Melancholic Wife -
k a b a n a t a 38
Farris' POV
Nasa labas ako ng clinic ni Doctora Riz Monreal. Ilang taon na rin akong hindi bumabalik dito dahil akala ko ay kaya kong kontrolin ang sakit ko. Nagkamali ako nang inakala. Hindi ko pala kaya. Lumala pa ang karamdaman ko nang hindi na ako bumabalik para magpatingin sa kaniya.
No one knows that I am crying alone. No one knows how scared I am. Wala akong mapagsabihan. No one knows that I am fighting against this battle alone.
Wala akong mapagkakatiwalaan. Natatakot akong matawag na baliw. Natatakot na baka ay magalit lang si Daddy sa akin kapag nalamam niya itong karamdaman ko.
I discovered my disorder when I was young.
Nasa labas si Jarris noon at naglalaro habang ako ay nasa loob naman kasi nga ay bagong gising pa lang ako.
Umahon ako mula sa pagkakahiga sa malambot na kama namin ni Jarris. Narinig ko na may taong kumakatok kaya ay pinagbuksan ko ito.
"F-Farris, fix your things! Umalis na tayo rito!" iyak na sabi ni Mommy sa akin.
Hinahabol ko ang hininga ko habang nakatitig lang ako sa mga pasa ni Mommy. Nakita ko rin na dumudugo ang ilong niya kaya ay hindi ako nakapagsalita dahil sa takot ko. Ngayon ko lang nakita si Mommy na bugbog sarado at duguan pa. "Farris, b-bilisan mo na! Let us get out of this hell!" sabi pa ni Mommy.
Nanginginig ako at hindi ako makagalaw. Maraming tumatakbo sa utak ko. Bigla akong tumawa at bigla rin akong umiiyak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I was just six years old at that time. "Anak!" sigaw ni Mommy.
Nakita ko ang isang monster na lumapit kay Mommy at bigla niyang hinatak sa buhok ang Mommy ko. Tumatawa pa rin ako habang lumuluha. Ang kati-kati ng loob ng utak ko. Napahawak ako sa aking ulo at sinasabunutan ko ang sarili kong buhok.
"Ano, Zehara!? Lalaban ka pa? Magtatangka ka pang umalis?" galit na galit na tanong ng monster kay Mommy.
Binalik ko kay Mommy ang titig ko. Hirap na hirap siya at nasasaktan. Tiningnan ko ulit ang monster. Ilang beses kong pinukpok gamit ang mga kamao ko ang ulo ko nang makita na ang monster na nanakit kay Mommy ay si Daddy pala. "Y-You cheated on me, Henry! S-Sa kaibigan ko pa talaga!"
Hinila pa ni Daddy nang ilang beses ang buhok ni Mommy. I forced my mind to be awakened to the reality of where I am. Nag-aaway ang mga magulang ko sa loob ng silid namin ni Jarris at hindi ako makagalaw dahil sa takot ko kay Daddy. "What now? Ilang beses mo na kaming nahuli ni Arienne pero ngayon mo lang naisipang mag-wala? Crazy woman!" sabi ni Daddy at bigla niyang sinuntok sa mata si Mommy.
Tumakbo sa aking gawi si Mommy nang magkaroon siya nang pagkakataon na makatakas mula sa mga kamay ni Daddy.
Niyakap ako ni Mommy at doon ko lang nagawang gisingin ang sarili ko na pakiramdam ko ay tulog pa dahil sa nangyari.
"Let us go, Farris. Iwan na natin ang D-Daddy mo!"
Lumapit sa amin si Daddy kaya ay humakbang ako para salubungin ko siya. I know I am too young but I want to protect my Mommy from him.
"Stop h-hurting my Mommy," iyak ko.
Ngumisi si Daddy.
"Who do you think you are, Farris? Paslit ka lang and you don't know what is going on around here!"
Umiling ako at masamang tumitig sa mga mata ni Daddy. Umiiling ako sa gitna ng aking pagtitig sa kaniya dahil bigla na lang siyang nagiging monster at babalik din sa pagiging Daddy ko. Naguguluhan ako.
