My Stranger Legal Wife
CHAPTER 16: New Beginning

Agad napansin ni Alora na wala na ang suot niyang bracelet. Kaagad niya iginala ang kanyang paningin. Ilang sandali lang ay natagpuan niya iyon malapit sa kama. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya nang makitang napigtas na iyon. "Nasira mo yata 'tong regalo ni Miss Ravina sa'kin." Malumanay ang pagkakasabi niya na para bang wala sa sariling nasabi niya iyon. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang kasama. Nanatili sa bracelet ang atensiyon nito. "Let me see." Agad namang lumapit sa kanya si Zeke.

Hindi namang umimik si Alora. Nanatili siya sa ginagawa nitong pag-ayos sa bracelet.

Hinawakan ni Zeke ang kamay niya dahilan para mapatingin ito sa kanya. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay kinuha nito ang bracelet na hawak ni Alora.

"Ipapaayos ko 'to bukas." Hindi na niya hinintay na makasagot ang kabiyak. Mabilis niyang inilagay sa bulsa nito ang polseras.

"Tara na, siguradong ready na ngayon ang dinner sa rooftop." Inihad pa nito ang kamay niya sa kanyang misis.

Puno ng pag-aalangan si Alora na iabot iyon ngunit nang mainip si Zeke ay siya na mismo ang humuli at humawak ng kamay nito.

"Ahm Zeke, hindi naman kailangan na magholding-hands pa tayo." Pinilit nitong bawiin ang kamay niya ngunit lalo lang hinigpitan ni Zeke ang hawak sa kanya.

"We need this. This to remind you that I am the one who's here."

Nagkibit-balikat na lamang si Alora. Mukhang hindi rin naman niya maipipilit ang gusto niya.

Huminto sila sa paglalakad nang tumapat sila sa kwarto ni Zeke. Nagtaka si Alora nang lumapit sila sa pintuan nito.

"May ibibigay pala ako sa'yo." Humawak si Zeke sa seradura at binuksan ang pinto. Marahan niyang hinila si Alora papasok. Marahan niya itong hinila palapit sa kama. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Alora. "Teka! Anong gagawin natin diyan?" Nakandautal-utal siya dahil sa pagkataranta.

"Dirty minded woman! We will not do it, tonight." Nakangising turan ni Zeke.

Agad naman siyang tinampal ni Alora sa braso.

"Ang bastos mo!"

Natawa naman si Zeke.

"Ikaw ang bastos ang iniisip, Alora. Anyway, dinala kita dito dahil may ibibigay ako sa'yo."

Nakaramdam naman ng pag-iinit ng pisngi ang dalaga sa sinabing iyon ni Zeke.

"Umupo ka na muna dito." Pinaupo niya ito sa kama at para namang tuod lang si Alora na hinayaan siya.

Lumapit si Zeke sa maletang nasa gilid ng kama at binuksan iyon. May inilabas siyang hugis parihabang karton at saka siya lumapit sa nakaupong si Alora. Nang makalapit ito sa kanya ay agad siyang paluhod na umupo sa harap nito. Inilabas niya mula dala niyang karton ang isang kulay rosas na pares ng indoor slipper. May mala-balahibo itong disenyo.

Napakislot si Alora nang hinawakan ni Zeke ang kanyang paa. Agad siyang nakaramdam ng kiliting tila ginigising ang kanyang dugo. Tinanggal ni Zeke ang suot niyang sapatos at para namang natuod si Alora habang pinapanood niya ito sa ginagawa nito. Nang matanggal niya ang sapatos nito ay agad nitong ipinalit ang indoor slipper.

"I've been thinking of you while buying this." Tumingin siya saglit kay Alora bago ipagpatuloy ang ginagawang pagtanggal ng isa nitong sapatos.

"Bakit mo ako naisip? I mean bakit mo ako naiisip sa tsinelas?" Sinubukan niyang mag-isip kung anong connection ng tsinelas sa kanya pero wala pumasok sa utak niya.

"Because slippers represent journey. I want you to remember me wherever you are just like how you never forget wearing your slippers every time you go out." Tiningnan siya nito sa mata at binigyan ng sinserong tingin.

"Eh pambahay naman 'to." Diretso ang titig nito sa indoor slipper na bumagay at sumakto naman sa kanyang paa.

"To make you remember that I am your home. Pwede kang pumunta kahit saan pero huwag mong kakalimutang uwian ako."

"Chessy ka rin pala, noh." Hindi na naiwasang matawa ni Alora.

"Ayaw mo ba sa binigay ko?" Gumuhit ang lungkot sa berdeng mata nito.

"Hindi naman ako mapiling tao, Zeke. Salamat dito sa tsinelas." Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit natawa siya ng bahagya habang sinasabi iyon.

"Pero alam mo sa yaman mo, ang kuripot mo sa part na 'to." Lalo pa siyang natawa.

Natawa na rin si Zeke. "May ibibigay pa ako sayo but promise me that you will accept it."

Agad naman nabaling ang tingin niya sa lalaking kaharap.

"Ano?"

"Promise me first."

"Hindi naman siguro bomba 'yan noh?"

"No." Natatawa itong umiling.

"Hindi naman siguro drugs 'yan."

"Ofcourse not. I am not into illegal, Alora." Pinigil nito ang lalong mapahalakhak.

"Then ano yan?"

"Mangako ka muna." Sumeryoso ang mukha nito.

"Sige na nga. Pangako."

"Akin na 'yang kamay mo." Kinuha niya ang kanang kamay nito.

"Close your eyes, Alora."

"Bakit? Teka! Hindi siguro ito prank, noh?"

"No. Ofcourse no." Napangiti na lamang si Zeke sa reaksiyon nito.

