Melancholic Wife -
k a b a n a t a 14
Albana's POV
Gusto kong tumayo sa kinatatayuan ko at lumapit sa kaniya. I am so hurt listening to his agony. Pasensiya ka na, Rev. Pasensiya. "J-Jen, miss na miss na kita."
Maigi kong pinigilan ang sarili kong makagawa ng ingay.
Paano niya ako namiss kung ako ang dahilan bakit nawala ang anak niya?
How could he choose me over his son?
"Hindi pa kita nakita sa personal pero g-gusto na kita. Shon's telling me how kind you are and how thoughtful you are as a teacher. S-Sabi niya pa, if I am gonna find a mom for him, It should be you, Jen," iyak niya. "I-I dreamt for you, Jen. Pinangarap ko na makita ka. Kaya noong nakita kita sa personal ay maigi k-kong ginalingan ang p-pagkontrol sa sarili ko. Ang totoo nga ay gusto kitang iuwi sa bahay namin."
I never knew this at all. Hindi ko alam na habang minamaltrato ako ni Farris ay may taong pinapangarap ako. Limang taon akong nagpakatanga at umaasang magbabago ang asawa ko pero hindi pala. Limang taon kong tiniis ang lahat ng pasakit sa mga kamay ni Farris.
"Jen, b-bakit ka kasi umalis? P-Pinigilan kita, Jen!"
Wala akong pinagsisihan sa buhay ko ngayon. Kung mayroon man akong pinagsisisihan ngayon, ito ay ang pagkawala ng anak ni Rev at ang katotohanang pinagkait ko sa sarili ko ang kalayaan.
"B-Bakit pinagkakait mo sa akin ang makita ka sa panaginip ko, Jen? Bakit!? K-Kahit sa panaginip man lang. G-Gusto kong mayakap ka. I-I miss your b-beautiful green eyes, the smell of your blonde hair, y-your fair and smooth skin, y-your lips and your embrace, Jen! M-Miss na miss na k-kita!"
Miss na miss rin kita, Rev. Magkikita rin tayo pero hindi pa ngayon.
Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Tinuyo ko ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim at pati ang damit ko'y inayos ko na.
Madali akong lumakad. Hindi niya ako puwedeng makita. Hindi niya ako puwedeng makilala.
"Hey! You!"
Kusang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa tensiyon na namayani sa akin. "Miss!?"
Alam ko na ako ang tinatawag niya.
"Miss!? Bingi ka ba? Kinakausap kita! Hoy!"
Gusto ko siyang lingunin pero hindi pa ako handa.
Diretso ako sa paghakbang.
"Hoy! Miss, hindi kita type! Si Jenissa lang ang type ko! Siya lang ang g-gusto ko! Ang feeling mo! Mabango ka lang pero siya ang gusto ko! W-Wala ka sa kuko ni Jen!" Umiling na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Hayaan mo akong sumingil ng paunang bayad nila, Rev. Isa sa kanila ang mamamaalam. Simulan na natin ang paghihiganti," sabi ko.
Nakangisi ako habang ang luha ay gumulong pababa mula sa aking kaliwang mata tungo sa aking pisngi. Hindi pa nangalahi ang butil ng luha ay agad ko na itong inalis. Tumalima ako at pinuntahan ang aking sasakyan. Nasa labas at nakasandal sa sasakyan ang aking personal driver.
Umayos siya ng pagtayo at yumuko siya nang mabuksan niya ang pintuan ng sasakyan.
"My lady," aniya at nilahad ang kaniyang kamay.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Matalim akong nakatitig sa salamin.
Tanging pagsarado lamang ng pintuan ang aking narinig. Tinangay ng hangin ang aking isipan.
"Diretso na po ba tayo sa mansion, My Lady?"
Tumingin ako sa kaniya. "Hindi, dalhin mo ako sa golf site malapit sa kompaniya ng mga Bennett," sabi ko sa kaniya.
"But it's too late, My Lady," aniya kaya'y seryuso ko siyang tinitigan.
"S-Sorry, My Lady. Masusunod po," paghingi niya ng tawad.
Nilalaro ng mga daliri ko ang ilang hibla ng buhok kong nakaharang sa aking mukha.
Ilang sandali na lang ay malapit na kami sa golf site. Kinapa ko sa loob ng bag ko ang aking smartphone at dinial ang napakaimportanteng tao sa oras na ito. Ilang ulit ko pang dinial ang numero niya bago niya ito sinagot.
"Albana? Albana? Albana? Nakita mo na ba ang kontratang pinirmahan ko?"
"Of course. Kaya nga ako tumatawag ngayon. I want to have a special drink with you," sabi ko.
Nanatili ang ngiti sa aking mga labi. Let's drink and the wine is your blood. Let me give a sip from my goblet that has your blood in it.
"At this very time? Mag-uumaga na."
"Mysterious women are fond of mysterious things, Henry," sabi ko.
Bumitaw siya ng mumunting halakhak.
"You sounded naughty, Albana. That's why I am eager to see you in person!" May kalandian sa kaniyang tinig.
