Melancholic Wife -
k a b a n a t a 39
Farris' POV
Nasa tabi lang ako habang nakatanod sa paligid. Nilalaro ko ang kupitang hawak ko habang binato ang sulyap ko sa isang sulok. Kinabahan ako sa aking nakita. Jarris is looking at Aki. Sinabi niya sa akin na wala na siyang pakialam kay Aki pero alam ko na gusto niya pa rin ito. Basang-basa ko sa mga mata ni Jarris na mahal niya pa si Aki.
Nagmadali akong tumayo upang dumako sa kinaroroonan ni Jarris. Lumakad siya papalayo kaya ay sinundan ko siya. Tumigil siya sa likod ng bahay kaya ay tumigil na rin ako sa paglalakad.
"Huwag kang mang-gulo rito, Jarris."
Lumingon siya sabay ngiti. Tinitigan niya ako sa aking mga mata. Kumunot ang noo ko at halos mag-abot ang mga kilay ko.
"Bakit hindi, kung kaya ko naman? Ayaw mo noon? Malalaman ni Aki na ako pala ang may gusto sa kaniya at ako ang nakabiyak sa kaniya."
"Hindi kita hahayaan na sisirain mo ang gabing ito, Jarris."
Kung hindi lamang buntis si Aki ay hahayaan ko na lang si Jarris upang magka-alaman na. Kaso, inaalala ko ang anak ko sa sinapupunan niya. "You visited your doctor. Tama ba ako?"
Lumunok ako.
"Bakit, Farris? Umaatake na naman ang saltik mo?"
Lumapit ako sa kaniya at pinandilatan ko siya bago tinulak.
Masyadong demonyo ang kapatid ko. Alam ko na gumagawa na siya ng mga hakbang sa ilalim ng lamesa.
"Ano naman ngayon kung may saltik ako? Pareho na tayo, Jarris. Ang kaibahan natin ang saltik ko ay kaya kong patulugin pero ang saltik mo, kahit na ano pang medikasiyon ang gagawin sa iyo ay hindi na ito mawawala pa." "Farris?"
Tumingin ako kung saan galing ang boses. Tinulak ko si Jarris patungo sa likod ng puno.
"Binabalaan kita, Jarris. Sa oras na lilitaw ka sa gabing ito ay kakalimutan ko na kapatid kita," sabi ko.
Nanatili lang siyang nakatitig sa akin hanggang sa makaalis ako.
Huminga ako nang malalim at agad akong lumiko at lumakad papunta kay Aki.
"Nandito ka lang pala. Kanina pa ako naghahanap. Ano ba ang ginagawa mo rito?"
Umiling ako. "Wala, Aki. Gusto ko lang magpahinga saglit. Pumunta ako rito dahil malamig at presko ang palibot."
Yumakap siya sa aking bisig at sabay na kaming bumalik sa kasiyahan.
Nakita ko na lumapit sa amim si Ninong. Naiintindihan ko siya kung bakit niya binenta ang share niya kay Jenissa. Kahit na ako ang nasa posisyon nila ay gagawin ko rin ang bagay na iyon. "Happy birthday, Aki."
"Salamat," ngumiti si Aki.
Tumingin sa akin si Ninong.
"Puwede ba kitang maka-usap, Anak?"
Tango ang aking tinugon kay Ninong. Kumalas ako mula sa pagkakahawak ni Aki at sumunod na ako kay Ninong.
Kumuha muna kami ng panibagong mga kupitang may lamang alak bago kami tumungo sa isang sulok kung saan walang ibang tao.
"Anak,"
paunang sambit ni Ninong.
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ako.
"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pag-hingi ko ng tawad sa iyo, Farris. Nangako ako sa Daddy mo na aalagaan kita pero iniwan kita sa ere."
"You don't need to be sorry, Ninong. May pagkakamali ako at deserve ko na iwanan ng mga taong naperwisyo ko at nalagay sa alanganin dahil sa akin," sabi ko kay Ninong.
Kahit na hindi niya sabihin ang mga bagay na ito ay alam ko na kung saan patutungo ang pag-uusap namin.
"Anak, matanong lang kita, bakit ba ganoon na lang ka-galit si Albana sa iyo? Akala ko ay nagkakamabutihan kayo ng loob sa simula pero bigla niya na lang kinuha ang BGC sa iyo," anang Ninong.
