Melancholic Wife -
k a b a n a t a 13
Albana's POV
Nakalublob ako sa ginintuang bathtub na puno ng gatas. Yes! Gatas ang pinapaliligo ko. Umahon ako. Dama ko paano dumausdos ang likidong may mabangong aroma mula sa aking mukha patungo sa ibabang mga bahagi ng aking katawan. Umahon ako at agad na tinungo ang shower room na hindi kalayuan. Nakatitig ako sa patak ng tubig na humahalik sa aking balat.
Matapos akong nagbanlaw ay sinalubong ako ng isa sa mga katulong ko na tagapangalaga ko kapag naliligo ako.
"My Lady," aniya at hinanda ang bathrobe ko.
Sinuksok ko ang mga kamay ko sa bathrobe at agad na tinaas ang aking mga kamay. Tinali niya ang tali ng bathrobe sa aking katawan. "Done, My Lady," aniya.
Tumungo kami sa dressing room. Umupo ako sa silya na yari sa ginto at nakita ko ang aking repleksiyon.
The goddess has arrived. Ito na ako ngayon. Ito na ang Jenissa na inakala nilang patay na. Umahon ako at babalikan ko sila. Hinding-hindi ako titigil hanggang may isang tao akong hindi nasisingil sa lahat ng katarantaduhang ginawa nila sa akin.
Nakaangat ang kabilang dulo ng aking mga labi habang nakatitig ako sa mga mata ko sa loob ng salamin. Nawala na ang takot na naghari sa akin noon. Nawala na ang karuwagan na bumalot sa aking pagkatao.
"My Lady, tapos na po at tuyo na ang inyong buhok."
Lumingon ako sa isang bagay na may gulong. Tinulak ito ng isa sa mga tauhan ko patungo sa aming gawi. Nakahanger dito ang mga damit na pagpipilian kong isuot ngayong araw.
"My Lady, lalagyan ko na po ng kolorete ang 'yong mukha," saad niya.
Pinakawalan ko ang munting tango bilang senyales. Ilang minuto lang ay natapos niya na ang paglalagay ng kolorete sa aking mukha.
Tuwid lamang ang estilo ng aking buhok na blonde. I'm gorgeous as always.
Tumayo ako at agad na pumili ng damit. Itim na tube dress ang napili ko. I put my heels on. Sinilayan ko ang aking sarili sa salamin.
"My Lady, pagkatapos mo raw po ay diretso ka na sa hapagkainan. Your Abuela is waiting for you," imporma nito sa akin.
Marahan akong lumabas sa dressing room. Ngayon ay nandito ako sa ikalawang palapag ng mansion. Nakakasilaw ang paligid. Puro ginto. Nakakalulang tingnan. Ito ang katotohanang isasampal ko sa mga taong lumapastangan sa akin. Hindi na nila ako basta-bastang maapi. Malaya na ako. Hawak ko na ang mundo.
Bumaba na ako at agad akong tumungo sa dining area. Ngumiti sa akin si Abuela kaya naman ay napangiti na rin ako ngayon.
Nagmadali akong lumapit sa kaniya at agad ko siyang hinalikan sa kaniyang pisngi.
"Good morning, Mihija! You look so gorgeous as always, Mihija. Saan ang punta mo?" tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya. "Thankyou, Abuela." Umupo ako sa tabi niya.
Ang haba ng aming lamesa subalit kaming dalawa lang ang nakaupo sa paligid nito.
"Pupunta ako sa opisina. I will be fixing all the things needed," natatawa kong sabi.
"You look so happy, Mihija. May I know the reason?"
"Not so special, Abuela. Pinirmahan lang naman ni Henry Bennett ang kasunduan namin," madiin kong saad.
Napapailing na lamang si Abuela. Alam niya kung gaano ako kagalit sa mga taong iyon.
"Pinaranas nila sa akin ang impyerno kung saan sila naghahari-harian, Abuela. Ngayon ay dumating na ang panahon para isa-isahin ko silang sisingilin," sabi ko pa.
"How about the ghost themed revenge?"
"Patuloy lamang iyon, Abuela. But don't worry hindi na kita idadamay pa. Tama na iyong sa flower shop." Tumawa pa ako sa dulo.
Naalala ko kasi ang kuwento ni Abuela kung paano natakot si Farris. Halos lumuwa raw ang mga mata niya nang tinakot siya ni Abuela.
"You're really making fun of me, Albana!" sabi ni Abuela.
Ang sarap sa pandinig ng French accent ni Abuela.
