Melancholic Wife -
k a b a n a t a 34
Farris' POV
Lumapit ako nang marahan sa kinatatayuan ni Aki. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at agad kong piniring ang kaniyang mga mata.
"Farris, ano ba? This is crazy," aniya.
Niyakap ko siya matapos kong piniring ang mga mata niya.
Huminga ako nang malalim. Naisip ko ang mga sakripisyo ni Aki para lang mahalin ako. Inaamin ko na sa una ay nakipagrelasyon ako kay Aki dahil utos iyon ni Jarris pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na unti-unti na palang nahuhulog sa kaniya.
Nahirapan siya lalo na noong dumating si Jen sa buhay namin. Pumagitna si Jen kaya ay nahirapan kami ni Aki sa pagtaguyod ng aming relasyon.
Siya ang nagdesisyon noon na kaibiganin niya si Jen upang hindi kami mahalata na may relasyon kami. Mahabang panahon ang tiniis ko at ni Aki upang maging matiwasay ang pagsasama namin.
Kung kailan naman naging matiwasay ang pagsasama namin ay doon na naman kami ginulo ng mga taong bahagi ng nakaraan namin.
Si Rev. Tinatalo niya ako dahil sa pinaglalaban niyang katotohanan at hustisya. Gusto niya akong talunin upang ipaghiganti si Jenissa.
Si Jen. Muli siyang bumalik sa katauhan ni Albana. Paghihiganti ang nais niya. Alam ko na hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang bagay na gusto niya. Well, let's just watch her doing her thing. Babae lang siya at alam ko na hindi niya ako kayang pabagsakin.
Minahal ko si Jen. Walang halong bola ang pagmamahal ko sa kaniya. Sinabi ko na rin na kaya ko siya sinasaktan at ginagahasa ay dahil iyon ang gusto ni Jarris. Pero nawala ang pagmamahal na iyon nang nalaman ko na plano niya akong ilayo kay Aki. Tiyak ako na gusto niya ring sirain ang relasyon namin ni Aki.
Si Jarris. Hindi siya tumitigil sa kaniyang paglayon na gambalain ako habang nabubuhay pa ako. Mag-mula noong naaksidente siya ay wala na siyang ibang nais kun'di ang pahirapan ako. Natatakot ako na baka isang araw ay gagawin niya ang matagal na niyang pinaplano at iyon ay ang pagbura sa akin sa mundong ito upang masolo niya ang lahat ng mga bagay na pagmamay-ari ko.
Daddy died and no one knows who killed him but I can sense that Jenissa did it. Siya lang ang may matinding galit sa pamilya namin. Alam ko kasi na hindi magagawa ni Jarris na patayin si Daddy. Mahal niya si Daddy at paboritong anak siya ni Daddy kahit na hindi siya ang tagapag-mana nito.
"Hey, Farris! Bakit bigla ka na lang natahimik diyan? Wait! Ano ba itong ginagawa mo? Why am I blindfolded? Saan ba tayo pupunta?"
Bumalik ang katinuan ko dahil sa mga tanong ni Aki.
Hinalikan ko ang kaniyang balikat at agad ko siyang inalalayan.
"Wait, Farris! Ano ba!? Kapag nadapa ako rito ay makakatikim ka talaga sa akin!" muktal niya.
Ngumiti lang ako at mas pinagbuti ko pa ang pag-akay sa kaniya patungo sa sasakyan ko na nakabukas na ang pintuan.
"Malapit na tayo sa car. Huwag ka na lang kasi dumaldal baka maging bungangero ang anak ko!" sabi ko sa kaniya.
She let her shoulder fall and followed what I am instructing her to do.
"Lift you foot," sabi ko at agad ko siyang inalalayan papasok sa kotse ko.
Akma niyang tatanggalin ang telang tumakip ng mga mata niya pero pinigilan ko siya.