I cleared my throat. Tumingin muna ako sa paligid. Nang masiguro ko na walang makakarinig sa mga salitang sasabihin ko ay binalik ko ang mga sulyap ko kay Ninong.
"Paghihiganti ang layunin niya, Ninong."
Hindi maintindihan ni Ninong kung ano ang ibig kong sabihin kaya ay kumunot ang kaniyang noo.
"Kailanman ay hindi nagkaroon ng alitan ang BGC at Armano Corp, Farris. Noon pa man ay gusto na ni Henry na maging ka-sosyo ang mga Armano at wala akong naalalang hindi magandang turingan ng Daddy mo at ng Armano Corp." "Si Albana ay si Jenissa, Ninong. She's back because of her aim to take vengeance."
Gulat na gulat si Ninong sa narinig niya.
"Akala ko ba ay wala na ang dati mong asawa, Farris?"
Umiling ako.
"She could've died if hindi ko siya dinala sa lugar saan siya nakita ni Abuela Armano. Ninong, sinubukan ni Aki na tapusin ang buhay ni Jen. Gusto ko ring labanan si Varris noon but then he is stronger than me. Hindi ko nakayang kontrolin si Varris kaya ay sa halip na tulungan sa simula pa lang si Jenissa ay tinulungan niya pa si Aki na magawa ang kagustuhan ni Aki na mapaslang si Jenissa. Mabuti na lang dahil saglit na umalis si Aki, dahil doon ay nagawa kong buhatin si Jenissa para madala ko sana siya sa ospital. Natakot ako na baka makulong ako kapag sakaling makita ako ng taong naka-kita kay Jen kaya ay nagtago ako noon."
Ninong sighed. Alam ni Ninong ang karamdaman ko kaya ay kumportable akong kumuwento sa kaniya.
"Ipaliwanag mo kay Jenissa ang lahat bago ka pa madawit sa kagagawan ni Aki at ng isa mong pagkatao, Farris. Alam ko rin na ginagawa mo ang mga bagay na hindi mabuti dahil bukod kay Varris ay nasa gilid mo rin si Jarris. Ang hirap ng iyong pinagdadaanan, Anak. Wala akong maipapayo kun'di ang kausapin mo si Jenissa at ipaliwanag sa kaniya ang mga bagay na nangyari. Alam ko na maiintindihan ka niya kasi minahal ka niya."
Bumigat ang loob ko dahil sa sinabi ni Ninong. Sana naging matapang ako at hindi na ako nagpa-alipin kay Jarris at sa isang pagkatao kong si Varris. Sana ay noon ko pa ginawa kung ano man ang tama pero parang huli na ang lahat. "Minahal niya ako, Ninong. Pero hindi na siya ang Jenissa na mahal ako at handa akong intindihin noon. Nagbago na siya simula noong bumalik siya sa katauhan ni Albana Armano. She is burning in the flame of revenge and her hatred overcane her good heart. Hindi na siya si Jenissa na mahal ako," sabi ko kay Ninong.
Tinapik ni Ninong ang balikat ko.
"Sumubok ka lang nang sumubok, Farris. Isipin mo ang ilang taon na pagpapa-alipin ni Jenissa sa iyo. Sana kung natiis niya ang pag-aalipusta mo noon ay matiis mo rin ang paghihiganti niya sa iyon ngayon." Tumango ako at nagpasalamat kay Ninong.
"You have to make the right thing, Farris. Cooperate with the authority," sabi pa ni Ninong.
"Ginawa ko na sana ang bagay na iyon, Ninong, kung walang Jarris na pinagbabantaan ang buhay ko. Buntis si Aki at hindi ko rin puwedeng idamay ang musmos na nasa sinapupunan niya. If it is all about the adults, ginawa ko na kung ano ang nararapat. Kaso, ayaw kong madamay ang bata," mabigat kong sabi kay Ninong.
Hindi rin kami masyadong nag-tagal sa pag-uusap ni Ninong. Tumawag na kasi ang host na pumagitna at sandaling itigil ang kasiyahan upang bigyang atensiyon ang sentro ng piging na ito.
Ngayon ay magkatabi na kami ni Aki at ilang saglit lang ay maglalakad kami sa gitna ng pulang alpombrang ito paakyat sa entablado.
"This is the happiest birthday of my entire life, Farris. Salamat," bulong ni Aki.
Ngumiti lang ako bilang tugon sa kaniyang sabi.
