure that they are planning something behind me.

Inaamin ko na kinamumuhian ko si Farris. Pero walang gabi na hindi ako humiling sa langit na sana isang araw magigising na lang ako na mahal na niya ako. Humiling ako sa Diyos na sana dumating ang isang umaga na matagpuan ko ang sarili ko na nakakulong sa mga braso ni Farris.

Pinaramdam niya sa akin iyon. Pinakita niya na nagbago na siya. Dahil doon ay umasa ako na magiging okay ang lahat. Umasa na ako na totoo ang kabutihan na ipinakita niya sa akin. Kaso, hindi e. Mali. Mali ako ng akala. Sa huli pala ay masasaktan ako.

"Papatayin naman natin siya hindi ba?" tanong ni Farris. "Hayaan mo at binibigay ko na sa iyo ang tungkulin na kumalabit ng dila ng baril. Ikaw na rin ang papatay sa kaniya."

Saglit akong napatigil sa pag-hinga dahil sa narinig ko. Tama ako. They are planning to kill me. They want me to be dead in order for them to achieve their goal.

Sinaniban ako ng matinding galit at sakit na dinanas ko. Kumaripas ako ng takbo papunta kay Jackielou.

"Jen!"

"Jenissa!?"

Diretso ako sa pagsabunot kay Jackielou. Sinampal ko siya

pinagsusuntok-suntok.

"Mga hayop! Mga manloloko! Mga walang hiya! Papatayin ko kayo!" sigaw ko habang patuloy sa pagbugbog kay Jack.

Pumulupot sa baiwang ko ang kamay ni Farris. Napakalakas niya. Hinila niya ako at walang awa niya akong tinapon sa sahig. Ilang metro ang layo ko sa kanila dahil sa malakas at puwersadong pagtapon ni Farris sa akin. "A-Anong kasalanan ko sa iyo, Jen? Kaibigan mo ako. Paano mo nagawa sa akin ang bagay na ito?"

Umahon ako dahil sa inis. Tinuro ko ang mukha niya.

"Huwag kang magmaang-maangan pa, Jackielou! Narinig ko ang lahat! Nakita ko paano ka pumatong sa asawa ko! Ngayon sabihin mo sa akin na gawain iyon ng mabuting kaibigan," diin kong sabi. "Nagkakamali ka ng inisip. P-Pumunta ako rito d-dahil..."

Dahil sa inis ay muli ko siyang sinugod. Sa pagkakataong ito ay humarang si Farris.

"Stop this, Jenissa! Stop!" awat ni Farris.

Tumawa ako ng walang emosyon sabay tulak kay Farris. Hindi ko mabilang ang mga sampal na inalay ko sa kaniya.

"Stop!? Ikaw ang tumigil dahil hayop ka! You drugged me! Nagkunwari kang mabait at nagbago na! But fuck you! Dalawa kayo.... mga hayop kayo!"

Tumingin ako kay Jackielou.

"Ikaw, Jackielou, paano mo ako nagawang saktan ng ganito ka lala? Ikaw ang sumbungan ko sa t-tuwing sinasaktan ako ni Farris. A-Akala ko iyong panggagamot mo nang mga sugat ko'y dahil kaibigan mo ako. Akala ko ko walang makakasira ng pagkakaibigan natin, Jack. A-Akala ko totoo ka! Hindi pala! Niloko mo ako. Ang masakit lang dahil ikaw pa ang nanloko sa akin. I never expected this to happen. Kaibigan kasi kita. Mahal k-kita," napipiyok kong sabi.

Luhaan na naman ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Nandito kaming tatlo sa sala kung saan ko sila nasaksihang nagtalik.

"Argh!" daing ko nang sinakal ako ni Farris.

Puno siya ng galit habang mariin niya akong tinulak papunta sa pader.

"L-Let go of me," ani ko.

Hindi siya nakinig. Sa halip na makinig at dinggin ako ay salitan niya akong sinuntok sa sikmura ko.

"Hindi ko hahayaan na saktan mo ang babaeng mahal ko! I drugged you because I want to fuck you and kill you after I took all of you!" sigaw niya.

Binitawan niya ako. Ngayon ay nasa sahig na ako at hinahabol ang aking hininga. Halos malagutan na ako ng hangin na ibubuga dahil sa ginawa ni Farris.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Ang sakit naman marinig mula sa asawa ko ang mga katagang iyon. Ang sakit-sakit malaman na ang taong tinurin mong kapatid ang kalaguyo ng asawa mo.