Ipinikit nito ang kanyang mga mata. Naramdaman nito ang pagdapo ng malamig na bagay sa kanyang kamay. Napakunot-noo siya nang parang humagod iyon sa ring finger niya. Hindi na niya tuloy naiwasan ang magmulat ng mata. Nanlaki ang mata niya sa nakita. "Hoy! Hala!" Mabilis niyang binawi ang kamay ngunit huli na dahil naisuot na ni Zeke ang singsing sa kamay nito.

"Nangako ka, Alora. Wala ng bawian."

Napasinghap nalang si Alora.

"It's not a wedding ring but take this a symbol of my genuine love for you."

Parang hinaplos ang puso ni Alora sa mga katagang iyon. Ngunit sa kabilang banda ay hindi niya maiwasang malungkot dahil wala siyang maalalang naging gano'n kasinsero ang kanyang dating nobyo.

"Tara na. Punta na tayo sa taas para sa dinner." Ngumiti ng matamis si Zeke sa kanya bago nito abutin ang kamay niya at hilain siya palabas ng Master's bedroom.

Nang makarating sila sa rooftop ni Zeke ay namangha siya sa nakita. Halos kalahati ng third floor ay parang garden. Bermuda grass ang nagsisilbing sahig nito. May mga tanim sa paligid na nakalagay sa mga porcelane pot. At karamihan sa mga iyon ay namumulaklak. Sa gitna ng garden ay naroon ang isang pabilog na mesa. May dalawang upuan doon at may mga pagkain na ring nakahanda roon.

Ang ibang bahagi naman ng ikatlong palapag ay may silong at mukhang bungalow house.

Hinila siya palapit ni Zeke patungo sa mesa. Ipinaghila din siya nito ng upuan.

"Pasensya na dito. It's not too romanctic just like----" Natigil siya sa pagsasalita nang hawakan ni Alora ang kamay.

"It's actually too much, Zeke. Pwede namang sa kitchen na lang eh."

Hindi naman naiwasang mamangha ni Zeke sa winika ni Alora. Agad nitong ginagap ang kamay ng dalaga at mabilis nitong ginawaran iyon ng halik.

Nanlaki naman ang mata ni Alora. At sa labis na pagkabigla ay agad niyang binawi ang kamay. Ngunit namali yata siya ng galaw dahil tumama ang buto ng kamay nito sa bibig ni Zeke.

"Hala! Sorry." Mabilis siyang tumayo at lumapit sa mister na sapu-sapo ang bibig.

"Sorry, hindi ko sinasadya." Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito.

"Patingin ako. Dumugo ba?" Hinawak siya sa pisngi nito at tinanggal ang kamay nito sa bibig.

"Hindi naman. I'm okay, Alora." Nakatawa nitong turan.

Agad siyang tinampal ni Alora sa braso.

"Huwag mo kasi akong ginugulat."

"Pansin ko. Next time, I know what to do." Nakangiting turan nito.

Agad ring hinuli ni Zeke ang kamay ng kanyang misis.

"Sorry rin sa nagawa ko kanina. Nawala rin ako sa sarili, sobrang lang akong nagselos." Ang tinutukoy nito ang ginawa niyang pambungad kay Alora. Alam niyang nasaktan niya, mapapansin na mamumula ang pulsuhan nito. Nakuha niya iyon sa ginawang pagkaladkad sa kanya kanina ni Zeke.

"Hindi mo naman dapat pagselosan si Franc."

Agad napakunot-noo si Zeke sa binanggit nitong pangalan. Alam niyang maraming Franc sa mundo subalit hindi pa rin niya napigil ang pagkabog ng kanyang dibdib.

"You mean, Franc Belmonte?" Naglakas-loob na siyang magtanong dahil sa kyuryosidad.

"Oo, kilala mo siya?" Tumingin muna sa kanya si Alora bago humakbang patungo sa upuan nito.

"She is your bestfriend's lover and the father of her son, right?"

Tumango naman si Alora bilang tugon bago umupo sa upuan niya.

"Is he really your friend?"

"Sa bata ako, close. Medyo ilag ako sa kanya." Hindi siya tinapunan ng tingin ni Alora. Inabala nito ang sarili sa paglalagay ng kanin sa plato nila ni Zeke. "Dinadala kasi ni Leina si Neil sa unit namin kaya close kami."

Hindi naman umimik si Zeke kaya napunta ang tingin nito sa kanya. Siya naman ngayon ang naglalagay ng kanin sa plato ng kanyang misis.

"Curious lang ako, anong naramdaman mo kapag binabanggit ko ang pangalan ni Leina." Hindi nito tinanggal ang tingin sa lalaking kaharap.

"I didn't know that Leina is her real name. So it's just like I heard a stranger's name."

"Eh kapag nabanggit ang name na Alora?

Agad namang napunta ang tingin ni Zeke sa kanya.

"I remember the woman I met at the restaurant a month ago."

"Weh? Iyong totoo?" Pinaningkitan siya ng tingin ni Alora.

"I used to call her Leigh." Natigil si Zeke sa pagsasalita at animo ay may biglang natanto. "Wait! Are you jealous?"

Agad namang nanlaki ang mata ni Alora sa tanong nito.

"Hoy, hindi! Ang kapal mo." Mabilis ang kanyang naging depensa.

"Don't deny it, I can feel it." Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ni Zeke.

"Hindi nga! Argh! Huwag mo akong asarin."

Natawa na lang si Zeke nang makita ang pamumula ng pisngi ng kaharap.

Naging masaya ang hapunang iyon sa dalawa. Tila ba ang sandaling iyon ay isang magandang simula para sa isang magandang lovestory. Subalit sa bawat malutong na tawa nila, umiigting naman ang maitim na balak ng kanilang kaaway.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report