"I am not, Abuela. Honestly, I am amused because of your acting. Tinalo mo pa ang mga batikan, Abuela," sabi ko sa kaniya.
"Bueno! Kumain ka na nga lang. Don't make the food wait," aniya.
Tumalima ako at agad na kumuha ng gintong kutsara at tinidor. Kumuha na ako ng pagkain at agad akong kumain.
Nagpaalam na ako kay Abuela matapos kaming kumain.
Nakatitig lang ako sa unahan ng aking kotse habang iniisip ang nangyari sa nangyari sa akin.
Abuela told me how she did found me. Matanda na raw siya. Nakuha niya ang lahat ng gusto niya at gusto niya ng magpahinga. She was about to kill herself in the middle of that forest. Handa na siya para pakawalan ang manibela ng sasakyan niya subalit nasulyapan niya ako. Nakatali sa upuan at naghihingalo sa sakit. Puno ako ng dugo noong nakita niya ako. Kaya'y sa halip na ituloy ang magpapakamatay ay tumalima siya at tinulungan niya ako. "Holy Jesus!" sambit niya nang makalabas na siya sa kaniyang sasakyan.
Tumakbo siya papalapit sa akin. Yumuko siya at agad niya akong pinakawalan mula sa pagkakatali ko.
"H-Help me," nauutal kong pagmamakaawa sa kaniya.
"D-Don't talk. Save your strength, Miss!" sabi niya.
Iyon lang ang natandaan ko noong tinulungan ako ni Abuela. She made me become this person. Sa loob ng isang taon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ito na ako ngayon. Hindi ko pa rin lubos na maisip na ako na si Albana Armano, courageous and wise.
Mabuti pa nga si Abuela dahil tinulungan niya ako. Hindi siya natakot at nagdalawang-isip na lumapit sa akin.
Kumirot na naman ang puso ko habang inaalala ang mukha niya.
He followed me. Nakita ko siyang nakatayo sa tapat ko noon. I called him. I mentioned his name with a begging tone but he refused to help me.
Sinabi niya sa akin na hinding-hindi siya titigil hanggang hindi niya ako nakukuha. Gagawin niya ang lahat para mapasakaniya lamang ako. But everything was a lie. It was all a lie!
Pinaasa niya rin ako. Akala ko totoo siya. Pareho lang sila ni Farris na niloko ako.
Umasa akong iba si Rev. Umasa ako na tutulungan niya ako noong araw na iyon. Nagkatinginan kami. Punung-puno ako ng pagmamakaawa habang nakatitig ako sa kaniya.
Sinubukan ko pang ilahad ang kamay ko kahit hirap na hirap na ako noon. I chased my breath while my hand is crawling on the land. As it reached his shoe, instead of helping me, he made backward steps. Lumayo siya sa akin at iniwan niya ako.
Dahil hindi ko kinaya ang sakit na talikuran ng taong inakala kong mahal ako ay pinikit ko ang mga mata ko. Lumuha ako noon. Kung paano ako nadurog ni Jackielou at ni Farris ay mas dinurog ako ni Rev dahil sa pag-asang tinanim niya sa puso ko.
Hindi ako nagagalit sa kaniya. Isa lang ang nararamdaman ko, pagkadismaya. Dismayado ako dahil sa ginawa niyang pagtalikod sa akin kung kailan ako ay nangangailangan ng tulong. Uhaw na uhaw ako sa tulong ng kahit na sino. He was there. He was really there but he refused to help me. Gayunpaman ay natutuhan ko pa rin siyang patawarin dahil kahit na saglit lang ay minahal ko siya. Sa isang nakaw na saglit ay naramdaman ko na espesyal ako sa isang tao. "My Lady, nandito na tayo," sabi ng aking personal driver.
I wiped my tears away. Lumabas ako sa aking sasakyan nang pinagbuksan niya ako. Diretso lang ako sa paglalakad.
Sa likod ako dumadaan. Hindi pa kasi ito ang takdang panahon para makita nila ako. I know I can lie about my name and personality but I want them to enjoy everything they have now. Dahil sa oras na sisingilin ko sila ay wala na akong ititira pa sa kanila. Luluhod sila sa akin at gagapang para sa katiting kong awa. They will never gonna taste happiness when I will start to take everything they have.
Nasa opisina na ako. Hindi ko hinahayaang may makapasok rito. Sinasarado ko ang pintuan kapag nandito ako.
Pagkakabukas ko pa lang sa malaking TV sa opisina ko ay bumungad agad ang mukha ni Jack at Farris. Nagsasaya sila. Nagsasaya sila dahil tatakbong congressman si Farris.
