Melancholic Wife -
k a b a n a t a 33
Albana's POV
Nasa tapat ako ng mansion. Hinihintay ko ang aking sundo. Huminga ako nang malalim nang nakita ko na papalapit na ang kaniyang sasakyan sa aking kinatatayuan.
Nanlamig ang mga kamay ko nang lumabas siya mula sa kaniyang sasakyan. Lumapit siya sa akin ay yumuko pa siya para masiil ng halik ang aking leeg. Nakiliti tuloy ako dahil sa halik niyang ito. May labi naman ako at pisngi pero mas gusto ni Rev ang halikan ako sa aking leeg.
"Why don't you try to normalize my greeting kiss, Sweety?"
Kumapit ako sa braso niya hanggang sa maipagbuksan niya ako ng pintuan. Pumasok ako sa loob at kinabit ko na ang seatbelt ko.
"Hindi ko talaga kayang sanayin ang sarili ko sa klase ng greeting na iyon, Rev! Tumatayo ang balahibo ko sa tuwing ginagawa mo 'yon," pag-amin ko.
Nang nasara na niya ang pintuan ng kaniyang sasakyan ay agad na niyang niliko ang manibela niya paharap sa kalsada.
"E, ano ang gusto mo? Sa lips? Sa cheeks?"
"Oo! Nakakainis kasi ang halik sa leeg, Rev. Para akong niroromansa. Kinikilabutan talaga ako," sabi ko.
Wala namang nakakatawa sa mga sinabi ko pero tawang-tawa siya. Napapahawak na nga sa tiyan niya ang kaniyang kaliwang kamay dahil sa katatawa niya.
"Alam mo, Sweety, ang dami talagang nagbago sa iyo," pailing-iling niyang sabi.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Pinagbantaan siya ng mga titig ko pero hindi pa rin siya nagpa-awat.
"Naku, Sweety, you can't frighten me with your stares! Ang cute mo kasi kapag nagagalit ka. Hindi nakakasindak," sabi pa niya.
Hinampas ko ang mga kamay ko sa kaniyang braso. Nakakainis siya. Palagi niya na alang akong iniinis.
"Kaya ba gusto mo akong maging kasintahan para may i-bully ka? Hiwalayan na lang kita. Gusto mo no'n?"
Umiling siya at tumingin siya sa akin. Para siyang bata na um-action pa paano zipper-in ang kaniyang bibig na puro ingay ang minumuktal.
"Iyon naman pala."
Umirap ako at sumandal ako sasandalan ng upuan. Pinikit ko ang mga mata ko.
"Jen, gumising ka. May mga naka-motor na kanina pa tayo sinusundan," sabi ni Rev.
Minulat ko ang mga mata ko at agad kong binato ang aking titig sa side mirror. He was right. There are three motorcycles that keep on running after us. May angkas ang bawat isa sa kanila at tantsa ko ay ang mga ito ang shooter. "Ang layo na natin sa pupuntahan natin, Rev!" reklamo ko.
"Ano ang gusto mong gawin ko? Tutuloy tayo sa sementeryo at hahayaan ko ang mga estranghero na iyan na maabutan tayo?"
Halos agawin ko na kay Rev ang manibela dahil sa bilis nang kaniyang pagpapatakbo. Kumabog na ang dibdib ko dahil sa kaba. "Damn!" sigaw ko sabay yuko.
Pinaputukan kami ng mga taong sumusunod sa amin.
Alam ko kung sino ang may gawa nito sa amin. Si Jackielou lang ang may ganang gawin ang bagay na ito. Humanda lang talaga siya sa akin kapag nakita ko siya!
Hinugot ko ang baril sa bag ko. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ni Rev.
Nakita ko sa side mirror na abala pa sa paglo-load ng baril ang mga estrangherong humahabol sa amin.
"Rev, bagalan mo ang pagmamaneho. Bibigyan ko lang sila ng leksyon!" sabi ko kay Rev sabay ngiti.
Matapos akong gumaling noon ay hinanda ko ang sarili ko at nag-aral ako kung paano gumamit ng baril. Noong una ay nahirapan ako pero nang lumaon ay nasanay na rin ako sa bawat putok at sipa ng baril. "Are you crazy? Baka mapaano ka, Sweety! Ikaw na lang ang magmaneho! Ako na ang babaril sa kanila," suhestiyon niya.
Umiling ako.
"Kaya ko na ito, Sweety!" sabi ko at agad na nilabas ang halos kalahati ng katawan ko.
Una silang bumaril kaya naman ay kinubli kong muli ang aking katawan. Nang mabigyan ako nang saktong tiyempo para barilin sila ay agad na akong pumuwesto.