"I-I maybe y-young, Daddy, pero alam ko na hindi tama ang ginagawa mo kay Mommy. You are hurting her!" Sinigawan ko si Daddy dulot ng inis ko.
Lumapit siya sa akin at agad niya akong sinampal.
"Aaaah!" sigaw ni Mommy.
Kahit natilapon ako at tumama ang likod ko sa gilid ng kama ay hindi ako umiyak. Isa lang ang gusto kong gawin and that is to save my Mommy from the monster, from Daddy.
"Ano, Zehara? Lalaban ka? Magsusumbong ka sa mga magulang mo?"
"T-Tama na, Henry! Nasasaktan ako! Sinasaktan mo na rin s-si Farris."
Nakita ko ang gunting sa sahig kaya ay yumuko ako upang makuha ko ito. Nanggigigil akong humawak sa gunting at paisa-isang humakbang ang mga paa ko patungo sa gawi ni Daddy at Mommy.
Sinakal ni Daddy si Mommy at ilang beses niya itong sinuntok. Walang imik akong kumaripas nang takbo at agad kong sinaksak ang kamay ni Daddy.
"Argh! Hayop kang bata ka!" sigaw ni Daddy at agad na hinugot ang gunting na nakabaon sa kaniyang laman.
Tumilamsik ang dugo ni Daddy sa mukha ko.
Sasampalin sana ako ni Daddy pero humarang si Mommy. Ginamit ni Mommy ang natitira niyang lakas upang itulak si Daddy.
Lumapit si Mommy sa akin at agad niya akong hinila patakbo mula kay Daddy.
"Tara na, Anak! Umalis na tayo rito "
Nabingi ako matapos akong makarinig ng mga putok.
"Mommy?"
Nanginginig ang mga labi ni Mommy habang pinipilit niyang huminga. She cannot inhale anymore and all she could do is let go of her last breath.
"F-Farris-"
Napahawak ako sa aking bibig dahil nakita ko paano bumagsak ang katawan ni Mommy sa sahig. Umatras ako nang hinabol ako ng dugo ni Mommy. Nadikit na ako sa pader kaya kahit na gusto ko pang umatras ay hindi ko na ito magawa. Dumanak sa loob ng kuwarto namin ni Jarris ang dugo ni Mommy.
Galit na galit akong tumingin kay Daddy. Tumungo ako sa kaniya at pinagsusuntok ko siya. Alam ko na walang magawa ang suntok ng isang bata pero ginawa ko pa rin iyon dahil sa galit ko sa kaniya. "Monster ka! Monster ka! Monster ka!"
Tumayo si Daddy at agad niya akong hinila sa aking braso. Dinala niya ako sa isang silid kung saan may malaking salamin ang nakadikit sa pader.
"You live here until you gain your sanity back! Tandaan mo na wala kang nakita, Farris. Wala kang narinig na putok ng baril and you did not see me hurting your mother! You get it!?" gigil na sabi ni Daddy sa akin.
Akma siyang aalis kaya ay hinabol ko siya at humawak ako sa kaniyang biyas. Muli ko siyang sinuntok kahit na alam kong walang epekto ang mga suntok ko sa kaniya.
"You killed her! Pinatay mo ang Mommy ko! You're a monster, Daddy! Monster ka!" sigaw ko.
Hinila niya ako sa aking damit kaya ay napabitaw ako sa paghawak ko sa kaniya. Yumuko siya hanggang sa makaluhod na siya.
"Wala akong pinatay, Farris. Don't you ever call me monster again, Farris. Wala kang nakita. Kung gusto mong makalabas dito ay walain mo sa utak mo ang nangyari. Nakuha mo?"
"Pinatay mo si Mommy! Pinatay mo si Mommy! I will tell the police that you killed Mommy! Monster ka!"