Humina ang musika at tumikhim ang host. Nakatanaw ako sa entablado habang iniisip ang pinag-usapan namin ni Ninong.
"Tara na," bulong ni Aki sa akin.
Nakatulala ako kaya ay hindi ko na narinig ang pag-tawag ng host sa amin.
Sinimulan na namin ang paglalakad sa pulang alpombra. Hinatid ko si Aki sa tabi ng host bago ako umatras.
"Ang ganda-ganda talaga nitong ating celebrant! Madame Bennett, this time gusto naming marinig ang iyong speech para sa kaarawan mong ito."
Tumingin ang host sa madla at sumenyas na pumalakpak kaya ay ganoon nga ang ginawa ng mga tao.
"Madame, the stage is all yours," sabi ng host at binigay na kay Aki ang mikropono.
Niligaw ni Aki ang kaniyang sulyap sa buong espasyong nasasakupan ng kaniyang mga mata. Huminga siya nang malalim.
"Hindi ko alam kung paano sisimulan ang speech ko dahil ang daming nangyari sa buhay ko at sa buhay naming mag-asawa. We've been in to many struggles these past days. Nawala pa sa asawa ko ang pinaka-iingatan niyang kompanya na ipinamana ni Daddy Henry sa amin." She sighed. Sumulyap ako sa madla. Wala namang kaduda-duda sa galaw nina Maitha at Shiva. Binato ko rin ang mga titig ko sa madidilim na bahagi ng event area pero hindi ko mahagilap si Jarris.
"I guess, all I want to say is thank you. Salamat sa mga taong nandirito sa gabing ito at sinamahan ako upang ipag-diwang ang aking kaarawan."
Lumingon si Aki sa akin. Lumakad siya papunta sa aking gawi at inabot niya ang kamay ko. Sumama ako sa kaniya patungo sa puwesto niya kanina. Pinaharap niya ako sa kaniya. Ang posisyon namin ngayon ay nakatagilid na sa madla.
"Farris, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan dahil sa kabaitan mo. Hindi naging madali ang relasyon natin." Tears rolled over her face but it never touched my heart. "Hindi ako naging perpektong partner pero tinanggap mo pa rin iyon. Salamat, Farris. Salamat, Asawa-"
Tatlong palakpak mula sa dulo ng pulang alpombra ang umagaw ng pansin namin. Hindi rin natuloy ang huling linyang sasabihin ni Aki dahil sa babaeng nakasuot ng Kulay Lilang gown. Ang kaniyang buhok ay maayos na naka-bun. Napakapit ako nang mahigpit sa dulo ng aking damit habang tinatanaw ko paano humakbang na parang kinakasal sa gitna ng pulang alpombra si Jenissa.
"Ano ang ginagawa mo rito!? Hindi ka invited sa party ko!"
Ngumiti si Jenissa nang makaakyat siya sa entablado. Hindi ako nakapagsalita nang bigla niya akong hinila paharap sa kaniya. Sinampal niya ako bago niya ako tinulak sa tabi. Tinitigan niya mula ulo hanggang paa si Aki bago siya ngumiti at umirap din kalaunan.
"Leave, Albana! Hindi ka imbitado sa piging na ito!"
Yumuko si Jenissa at nakita ko na may hinablot siya mula sa kaniyang bag. Ilang pahina ng papeles ang lumanding sa mukha ni Aki.
"Hindi ako natirito para makipag-party sa walang kuwenta mong kaarawan, Jackielou!"
"Then, why are you here?"
Muling sinampal ni Jenissa si Aki gamit ang mga papel na hawak niya. Sa pagkakataong ito ay hinayaan niyang liparin ng hangin ang mga papeles.
"See those papers!" utos ni Jen kay aki na ginawa naman nito.
Nanginginig na nakatitig si Aki sa mga papel nang mapulot niya ito. Marriage certificate namin ito ni Jenissa.
"Nandito ako para sabihin sa mga taong naririto na isa kang kriminal at ambisyosang ilusyunada!"
Nanlaki ang mga mata ni Aki nang sinambit iyon ni Jenissa. Nanginginig na humarap sa mga tao si Jenissa sa mga taong nagbubulung-bulungan.
"Oo! Tama ang pandinig niyo! Si Jackielou ay isang mamamatay tao!"