"B-Bakit siya pa? Bakit ang matalik ko pang kaibigan?" iyak ko.

"Palagi naman siya! She's always the person that I love! She will always be because she's supposed to be my wife and not you!"

Tumayo ako. Mapait akong nakangiti.

"Bakit mo ako pinaasa? Bakit mo ako pinakasalan kung siya naman pala ang mahal mo at siya ang nauna?"

Huminga ako ng malalim.

"K-Kaya ba palagi kang gabi kapag umuuwi dahil tumutuloy ka sa bahay ni Jack?"

"Of course! Sinasabi ko lang na business partner ko ang pinupuntahan ko para hindi ka na mangialam. Kasi nga'y pakialamera ka!"

Lumakad ako kay Jack. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Wala man lang akong nakitang awa o guilt sa kaniya.

"Masaya ka ba sa nakikita mo, Jack!? Akala ko nasasaktan ka kapag nasasaktan ako? Jack, sinasaktan ako ni Farris sa harapan mo! Nasaan na iyong inis mo sa kaniya? Nasaan na ang gigil mo na saktan siya kapag nakita mo siya?" Niyugyog ko siya. "Nasaan na iyon? Nasaan na ang Jack na kaibigan ko!?"

Wala siyang imik. Maya't maya ay lumuha na siya. Hindi ko na malaman kung para saan ang mga luha niyang ito. Luha ba ito ng awa niya sa akin o luha ng tagumpay?

Tinalikuran ko si Jack at si Farris naman ang nilapitan ko. Nanatiling nakakunot ang kaniyang noo. Namumula rin ang mga tainga niya na nagpapahiwatig ng kaniyang pagka-galit.

"Farris, ipagpaliban mo ang galit m-mo. S-Sagutin mo ako ng maayos. Sa loob ng higit limang taon nating pagsasama, minahal mo ba ako kahit katiting lang?"

Umiling siya.

"Nakita mo naman paano kita inalagaan, hindi ba? Hindi ako sumusunod sa mga g-gusto mo dahil natatakot a-ako sa mga pambubugbog mo, F-Farris. A-Asawa ang turin ko sa iyo. Bukal sa puso ko ang pagsilbi at pag-aruga ko sa iyo. Ilang beses mo akong sinaktan, emosyonal man at pisikal, Farris. Lahat ng iyon ay tinitiis ko kasi mahal kita. Mahal kita, Farris!"

Tumingin ako sa kaniya. Nakita ko paano pumatak ang ilang butil ng luha mula sa mga mata niya. Muli akong nalito. Bakit? Para saan ang mga luhang iyon?

"Sumagot ka, Farris. M-Muli kitang tatanungin," sabi ko. "Minahal mo ba ako kahit katiting lang?" ulit ko sa aking tanong.

Alam ko naman kung ano ang isasagot niya. Nakulangan kasi ako sa sakit na nararamdaman ko. Gusto kong isagad na.

"Never. Hindi kita minahal. Kahit katiting na pagmamahal ay wala akong binahagi sa'yo, Jenissa. Maid ang tingin ko sa iyo! Bilanggo ka ni Daddy at dahil sa iyo ay hindi ko nakasama ang babaeng dapat na kinakasama ko. I have to marry you for the sake of my inheritance! Huwag kang umasa na makakarinig ka sa akin ng salitang mahal kita"

"Tama na, Farris," ani ko.

"Hindi ka kamahal-mahal! You deserve death!" sigaw ni Farris.

Huminga ako ng malalim. Ang sakit naman nitong nangyari. Akala ko ang saya-saya ko na.

Wala akong kasalanan sa langit pero ito ang dinanas ko.

Aalis na sana ako pero hinigit ako ni Farris.

"Let me go! Hayaan niyo na ako! I will exit from your lives!" sigaw ko.

"Diiiiiie!" sigaw ni Jack mula sa aking likuran.

Hindi ko na nagawang humarap nang naramdaman ko paano tumama ang matigas na bagay sa likod ng aking ulo. Tiyak akong si Jackielou ang humampas sa akin. "H-How could y-you...?"

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Napaluhod ako. Tumapat sa akin si Farris. He made an evil smile. Napagod ang talukap ng mga mata ko kaya'y kusa na itong pumikit.

Ang sakit ng katawan ko. Para akong inipit sa gitna ng pinagdikit na mga pader. Pinilit kong ibuka ang mga mata ko.