Tinulak niya ako kaya ay napaupo ako sa sahig. Tumayo siya at agad niyang hinugot ang kaniyang baril mula sa kaniyang baiwang. He pulled the trigger and a loud sound traveled inside the room. Hinahabol ko ang hininga ko. Nagkahalo na rin ang aking pawis at luha dahil sa takot ko. Akala ko ay mamamatay na rin ako pero sa tabi lang pala ng paa ko pinatama ni Daddy ang bala ng kaniyang baril.
Umatras ako nang umatras.
"Wala akong pinatay, Farris! You get it?"
Tumango habang iyak ako nang iyak.
"At dahil bad boy ka ay maiiwan ka rito! Maiiwan ka rito mag-isa sa room na ito. Lalabas ka lang kung kailan nakalimutan mo na ang nangyari sa araw na ito," sabi ni Daddy.
Malinaw man ang kaniyang mga salita ay hindi ko na siya nagawang kontrahin. Tanging pagsulyap na lang sa kaniya habang lumalakad siya palabas nitong silid na kinaroroonan ko ang aking nagawa.
Bilang na bilang ko ang tatlong butil ng luha na bumagsak sa aking dibdib nang tuluyang masara ang pintuan.
"Mister Bennett."
Lumapit sa akin ang isang pamilyar na mukha. Nakasuot siya ng mahaba at kulay puting coat. Tinapik-tapik niya ang aking pisngi.
"Mister Bennett, kumalma ka."
Puwersa akong umiling kaya ay bumalik ako sa katinuan. Niligaw ko ang aking paningin sa buong paligid. Nasa labas pala ako ng clinic ni Doctora Monreal.
Hingal ako nang hingal dahil sa takot. Akala ko ay nakulong na naman ako sa silid na iyon. Akala ko ay mag-isa na naman akong matutulog sa loob ng silid na iyon.
Saglit na pumasok si Doctora Monreal sa kaniyang clinic at nang bumalik siya ay may dala na siyang gamot at tubig. Binigay niya sa akin ito kaya ay agad ko itong ininom. Lumipas ang ilang minuto ay nanumbalik na sa normal ang tibok ng puso ko. Tumingin ako sa kaniya. She smiled. Tipid na ngiti ang sinukli ko sa kaniya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Ang tagal na nating hindi nagkita, Farris."
"Maraming nangyari, Doctora Riz. Hindi ko nga inakala na magkikita pa tayo. Ang nasa isip ko kasi ay kaya kong kontrolin si Varris. It turned out that he is the one who's controlling me," sabi ko sa kaniya.
Ang isang katauhan ko ay si Varris. Nasa loob ko siya at madalas ay siya ang kumokontrol sa akin. Hindi ko siya kayang kontrolin lalo na kapag pinipilit akong gumawa ni Jarris ng masama. Mga kamay ko ang nanakit kay Jenissa pero hindi ako ang may kagustuhan noon. Pakiramdam ko nga ay kaunti na lang ang panahon ko sa mundo dahil hinang-hina na ako at hindi ko na kayang kontrolin si Varris.
Pumasok kami ni Doctora sa clinic niya. Pinaupo niya ako sa swivel chair na nakatapat sa isang malaking salamin.
"Dissociative Identity Disorder has no cure, Farris. We can do treatment but it doesn't mean that your other personality will leave you. Ikaw lang ang may kakayahang patulugin si Varris."
Nakita ko kung paano nagsalubong ang mga kilay ko. Masama akong tumitig kay Doctora Riz.
"Ikaw na naman? Ano ang pinaplano niyo ni Farris? Gusto niyo ba akong mawala? E kung ikaw kaya ang patulugin ko Doctora?"
Umiling si Doctora. My mind is aware about what is happening but I cannot react because Varris is in control.
"Varris, t-tama na. Maawa ka sa akin! Huwag kang mandamay ng iba. Huwag mong idamay si Doctora," maikling sabi ko.
Umiling ako.
"Hindi puwede! Hindi kita iiwan dahil alam kong mahina ka, Farris! Hindi ba noong gabing wala kang makasama at halos mamatay ka na ay ako lang ang kasama mo? Noong araw na iyon ay tinawag mo ako! You told me to never leave you, tapos ngayon gusto mo akong manahimik na lang?"