"Nasa loob na tayo ng car mo, Farris. Tanggalin na lang natin itong piring sa mga mata ko," naiinis niyang sabi.
Natatawa ako habang pinagmamasdan siyang halos maiyak na dahil sa pagsusumamo niya.
"Hindi puwede, Baby. At saka na natin iyan tatanggalin kapag nandoon na tayo sa isang espesyal na lugar," sabi ko sa kaniya. She tsked.
"Bahala ka na nga! Basta, kung saan man tayo pupunta ay magmadali na lang tayo dahil inip na inip na ako na walang makita," buwelo niya. Hinalikan ko ang kaniyang noo.
"Sure, Baby!"
Pumasok na ako sa kotse at agad ko nang pinaandar ang makina nito. Ilang sandali ang lumipas ay sinimulan ko na ang aking pagmamaneho. Nakabusangot si Aki. Ayaw na ayaw niya ng mga ganitong pakulo pero wala na siyang magawa dahil naunahan ko siya.
"Saan mo ba kasi ako dadalhin, Farris? Bakit kailangan pa talagang may piring?" tanong niya. "Baka mamaya ay dadalhin mo ako sa gubat at gagawin mo sa akin ang ginawa natin kay Jen," pabulong niyang sabi. Nawala saglit ang ngiti sa mga labi ko.
"Damn, Aki, bakit ko naman gagawin sa iyo iyon? Puwede naman kitang dalhin sa gubat tapos hahanapin natin sa langit," sabi ko.
"Cut the joke. Paano kaya kung buhay pa si Jenissa? Tapos siya pala si Albana?"
daan patur
Pumeke ako ng tawa dahil sa sinabi ni Aki. Bigla ko kasing naalala na buhay pa pala si Jenissa at tama si Aki na siya ay si Albana. "That will never gonna happen," sabi ko.
Pinaharurot ko na lang ang sasakyan ko patungo sa pupuntahan namin ni Aki.
"Kanina pa tayo bumibiyahe, Farris. Baka saang lupalop mo ako dalhin ha," reklamo niya.
"Relax, Baby, matutuwa ka sa surprise ko!" sabi ko sa kaniya.
"Ano nga iyon?"
Tumawa ako dahil sa tanong niya.
"Matatawag pa ba natin iyong surprise kapag sinabi ko ito sa iyo? Kung sasabihin ko lang din naman edi sana ay hindi ko na piniring ang mga mata mo." Hindi na siya umimik. Lumipas ang higit isang oras ay naratnan na namin ang lugar na gusto kong ipakita sa kaniya.
Inalalayan ko siyang makababa. Saglit ko siyang iniwan upang alisin ang mga malilit na bato sa dadaanan namin. Binalikan ko siya at dinala sa tabi ng pool. "Are you ready?" tanong ko sa kaniya.
"Kanina pa!" naiinis niyang sabi.
Hinila ko pababa hanggang sa leeg niya ang piring ng mga mata niya. Napahawak siya sa kaniyang bibig at humarap siya sa akin sabay yakap sa akin nang mahigpit. Binuhat ko siya at agad akong umikot. Hinagis niya ang kaniyang mga kamay sa ere dahil sa walang katumbas na sayang nadarama niya.
"Surprise!" sabi ko nang naibaba ko na siya.
Pumunta ako sa harapan niya at tinuro ang malaking bahay na nasa tapat namin. Nasa harap kami kaya naman ay tinuro ko rin sa kaniya ang pool.
"Inisip ko na baka nagtatampo ka sa akin all of the years passed kaya binili ko ang bahay na ito. Gusto kong lumaki rito ang mga anak natin. Look and feel the ambiance, Baby. Hindi ba ang relaxing at saka ang ganda ng paligid?" Tumango siya at lumapit siya sa akin. Niyakap niya akong muli. Napaiyak siya dahil sa saya. Hinagod ko ang likod niya.