"Nasaan ako? A-Anong nangyayari? Farris! Jack!" sigaw ko. "Pakawalan niyo ako rito! Pakawalan niyo ako! Jack! T-Tulungan niyo ako!" patuloy kong sigaw sa gitna ng masukal na kagubatan. Nakaupo ako ngayon sa isang silya habang ang katawan ko'y naiikutan ng tali.

"Fuck!" bulyas ko nang makaramdam ako ng mga malalagkit na likido sa aking katawan.

I'm bleeding. Nang maalimpungatan ako ay nakaramdam ako ng hapdi sa katawan ko. Pinilit kong maabot ng tingin ko ang mga bahagi ng katawan ko na mahapdi.

"Aaaargh! M-Mga hayop kayo! Aaaaargh!"

Nakita ko ang malalaking sugat sa katawan ko. May mga hiwa ako sa mga binti ko, sa mga kamay ko, sa dibdib ko at sa mga braso ko. Mahapdi rin ang ulo ko kaya'y sigurado akong may malaki akong sugat dito. Malabo rin ang paningin ko. Malamang ay mga dugo itong nasa mga talukap ng mga mata ko.

"Nasaan na kayo! Pakawalan niyo ako rito!" hikbi ko sa gitna ng kagubatang hindi ko alam kung saan.

Narinig ko ang buntung-hininga ni Jack mula sa likuran ko.

"Argh!" sigaw ko nang hinila niya ang aking buhok.

"Tama na, Jack! Pakawalan mo na ako! M-Maawa ka!" ani ko.

Nakangiti siyang tumitig sa akin. Napangiwi ako dahil sa malakas na sampal na ginawad niya.

"Alam mo, Jen, matagal ko na itong gustong gawin sa iyo."

Muli niya akong sinampal habang patuloy lang siya sa paghila ng buhok ko.

"Wala akong kasalanan sa'yo, Jack!"

Sinakal niya ako ng sinakal. Pati ang mga kamay niya ay may dugo na. Sigurado ako na dugo ko ito. "Manahimik ka! Matagal na kitang gustong saktan at patayin!" diin niyang sabi.

Gigil na gigil siya sa ginawa niyang pagsakal sa akin.

"Wala akong ginawang mali sa'yo, Jack!"

"Tfuh!"

Dinuraan niya ang mukha ko. Dama ko ang init ng dura niya sa aking mata. Naluha ako nang mapasok sa loob ng mata ko ang dura ni Jack. "Ano'ng wala? Kasalanan mo kung bakit nalayo sa akin si Farris. Ako dapat ang pinakasalan niya at hindi ikaw, Jenissa! Ako na sana ang tinatawag nilang Ma'am Bennett! You don't deserve to called Ma'am Bennett!"

Umiling ako.

"Pareho lang tayong naagrabyado, Jack. Sa una ay hindi ko ginusto ang maikasal sa kaniya!" sigaw ko.

Ilang beses akong sinampal muli ni Jack.

"Argh! Tumahimik ka, Jen! Tumahimik ka! Ninakaw mo sa akin ang apelyidong matagal ko ng gustong maidugtong sa dulo ng pangalan ko!" She crossed her arms. "Now, tell me na wala kang kasalanan! Kasalanan mo ito! This is all your fault because you existed!"

Nanlaki ang mga mata ko. Pilit akong pumipiglas nang makita ko paano hinugot ni Jackielou ang baril mula sa kaniyang baiwang.

Umiiling-iling ako. Gumalaw ako ng gumalaw pero wala akong nagawa bukod sa pag-iyak.

"Don't do that p-please! Kaawaan mo ako," pagmamakaawa ko sa kaniya.

Pumikit ako at dinama paano ako naihi sa aking salawal.

"Oh, Dear Jenissa. Takot na takot ka yata? Huwag kang mag-aalala dahil kapag bangkay ka na ay wala ka ng mararamdamang sakit pa," malademonyong turan niya.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ang ulo ko.

"Maawa ka naman, Jack. Hayaan niyo naman akong makawala, Jack. Please... Aalis ako. H-Hindi ako manggugulo sa inyo ni Farris. G-Gusto kong mabuhay. Gustong maranasan ang mamuhay ng payapa," sabi ko sa kaniya. "Aaaaargh! T-Tama na! Aaaargh!" sigaw ko dahil nilibing ni Jack ang dulo ng baril sa sugat ko sa likod ko.

"Wahahahahahaha! Wahahahahaha!" tawa niya na parang demonyo.

Bumalik siya sa kaniyang puwesto. "Tatlong bala ang nilaan ko para sa iyo, Jenissa. Para sa dibdib mo, sa ulo mo at sa bibig mo! Wahahaha!"

