My Stranger Legal Wife
CHAPTER 17: Intentions

Sinipat ni Zeke ang sarili mula sa salamin. Nakasuot siya ng kulay abong V-neck shirt at saka pinatungan niya iyon ng leather jacket. Tinernuhan niya iyon ng pantalon at rubber shoes. Simple lang ang kanyang suot ngunit hindi maitatangging mamahalin ang mga iyon. Sinipat niya ang kanyang napakagwapong mukha sa salamin bago humakbang palabas ng kanyang silid at tinungo ang kwarto ng kanyang asawa.

"Alora?" Kumatok ng tatlong beses si Zeke sa pintuan ng kwarto ng kanyang asawa.

Ilang sandali lang ay bumukas naman ang pinto. Bumungad sa kanya ang napaka-among mukha ng kanyang misis. Nakasuot ito ng kulay asul na blouse na tinernuhan niya ng pantalon at kulay puting rubber shoes.

"Let's go?" Gumuhit ang ngiti sa labi nito.

"Huwag na muna tayong lumabas ngayon, Zeke."

Agad namang nawala ang ngiti ni Zeke.

Lumipas na rin ang mahigit dalawang linggo mula nang mangyari ang tagpo sa rooftop. At napagkasunduan nila na kikilalanin nila ang isa't-isa. Kaya naman sa mga lumipas na araw, pagkatapos ng trabaho ng binata ay quality time naman niya sa kanyang misis ang haharapin. Nagkataong linggo ngayon kaya naman ang akala ni Zeke ay masosolo nila ang isa't-isa sa buong maghapon.

"May pupuntahan kasi ako eh."

"Where? Can't I come with you?"

"Pupuntahan ko sana si Leina."

Hindi umimik si Zeke.

"Kailangan ko siyang makausap. Pakiramdam ko kasi mali 'tong ginagawa natin. Feeling ko pinagtataksilan ko ang bestfriend ko."

"Are you trying to say that we should stop dating?" Gumuhit ang lungkot sa mga mata niyo.

"Hindi naman pero gusto ko sanang kausapin muna si Leina. Baka kasi magalit siya."

Napasimangot si Zeke sa kanyang narinig.

"She don't have any right to get mad. And you don't need her opinion, Alora. This is your own life, live the way you want it to be." Napabuntong-hininga na lang si Alora.

"Zeke, intindihin mo naman ako." Hinawakan niya ang kamay ng mister at saka ito tumingin sa kanyang berdeng mga mata. "Kaibigan ko si Leina. Ayoko namang masira kami."

"Kaya okay lang kahit tayo naman ang masira?" Hindi naitago ni Zeke ang hinanakit sa boses nito.

"Hindi sa gano'n. Gusto ko lang malaman niya habang maaga pa. At mas mabuting ako na rin mismo ang magsabi."

"Hindi mo naman ako iiwan, right?"

Humawak si Alora sa pisngi ni Zeke at masuyong tumingin sa mga mata nito.

"Hindi kita iiwan, Zeke." Nginitian niya ito bago bitawan ang pisngi ng kanyang mister.

"Gusto ko lang ipaalam sa kanya ang nangyayari. Parang kapatid ko na kasi Leina."

"Okay, fine! Pero sasamahan kita." Marahan niya itong hinila palabas ng kwarto nito. Dumukwang rin ito upang isara ang pinto.

"Ha? Parang ang awkward naman kung nando'n ka." Hindi naiwasang ngumuso ni Alora.

Mabilis naman sa kidlat ang ginawang paglapit ni Zeke sa mukha niya at ginawaran siya ng smack kiss sa labi. Agaran namang namula ang pisngi ni Alora.

"Hindi ako haharap sa kanya kung ayaw mo. I'll stay inside the car." Inakbayan siya nito at saka muling kinintalan ng halik sa pisngi.

Lalo tuloy namula si Alora na siya namang ikinatawa ng malakas ni Zeke.

Kung pwede lang ay ayaw ni Zeke Xavier na mawala si Alora sa paningin niya. Lagi siyang nag-aalala para sa kaligtasan nito. Nagsimula iyon matapos ang pag-uusap nila ni Art, isang linggo na ang nakakaraan. Dumaloy sa alaala nito ang nangyari.

"Nagawa ko na ang inuutos mo, sir. Nagawa na nating mapasok ang Melendrez Corp."

"Very good. Maaasahan ka talaga, Art."

"And about Richelle Ravina, sir."

Tumigil muna ito saglit sa pagsasalita. "You should see this."

Ipinatong niya ang cellphone niya sa desk ng kanyang amo.

Agad namang napunta roon ang tingin ni Zeke. Napakunot-noo din siya agad ng masuri iyon. Isa iyong litrato ni Richelle Ravina na may kasamang isang lalaki. Agad niyang dinampot ang cellphone at pinakatitigan ang larawan. "The man in the picture looks familiar." Hindi nito inalis ang tingin sa screen ng cellphone ni Art. Hindi rin nawala ang kanyang kunot-noo. Maya-maya lang gumuhit ang panlalaki ng mga mata ni Zeke nang masino niya kung sino iyon. "He is Kenneth!"