Humanda ka Henry. Tulad talaga sa iyo ang anak mong si Farris. Tumitirik ang mga tinik sa katawan kapag nakaririnig ng boses ng babae.
"Ikaw rin naman, Mister Bennett," I said with a flirtatious tone. "Huwag kang magpasama sa kahit na sino. Gusto kong tayong dalawa lang ang nandoon sa golf site mo. Malawak ang space at tayo lang ang tao," I giggled. Narinig ko ang kaniyang pagtawa. f that is what Albana wants," aniya.
Binaba ko ang tawag nang makarating na ako sa golf site nila. Walang guwardiya rito kaya naman ay malaya akong nakapasok sa site.
Sinabihan ko ang driver ko na itago ang sasakyan at maging mapagmatyag.
Dala-dala ko ang kupita at maliit na kutsilyo sa bag ko. It will be fun. So fun.
Ilang bahagi lamang ng site ang may mga ilaw. Nandito ako ngayon sa isang banda na may round table na pinaikutan ng apat na silya.
Dito nila ako dinala noon. Naglalaro ng golf si Henry at Farris. Tandang-tanda ko pa paano malakas na dumampi sa aking pisngi ang bola ng golf. Masakit. Namimilipit sa sakit. Nawala agad ang sakit ng pisngi ko pero ang hiya ko sa mga taong nakasaksi ay hindi mabayaran at hindi mawala-wala sa aking isipan.
Sinaktan ako ni Farris dahil hindi ko narinig ang utos ng Daddy niya. Akala ko noon ay si Farris lang ang mananakit sa akin. I was wrong. Lumapit sa akin si Henry. I thought he would be helping me yet he did slap me not just once but twice. They are crazy and ferocious.
Nakasandal ako sa likod ng isang silya habang hinihintay si Henry.
I heard the sound how he cleared his throat. Nakatitig ako sa malayo at pinipigilan ang sarili na patayin siya agad. I want to give him the most unforgettable death ever.
"Hindi ikaw ang papatay sa kaniya, Jenissa. Let that stupid man do it himself!" I reminded myself.
Alam ko na ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin. Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Puno ako ng galit ngayon at inis.
Tanging paghinga na lamang ng malalim ang aking ginawa upang makontrol ko ang aking sarili.
"The Armano is here! Ganoon ba ako ka espesyal at sa akin mo lang ipapakita ang iyong mukha, Mysterious Woman?"
"Yes, Henry. This moment is very special," I said with my new learnt French accent.
Ilang buwan akong hinasa ni Abuela para matutuhan ang paraan ng pananalitang ito. Mahirap sa simula at nakakailang pakinggan pero nasanay na ako. It made me even more classy and expensive. "Albana, alam mo ba na pinirmahan ko agad ang kontrata dahil gusto kitang makita? I like your French accent. You sounded so expensive, classy and sexy."
Tumayo ang balahibo ko nang maramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Henry sa aking balikat na walang saplot.
"Your skin is beautiful and fair. Ang sarap sa mga kamay, Albana. Do you like how my fingers touches it?"
Tiniis ko ang inis ko sa kaniya. Nais ko na talagang humarap at pagsasampalin ang kaniyang mukha.
"Albana, humarap ka sa akin at halikan mo ako. Let us celebrate the dawn together," sabi niya.
He kissed my shoulder. Kinagat ko ang labi ko dahil sa inis at narurumihan ako sa kaniya.
"Bakit mo akong gustong humarap sa iyo, Henry? Gusto mo na bang makita ang mukha ni Albana? Masisilaw ka sa ganda ko," wika ko na may mumunting halakhak sa dulo. "Handa akong mabulag para masilayan ka, Albana."
Walang anu-ano'y humarap ako sa kaniya. Nakita ko paano namilog ang kaniyang mga mata. Nanginig ng wala sa oras ang kaniyang mga labi. Namutla rin siya dahil sa gulat sa kaniyang nakita. "Y-You-!"
"Oh, Henry? Nasaan ang eagerness mo na makita ako? Hindi mo ba gusto ang nasaksihan mo?" ani ko.
Nakita ko paano umalon ang lalamunan niya.
"I-Ikaw si A-Albana Armano!?" hindi makapaniwalang saad niya.
Ngumiti ako at tinaasan siya ng kabilang kilay. Takot na takot ang Father-in-law ko nang humarap ako sa kaniya.
"Oo! Ako si Albana Armano! Nagulat ka ba, My Father-in-law?"
"B-But you are d-dead, J-Jenissa!"
Tumawa ako ng malakas habang nagpapalakpak ako. Ang sarap makita na halos mabaliw siya sa gulat dahil nakita niya ngayon ang babaeng pinatay ng anak niya kasama ang babae nito.
"Yes! Patay na si Jenissa! Isang taon at higit na ang lumipas noong pinatay ng anak mo si Jenissa! Jenissa is dead but Albana is alive!" sabi ko sa kaniya. "Buhay na buhay ako ngayon para balikan kayong lahat!" Humakbang ako papalapit sa kaniya habang siya naman ay humahakbang papalayo sa akin. Umatras siya nang umatras hanggang sa madikit sa pader ang kaniyang likod.