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Jack, n-naman. Hayaan niyo naman akong matikman ang masayang buhay na tinatamasa niyo. Pagod na akong mag-hirap," iyak ko.

"Exactly!" diin niyang sabi habang kinasa niya ang baril. Tinutok niyang muli ang baril sa akin. "Tutulungan kita kasi kaibigan kita. I will help you rest, My Jenissa!" sabi niya.

Naghalo na ang sipon, laway, luha at dugo ko. Sana naman ay may makakita sa akin at tulungan ako.

"Gusto ko pang mabuhay. Hayaan niyo naman a-akong makalaya na. Aalis ako! P-Pangako! K-Kahit sa abroad ako manatili," sabi ko.

Umiling siya. "You don't deserve to live. Walang nagmamahal sa iyo. Mas mabuti na sa libingan ka na lang, matatahimik ka." Ngumiti siya at niyapos niya ang aking pisngi bago siya bumalik sa kaniyang puwesto. "J-Jack, p-please," sabi ko.

"Don't worry, Jen, ipagsisindi kita ng kandila at ipagdarasal ko ang kaluluwa mo."

"Ano pa ang hinihintay mo?" anang Farris.

Tumingin ako kay Farris na kararating lang. Lumingon si Jack at nagsalubong ang kanilang mga labi upang magsagawa ng mapusok na halikan.

Muli na naman akong nasaktan. Hirap na hirap na ako. Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Sana pag-gising ko ay makita ko pa ang magandang bukas.

"Farris?" May pagmamakaawa sa aking boses. "Farris, alam kong may natitira pang awa sa puso mo. A-Alam ko iyon. F-Farris, pakawalan mo ako," pagsusumamo ko.

Lumingon sila sa akin. Nasa likod si Farris at humawak siya sa baiwang ni Jack.

May liwanag pa ba sa bukas ko? O wala na talagang bukas para sa akin? Ang buhay ko sa mundo ay puno ng pait at magmamalupit. Sana bukas, kung may bukas pa ako ay kusang matutuyo ang mga luha ko at ngiti na lamang ang makikita ng mundo mula sa akin.

"Patayin na natin ang sagabal sa bukas natin?" tanong ni Jack.

"As you wish, Baby," hinalikan ni Farris ang pisngi ni Jack.

"Huuuuwag-ugh-ugh-ugh."

Tumigil ang mundo ko. Dama ko paano ko inubo ang malansang likido.

Isa, dalawa at tatlong putok. Nanginginig ang mga labi ko. Gusto kong ituwid ang aking katawan subalit nakagapos ako.

"Ba--ba---li---kan k-ko k-ka---y-yo..." sabi ko nang matumba ang bangko kung saan ako nakatali.

Malinaw pa sa sikat ng araw ang mga ekspresiyon nila habang humahalakhak sila.

Tatandaan ko ang mga mukha nila.

Hinihiling ko sa Diyos ang hustisya at katarungan. Sana bigyan niya ako ng isa pang pagkakataon upang masingil ko ang mga taong gumawa sa akin nito.

Si Daddy.....

.... si Henry....

.... si Farris at Jack.

Babalikan ko sila at ipapamalas ko sa kanila ang impiyernong pinadama nila sa akin.

Ang mga sakit na naramdaman ko sa mga kamay nila ay ibabalik ko ng triple, hindi, pitong beses pa sa sakit na pinadama nila sa akin ngayon.

Wala na akong marinig. Lumalabo na ang paningin ko.

Hustisya.

Hustisya.

Hustisya ang sinisigaw ko ngayon. Dinggin lang ako ng Diyos.

"R-Rev," ani ko bago ko niluwa ang maraming dugo.

Diyos ko, buhayin mo lang ako. Hindi ko kakayaning mawala sa mundong ito na hindi pa sinisingil ang mga taong ito.

Pinikit ko ang aking mga mata. Pilit ko mang ipaglaban ang buhay ko ay hindi ko na kaya. Bahala na ang langit sa akin.

Diyos ko, sana masikatan pa ako ng araw at kung hindi na ay sana ipakita mo sa akin ang aking Mommy. Gusto kong sabihin sa kaniya ang pagpapahirap ng mundo sa akin. Isusumbong ko sa kaniya ang ginawa nila sa akin. Inalipusta ako ng mundo. Inalipin ako ng pag-ibig ko na siyang naging dahilan ng aking pagkahandusay sa gitna ng gubat na ito.

If this is my fall, this is the most unacceptable fall of a wife who did nothing but to pray for an end of her melancholy.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report