Sa tatlong putok ng baril ko ay walang palya kahit na iya. Mga driver ang pinuruhan ko nang sa ganoon ay hindi na nila kami mahabol pa.
"Ang galing mo naman, Jen!"
Nanlaki ang mga mata ni Rev nang kinalabit ko ang dila ng baril ko sa tapat ng kaniyang mukha. Nakita ko kasi ang lalaking angkas ng humahabol sa amin kanina na nagmamaneho na at patuloy pa rin sa paghahabol sa amin. Bumuga ng hangin si Rev matapos kong hipan ang dulo ng baril ko.
"Akala ko ay ako na ang binaril mo, Jen." namumutla niyang sabi.
Hindi ko na pinansin si Rev. Inisip ko na lang ang mga lalaking humahabol sa amin.
Hindi kalaunan ay biglang tumunog ang aking smartphone. Numero ito ni Jackie.
"Albana, how are you?" natatawa niyang tanong.
"I'm fine! Binaril ko na ang mga tauhan mo," sabi ko sa kaniya.
Alam ko na mas malakas na ang loob niya ngayon dahil buo na naman ang atensiyong binibigay ni Farris sa kaniya.
"Oh, how do you know, My Dear?"
"Mahilig ka sa dahas, hindi ba? Palibhasa kasi ay hindi mo ako kayang tapatan mag-isa. Para kang langgam na hindi kayang buhatin ang isang butil ng bigas mag-isa. I pity you, Jackielou. I really pity you!" sabi ko sa kaniya. "Hayaan mo, Albana. Darating talaga ang araw na maghaharap tayo. Mata sa mata. Pangil sa pangil," paghahamon niya.
Lumunok ako bago ako umirap.
"Alam mo, Jackielou, nakakapagod na makinig sa mga banta mo. Feeling warrior ka talaga kapag malayo ako sa iyo pero kapag malapit na ako ay daig mo pa ang asong may galis na binabahag ang buntot," saad ko.
"Not anymore, Albana. Ako ang pinili ni Farris over you. Kaya ay tiyak akong nasaktan ka noong gabing gumastos ka ng malaki para lang makasama mo siya kahit isang gabi lang pero umayaw siya at iniwan ka lang niya," sabi niya. "Masaya ka na agad? Alam mo, Jackie, kung ako sa iyo ay pag-buhulin mo ang mga bulbol mo tapos itali mo kay Farris, baka kasi kapag inakit ko siyang muli ay bigla na naman iyan maghuhubad ng sinturon. Don't you know? Nilalabasan iyan agad kapag nakikita niya ako," pang-aasar ko sa kaniya.
"Hindi na iyan mangyayari, Albana. Ako ang totoong mahal niya at hindi-"
Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Alam na alam niya rin talaga kung paano niya ako galitin.
Pinatay ko na lang ang aking smartphone kahit na nagsasalita pa si Jackielou. Pinatayan ko siya ng tawag dahil hindi niya deserve ang pakinggan at respetuhin. Maiinis lang ako at sasakit lang din ang ulo ko kapag sinabayan ko siya. Humanda na lang siya sa paghaharap namin.
Nandito na kami sa sementeryo ngayon pero wala pa ring imik si Rev. Sinulyapan ko ang mukha niya. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay at may mga 'di tuwid na linya pa'ng nakaguhit sa kaniyang noo.
"Haharap ka kay Shon na ganiyan ang mukha?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa puntod ni Shon.
Mas kikibo pa siguro ang bato kung kakalabitin mo 'to.
"Ano ang problema mo?" Hindi na ako makatimpi kaya naman ay tumigil ako sa paglalakad.
Seryuso siyang tumitig sa akin. Bigla akong natawa nang umirap siya na parang babae.
"Damn, Sweety, talo mo pa ang babae kapag umirap!" Tawa ako nang tawa pero wala pa rin siyang kibo. "Sumagot ka naman, Rev. Ano ba ang problema mo?" ulit kong tanong sa kaniya.
"Ikaw," diretsong tugon niya.
"What? Paano mo ako naging problema?"
"Problema kita kasi hindi mo iniisip ang nararamdaman ko. Kahit na nasa tabi mo lang ako ay pinagyayabang mo pa kung paano natuturn on ang kargada ni Farris kapag nakikita ka niya! Alam mo naman na kaaway ko siya at alam ko sa sarili ko na mas lamang siya dahil kasal kayo. Actually, you don't really need to state the fact that I am nothing compared to him," paliwanag niya.
