My Stranger Legal Wife -
CHAPTER 18: Unforgettable Date
Hindi mapalis ang matamis na ngiti ni Zeke habang nakatingin kay Alora. Kasalukuyan silang magkatabing nakaluhod sa loob ng simbahan. Habang taimtim na nagdarasal ang kanyang misis ay hindi nito tinanggal ang titig nito sa kanya na
para bang isang magandang tanawin.
Matapos mag-sign of the cross si Alora ay agad itong lumingon sa kanya.
"Tapos ka na magdasal?" Matamis ang ngiting iginawad nito.
"Hindi pa." Umiling pa si Zeke kasabay ng kanyang tugon.
Pinagsalikop ni Zeke ang kanyang dalawang palad at saka pumikit.
"Lord, thank you for bringing the lady kneeling beside me into my life. "
Hindi naman naiwasang mapangiti lalo ni Alora dahil sa narinig.
"Kaya lang Lord, she's still doubtful. Alam niyo po ba? Kasal kami pero parang hindi. Sana Lord, dumating na 'yong time na ma-realize niyang mahal din niya ako." Humawak si Alora sa braso nito.
Nang magmulat ng mata si Zeke at lumingon sa kanya ay binigyan niya ito ng masuyong tingin.
"Nagpasalamat din ako sa Kanya kasi nakilala kita, Zeke." Tumulo ang butil ng luha ni Alora.
"Why are you crying?" Agad nitong pinunas ang luha ng kanyang kabiyak.
"Masaya lang ako." Ngumiti ito sa kanya. "From now on, I will not be doubting anymore. Susubok na ako para sa atin. Dahil gusto na rin kita, Zeke."
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Zeke. Mabilis niyang niyakap ang kanyang misis.
"Thank you, Alora. Thank you so much." Kumalas ito ng yakap sa kanya at saka siya kinintalan ng halik sa labi.
Agad naman siyang pinalo ni Alora sa dibdib.
"Ano ka ba! Nasa simbahan tayo."
"Hindi namann kasalanan ang maging sweet sa asawa ah." Tumayo si Zeke mula sa pagkakaluhod. Pagkatapos ay inilahad niya ang kanyang palad sa asawa upang alalayan ito sa pagtayo.
Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa malaking pintuan. Bago sila tuluyang makalabas ng simbahan ay muling lumingon si Zeke sa altar. Sa kanyang isip ay inusal niya ang labis na pasasalamat sa pagdating ni Alora Leigh sa kanyang buhay.
Walang katumbas na saya ang mga lumipas na oras. Walang ginawa ang dalawa kundi ang mamasyal ng mamasyal. Ang huli nilang naging destinasyon ay ang kanilang romantic dinner sa isang mamahaling restaurant. Humawak si Zeke sa dalawang kamay ni Alora at iniharap ito sa kanya.
"I want to do more together with you before the day ends."
"Hindi ka pa ba pagod? Ang dami nating ginawa ngayon."
Kararating lamang kasi ng dalawa sa mansion mula sa kanilang maghapon na pamamasyal.
"Pakiramdam ko kasi napaka-common ng date na naibigay ko sa'yo." Napanguso si Zeke. Kinain siya ng insekyuridad dahil sa ideyang ang ginawa nila kanina ni Alora ay maaaring nagawa na rin niya kasama ang dati nitong nobyo. "Hindi ka ba nag-enjoy?"
"Hindi sa gano'n. All I want is to give you an unforgettable date. 'Yong date na 'di mo pa nararanasan."
"Star gazing tayo." Ngumiti sa kanya ito. "Hindi ko ba nararanasang gawin 'yon kasama ang iba."
Sumilay ang ngiti sa labi ni Zeke.
"Same with me." Hinila niya ang kamay ng kanyang misis. "Tara?"
"Pwede bang maligo muna tayo?" Natatawang turan ni Alora.
Tiningnan naman siya ni Zeke ng nakakaloko.
"Ba't ganyan ka makatingin?"
"Naiisip mo ba ang naiisip ko, wife?" Tumaas-baba pa ang dalawa nitong kilay.
"Ang halay mo!" Nanggigigil na pinalo ni Alora si Zeke sa braso. Natawa na lamang si Zeke dahil pulang-pula na ang pisngi ng kanyang misis.
"Ikaw ang mahalay diyan, wife." Lalo namang namula si Alora.
"Ikaw kaya!" Tinangka siya nitong paluin muli pero nagawa niyang makailag.
Lalo lang tuloy natawa si Zeke. Mabilis niyang niyakap ang asawang naasar habang pilit na pinipigilan ang tawa nito.
"Tara na, maligo na muna tayo." Hinila niya ang kanyang misis patungo sa silid nito.
"Hoy! Anong tayo? Ako lang mag-isa."
"Sabi ko nga."
"Siguraduhin mo lang." Pinaningkitan siya ng mata ni Alora.
"Opo, hihintayin lang kitang matapos."