"Yes, sir. He is Kenneth Quino, ma'am Alora's boyfriend."

Agad dumako ang tingin niya kay Art.

Iniabot niya ang cellphone ni Art pabalik na agad naman nitong kinuha.

"Ex-boyfriend, Art." Pagtatama niya sa winika nito.

"Ah yes. I'm sorry, sir.

Napasandal siya sa kanyang swivel chair at saka napahalukipkip.

"So, bakit sila magkasama ni Miss Ravina?"

"We discovered that the two are fuck buddies, sir."

Napailing-iling naman si Zeke at hindi naitago ang pagkadismaya.

"Actually, they are doing it for almost two years."

"Damn that man! Argh! I want to punch his ugly face." Lumabas ang litid sa leeg ng kanyang amo tanda ng labis na gigil.

"At hindi lang yan, sir. Nadiskubre ko rin na hindi lang basta bracelet ang ibinigay ni Miss Ravina kay ma'am Alora."

Agad naman napabaling a kanya si Zeke.

"What do you mean?"

"May nakitang tracking device sa bracelet, sir."

"That's alarming, Art!"

"You're right, sir. It's like gusto nilang subaybayan si ma'am Alora."

"And the question is, on what posible reason?"

"Hindi ko rin alam, sir. Everything is clueless. Kung plano kasi nilang alamin ang location ni ma'am Alora para hindi sila mabuko parang wala namang silbi iyon kasi break naman na ang dalawa." "There must be a bigger reason, behind. That's why you need to dig more, Art. We should keep an eye on her."

"I already assigned one to look after her, sir."

"Good! That's good."

"Ang inaalala ko lang, sir, parte na rin siya ng company. Posible rin kasing galing siya sa kalaban nating companies."

"Should I fire her now?"

"Huwag muna, sir. Mas mabuting hindi muna siya makahalata na naghihinala na tayo sa kanya."

"Sabagay. One of the strategy to win is keeping your enemy close to you."

"At mas mabuti rin po kung ililihim muna natin 'to kay Maam Alora. Kapag mas maraming nakakaalam, mas malaki ang chance na pumalpak ang plano, sir."

Hindi naiwasan ni Zeke ang mapakunot-noo.

"Are you doubting my wife, Art?"

"Hindi naman sa gano'n, sir. Kaya lang po, hindi natin alam kung nagsasabi sila ng totoo."

"Ramdam kong nagsasabi siya ng totoo."

"Baka po kasi pera lang ang habol niya sa'yo, sir."

"If it's my money that she want then let it be. Afterall, I want to pamper her with luxurious life." Tumigil siya saglit sa pagsasalita. "Because I think I'm falling with my legal wife."

Totoo at galing sa kanyang puso ang huling salitang binitiwan niya sa harap ni Art ng araw na iyon. At habang tumatagal ay lumalalim ang damdamin niya para sa kanyang misis.

Nangyari nga ang plano nila, may palihim na nagbabantay sa kanyang misis at kay Richelle Ravina. At sa lumipas namang mga araw, walang nakitang kahina-hinala sa kilos ni Richelle. Tanging trabaho at bahay lamang ang naging destinasyon nito.

Ang nasirang bracelet naman ay ginawan nila ng replika na siyang ibinigay niya kay Alora upang hindi maghinala si Richelle. Hindi tuloy nila mawari kung may masama nga bang intensiyon si Richelle Ravina o kung nakahalata na ba ito. Lalo pang humigpit ang pagkakaakbay ni Zeke kay Alora nang bumalik siya sa realidad. At habang naglalakad sila ay manaka-naka niya itong kinikintalan ng halik sa pisngi.

At ang tagpong iyon ay nasaksihan ni Richelle mula sa bintana. Napakuyom ang kanyang kamao. Nang makalabas ang kotseng sinakyan ng dalawa ay mabilis din siyang bumaba. Agad niyang ginamit ang kotseng pinapagamit sa kanya ng kompanya. Sinubukan niyang sundan ang dalawa ngunit nabigo siya. Sinubukan niyang i-track ang lokasyon ng dalaga ngunit ang pulang marka na kanyang palatandaan ay nanatili sa loob ng mansiyon ni Fuentares. Lalo lang tuloy umusbong ang kanyang galit.

Ang galit na iyon ay nagawa niyang pigilin hanggang sa marating niya lugar kung saan siya maaaring maglabas ng hinanakit.

Kaagad na umalingawngaw ang sigaw ni Richelle Ravina sa loob ng condo unit ni Kenneth. Hindi pa siya nakuntento dahil lahat ng mahawakan niya ay pinagbabato nito.

Kalmante namang nakasandal si Kenneth sa nakasaradong pintuan. Nakahalukipkip ito habang walang kakurap-kurap na pinapanood niya ang ginagawa ni Richelle.

"Hindi pwede! Hindi pwedeng ganito!" Umiling-iling ito bago siya lumuhod at saka sinapo ang ulo.