"Maraming salamat, Farris. Akala ko ay hindi mo naisip ang bagay na ito. Akala ko rin ay habang-buhay na akong magtitiis sa bahay niyo ni Jenissa," sabi niya.
Humiwalay ako sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi.
"Mamumuhay na tayo nang payapa kapag nahuli na ang taong pumatay kay Daddy. Advance happy birthday, Baby."
"Thank you, Farris. I love you," malapad na ngiting sabi niya.
"I love you too."
Tumihin siya at agad niyang siniil ng halik ang aking mga labi. Saglit lang ang aming halikan.
Pumasok kami sa loob ng bahay. Napapangiti siya kapag nakadako kami sa bawat parte ng bahay.
"Ano naman itong espasyo na ito? Bakit may court dito?" tanong niya.
Lumapit ako sa kaniya at hinatak ko siya papalapit sa akin. Paakbay ko siyang niyakap.
"Ginawa ko ito para sa magiging mga anak natin. Ilalayo natin sila sa mga taong gustong ipahamak sila. This place is their playground. Hindi ba ang saya?" Tumango siya at yumakap na rin siya sa baiwang ko.
"I want all boys," sabi niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"But I want some princesses!"
Nagtawanan kami dahil sa magkasalungat naming gusto.
Pagkatapos naming dumalaw sa bahay ay hinatid ko na siya para makapagpahinga siya. Hinayaan ko na rin siyang pumili ng venue at susuotin niya sa kaniyang kaarawan.
Ngayon ay nandito ako sa isang mall. Naisipan ko kasing bumili ng mga alak dahil naubos na ang stock ko. Napapadalas na rin kasi ang pag-inom ko matapos kong malaman na buhay pa si Jenissa. Napatigil ako nang akma kong hawakan ang isang bote ng alak dahil sa halip na ang bote ay kamay ng isang babae ang nahawakan ko.
Tiningnan ko ang babae kaya agad ko namang binawi ang aking kamay. Kumunot ang noo ko nang ngumiti siya na para bang walang nangyari.
"How are you, Monsieur?" tanong niya sa akin.
Lumunok ako. Tumingin ako sa paligid. Mabuti na lang kasi walang masyadong tao sa lugar na ito.
"Don't call me that, Jenissa," bigla kong sabi.
Nakita ko kung paano nabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha pero agad rin itong bumalik sa normal.
"Alam mo na pala ang totoo?" tanong niya.
"Huwag mo na kaming gambalain pa. Inuulit ko na huwag mo na rin akongbtawaging Monsieur!"
"Then let me refrain my question. Kumusta ka na, Asawa ko?"
Lumunok akong muli at nagtiim-bagang na tinitigan siya. Malapad ang kaniyang ngiti. Hindi na siya ang Jenissa na puno ng takot at palaging nauutal kapag kaharap ako. "Huwag mo akong tawaging asawa dahil wala na tayo."
Humalakhak siya at agad siyang dumako sa aking likuran. Hinawakan niya ang aking mga braso at nilapit niya pa ang kaniyang mga labi sa gilid ng aking leeg.
"Huwag kang mag-alala, Farris. Hindi ko naman balak na balikan ka. Isa pa ay hindi ako tanga na mahalin ka pa ulit habang iba naman ang minamahal mo," sabi niya. Napapapikit ako habang tumatama ang kaniyang hininga sa aking balat.
"You didn't love me, Jenissa. Huwag mo akong paikutin sa mga plano mo."
Pinaharap niya ako at agad niya akong sinampal ng dalawang beses. Napaluha ako dahil sa malalakas na sampal na ginawad niya.
"Kulang pa ang mga sampal na iyan para pagbayaran mo ang mga kasalanang ginawa mo sa akin, Farris."
Napalingon ako sa kabilang banda nang bigla na naman niya akong sinampal. Nakaramdam ako nang anghang sa magkabila kong pisngi matapos niya akong sampalin.