"L-Layuan mo ako! Y-You're dead already, Jenissa! M-Matagal na!" Wala pa ang araw pero pawisan na ang kaniyang mukha.
Ngumiti ako at nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Ilang pulgada na lang ang layo ko sa kaniya. Kulang na lang ay ibaon niya ang katawan niya sa pader na yari sa semento dahil sa takot niya.
"Inuulit ko, Henry. Matagal ng patay si Jenissa Reillen Sarosa-Bennett! But Albana Armano is alive and I am here to take everything you owe to me," sabi ko sa kaniya.
Napapikit lamang siya noong dinuraan ko ang mukha niya. Hayop na matanda ito! Akala niya ay hahayaan ko lang siyang hawakan ako. Leche siya!
"By the way, Daddy Henry, hindi ba nandito ka para i-celebrate natin ang madaling araw? Come, let's give a Kampay for our partnership!" sabi ko at tinalikuran ko siya.
Napangisi ako nang tumalikod ako sa kaniya. Nakita ko sa anino niya na may hinugot siyang baril mula sa kaniyang baiwang at tinutok ito sa akin. "Die-"
Nauna akong humarap sa kaniya at naiwasan ko ang bala.
Hinila ko ang kamay niya at agad na inagaw ang baril sa kaniya.
"Namatay na ako sa kamay ng mga Bennett noon, Henry! Hindi ko hahayaan na isang Bennett na naman ang dahilan ng pagkamatay ko sa susunod na pagkakataon! Ngayon, maiging sumunod ka sa akin kung ayaw mong mabaon sa mukha mo ang mga natitirang bala ng pistolang ito," banta ko sa kaniya.
"Hayop ka!" sigaw niya na halos masira na ang pagkakaayos ng kaniyang mukha dahil sa galit at takot.
Tumawa ako ng tumawa. "Alam ko. Hayop sa hayop, Henry! Nauna kayong nagpakahayop sa akin. Sinusuklian ko lang kayo kung ano ang nararapat na sukli! Hayaan mo at isusunod ko ang anak mo at si Jackielou at ang apo mo," sabi ko sa kaniya.
"You're crazy!"
"Umupo ka at sundin lahat ng gusto ko kung ayaw mong tatagos sa bungo mo ang mga bala ng sarili mong baril."
Nakaguwantes ako kaya naman ay hindi maiiwan ang finger print ko sa baril ni Henry. I'm bolder and wiser now. Hindi ako gagawa ng hakbang na ikakapahamak ko.
Umupo siya sa tapat ko. Nanginginig siya at pawisan ang kaniyang mukha.
Nasaan na kaya ang kaharutan ng matandang kupal na ito?
"Nababahag na ba ang oten mo, Henry?" natatawa kong tanong. "Nakakatuwa talaga kayong mag-ama. Bukod sa pareho kayong demonyo ay pareho kayong hayuk sa babae!" Nakatitig siya sa akin. Matalim at nanlilisik ang mga titig n'ya. Nginitian ko lang siya kaya naman ay halos maiyak na siya sa inis.
"Ano ang gusto mo? I-Ibibigay ko. Ilang milyon?"
"Milyon?"
Tumawa ako at umupo ako sa table. Dumequattro ako at sinayad ang dulo ng baril sa mukha ni Henry hanggang sa leeg nito. "M-Milyones! Oo! Bibigyan kita ng milyones, Jenissa," sabi niya.
Kulang na lamang ay lumuwa ang mga mata niyang pilit inaabot ng titig ang baril na nasa ilalim ng kaniyang baba.
"Huwag mo akong patawanin. Milyon? Barya ko lang iyan, Henry!" nakangiti kong saad.
"Ano ang gusto mo?"
I let go a sigh.
"Mamatay kayong lahat!"
Tatayo sana siya pero diniin ko ang baril kaya'y napabalik siya sa kaniyang inuupuan. "You're such an evil!"
"Tumahimik ka, Gurang! Baka hindi ako magdalawang-isip na patayin ka agad!"
"Ano ba ang gusto mo para matapos ka na sa kahibangan mo!?"
Umiling ako. "Hindi ako matatapos hangga't hindi ko kayo nasisingil lahat! Wala akong ititira sa inyo, Henry. Wala akong ititira sa inyo!" gigil kong sabi.
Lumipat ako sa upuan at hinila ko ito papalapit sa kaniya. Kinuha ko ang kupita at maliit na kutsilyo.
Nilapag ko sa ibabaw ng lamesa ang kupita at kutsilyo.
"Ano ang gagawin mo?"
Nakakabingi na ang mga tanong n'ya. Masyadong maraming tanong. Masyadong masakit sa tainga.
"Hindi ako ang may gagawin, Henry. Ikaw."
Halos magsampukan ang mga kilay niya sa sinabi ko.
"Ano'ng pinagsasabi mo? Talaga bang ganiyan ka na katarantado, Jenissa?"