"Ano po ang plano niyo sakaling manalo kayo, Mister Bennett?" tanong ng reporter.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Ipagpapatuloy ko ang mga charity na nasimulan ng pamilya namin. The Bennetts are always willing to extend their helping hands to people! I will help our community to become better ang progressive!"
"Liar!" Piniga ko ang remote na hawak ko. "Nagkukunwari kang mabait pero and totoo ay demonyo ka," gigil kong sabi.
"How about your late wife? May masasabi ka ba sa kaniya kahit na nasa kabilang buhay na siya?" Luminaw ng 'sandaang beses ang aking pandinig.
He made a sigh. Yumuko siya na para bang nanghihinayang sa pagkawala ko. Ang galing nilang umarte. Lalo na itong si Jackielou na panay comfort kuno kay Farris. Mga hayop sila!
"My heart is always sad about the lose of my wife. K-Kung nasaan man siya ngayon... alam ko na masaya siya para sa akin. She always dreamed good for me. S-She was once part of my life and she will always be. Gagawin ko itong pagtakbo ko d-dahil alam kong gagabayan ako ni Jenissa. M-My poor, J-Jenissa," kuno'y naiiyak niyang sabi.
"Miss na miss na namin si Jenissa. S-Sana gabayan niya kami ni Farris palagi. J-Jen, kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka na. Hangad namin ang katahimikan mo," sabi naman ni Jackielou.
Dahil sa galit ay hinagis ko ang remote sa sahig.
"Mga mapagkunwari! Mga sakim! Mga gahaman! Mga mamamatay tao!" Nangingimig ako dahil sa galit ko sa kanila.
Matalim ko silang tinitigan sa screen ng TV. May paluha-luha pa silang pinupusan sa mga mata nila.
"Mga fake!" madiin kong sabi.
Wala silang awa. Hindi man lang nila inisip na buntis na ako sa panahong 'yon. My three weeks old fetus died and my child don't deserve that.
"Buntis ako ngayon," sabi ni Jackielou kaya naman ay mabilis akong napangisi.
Ang galing talaga umagaw ni Jack ng atensiyon. Kahit spot ni Farris ay inagaw niya. Akalain mo, hindi siya tinatanong pero kusa siyang nagsasalita. "B-Buntis ako at alam ko na masaya ang kaibigan kong si Jenissa para sa amin ni Farris."
"Masayang-masaya ako, Jackielou! Masayang-masaya hahahahaha!"
Tumayo ako. Binuhusan ko ng red wine ang kupitang nasa ibabaw ng lamesa. humakbang ako papalapit sa TV habang dala-dala ko ang kupitang may wine. "Lahat ng sakit na dinanas ko ay ibabalik ko sa inyo. Anak ang kinuha niyo sa akin. Anak rin ang kukunin ko sa inyo!" banta ko sa kanila.
Tinaas ko ang kupita.
"To revenge!" sabi ko sabay halakhak.
Ininom ko ang wine habang ang ngiti sa aking mga labi ay nanatili pa rin.
Nasasabik na akong gantihan kayo.
"Magsaya lang kayo ngayon, Farris at Jackie! Magpakasaya kayo dahil baka pagkatapos ng mga ngiting iyan ay hindi niyo na masisilayan ang liwanag ng buhay. Tulad nang ginawa niyo sa akin, ang bawat ilaw na magbibigay liwanag sa inyo ay unti-unti kong papatayin," sabi ko.
Kawawa naman sila. Inisip nila na namayapa na ako. Inisip nila na minumulto ko lang sila previously. If I know, hindi naman siguro nagmumulto ang buhay, hindi ba? Takot na takot sila sa multo kuno ni Jenissa. Paano na lang kaya kung lilitaw sa harapan nila si Albana Armano? Kahawig ni Jenissa Reillen Sarosa-Bennett. Hindi kaya titigil ang mga mundo nila kapag nagkataon? Baka naman ang tibok ng puso nila ang hihinto at maging dahilan ng kamatayan nila.
Ayaw ko silang mamatay agad. Gusto ko pa silang makita na magmamakaawa na pakawalan ko sila at hayaang mabuhay. Higit pa sa pagmamakaawa ko sa kanila noon ang huhugutin ko sa mga dila nila. Luluha sila ng dugo. Luluha sila ng dugo para sa kapatawarang inaasam nila!
Babalik ako bilang batas. Ako ang hahatol. Ako ang huhusga. Ako ang magbibigay parusa sa mga nagkasala. When that weak woman died, I was born. The moment Jenissa closed her eyes, Albana Armano was awaken. Yes, I am Albana Armano, owner of Armano Corp. The law is here and no one escapes from it! No one escapes from me!