Humalukipkip ako habang pinakikinggan siya.
Umiling ako at hinawakan ang kamay niya.
"Rev, sinabi ko lang iyon para inisin si Jackie."
Hinila niya ang kamay niya at diretso na siya sa paglalakad. Ang lalayo ng mga hakbang niya mula sa isa't isa kaya naman ay nahirapan ako na habulin siya.
Tumakbo ako at niyakap ko siya mula sa kaniyang likod.
"Kahit na ano pa ang rason mo ay hindi mo pa rin sana pinaririnig sa akin ang ganoong mga salita. Nasasaktan ako, Jen," aniya.
Hinigpit ko ang yakap na inalay ko sa kaniya.
"Pasensiya ka na," sabi ko. "Hindi ako sanay sa ganito, Rev. Hindi ko kasi naranasan ang magkaroon ng matinong relasyon kaya siguro hindi ko pa alam kung paano ko e-adjust ang sarili ko. Patawarin mo ako, Sweety." Humarap siya sa akin. Ngumiti siya at hinalikan niya ako sa aking noo.
Saksi ang mga ulap at ang bughaw na langit paano tumungo sa mga labi ko ang halik ni Rev.
"Dapat akin ka lang. Pinagdadamot kita sa kahit na sinong lalaki, maliban sa Daddy mo, Jen."
Dama ko paano nakiliti ang aking sikmura. Hindi ko rin napigilan ang kusang pag-angat ng magkabilang dulo ng mga labi ko.
"Mahal kita, Rev," bulong ko sa kaniya.
"Mahal na mahal kita, Jen."
Tumuloy na kami sa puntod ni Shon. Umupo kami sa field at agad na inalis ang mga tuyong dahon na kumalat sa puntod ni Shon.
"Hey, Shonie! Nandito ulit si Daddy pero hindi lang ako mag-isa dahil kasama ko na ang dream mommy mo." Tumingin siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.
"Shon, maraming salamat, Anak. Salamat dahil ginabayan mo ako at ang future mommy mo na matagpuan ang landas ng isa't isa."
Umusad ako sa tabi ni Rev at sinandal ko ang aking pisngi sa kaniyang braso.
Tiningnan ko ang mukha niya. Inabot ko ang mga luha niya at hindi ko hinayaan na maabot pa ang mga ito sa baba niya.
"Shon, magkasama na kami ni Daddy mo. Kahit na hindi pa kami kasal ay tinitiyak ko na ako na talaga ang Mommy mo. We miss you, Little Shonie," sabi ko.
Ilang oras kaming nanatili sa puntod ni Shon.
Bumalik kami sa mansion matapos kaming dumalaw sa puntod ni Shon. Kukunin ko kasi ang mga gamit ko dahil napagkasunduan na namin ni Rev na magsasama na kami sa isang bubong.
Lumapit ako kay Abuela at agad ko siyang niyakap.
"You are the reason why I am here, Abuela. Salamat sa pagkakataong binigay mo sa akin upang magkaroon ng magandang buhay. I know I am not yet there but I'm certain it will come to me at the end of these things. Mahal na mahal kita, Abuela," sabi ko kay Abuela habang niyayakap ko siya.
Damang-dama ko paano niya tinapik-tapik ang aking likod.
"Ikaw rin ang rason kung bakit buhay pa ako ngayon, Mihija. Ang mga gabi at araw na malungkot ako ay winala mo noong dumating ka sa buhay ko. You gave me joy, hope and faith to believe that life is a wonderful journey," sabi ni Abuela. Humiwalay ako kay Abuela at niligaw ko ang titig ko kay Daddy. Nakayuko siya at nakita ko paano pumatak sa tiles ang kaniyang mga luha.
"Daddy," ani ko. Hindi pa ako nakakapag-salita ay nauna pa ang pag-buhos ng mga luha ko. Lumapit ako kay Daddy at agad akong yumakap sa kaniya. "M-My heart is full of regret why I cussed you without knowing that you tried your best to save me. Daddy, mahal na mahal kita!"
Suminghot si Daddy. Inalis niya ang mga luha ko bago niya ako niyakap muli.
"Mag-iingat ka, Anak. Masayang-masaya ako dahil nakita mo na ang lalaking para sa iyo. Sana kapag natapos na ang mga plano mo at naisagawa mo na ang mga ito ay mamuhay ka nang payapa at puno ng ligaya," sabi ni Daddy. Tumango ako at humiwalay na sa kaniya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Lumapit ako kay Rev. Humawak ako sa kaniyang baiwang na para bang naka-akbay ako sa kaniya.