"Tinarantado niyo ako! Nauna kayong tumarantado sa akin, Henry!"
Nanginginig na ang aking mga panga dahil sa galit. Habang tinitingnan ko ang mukha niya ay naalala ko paano nagsimulang naging impyerno ang buhay ko.
"Ang tagal-tagal akong naghirap sa kamay niyo. Habang pinagmamasdan kita ngayon ay nanliliit ako sa Jenissang iyon. She's so weak! Hindi ko alam bakit hinayaan niyang pagsamantalahan siya ng mga taong taong tulad mo!" I made a sigh. "I never knew you. Wala rin akong alam kung paano ako naging taya sa pustahan niyo ng Daddy ko," gigil kong sabi.
"You're fath-"
Sinampal ko siya gamit ang pistolang hawak ko. Nakita ko paano dumugo ang ilong niya dahil sa malakas na sampal na ginawad ko.
"Crazy!" sigaw niya.
"Iyan ang ginagawa niyo sa akin, Henry. Hindi niyo ako hinahayaang magsalita! At ngayon, ibabalik ko sa iyo iyon. Huwag na huwag kang magsasalita kapag nagsasalita pa ako! Ayaw kong maisturbo ng isang tulad mo," babala ko sa kaniya. Kaaya-ayang tanawin ang mukha ng kaaway mo kapag puno ito ng dugo. Luhaan siya at hindi mapakali.
"Cut your wrist now!" utos ko sa kaniya.
"Why would I--Urgh! Hayop ka!"
Muli ko siyang sinampal gamit ang pistol niya.
"Sinabihan na kita na huwag kang magsasalita kapag nagsasalita ako. Ang sabi ko rin sa iyo ay huwag na huwag kang susuway!"
Bakit niya pa kasi pinakita ang pistola niya? Iyan tuloy, imbes na ako ang tamaan ng bala niya ay parang babalik pa ito sa kaniya.
"Mas masakit kung ako ang gagawa, Henry! Kaya habang kalmado pa ako ay mabuti pa na gawin mo na ang sinabi ko. Hindi mo magugustuhan kapag ako ang humiwa ng pulso mo!"
Nanginginig na gumapang sa ibabaw ng lamesa ang mga daliri ng kanang kamay niya. Inangat niya ang hawak niyang kutsilyo. Galit na galit siyang tumitig sa akin habang ako naman ay nakangiti habang tinututukan s'ya ng baril. "Urgh," daing niya nang mahiwa niya ang kaniyang pulso.
Dahil sa taranta ay napalalim ang pagsugat niya sa kaniyang pulso.
"Ooops," ani ko at agad na pinailalim sa pulso niya ang kupita.
"What a-are you doing?" tanong niya nang nilapit ko sa kaniya ang kupitang may lamang dugo.
Umiling-iling ako. "Sabi mo, let us celebrate the dawn together," bulong ko sa kaniya.
Kinuha ko ang kutsilyong hawak niya at pinahawak sa kaniya ang kupita.
"The celebration is not a celebration at all without a wine."
Seryuso ko siyang tinitingnan. Nakita ko sa mukha niya paano siya nasasaktan dahil sa sugat niya. "Mauubos ang dugo ko, J-Jen. M-Maawa ka! M-Maawa ka naman sa akin! P-Pakawalan mo na ako," iyak niya. "Hindi ko alam na ang demonyo pala ay marunong humingi ng tawad. Masakit ba? Paubos na ang dugo mo?" "I-Ipakulong mo na lang ako. H'wag iyong g-ganito! Gusto ko pang makita ang a-apo ko!"
Naramdaman ko paano lumobo ang mga ugat ko dahil sa inis.
"Apo mo? By the way, buntis ako noon noong pinatay nila ako! My child died because of them. At kung umaasa kang makikita mo ang anak ni Jackielou ay mabuti pang itigil mo na. Hindi iyon mangyayari. Nawala sa akin ang anak ko, ang apo mo!" gigil kong saad.
I saw a sudden change of expression on his face. Nagulat siya sa sinabi ko.
"I-I do not know about that," aniya.
"Because you don't care. Drink your blood or I will kill you now?"
Nilapit niya sa kaniyang bibig ang kupitang hawak niya. Halos masuka siya sa ginawa niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"F-Fuck you!"
"I will never let you," tawang-tawa kong sabi. Masarap ba ang wine natin?"
Tumayo ako at saglit na tumalikod.
Humarap ako agad na binaril si Henry dahil sa ginawa niyang pagtangkang saksakin ako.
Dumura siya ng dugo. Sinubukan niya akong ituro pero hindi niya na magawa ito dahil hindi na sapat ang kaniyang lakas.
Tumulo ang luha ko habang paisa-isang binuga ni Henry ang kaniyang huling hininga.
I wiped my tears away. Lumapit ako sa lamesa at agad na kinuha ang kupita.
Inalog ko ang hawak kong kupita habang patuloy ako sa paghalakhak. Ang mga halakhak ko ay may kambal na mga luha.
"Simula pa lang ito," wika ko bago muling tumawa.