Napailing na lang si Kenneth. Iginala niya ang paningin niya. Parang dinaanan ng bagyo ang kanyang unit. Nagkalat ang mga throw pillow. Wala na ring laman ang kanyang mini bookselves dahil lumipad na ito sa kung saan-saan. Basag na rin ang mga flower vase na display, maging ang figurine na display sa center table ay hindi na rin makilala.

"I think may nakalimutan ka, Chelle."

Agad naman napalingon sa kanya si Richelle Ravina.

"Nakalimutan mo 'yang lampshade. Baka gusto mong ibato na rin."

Lalo namang umusok ang ilong ni Richelle dahil sa narinig. Agad siyang tumayo at mabilis na lumapit sa lampshade. Mabilis pa sa kidlat niyang dinampot iyon.

"Oo nga, nakalimutan ko nga." Itinaas nito ang lampshade at iniamba iyon sa kanya.

"Opps! Chilax. I'm just kidding. Masyado ka kasing hot eh."

Inirapan siya ni Richelle bago muling ibalik ang lampshade sa kinalalagyan nito.

"Ano na naman ba kasing problema?"

Pagpasok kasi nito sa unit ng binata ay agad na lamang siyang nagwala at nanira ng mga gamit.

"Hindi na yata ako matatapos dito, Ken. Lahat na lang pabor na kay Alora." Muli niyang ibinalik ang tingin niya kay Kenneth. "Alam mo bang lagi silang lumalabas ni Zeke Fuentares?"

"Sumuko ka na lang kasi, Chelle. Tama na 'yong nasaktan si Alora dahil sa ginawa ko."

"Hindi mo kasi naiintidihan, Ken."

"Ipaintindi mo sa'kin."

"I will just be able to free myself from the past if Alora will be dead." "Nakaka-puzzle parin 'yang sinasabi mo. Ano ba kasing nangyari noon?" Lumambot ang hitsura ni Richelle.

"Hindi pa ako handang sabihin sa'yo."

Nagkibit-balikat na lamang si Kenneth.

"Ang akin naman, kung gusto mong lumaya, matuto kang magpatawad."

"Hindi gano'n kadali 'yon, Ken. The past keep on haunting me. Araw-araw akong binabagabag ng nakaraan. Kailangang mawala si Alora sa lalong madaling panahon bago pa ako masiraan ng ulo."

Naiiling na lamang si Kenneth. Pinilit na lamang niyang intindihin ang kanyang kaharap. Umaasa na lamang siyang babalik ang dating Richelle na kahit may pagkamalandi ay may mabuti namang puso.

....

Dumagundong ang kaba ni Alora nang pagbuksan siya ng pinto ni Leina. Maganda ang aura ng kayang kaibigan. Matamis ang ngiti nito. Nakasuot ito ng kulay dilaw na bestidang sleeveless na two inches above the knee ang haba. Para tuloy lalong lumiwanag ang hitsura nito.

"I'm glad you came." Agad siya nitong niyakap. "I miss you so much, Leigh."

Humawak ito sa kamay ni Alora at hinila siya papasok sa loob ng unit nila.

Hindi namang magawang ngumiti ni Alora dahil sa pagkakonsenya.

Napansin naman iyon ni Leina kaya agad niyang hinaplos ang pisngi ng kanyang kawangis.

"Is there any problem?" Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito.

"Leina, may kasalanan ako sa'yo." Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Alora. "Malaking kasalanan."

Napatitig naman sa kanya si Leina.

"Unti-unti ko na yatang nagugustuhan ang asawa mo."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Leinarie Melendrez.

"Then you should not consider it as a sin, Leigh."

Humawak ito sa pisngi ni Alora at masuyo siyang tumitig sa mga mata nito.

"I know hindi mahirap mahalin si Xav. I'm actually very happy kasi sa'yo siya mapupunta."

Bumitaw ito kay Alora.

"And finally! You've moved on from that jerk!"

"Hindi ka ba galit sa'kin?"

Lalong lumawak ang ngiti ni Leina.

"You're like a sister to me, Leigh. What makes you happy will makes me happy too."

Tinapik pa niya ito sa balikat.

"And besides, napakadami mo na ring nagawa for me. So who am I to get mad?"

"Salamat at naiintindihan mo ako, Leina."

Kaagad siyang napayakap sa kanyang kaibigan. Ginantihan din siya ng yakap ni Leinarie.

"All I want for you, my dear is a remarkable life." Bumitaw ni Leina sa pagkakayakap. At saka tumitig ito sa mata ni Alora.

"Your life will be unforgettable with Zeke, Alora." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi." And you have my blessing."

Muli naman siyang niyakap ni Alora.

"Thank you so much, Leina."

At sa sandaling iyon, pakiramdam ni Alora ay wala na yatang mahihiling pa. Biniyaan siya ng isang napakabuting kaibigan at ng lalaking pangangarapin ng karamihan sa mga kababaihan. Tuluyan na ngang nabura ang pangamba ni Alora dahil sa mainit na yakap ng kanyang matalik na kaibigan.

Ngunit ang hangarin ng taong lihim na namumuhi sa kanya ay 'di kailanman mabubura hangga't siya ay humihinga.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report