Niliko ako ni Doctora Riz at agad niyang tinakpan ang salamin. Gustong mag-wala ni Varris pero ginawa ko ang lahat para makontrol ko siya.
"Farris, mag-kuwento ka," utos sa akin ni Doctora.
Tumikhim ako at tinuon ang titig sa isang painting na nakasabit sa pader ni Doctora Riz.
"Pakiramdam ko ay may gusto si Varris kay Aki. Pero ako, bilang si Farris ay wala na akong gusto sa kaniya. Alam ko sa puso ko na si Jenissa ang mahal ko, Doctora Riz. Gusto kong itama kung ano man ang maling nagawa ko kay Jenissa noon dahil sa kambal ko at isa pang katauhan ko na namalagi sa aking katawan. Ang problema ay hindi ko na alam ang g-gagawin ko," kuwento ko.
"Tulad nga ng mga sinabi ko sa iyo noon ay magpakatatag ka at ibalik mo si Varris kung saan mo siya tinawag," anang Doctora Riz.
Umiling ako. Nag-hari na naman ang takot sa puso ko.
Nanginginig akong nakahiga sa sahig. Nagising ako dahil sa kagat ng mga lamok. Kumukulo ang tiyan ko kaya ay sinubukan kong umahon at buksan ang pinto. "Daddy, gutom na ako," iyak ko.
"Daddy, natatakot na ako. Palabasin mo na ako,” dagdag kong wika.
"Samahan niyo ako rito. Natatakot ako! M-Maawa kayo sa akin. Huwag niyo akong iwan!" Patuloy ako sa pag-iyak.
Napabaling ako sa aking likuran nang may kung ano'ng bumagsak sa sahig.
Napatitig ako sa aking repleksiyon nang makita kung paano ito ngumiti at kumaway sa akin.
"Who are you? B-Bakit kamukha kita?"
Humakbang ako patungo sa salamin. Hinawakan ko ang kamay ng batang nasa loob ng salamin.
"Hi, I'm Varris! I heard that you are afraid that is why I came out! Huwag kang matakot, Farris. Sasamahan kita at hindi kita iiwan."
Tumango ako. Nakangiti lang siya sa akin.
Magmula noong nakilala ko si Varris ay hindi na ako nakaramdam ng lungkot sa loob ng silid na iyon. Naglaro kami nang naglaro at kuwentuhan kami nang kuwentuhan. Sinabi ko pa sa sarili ko na mas gusto ko si Varris kumpara kay Jarris. Napailing ako nang marinig na binubusinahan na pala ako ng kotseng nakasunod sa akin.
Binigyan ako ni Doctora Riz ng mga gamot para kahit papaano ay kaya kong pakalmahin si Varris.
Iniisip ko ngayon ang huling sabi niya sa akin kanina bago ako umalis.
"It is your choice, Farris. Hanggang kailan mo titiisin ang isang katauhan mo? Alam ko na hindi siya mawawala pero kaya mo siyang kontrolin at patuligin. Walang ibang makakatulong sa iyo maliban sa sarili mo. Kung hindi mo siya patutulugin ay magkakatotoo ang sinabi mo na baka ikaw ang patutulugin niya. Build strength in yourself and face the fear of the past."
Paano ko gagawin ang bagay na iyon? Paano?
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Nakarating na ako sa bahay. Sinalubong kaagad ako ni Aki. Nasa sala na ang mga susuutin namin para sa party bukas.
Kahit na hindi ko na siya mahal ay kailangan ko pa ring tuunan ng pansin ang emosyon niya alang-alang sa magiging anak namin.
Ngumiti ako nang hinalikan niya ako. Sabay kaming lumapit sa mga damit namin para bukas.
"Do you like it? Don't you?"
"Of course, I do, Aki!"
Yumakap siya sa aking bisig.
"I am so excited for tomorrow's event, Farris."
"Good to hear," maikli kong sabi.
Walang masyadong nangyari hanggang sa matapos ang gabi.