His blood in the glass is so red. Ang sarap sa mata. Tinaas ko ito sa ere. Dama ko paano gumulong muli ang malulusog na mga luha mula sa mga mata ko.
"Cheers!" bulong ko sa langit.
Dahil sa galit ay ininom ko ang dugo ni Henry. Ito pala ang lasa ng dugo ng kaaway mo. Ang sarap. Ang tamis. Ang sarap-sarap!
"Your blood is as sweet as wine. I wonder how does your son's blood tastes like, Henry. Matamis rin ba?"
Binuhos ko katawan ni Henry ang sarili niyang dugo. Pinasok ko sa supot ang kupita. Tinapon ko sa kaniyang kandungan ang maliit na kutsilyo. Pinahawak ko rin sa kaniya ang baril. Hinanap ko rin ang smartphone niya at binura ang call logs history niya bago ko ito binalik sa kaniyang bulsa.
Walang mag-aakala na pinatay siya. Lalabas na siya ang pumatay sa sarili niya.
I walked in a sophisticated manner towards the exit of the site.
"Nagsisimula pa lang ako. Pinapangako kong dadalang ang pagkakataong dadalawin ng ngiti ang inyong mga labi," ani ko nang nilingon ko ang lugar kung saan ko pinatay si Henry Bennett.
"Shall we, My Lady?"
Tumango ako at pumasok na agad sa kotse.
Tahimik akong nakatanaw sa labas ng sasakyan. Madilim sa labas na parang buhay ko noon sa kamay ng mga Bennett. Pero pinapangako ko sa sarili ko na hindi na iyon mauulit pa. Kahit gabi ay sisinagin ako ng araw.
Nabuhay akong muli para maningil.
Sisingilin natin sila, Jenissa.
kabanata xv
Napahigpit ang hawak ko sa aking smartphone dahil sa sinabi ng tao mula sa kabilang linya.
"He was found dead this morning, Sir Farris!"
Halos matumba ako dahil sa paglinaw ng lalaki sa una niyang sinabi.
"W-What!?" Lumakas ang tibok ng puso ko at halos hindi ko na magawang tumitig pa sa ibang bahagi ng bahay.
"H-H'wag kayong magbiro ng ganiyan! We talked earlier last night! H-Hindi iyan totoo! He was healthy! I-Imposible ang sinasabi mo!"
Hindi ko matanggap ang sinabi niya. My mind is refusing to absorb the words he said.
How can it be? Kinausap niya ako tungkol sa isang malaking isda na nabingwit niya. Alam ko na isang malaking negosyate ang nahuli ni Daddy. Hindi nga ako makapaniwala dahil iyong mayamang owner ng Armano Corp ang siyang tumawag
at nagpropose tungkol sa pakikipagnegosasyon nito kay Daddy.
"He killed himself," sabi ng lalaki mula sa kabilang linya.
Nabuo ang mga katanungan sa isipan ko. Maganda ang takbo ng aming negosyo. Wala rin kaming naging problema ni Daddy. Imposibleng kinitil niya ang kaniyang sariling buhay. If that is so, bakit ngayon pa kung kailan isang investor na naman ang pumasok sa kompanya namin? This is very questionable!
I urgently turned off my phone. Binulsa ko ito at agad na sinuot ang aking coat.
"Farris! Si Daddy!?"
Tumingin lang ako kay Aki na luhaan habang nakahawak sa aking braso.
Umiling ako. Ayaw kong maniwala. Kahit na ano ang sabihin nila ay hindi ko kayang tanggapin ang mga 'yon. I want to see my Daddy! Hindi n'ya ako iniwan! Hindi niya ako iiwan!
He promised on my Mommy's grave that he will be taking care of me and never gonna leave me whatever happens.
"Si D-Daddy! W-Wala na raw si Daddy, Farris!"
Paulit-ulit akong niyugyog ni Aki. Tinanggal ko ang kaniyang pagkakahawak sa aking braso.
"Stop that fuck, Aki! Hindi ako naniniwala hangga't hindi ko nakikita ang Daddy ko!"
He was very excited to meet his grandson. Inalok niya pa ako na magparty raw dahil sobrang saya niya sa nalaman niya. Hindi ko pa dinala sa clinic ni Doctora Robles si Aki pero alam na ni Daddy na buntis ang asawa ko.
He told me to make him grandsons, many many grandsons.
"Saan ka pupunta? S-Sasama ako," suhestiyon niya.
Umiling ako. "Hindi makakabuti sa bata kapag sasama ka, Aki. You can't be stressed out. Iyan ang bilin ni Doctora, kaya naman ay dumito ka na lang," sabi ko.
Tinahak ko ang daan palabas ng bahay. Diretsong lakad ang aking isinagawa patungo sa aking sasakyan. Binuksan ko ang sasakyan gamit ang remote nito.
Gusto kong aliwin ang sarili ko. I turned my radio on.
"Isang sikat na negosyante ang natagpuang walang-buhay sa sarili nitong golf site. Ayon sa mga unang nakakita kay Mister Henry Bennett, ang negosyante ay may hawak kunong baril at nasa kandungan nito ang kutsilyong nilaslas niya sa
kaniyang pulsuhan..."