Muli niyang hinila ang asawa sa kwartong tinutuluyan nito. Nang makapasok sila ay diretsong binagsak ni Zeke ang katawan niya sa kama. "Sige na, maligo ka na. Hindi kita papasukin." Hindi parin nito naalis ang malawak na ngiti.
"Pa'no ako makakasiguro?"
"Lock the door." Ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kaya naman kumilos na rin si Alora patungo sa banyo ng tinutuluyan niyang silid. Nang magsimulang marinig ang lagaslas ng tubig ay parang nagising ang inaantok na diwa ni Zeke Fuentares.
Nagmulat siya ng mata at saka tumagilid ng higa. Ngunit isa iyong pagkakamali dahil bumungad sa kanya ang glass wall ng banyo. Bagama't malabo iyon, hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang anino ng makurbang katawan ng kanyang asawa. Nakaramdam ng pag-iinit ng katawan si Zeke habang pinapanood niya ang pagpahagod ni Alora sa kanyang katawan.
Kaya bago pa niya maisipan pasukin si Alora ay dali-dali siyang bumangon at lumabas ng silid ng kanyang asawa. Kaagad niyang tinungo ang master's bedroom. Pagpasok niya sa loob ay walang paligoy-ligoy niyang tinungo ang banyo. Agad siyang tumapat sa shower para mahimasmasan. Nang basang-basa na siya ay saka lamang siya nagtanggal ng suot at itinuloy ang pagligo.
Gumuhit naman ang pagtataka sa mukha ni Alora nang makalabas siya ng banyo dahil wala na roon si Zeke. Suot-suot niya ang isang kulay krema na bestidang pantulog na sa loob na rin ng banyo niya isinuot. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng buhok nang makarinig siya ng katok sa pinto.
"Pasok! Nakabukas 'yan."
Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwa si Zeke. Nakasuot ito ng magkaternong pantulog na kulay dark blue. Basa pa ang buhok nito na halata ring bagong ligo.
"Ready ka na sa stargazing?"
"Oo, sandali na lang 'to."
Pumasok si Zeke sa loob at pumwesto sa likod ni Alora na nakaupo sa harap ng vanity mirror. Kinuha nito ang hawak niyang suklay at siya na ang nagtuloy sa ginagawa ng kanyang misis.
Namamangha na lamang si Alora habang pinapanood niya ang kanyang mister mula sa salamin.
Nang matapos si Zeke ay ipinatong nito ang kanyang baba sa balikat ni Alora. Nagtama ang kanilang mga mata sa salamin.
"Beautiful as always."
Kinintalan niya ito ng halik sa pisngi bago siya umayos ng tayo.
"Bolero! Tara na nga sa stargazing natin."
Magkahawak-kamay ang dalawa nang umakyat sila sa taas. Sa kanang bahagi ng rooftop ay may duyan roon kung saan siya dinala ni Zeke. Nauna itong humiga sa duyan habang si Alora ay nanatiling nakatayo sa harap niya. Nakita niya ang pag-aalangan ni Alora nang senyasan niya ito na tumabi sa kanya sa duyan. Kaya bago pa ito makaalma ay hinila na niya ang kamay ng kanyang misis. Bumagsak ang katawan nito sa kandungan ng niya. Tinangka nitong tumayo subalit agad na naipulupot ni Zeke ang mga kamay nito sa kanyang beywang.
Sandaling namayani ang katahimikan. Labis kasing naiilang si Alora sa kanyang mister.
Maya-maya lang ay tumikhim si Zeke para basagin ang katahimikan.
"What constellation do you want to locate?"
"Orion na lang ang natatandaan ko eh." Mahinang natawa si Alora.
"Sige nga? Show me where it is."
Agad namang umangat ang kamay ni Alora. Gamit ang kanyang daliri ay iginuhit niya ang Orion base sa pattern nito.
"Ako naman, wife. The ursa minor." Umangat naman ang kamay ni Zeke at pinagdugtong-dugtong ang mga tala na ayon sa pattern ng ursa minor.
"Ang dali naman ng sa'yo eh." Hindi naiwasang napanguso ni Alora.
"Okay, I'll make it more complicated. Let me locate the Ursa mayor." Muling umangat ang kamay ni Zeke at gamit ang kanyang daliri ay sinundan nito ang pattern ng ursa mayor. "Madali na lang yan eh kasi nahanap mo na 'yong ursa minor."
"Give me your hand, Alora."
Naguguluhan namang itinaas iyon ni Alora. Hinawakan ni Zeke ang kamay nito.
"Let's locate our constellation." Inalalayan nito ang hintuturo ni Alora gumawa ito ng pattern na sinundan lang naman ng tingin ni Alora.
"Heart shape!" Nakatawang naibulalas ni Alora nang matapos maibaba ang kamay nito.
"May pangalan kaya ang constellation na 'yan?"
"I don't know, wife. If it is not existing then let's make it exist." Humigpit ang yakap ni Zeke sa kanyang misis.
"Let us make it us a reminder that we are connected by heart."
"Okay, every night lagi ko siyang titignan para maalala ko ang espesyal na gabing 'to."