"Kulang rin ang mga sampal na iyan para maging patas tayong dalawa. Kahit na tuluyan na akong mamamatay ay hindi ko kalilimutan ang kasakiman at kahayupang ginawa sa akin ng pamilya mo, ikaw at ni Jackie!" gigil na gigil niyang sabi. Hindi ako makapagsalita. Nakita ko paano gumulong sa kaniyang mga pisngi ang mga luha mula sa kaniyang mga mata.
"Tungkol pala sa sinabi mo na hindi kita minahal, nagkakamali ka roon, Farris! I wasted my time hoping that you will change along our marriage life pero mali ako! Asang-asa ako na kaya mo rin akong mahalin tulad ng lihim na pagmamahal ko sa iyo!"
Ang tanging nagawa ko lang ay ang pagtitig sa kaniya. The pain is visible in her eyes. Not only that because the eagerness to make revenge is more visible than the pain that her eyes shown. "Don't tell me that you did love me, Jenissa," angil ko.
Muli niya akong sinampal. Tuluyan na akong naluha nang lubos dahil sa sakit ng mga sampal ni Jenissa.
"Sana nga ay hindi ko ginawa ang bagay na iyon. Noong hinahayaan mo akong patayin ng kabit mo ay sising-sisi ako dahil nga minahal kita kahit puro lang s-sakit ang binibigay mo sa akin, physical and emotional. H-Hindi mo man lang inisip na tao ako at nais ko ring maging masaya. Inggitbna inggit ako sa mga babae mo noon, Farris. Inggit na inggit ako at dahil sa inggit ay pinangarap ko na sana isa ako sa kanila kasi mas lamang ang atensiyon na binibigay mo sa kanila kumpara sa akin."
"B-Bakit hindi ka tumakas habang wala ako sa bahay noon kung gusto mo naman palang maging masaya?"
Tinulak niya ako kaya ay natumba ang malaking kabinet na puno ng mga alak. Galit na galit siyang tumitig sa akin. Sinusumpa ako ng kaniyang mga titig. Kung bala lang ang mga sulyap niya ay kanina namatay na ako kanina pa. "Kasi u-umaasa ako na mamahalin mo ako pabalik, Farris. Umasa ako na baka isang araw ay magigising ako na magiging masaya na tayo at kaya mo na akong mahalin."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Liar! Alam ko na kinasusuklaman mo ako! You are just telling me that para iwan ko si Aki at ikaw ang piliin ko!" sigaw ko.
Patuloy lamang sa pagpatak ang kaniyang mga luha.
"Oo, Farris, kinasusuklaman kita pero pag-gising ko na lang isang umaga ay naramdaman ko na mahal kita! Maraming pagkakataon na wala ka sa bahay at gusto kong lumayas para matakasan ang pag-aalipusta mo pero hindi ko ginawa kasi hindi kita kayang iwan! I-Iniisip ko na walang mag-aalaga sa iyo! Iniisip ko ang kalagayan mo kahit na hindi naman dapat kasi hindi mo rin naman ako pinahahalagahan!"
"Jen," banggit ko sa pangalan niya.
"Huwag na huwag mo akong hahawakan, Farris! Bumabalik na ako sa umpisa! Kinasusuklaman kita! Ang mga sainabi kong ito ay dulot lamang ng emosyon ko. Matagal ko na ring kinimkim ang mga bagay na gusto kong sabihin sa iyo, Farris!" "Did you really love me?" biglang tanong ko sa kaniya.
Tumango siya habang patuloy lang sa pag-iyak.
"Yes, Farris! And loving you is the most regretful decision I ever made!"
My heart felt uneasy. Nakaramdam ako ng kakaibang sakit na ngayon ko lang naramdaman. I felt how my heart was torn in to pieces.
Gusto kong pigilan ang mga luha ko pero hindi ko ito magawa. Pinunasan ko ang mga luhang kusang lumalabas mula sa aking mga mata.