Lumunok ako. Biglang lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang humaharang sa mga mata ko. I blinked and the bullets of tears fall on my lap.
Pinunasan ko ang aking mga mata gamit ang aking mga bisig. Umiling ako ng umiling habang patuloy akong lumuha. Binalita na sa radyo. Alam ko rin na kahit sa dyaryo at tv ay ang Daddy ko ang unang trending sa balita.
"He can't be dead!" Sumipa ako sa loob ng sasakyan ko.
Pinilit kong lokohin ang sarili ko. Pinaghahanpas ko pa ang palad ko sa manibela ng sasakyan.
I made the deepest sigh I could. Para akong racer kung magpatakbo. I want to see it with my own eyes. The media can be wrong. Ilang beses na silang nagkamali at alam kong posibleng mali itong lintek na balitang ito. "Damn!" bulyas ko nang bigla akong hinarangan ng kung sino.
Hingal na hingal ako dahil sa kabang naramdaman ko.
Bumusina ako pero walang narinig ang taong humarang sa akin. Dahil sa inis ay sinuntok ko ang manibela ko.
I loosened my seatbelt before I opened the car's door. Bumaba ako at agad kong kinatok ang bintana ng taong nakaparada ang sasakyan sa unahan ng sasakyan ko. Napaatras ako nang tinulak niya ang pinto ng sasakyan niya.
Lumabas mula sa kotse ang isang lalaking ngayon ko lang nakita. He was with his Brown suit. Maging ang slacks at sapatos niyang de-balat ay kayumanggi rin ang kulay. Kahit na natatakpan ng shades niya ang kaniyang mga mata ay tiyak ako na nakatitig siya sa akin. Bigla siyang lumapit sa akin at agad akong kinuwelyo.
Natamaan ang ego ko kaya naman ay kinuwelyo ko na rin siya. Matalim ko siyang tinitigan.
"What kind of shit you had this morning? Ikaw na nga itong humarang sa dinadaanan ko, ikaw pa itong nay ganang magalit?" Nang-iinit ang mukha ko dahil sa galit. Malakas niya akong tinulak kaya naman ay halos bumagsak na ako sa gitna ng kalsada.
"Ano ba ang problema mo?" Nilapitan ko siyang muli at tinulak ang kabilang balikat niya.
Sa halip na sumagot ay inalis niya pa ang kaniyang shades.
Bukod kaya sa pagiging hambog, ano ang trabaho niya?
Minata niya ako mula ulo hanggang paa.
"Gago ka ba? Alisin mo ang sasakyan mo kung ayaw mong-?"
"What? What are you going to do if I won't get my car in front of yours? Papatayin mo rin ba ako?"
Luminaw ang aking pandinig dahil sa mariing lintaya niya.
"Baliw."
Ngumisi siya kaya'y mas nang-iinit ang kulo ng dugo ko habang nakatitig ako sa kaniya.
May galit sa mga mata niyang halos matagos sa likod ko ang titig.
I really don't know who he is.
"You killed her," giit niya.
Kinabahan ako pero hindi ko ito pinahalata. Alam ko kung ano ang sinasabi niya. But how?
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Paano niya nalaman ang bagay na iyon? Malinis ang ginawa naming pagligpit kay Jenissa.
"I don't know you. At isa pa, wala akong alam sa mga pinagsasabi mo. Kaya kung puwede lang, kunin mo ang sasakyan mo dahil nagmamadali ako? My father had an accident and he needs me!"
Nakita ko paano umalon ang kaniyang lalamunan bilang tanda ng paglunok niya.
"I don't know you either. But I know, you're a killer. Pinatay mo ang asawa mo," sabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa mga ngiti niya pero parang may multong nakatitig sa akin dahil sa nakakagimbal niyang ngiti.
"Wala akong pinatay. Hindi totoo iyang sinabi mo. My wife died because of an accident. Masyadong malala ang sunog na nangyari sa sasakyang dala niya kaya'y hindi na siya nakita, kahit ang mga b-buto niya ay naging abo dahil sa sunog," I
explained.
He tsked many times.
"That is what you want people to believe, Mister Farris Bennett. Pero ako? Ako na nakasaksi sa nangyari ay hindi niyo mauuto. And what happened to your father is just the beginning of the bad karma's work."
Lumapit ako sa kaniya at kinuwelyo ko siya.
"Huwag mo akong pagbibintangan sa bagay na hindi ko ginawa. Wala akong pinatay!" katwiran ko.
He moved his head to tease me.
"You killed your wife. Pinatay mo ang babaeng pinangarap ko! And now you're telling me that you killed no one?" saad niya.
Napalunok ako dahil sa wika niya. He was dreaming for that woman?
"Huwag mong pagnasaan ang asawa ko!" sabi ko.
Lumapit siya sa akin at agad akong sinuntok na naging dahilan nang pagkatilapon ko sa daan.
Humakbang siya papunta sa aking gawi. Dinampot niya ako patayo.