"You know what, nothing special with stargazing until I do it with you."
"Aysus! Ang chessy mo!"
"I'm just stating what's inside me. Pwede akong akong tumingin sa mga stars every night. But now, it's meaningful because you are in my arms."
Nang makaramdam ng pangangawit si Alora ay kumilos siya ngunit hindi sinasadyang nasagi ng kanyang pang-upo ang pagkalalaki ni Zeke. Naging dahilan iyon upang muling magbalik sa kaibuturan ni Zeke ang pagnanasang nadama kanina habang pinapanood ang anino ni Alora habang naliligo. Hindi na napigil ni Zeke ang sarili. Dumausdos ang kamay nito patungo sa hita ni Alora. Napaungol naman siya nang maramdaman niya kaiga-igayang init sa kaibuturan niya. Para bang ang nakakapasong init na nagmumula kay Zeke ay gumising sa kanyang diwa.
"Zeke." Parang naging ungol iyon sa pandinig ni Zeke.
"Let's make love, Alora."
Binuhat ni Zeke ang katawan niya at isang iglap ay nakadapa na ito sa kanyang ibabaw.
Inilapit ni Zeke ang mukha nito at unti-unting naglapat ang kanilang mga labi. Unti-unting lumalim ang kanilang mga halikan.
Ang mga kamay ni Zeke ay malayang naglakbay sa katawan ng kanyang misis. Natagpuan ng isang kamay nito ang maumbok na pang-upo ng kanyang asawa. Habang magkahugpong ang kanilang mga labi ay manaka-naka namang pinipisil iyon ni Zeke. Nagdulot naman iyon ng parang kuryente kay Alora.
Habol nila ang kanilang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
Iniurong siya pataas ni Zeke dahilan para magtama ang kanilang kaselan. Naramdaman ni Alora ang matigas na bagay na nakapukol sa kanyang ari dahilan upang mag-alab ang init sa kanyang katawan.
"Let's do it tonight, wife." Paanas na wika ni Zeke kasabay ng pagdausdos ng labi nito sa leeg ng kanyang misis. Sumabay roon ang paggala ng isa pang kamay ni Zeke. Humantong ang mga daliri nito sa hook ng kanyang bra. At nang dumausdos iyon patungo sa kanyang dibdib ay napaungol na lamang si Alora.
Hindi maitatanggi ni Alora na nagugustuhan niya ang ginagawa ni Zeke sa kanya. Isang bagay na sa kanya niya lamang naramdaman.
Unti-unti na ngang nabuhay ang pagnanasa ni Alora. Pagnanasang hindi niya gustong pigilan. Labis na siyang nalunod sa sensasyong dulot ng kanyang mister.
"Zeke." Napapikit na lamang siya sa labis na sensasyon.
Mukhang naintindihan naman ng kanyang mister dahil maya-maya lang ay binigyan siya nito ng masuyong halik. Habang ang mga kamay nito ay parang ekspertong tinatanggal ang kanyang suot na panloob. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay pareho silang nag-aalab. Itinaas ni Zeke ang damit ni Alora upang tuluyan itong mahubaran. Sumunod na hinubad ni Zeke ang kanyang pang-itaas na suot.
Nagtagpong muli ang kanilang mga labi, maalab, mapusok. Ang halik ni Zeke Xavier ay unti-unting dumausdos pababa sa kanyang dibdib. Napapikit at napaungol na lamang si Alora.
Humigpit ang pagkakahawak ni Zeke sa beywang at pang-upo ng kanyang misis. Hindi ito tumigil sa paghalik sa kanya kahit noong tumayo habang buhat-buhat niya si Alora.
Inilang hakbang lamang niya ang pintuang malapit lamang sa kinaroroonan.
Nang makarating sila sa loob ay marahan niyang inilapag sa Alora sa malambot sa kama. Mula sa dingding na gawa sa salamin ay natatanaw pa ni Zeke ang ang bituin sa madilim na gabi. Nang tanggalin ni Zeke ang natitirang saplot nito sa katawan ay napasinghap na lamang si Alora.
Nang maglapat ang kanilang hubad na katawan ay lalo pang tumindi ang pagnanasang pareho nilang nararamdaman.
Walang kasawaang halik sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan ang iginawad sa kanya ni Zeke. Parang sinasamba siya nito sa bawat pagdausdos ng labi nito sa kanyang balat.
Nang magtapo ang kanilang kaselanan ay napahigpit na lamang ng kapit si Alora sa matipunong katawan ng kanyang mister. Bumaon ang kuko nito sa balat niya, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa ligayang noon lamang niya nalasap. "I love you, Alora." Tanging ungol na lang ang naisukli ni Alora nang sabay nilang marating ang rurok ng ligaya.
Naulit pa ang tagpong iyon sa sumunod na sandali. Paulit-ulit nilang pinalasap sa isa't-isa ang pag-ibig. Mula sa dingding na gawa sa salamin, naging saksi ang mga maningning na bituin sa pagmamahalang sabay nilang iginuhit sa kadiliman ng gabi.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report