Gusto kong sumigaw sa pagkakataong ito.
Sinubukan kong abutin ang kaniyang kamay pero nilayo niya ito sa akin.
"Masakit ba, Farris? Masakit ba?" paulit-ulit niyang tanong sa akin.
Oo! Nasasaktan ako! Hindi ko alam kung anong parte ng katawan ko ang masakit. Lahat kasi ay nakaramdam ng sakit dahil sa sinabi ni Jenissa. Hindi ko inaasahan na minahal niya ako.
"Alam ko na pinapaikot mo lang ako para masira kami ni Aki, Jenissa. Alam ko na ginagawa mo lang ang bagay na ito dahil gusto mong maghiganti sa akin at sa amin ni Aki," sabi ko.
She wiped her tears away. Ngumiti siyang tumitig sa akin.
"Ilang beses ko na kayong gustong sirain, Farris, pero hindi ko kaya kasi nga ay siya ang mahal mo! Alam mo ba na ilang beses akong nasaktan dahil kahit na ano ang gagawin ko ay hindi mo man lang ako nagawang piliin. Siya lang lagi ang pinipili mo, Farris. Kaya ay humanda ka... Humanda kayo ni Aki dahil ang lahat ng ginawa niyo sa akin ay gagawin ko rin sa inyo. Wait and watch me how I destroy the woman you are so obsessed with," sabi niya. Pakiramdam ko ay pinipiga ako ng langit at lupa. Ipit na ipit ako ngayon sa sitwasyong ito.
"I will never let you destroy us, Jenissa. Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko kay Aki."
"Ipaglaban mo hanggang kailan mo gusto, Farris. Pero tandaan mo ito, bumalik ako para singilin kayo. Good works deserve good karma and bad deserves the worse! Lahat ng mayroon ka ay kukunin ko sa iyo; your family, wealth and the love of your life!"
Na-alarma ako dahil sa kaniyang sinabi. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko siya sa kaniyang braso. Piniga ko ang braso niya kaya at tumingala siya sa akin.
Nakakatakot si Jenissa. Mahigpit ang pagpiga ko sa kaniyang braso. Pero habang humihigpit pa ang pagpiga ko sa braso niya ay palapad naman nang palapad ang kaniyang nakakasindak na ngiti.
"Sinasabi mo ba na ikaw ang pumatay sa Daddy ko?"
"Wala akong sinabi, Farris. Pero kung namatay man ang Daddy mo ay nararapat lang iyon sa kaniya. Kahit na mamamatay siya nang ilang beses ay hindi pa rin niya mababayaran ang kasalanang ginawa niya sa akin. Napakahayop niya! Napakahayop niyo!"
"Kahit na hindi ka umamin, Jenissa ay alam ko na ikaw ang may gawa noon kay Daddy. Naghahanap na ng ebidensiya ang kapulisan para mahuli ka nang tuluyan." Pumiglas siya kaya ay nabitawan ko siya.
"Masisindak na ba ako, Farris? Paano kaya kung ako ang magsasalita laban sa inyo ni Jackielou? Marami akong kaso na puwedeng ikaso sa inyo, concubinage and adultery at attempted murder. Puwede rin kitang kasuhan ng VAWC kung gugustuhin ko. Kaya ay huwag na huwag mong gagamiting alas iyang pagbibintang mo sa akin na pinatay ko ang Daddy mo."
Tumalikod siya pero muli siyang humarap sa akin.
"Mula na ako sa impyerno, Farris. Nakaharap ko na rin si kamatayan. Kaya kung iniisip mo na nasisindak ako sa rehas na bakal ay nagkakamali ka. Now, I am back, I will never gonna let you live at peace!" Tinanaw ko na lang siya habang lumalakad papalayo mula sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa mga salitang binanggit ni Jenissa. Kinilabutan ako at para bang lumipad na sa kung saan ang kaluluwa ko matapos kong marinig ang kaniyang mga banta.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report