Pinaharap siya ni Aki at sinampal nang malakas kaya ay napahawak sa pisngi niya si Jenissa. Ngumiti lang si Jenissa habang si Aki naman ay hinahabol na ang kaniyang hininga.
"Wala kang ebidensiya, Albana! Hindi mo alam kung ano ang pinagsasabi mo! Wala akong pinatay!"
"Huwag ka na kasing mag-maang-maangan pa, Jackie. Hindi mo matatakasan ang ginawa mo noon. Akala mo ba patay na ako? Akala mo ba tuluyan mo na akong nabura sa mundo? Kung iyon ang akala mo ay nagkakamali ka! Dahil nandito ako ngayon sa harapan mo at sinisingil na kita sa ginawa mong pagpaslang sa akin noon!"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Nakita ko kung paano bumagsak ang mga balikat ni Aki. Umiling siya nang umiling habang si Jenissa naman ay gigil na gigil sa pagsiwalat niya ng katotohanan. "Albana, tama n-na! B-Baliw ka na!"
Humalakhak si Jenissa. Narinig ko ang sari-saring bulong ng mga tao.
"Tama ang balita kamakailan lang na hindi patay ang asawa ni Mister Bennett."
"Napakawalang puso naman si Jackielou. Hindi ko akalain na ginawa niya iyon sa taong tinurin siya na kapatid."
Humalakhak si Jenissa.
"Hindi ako baliw, Jackie. Dahil kung may baliw man dito ay hindi ako iyon kung hindi ikaw!"
"Baliw!"
"I am not a fool because you called me fool. Bakit hindi mo na lang ako tawagin na multo ng iyong nakaraan? Ako si Jenissa Reillen Sarosa Bennett! Ako ang totoong asawa ni Farris Bennett na tinangkang patayin ni Jackielou at ni Farris na asawa ko!"
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay niya.
"Jenissa, please "
Hinila niya ang kaniyang kamay upang bawiin ito mula sa pagkakahawak ko. Tumitig siya sa akin habang ang mga luha ay patuloy na bumagsak.
"Binaboy niyo ako ng ama mo, Farris!"
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya.
Napalingon ako sa malaking screen. Napaatras ako nang makita ko si Jenissa na nakatali sa kama at pinagsusuntok ni Daddy habang binabarurot niya ito ng mga kiyod. Sumisigaw si Jenissa upang humingi ng tulong pero hindi siya tinulungan ng mga guwardiya ni Daddy. Sa halip na tulungan siya ay nagtawanan lamang sila.
I heard how my breath is slowly getting deeper. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya siguro ay galit na galit si Jenissa sa akin dahil akala niya ay alam ko ang ginawa ni Daddy sa kaniya.
"H-Hindi ko alam na ginawa iyon ni Daddy sa iyo, Jen! Hindi ko alam!"
Pinagsusuntok-suntok niya ako. Sinusubukan ko siyang yakapin pero hindi ko iyon magawa dahil sa konsensiyang umalipin sa akin at sa kaniyang patuloy na pagsuntok sa aking dibdib. Everything is blurry because of the liquid that blocked my eyes.
"Sinungaling ka, Farris! Hindi kita paniniwalaan. Kasabwat ka ng ama mong walang kuwenta! Pareho kayong baboy!" iyak niya.
"I'm sorry! I am so sorry, Jen. H-Hindi ko alam na iyon ang ginawa ni Daddy sa iyo! Hindi ko talaga alam, Jen. Maniwala ka sa akin," sabi ko.
Sa halip na paniwalaan at makinig sa akin ay tinulak niya ako. Tumawa siya nang tumawa habang ang mga luha niya ay patuloy lamang sa pagbagsak.
Matapang niyang inalis ang mga luha niya at muli niyang hinarap si Aki na nanginginig dahil sa takot.
"Gising ka na ba, Jackie? Gising ka na ba sa katotohanan na nandito ako at buhay na buhay pa!? Gising ka na ba sa katotohanan na hindi ka magiging asawa dahil mananatili kang kabit habang-buhay?" "Demonyo ka!"
Sinalo ni Jenissa ang kamay ni Aki dahil akma siyang sasampalin nito. Nakita ko paano nasaktan si Aki sa pag-piga ni Jen sa kamay niya.