"Aalagaan ko po si Jen, Abuela, Tito," aniya.
Tumango lang si Daddy at Abuela habang nakangiting tumingin kay Rev.
Tumikhim si Carli kaya naman ay tumingin kami sa kaniya.
"My Lady, handa na ang lahat ng mga gamit mo. Ihahatid ito ng mga drivers sa bahay niyo po."
Inabot ko ang kamay ni Carli. Humagulgol akong yumakap sa kaniya. Siya ang naging karamay ko sa lahat at hindi siya nag-sawang sumuporta sa mga plano ko. Kapag malungkot ako ay pinapasaya niya ako. Hindi rin siya nag-kulang sa pagbibigay payo sa akin kapag kailangan ko ito.
"Maraming salamat, C-Carli."
Umiling siya nang umiling.
"Huwag mo akong paiyakin, My Lady. Mahal kita at kapatid na ang tingin ko sa iyo. Dumalaw ka rito at dadalaw rin kami sa iyo paminsan-minsan," sabi niya. Humiwalay na ako sa kaniya at muli kaming nag-paalam sa mga taong maiiwan sa mansion.
Ilang beses akong huminga nang malalim habang tinatanaw ko ang mansion. Kahit malayo-layo na kami rito ay pilit ko pa rin itong tinatanaw mula sa bintana.
"Sweety, hindi naman kita minamadali. Baka magkaka-seperation anxiety ka lang. Puwede ko pang iliko ang manibela at dumoon ka na lang muna sa mansion. Sasama ka na lang sa akin kung kailan handa ka na talaga," wika ni Rev. Umiling ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na totoong mahal ka ng isang tao ano? Noong nasa puder ako ni Farris ay hindi ko inisip na aabot ako sa ganito. Hindi ko man lang napanaginipan ang kaganapang ito.
Rev is an amazing man. Iba ang sincerity niya at pagmamahal niya sa akin. Sana hindi ko na inaksaya pa ang panahon ko kay Farris. Sana sa simula pa lang ay ginawa ko na ang dapat kong gawin.
"Mas magkakaroon ako ng separation anxiety kapag tatagal pa ako sa mansion. Isa pa, dadalaw naman tayo sa kanila."
Inabot ng kaniyang kanang kamay ang kamay ko. Marahan niya itong pinisil.
"Sweety," seryuso niyang sabi.
Tumingin ako sa kaniya. Seryuso rin ang kaniyang mga titig sa unahan.
"Hmmm."
"Hindi ba puwedeng sa mga pulis na lang natin ipaubaya ang lahat? I can testify to prove their wrong doings," sabi niya.
Huminga ako nang malalim. Binawi ko ang kamay ko at inayos ko ang aking pagkaka-upo.
"Sweety, hindi puwede. Hindi puwedeng hindi ko ipapatikim sa kanila ang hinagpis na pinatikim nila sa akin. Hindi ako mapapanatag kung kapulisan lang ang sisingil sa kanila. Sa akin sila may utang. Sa akin sila magbabayad, Sweety." He sighed.
"Ikaw lang ang inaalala ko, Sweety. Ayaw kong mapahamak ka na naman dahil sa bagay na gusto mong gawin. Sinubukan ka na nilang ipahamak noon nang walang pag-aalinlangan, Sweety. Kaya nilang gawin iyon muli kung gugustuhin nila," sabi niya. "Ayaw kong mawalay ka pa sa akin."
Inabot ko ang kamay niya. Tiningnan ko ang repleksiyon niya sa salamin. Nakita ko ang lubos na pag-aalala sa mga mata niya.
"Mas malaki ang lamang ko sa kanila, Sweety. Hindi na imabot sa kalahati ang hawak ni Farris sa BGC. Pati ang ninong niya ay binenta na rin sa akin ang kaniyang porsyento sa kompanya." "Sweety, naman. Hindi mo edge iyon. Mas magiging malalim pa ang galit nila sa iyo kapag nalaman na nila iyon. Sweety, please, promise me that you will be safe," sabi niya. Pinisil ko ang kamay niya. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi.
"Hindi na ako ang Jenissa noon, Sweety. Marami na akong koneksiyon at kaagapay sa mga plano ko. Huwag na nating isipin ang mga negatibong bagay, Sweety. Let us focus on us." Kahit na nakangiti na si Rev ay hindi pa rin niya kayang ikubli ang pag-aalala niya.
I love this man. He cares so much about me. Dahil sa pinapakita at pinaparamdam niya sa akin ay mas pursigido na ako ngayon na tapusin na ang lahat ng ito sa madaling panahon.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report