Ito na ang huling pagkakataon na kikilalanin ko si Jenissa.
"Cheers, Albana," bulong ko sa sarili.
Iniwan ko ang opisina ko at agad akong tumungo sa isang lugar kung saan puro ingay lang ang maririnig. Maraming nagsasayawan at umiindak dahil sa up beat music na tugtog.
Umupo ako ngayon sa isang VVIP seat. Kanina pa ako nakatitig sa isang lalaking balisa. Panay lagok lang siya ng alak. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero ramdam na ramdam ko kung gaano siya nasasaktan.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Here's your drink, Madame," anang waiter.
Kinuha ko ang goblet at inamoy ko ang laman nito. Tastes wonderful!
"Wait!"
Lumingon sa akin ang waiter.
"That man." Tinuro ko ang lalaking kanina ko pa sinusulyapan.
"Narinig ko na namatay ang anak niya. Isang taon na ang nakalipas noong nangyari iyon and he is always here. Wala iyang pahinga kaiinom. Minsan kahit wala na kaming kustomer ay nanatili pa rin iyan dito," kuwento ng waiter. Umiling ako. Napapakinabangan din pala ang makakati ang mga dila.
"Hindi lang 'yon. May palagi siyang tinatawag na pangalan. Baka kasintahan niya iyon. Sige na, Madame. Kailangan ko ng umalis, marami kasi akong trabaho," paalam niya.
I don't know why I am still here. Kaming dalawa na lang ng lalaki ang kustomer nila. Hindi na ako umiinom pero masyado akong curious kaya ay nandirito pa rin ako sa bar na ito.
"I'm so sorry!" lasing na sabi ng lalaki.
That voice... Narinig ko na ang boses na iyon. Kahit na lasing siya ay pamilyar pa rin sa akin ang boses niya.
"I'm s-sorry! Damn! K-Kasalanan ko!"
May kung ano'ng tumulak sa akin na lumipat sa table malapit sa kaniyang gawi.
"I'm sorry, Jen! I'm sorry!"
Napahawak ako sa mga labi ko. Napatakip na ako sa aking bibig sa pagkakataong ito.
"R-Rev?" hindi ko makapaniwalang saad.
Kinabahan ako at maigi akong nakinig sa mga sinabi niya. Sana ay mali ang kutob ko at mali ang sinabi ng waiter kanina.
"I'm so sorry! Ililigtas sana kita b-but I saw your friend coming to my way. Tumakbo ako because she pulled the trigger of her pistol towards my direction!" Yumuko siya at tinatadyakan ng mga paa niya ang sahig. Tumulo na rin ang mga luha ko habang pinakikinggan ko siya.
"R-Rev," mahina kong sabi na alam kong hindi niya maririnig.
"Argh!" galit niyang sigaw sabay hampas sa kaniyang lamesa. "Tumakbo ako dahil sa takot ko, Jen! Babalikan naman sana kita pero pagbalik ko ay wala ka na!" sabi niya.
Pinupunasan ko ang pisngi ko pero balewala ito dahil sa nararamdaman ko ngayon. I judged him mistakenly. Hindi ko sana siya hinusgahan agad-agad. Sana hinanap ko na lang siya noong naging okay na ako.
"Isang b-buong gabi akong naghanap sa gubat, Jen, pero w-wala ka na! Halos mabaliw ako, Jen! Someone called me. Natatandaan ko pa kung ano'ng oras iyon." Lumunok siya. "Alas tres ng umaga, umuulan at maputik sa gubat. Tinawagan nila ako at sinabing namatay ang a-anak ko!" Muli niyang sinuntok ang table. "Inatake ng h-hika niya si Shon. M-mag-isa lang siya, J-Jen."
Lihim akong napahagulgol.
"S-Shon, b-bakit?" hikbi ko.
"He died because I'm looking for y-you! I'm so sorry, Jen. Hindi kita naligtas!"
Damn this feeling! Para akong pinupunit sa narinig ko. Kaya niya pang iligtas si Shon noon pero mas pinili niya pang hanapin ako.
Nawala sa kaniya ang anak niya dahil sa akin pero sa akin siya humihingi ng tawad. Habang ako naman ay hinusgahan lang siya dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa akin.
I can't imagine his pain right now. Sinakripisyo niya ang sarili niyang anak para lang sa tulad ko na kamakailan niya lang nakilala.
He was eager to save me while his son was having a hard time catching his breath.
"P-Poor, Shon!"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report