"Demonyo ako dahil ginawa mo akong ganito. Binaon mo sa hukay ang Jenissa na mabait at mahal na mahal ka, Jackie. Ikaw ang naging sandalan ko noon. Ang hindi ko alam na ikaw rin pala ang dahilan nang tuluyan kong pagtumba," sabi ni Jenissa.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga nalaman ko. Sising-sisi ako dahil hinayaan kong babuyin ni Daddy si Jen.
"Tandaan mo, Jackie. Hinding-hindi ko hahayaan na magiging legal na asawa ka ni Farris. You are nothing but a mistress and you will be a forever frustrated mistress!"
Tinulak ni Aki si Jen pero hindi naman nagpatinag si Jenissa. Salitan niyang tinulak si Aki hanggang sa matumba ito.
Pumunta ako sa harapan ni Jenissa at pinigilan ko siya.
"T-Tama na, Jen. B-Buntis si Aki. Huwag mong idamay ang bata sa sinapupunan niya. Ako na lang ang saktan mo, Jen. Ako na lang."
Nanginig ang mga labi ni Jenissa. Nakita ko kung paano siya bumagsak sa sahig. Nanatili siyang tumitig sa akin na para bang may gusto siyang sabihin.
Nang bumagsak siya at patuloy sa pagluha ay muli kong nakita sa kaniyang mga mata ang Jenissa na mahina at busilak ang puso.
Hinarang niya ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig at sinusubukan niyang patahanin ang sarili.
Umakyat sa entablado si Shiva at Maitha. Nakita ko kung paano nila inalalayan si Jenissa patayo. Hinang-hina si Jenissa kaya ay namuo ang katanungan sa isip ko. Ano ang dahilan bakit bigla siyang bumagsak sa sahig kahit nasa rurok siya ng pagka-galit?
Unti-unti niyang inangat ang mga titig niya hanggang sa mag-tama ang aming mga mata.
"Buntis din ako noon, F-Farris."
Napalunok ako nang ilang beses dahil natuyo ang lalamunan ko. Gumuho ang damdamin ko nang sinabi ni Jenissa ang mga katagang iyon.
"J-Jen, t-totoo?"
Ngumiti siya at tumango. Ang ngiti niya ay puno ng sakit at hinanakit. Parang pinunit na papel ang puso ko dahil sa kompirmasyong iyon ni Jenissa.
"Farris, kung alam mo kayang buntis ako noon ay ipagtatanggol mo rin ba ako? Farris, anak mo iyong nasa sinapupunan ko noon at kasama ko siya na n-nag-aagaw-buhay pero wala kang ginawa. H-Hinayaan mong nawala sa akin ang anak ko, ang anak natin," patuloy niya sa pag-iyak. "Y-You killed your own flesh, Farris!"
My heart is aching. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaluhod sa tapat ng mga paa ni Jenissa.
Hindi ako makapagsalita dahil ang nagawa ko na lamang ay pag-iyak. Pinatay ko ang anak ko. Ako ang dahilan kung bakit namatay ang batang iyon. Hindi ko man lang siya nagawang ipagtanggol at iligtas mula sa kamatayan. Kaya pala doble ang galit ni Jen sa akin dahil dala niya pala ang anak ko noon sa sinapupunan niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"J-Jen, patawarin mo ako."
"Hoy, Jackie!" anang Maitha.
"Manloloko ka, Jackie! Binayaran mo si Doctora Robles para gumawa ng mga pekeng findings."
Dahil sa sinabi ni Shiva ay kumabog ang puso ko. Umahon ako at agad na pinunasan ang mga luha ko. Tinuyo ko rin ang mga mata ko.
Walang imik si Jenissa habang patuloy lamang sa pagpapakalma sa kaniya sina Maitha at Shiva.
"Pineke mo ang findings na buntis ka. Hindi ka buntis at hindi ka mabubuntis dahil baog ka, Jackie!" gigil na sabi ni Maitha.
Nanginginig ako dahil sa galit ko. Lumingon ako kay Aki at agad ko siyang inahon mula sa kaniyang pagkakaupo.
"Totoo ba, Aki!?"
Nakatitig lang siya sa akin habang lumuluha.
"I'm asking you, Aki! Totoo ba ang sinasabi nila? You faked the result of your pregnancy test!?"
Tumango siya.
Mas hinigpitan ko pa ang pagpiga sa kaniyang mga balikat.
"The party is over! Umalis na kayong lahat!"
Tumigil ang mga tao sa pagkuha ng videos at larawan nang sumigaw ako. Si Ninong na lang ang nakita ko na nakatanaw lang mula sa malayo.