"Huwag kang magpanggap na minahal mo siya. You never loved her! S-Sana hindi mo na lang siya pinatay. B-Binigay mo na lang sana siya sa akin kung ayaw mo sa kaniya."
Nakita ko paano tumulo ang mga luha niya. Lumunok lang ako at maigi ko siyang tinulak kaya naman ay nabitawan niya ako.
"If you wish to be with her. Then die, Asshole!"
"You killed the woman I loved. Hindi mo alam na habang minamaltrato mo siya ay pinapangarap ko siya mula sa malayo. Hindi ko pa siya nakikita pero minahal ko na siya," aniya. "Hindi ako ang asshole! Ikaw!"
Tinulak ko siyang muli. Napasandal siya sa kaniyang sasakyan. Galit na galit siyang nakatitig sa akin.
Sigurado ba siya na si Jenissa ang tinutukoy niya?
"Go to hell and see her!" sabi ko sa kaniya bago ko siya tinalikuran.
Natigilan ako sa paglalakad nang maramdaman ang kamay niyang mabigat na nakapatong sa balikat ko.
"Good people doesn't go to hell. Evil does," sabi niya. Gusto ko siyang lingunin at suntukin ang kaniyang mukha. "At kung may evil dito ay hindi ako iyon o si Jenissa. It's you, Farris. Ikaw ang evil! Tandaan mo na hindi ka karapat-dapat na maging congressman ng lugar na ito. I will run and turn you down, Farris. Hindi ka mananalo!" nakakainsultong saad niya.
Hindi ko siya kilala. Habang siya naman ay halos alam ang buong detalye ng pagkatao ko. Kahit ang sikreto namin ni Aki ay alam rin niya. Pero hanggang wala akong inaamin ay mananatiling palaisipan ang wari nilang lahat. Bahala sila sa buhay nila. Ginawa lang namin ni Aki kung ano ang nararapat.
Lumakad ako at pumasok ako sa aking sasakyan. Ako na mismo ang gumawa ng paraan upang iwasan ang sasakyan niyang nakaparada sa gitna ng kalsada. Pasalamat siya dahil nagmamadali ako. Kung hindi ay nakatikim siya ng galit ko. Napapapikit na lang ako ng madiin dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. That man is crazy! Kung kailan dumating ang problema kong ito ay doon siya susulpot.
"Sir, Ano po ang masasabi niyo sa ginawang pagpapakamatay ng Daddy niyo?"
Napabuntung-hininga ako sa aking nakita. Isang alon ng mga reporter ang siyang dumako sa aking gawi kahit na kakababa ko pa lang sa sasakyan ko.
Sumenyas ako na umalis sila at wala akong masabi. Wala ni isa sa kanila ang nakinig. They are all after me. Ang iba naman ay nasa harapan ko pa at paatras na kung maglakad. They are all eager to dig words for my mouth.
I announced my running for the position of congressman and I have to take care over my image. Kailangan kong magpakabait kahit na gustung-gusto ko na talagang tadyakin ang mga taong nasa unahan ko.
"Sir, bakit ginawa ng Daddy mo ang bagay na iyon?"
"Nagkaroon ba kayo ng alitan ng Daddy niyo, Sir? Baka ikaw ang dahilan bakit niya ginawa ito!?"
"Did he really took his own life? Baka kasi may gumawa sa kaniya nito at pinalabas na nagpakamatay siya," satsat ng isang reporter na nakapagpatigil sa akin.
Kulang na lang ay ipakain nila sa akin ang mga mikroponong hawak nila. Bawat estasyon ay may reporter na pinadala para lang makakuha ng mga impormasyon. Media is a shit! Gusto nila akong magsalita para lamang may maibalita sila. They
are all son of the bitches!
"Respetuhin na lang muna natin ang desiyon ni Mister Farris Bennett," anang bodyguard ni Daddy.
Buti na lang at dumating ang lalaking ito. Kung hindi kasi ay nagwala na ako sa gitna ng mga reporter na ito.
"Lahat tayo ay gustong malaman kung ano ang totoong nangyari kay Mister Henry Bennett. Pero sa pagkakataong ito, irespeto naman natin ang anak niya at ang kaluluwa niya. Magpapatawag ng isang espesyal na presscon si Mister Bennett
upang masagot ang mga katanungan niyo," anang bodyguard ni Daddy na si Jake.
Tumingin ako kay Jake. Kailangan ko siyang makausap na kami lang.
"Sir, tuloy pa rin ba ang pagtakbo mo sa halalang ito sa kabila ng nangyari?"
Tumikhim ako kaya naman ay agad na tumalima ang mga reporter. Lahat sila ay handang magbuwis ng mga buhay nila para sa mga detalyeng ipapahayag ko.
"Sir?"
Pilit akong ngumiti. "Losing my Daddy is maybe hard. Pero dahil naka-file na ako ng candidacy at inanunsyo ko na sa publiko ang desisyon ko ay paninindigan ko ito. Alam ko na gagabayan ako ni Daddy. G-Gabayan niya ako," I uttered. May pumunit sa aking puso nang matanaw na binuhat na ng mga awtoridad ang katawan ni Daddy.