Buong araw kaming naghanda para sa event. Dito gustong e-celebrate ni Aki ang kaniyang kaarawan sa bagong bahay na binili ko. Ayaw niya sa bahay namin dahil baka raw mamalasin ang gabi niya roon. Nagsimulang nagsipag-datingan ang mga bisita ni Aki. Puro mga kaibigan niya at mga kapamilya na nasa Pilipinas ang nandito. Hindi makakapunta ang mga magulang niya dahil busy sila sa trabaho sa Canada. Nadako ang tingin ko sa dalawang babaeng papalapit sa amin.
"Jackielou," tawag ni Maitha kay Aki.
"Maitha. Shiva."
Dinampi nila ang mga pisngi nila sa isa't isa. Nakatitig sa akin sina Maitha at Shiva na para bang may gustong sabihin. Huwag naman sana silang gumawa ng eksena sa event na ito. Ayaw kong mawala ang anak ko sa akin kung maii-stress si Aki.
"Happy birthday, Jackielou," bati ni Shiva kay Aki. "This is so simple but I hope you will accept it. Matagal na rin tayong hindi nagkita kaya ay kung ano sana ang nangyari sa nakaraan ay manatili na ito roon. Ibaon natin sa limot ang lahat at maging masaya na lang tayo," sabi pa ni Shiva at binigay ang regalo kay Aki.
Nakita ko ang presyo ng bag.
"Shiva, hayaan na natin ang mga iyon." Napatingin si Aki sa bag. Nakita ko kung paano lumaki ang mga mata niya. Tuwang-tuwa siya sa kaniyang nakita. "Shiva, this is a limited design. Limang bag lang ang nilabas nila na pareho ang design ngayong year. Thanks because you got one!"
Binigay ni Maitha ang regalong dala niya kay Aki. Halatang mamahalin din ang sapatos na ito. Napalunok na lang ako dahil sa inis ko. Parang binabalik lang nila kung ano ang kinuha nila sa akin. "Maitha, how do you get this one? Bagong labas pa lang ito at halos maubos na ang stock nila." "Wishing you all the best. Sana magka-baby-"
"Aki, puntahan mo muna ang mga kaibigan mo sa kabilang side ng pool," putol ko sa sabi ni Maitha.
Hindi ko puwedeng pagkatiwalaan ang mga ito. Malakas ang kutob ko na nasa likuran nila si Jenissa. Hindi maaaring malaman ni Jenissa na buntis si Aki. Galit siya sa amin. Baka pati ang anak ko ay idamay niya sa galit niya. Walang kamuwang-muwang ang anak ko sa mga nangyari noon kaya'y gagawin ko ang lahat para lang mapanatiling ligtas siya.
"I have to leave you here. I'll see you both around," sabi ni Aki at agad na umalis.
Hinawakan ko sa tag-iisang braso sina Maitha at Shiva at dinala ko sila sa likod ng isang poste na binalutan ng puting tela. "Ano'ng ginagawa niyo rito?" gigil kong tanong sa kanila.
Pumiglas silang dalawa at agad nila akong hinarap.
"Nakiki-celebrate. Espesyal ang gabi na ito, Farris. Dapat ay marami ang makikipag-celebrate sa inyo ni Jackielou!" "Ang ganda naman ng set up ano? Parang kasal lang. Ikakasal ba kayo ulit?"
"Hindi ako nakikipag-tarantaduhan sa inyong dalawa. Huwag na huwag lang kayong gagawa ng eksena," banta ko sa kanila. Humalakhak silang dalawa.
"Don't worry, Farris. Alam namin na naghihirap ka kaya ay rest muna kami sa pagpapahirap pa sa iyo lalo. Tara na, Shiva. Mag-enjoy tayo!"
Tinanaw ko na lang sila hanggang sa dumako sila kung saan maraming tao ang nakatayong nag-iinuman.
Niligaw ko ang aking sulyap sa buong paligid. Hinahanap ko si Jenissa pero hindi ko siya nakita. Inisip ko na baka binuhos niya na ang galit niya noong may Press Con. sa BGC. Tiyak din ako na hindi siya inimbitahan ni Aki.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report