"Ginawa ko lang i-iyon dahil mahal kita, Farris. M-Mahal kita," sabi niya.
"Damn you and your fucking love! Niloko mo ako, Aki! Niloko mo ako! Ginawa mo akong tanga! Pinatay mo ang anak ko kay Jenissa!" Pinakawalan ko si Aki.
"Umalis ka at ayaw na kitang makita pa, Aki!"
"Hindi siya aalis!" galit na galit na sabi ni Aki. "Pinatay niya ang anak ko kaya ay marapat lamang na magdurusa siya sa kulungan!" Lumingon ako kay Jenissa.
Pumasok ang mga pulis at agad na pinosasan si Aki. Tumingin siya sa akin na para bang humihingi siya ng tawad at tulong.
"Jenissa! Hayop ka! Sinira mo ang party ko! Sinira mo ang buhay ko!" sigaw ni Aki habang kinaladkad siya ng mga pulis palabas ng event.
"Jen," tawag ko kay Jenissa.
"Kung naaawa ka sa akin ay huwag mo na itong ituloy pa, Farris. Kahit na ano pa ang gagawin mo ay hindi na maibabalik ang buhay ng anak ko. You and your mistress killed my angel. Hindi ka pa pala nakontento sa pag-aalipusta sa akin ano? Pati si Daddy ay pinutulan mo rin ng daliri."
Tipid akong ngumiti.
"Kung iyon ang sinabi ng Daddy mo ay wala na akong magagawa para ipagtanggol ang sarili ko. I am a criminal on to your eyes and I cannot change that."
"You can, Farris!"
Tumingin kami kay Ninong. Nakita ko ang mga tauhan niya na kinaladkad papasok ang kakambal kong si Jarris. Bugbog sarado si Jarris. Umiba ang ekspresyon ng mukha ni Jenissa.
"Siya si "
"Ako si Jarris! And I will not end up in to a jail!" sigaw ni Jarris at inagaw niya ang baril ng tauhan ni Ninong.
"Jarris!"
Huli na ang lahat. Napaluhod ako nang makita ko na nakahandusay sa sahig ang kakambal ko at naliligo na ito sa sarili niyang dugo.
Tumakbo ako papunta sa kaniya. Pinaunan ko siya sa aking biyas at hinagod-hagod ko ang kaniyang pisngi.
Naalala ko noong mga bata pa kami at wala pa kaming alitan. Puro tawanan at laro lang ang ginagawa namin.
Pumatak sa mukha niya ang aking mga luha.
"Sana ay nakinig ka na lang sa akin noon, Jarris. Hindi na sana umabot pa ang lahat sa ganito kung nakinig ka sa akin," sabi ko sa kaniya.
Pinilit niya ang mga labi niyang ngumiti. Parang hindi ko na maalala ang huling araw na nginitian niya ako. Alam ko na puro ang ngiti niyang ito. And I miss him smiling this way. Inangat niya ang kaniyang kamay at inabot niya ang mukha ko. Mas naiyak ako nang bigla niyang hinaplos-haplos ang pisngi ko gamit ang kaniyang hinlalaki. "G-Ginagawa mo iyan sa akin noon kapag hindi ako makatulog, Farris. G-Gawin mo ito sa akin ulit hanggang makatulog ako. Paalam, Kambal ko. Paalam, Farris. I'm sorry," sabi niya. Tumango ako nang tumango habang patuloy lang sa pag-luha ang mga mata ko. Ginawa ko ang hiling niya hanggang sa pinikit na niya ang kaniyang mga mata. Pumasok ang mga pulis kaya ay tumingala ako. Nakita ko ang guwardiya ni Daddy kasama ang mga pulis.
Lumapit sila kay Jenissa. Nilabas ng isang pulis ang posas at ang arrest warrant bago tumingin kay Jenissa.
"Ikaw, Albana Armano o Jenissa Bennett ay hinuhuli namin sa salang pagpatay sa iyong biyenan na si Henry Bennett. Sapat ang ebidensiyang ito upang ituro na ikaw ang pumatay kay Henry Bennett!" Pinakita nila kay Jenissa ang keychain na may nakasulat na AA. Ito rin ang parehong signature text na ginamit niya noong nagpapadala siya ng mensahe sa akin kaya ay hindi na siya makatanggi pa.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report