Kasabay ng paglaglag ng kabilang sapatos niya ang aking pagluha. Ngayon ay naniniwala na ako na hindi lang pala panaginip ang lahat. Hindi nagkamali ang media. At wala na nga ang Daddy ko. Wala na akong Daddy.
Tumakbo ako papalapit sa mga pulis.
Nilangoy ko ang gitna ng mga reporter. Dahil sa tulong ng mga pulis ay nandito na ako ngayon sa loob ng ambulansya. Nanginginig kong inabot ang kamay ni Daddy. Nadurog ang puso ko nang maramdaman ang nangisay at malamig niyang kamay. Ang dugo rito ay natuyo na rin.
We never fought before this accident. Inalala lang namin ang mga naganap sa buhay namin simula noong bata pa ako at hanggang ngayon. He always uttered that he is so proud of me. Sabi niya pa, kung bibigyan niya ako ng award ay
palaging Best Son Award at Most Obedient Son Award ang ibibigay niya sa akin.
"D-Daddy," banggit ko sa kaniyang pangalan.
Napaluhod ako sa tabi niya at maigi ko siyang niyakap. "Daddy, naman. Bigla ka na lang nang-iiwan. You asked me to have a drink with you to celebrate my success as a man, d-dahil may anak na ako. Pero ang daya-daya mo naman, Daddy. You left me. Wala na nga si Mommy, pati ba naman
ikaw?"
Hindi ko na inisip na may kasama ako sa loob ng ambulansya. Ang iniisip ko lang ngayon ay kung paano ko haharapin ang bukas na wala na ang Daddy ko. Hindi ko alam paano ko sasalubungin ang bawat umaga pagkatapos nito. Wala na
akong Daddy.
"D-Daddy, gumising ka riyan. Hindi mo ba alam na cinancel ko ang mga appointment ko para sa alok mo? T-Tara na! Mag-inuman na tayo!"
Yumakap ako kay Daddy hanggang makarating na kami sa ospital. Diniretso ang Daddy ko sa morgue dahil wala na talagang pag-asa na mabuhay pa siya.
I still remember how I cried hard when my Mommy died. Hindi ko alam kung saan sa katawan ko ang masakit noon. Ang alam ko lang ay para bang dumudugo ang utak ko kakaisip na wala na akong Mommy. Dumudugo ang puso ko kahit wala naman itong sugat dahil paulit-ulit kong nakikita sa imahinasyon ko paano niluwa ni Mommy ang huling hininga niya.
My Mommy died during my young age. Alam ko na masakit mawalan ng ina. Pero ibang sakit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pagkawala ng Daddy ko. Hindi ko lang siya ama kun'di matalik na kaibigan, sumbungan sa mga hinanakit at inis ko sa buhay. Now that he's gone. Kanino ako lalapit? Kanino ako makikipagkaibigan? Kanino ako magsusumbong?
Sinahaman ako ng bodyguard ni Daddy papunta sa police station. Kailangan daw kasi na makausap ako ng kapulisan para sa gagawing imbestigasyon.
Sinagot ko ang mga tanong nila.
"Sir, bakit wala pong CCTV malapit sa golf site niyo?"
"W-We want to make our game special. Ayaw namin ng sobrang higpit. Tiyak din naman kami na safe ang site," I lied.
The reason why we don't have cameras there is Jenissa. Ayaw namin ni Daddy na may ibang taong makakakita sa pag-aalipusta namin sa kaniya maliban sa mga kaibigan namin na dinadala namin sa site.
"Hindi ba kayo nagkaalitan ng Daddy niyo before it happened?"
Umiling ako. "Oo. Tumawag siya sa akin at sinabi na gusto niya akong makainuman para naman makapagcelebrate kami dahil nga'y nalaman niyang buntis ang asawa ko," sagot ko.
"E, may alam ka bang problema ng Daddy mo na puwedeng maging dahilan bakit niya ito ginawa?"
Dumiretso ang titig ko sa pulis. Naalala ko kasi bigla ang lalaking humarang sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang gagong iyon sa nangyari sa Daddy ko.
"Daddy didn't kill himself. Alam ko iyon. Everything about our company went well. Kung may problema ang Daddy ko ay ako agad ang sasabihan niya." I looked away. "Pinatay si Daddy," saad ko.
The officer leaned forward after hearing my words.
"We can do further investigations, Mister Bennett. Name the suspects and we will investigate them," sabi niya.
Binasa ko ang aking mga labi bago ako muling tumingin sa kausap ko.
"I have two suspects," I said.
"Drop their names."
My eyes roamed around his small office. I swallowed as the hand of a clock stopped on every seconds' line.
"Hindi ko alam ang pangalan ng isa sa kanila. I just encountered him today giving me words to suspect him," ani ko.
"How about the other?"
"Jerudy Sarosa-My late wife's father."
The certainty inside me pushed me to say his name. Siya lang din ang maaaring tumanim ng galit sa akin at kay Daddy.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report