My Stranger Legal Wife -
CHAPTER 31: The Past 2
Sinipat ni Leinarie ang sarili sa salamin. Pinakatitigan niya ang kanyang mukha. Bilugang mata, malalantik na pilikmata, sakto lang ang tangos ng ilong at makipot na labi. "I am Alora Leigh Andrada now." Nausal niya sa kanyang isip.
Madaling napapayag ni Leinarie ang kanyang kapatid na gayahin niya ang mukha nito. Matapos nitong gamitin ang skills sa pag-arte at konting kasinunggalingan ay lumambot na ang puso nito. Kinagat ni Alora ang dahilan niyang gusto niyang takasan si Franc Belmonte.
"Utu-utong Alora." Nasambit niya habang nakatingin sa salamin.
Nakasuot siya ng kulay maroon na bestidang hapit na hapit sa kanya. Naglagay rin siya ng light make up sa kanyang mukha. Nang masigurong maayos na ang kanyang hitsura ay kaagad siyang sumakay sa kotse at pinuntahan ang lugar na kanyang pakay.
Puno ng kumpiyansa itong naglakad papasok sa loob. Alas dyes na rin ng gabi kaya naman marami na rin ang tao sa bar.
Iginala niya ang paningin. Sinaliksik ng mata niya ang kanyang pakay. At hindi naman siya nagkamali dahil natagpuan naman niya ito.
Nagtagpo ang kanilang mga mata ngunit una siyang nag-iwas ng tingin upang hindi siya masyadong mapaghalataan.
Naging malagkit ang tingin sa kanya ng bartender ngunit isinawalang bahala na lamang niya iyon. Wala siyang ibang gusto ngayong gabi kundi si Zeke Xavier Fuentares lamang.
May ilan ring lumapit sa kanya at nagpakita ng motibo subalit sinungitan lamang niya ang mga ito.
Nang lumipas ang mahigit isang oras at hindi parin siya linapitan ni Zeke ay naubos na ang kanyang pagtitimpi.
Matapos niyang bayaran ang kanyang bill ay tinungo na niya ang pintuan.
Itinanim na niya sa isip niyang hindi lamang si Zeke Fuentares ang gwapo, may abs at mayamang lalaki sa mundo.
Patungo na siya sa kanyang kotse nang marinig niya ang pagtawag. Hindi ng pangalan niya kundi ang pangalan ni Alora.
Nilingon niya iyon, at sa pag-ikot niya ay bumungad sa kanya si Zeke Fuentares na halos patakbong papalapit sa kanya.
"Miss Alora Andrada?" Barotino ang tinig nito. At mas gwapo pa pala ito sa malapitan. Nakakahalina ang kulay berdeng mata nito. Bagamat nagulat ay nagawa namang ibalik ni Leina ang kanyang komposyur.
"Yes, it's me."
"You forgot this." Iniabot nito ang kanyang pouch.
"Oh, thank you." Nginitian niya ito ng matamis kasabay ng pag-abot sa pouch. "By the way, you are..."
"Zeke Xavier Fuentares." Inilahad nito ang kanyang kamay na agad rin naman niyang tinanggap.
"How can I pay your good deeds, Mister Fuentares?"
"No need." Umiling pa si Zeke.
"No, I insist." Mabilis niyang sagot. "How about a dinner tomorrow?"
Doon nagsimula ang pagkakalapit nila ni Zeke Xavier. May mga pagkakataon na talagang sinasadya niya ang binata na kunwari ay nagkataon lamang. Nagbunga naman iyon dahil lalo silang nagkalapit. Labis ang kanyang ligaya nang ligawan siya nito. Ngunit ang labis na humaplos sa kanyang puso ay ang respetong ibinigay sa kanya ng binata. Isang bagay na hindi niya naranasan sa ibang lalaki.
Nang maging magkasintahan sila ni Zeke ay lalo pang naging sweet ang binata sa kanya na labis na nagustuhan ni Leinarie. Noon lamang niya maramdaman na may totoong nagmamahal sa kanya.
Nang pakasalan siya ni Zeke Xavier ay walang pagsidhan ang kanyang tuwa. Totoong ninais niya iyon dahil sa pera ngunit 'di naglaon ay nag-iiba na ang hangarin niya. Gusto na niyang manatili sa piling ni Zeke. Ito ang gusto niyang mundo. Handa siyang magbago at ibaon sa limot ang lahat.
Ngunit ang lahat ng plano ni Leinarie ay gumuho nang matagpuan siya ni Franc Belmonte. Nagsimulang magpadala si Franc kay Zeke ng mga scandal photos at videos na kinasangkutan niya noon. Nagdesisyon siyang harapin si Franc upang tumigil na ito sa panggugulo.
"I told you before, hindi mo ako matatakasan, Leina!" Ngumisi ito sa kanya.
"Hayop ka, Franc!" Pinaghahampas niya ito sa dibdib. "Maayos na ang lahat sa buhay ko! Bakit kailangan mo pang manggulo! Hayop ka!"
Sinalag ni Franc ang kanyang palo at tinitigan niya ito ng mariin.
"Mabuti akong tao, Leina. Pero ibang usapan na kapag ako ang ginago."
"I hate you! I hate you so much!" Nagpupuyos ito sa galit.
"May agreement tayo, Leina."
"Is this what you want." Dala ng galit ay naghubad siya sa harap ng kanyang lihim na asawa. Siya na rin ang lumapit rito at sumunggab ng halik. Hindi siya pinigilan ni Franc sa halip ay ginantihan rin niya ito ng mapusok na halik. Pareho silang naging mainit nang gabing iyon. At ang kapusukan nila ay hindi inaasahang nagbunga.
Noon rin nagsimulang lumamig ang pakikitungo sa kanya ni Zeke. Halos tumira na ito sa opisina. At halos hindi na siya nito uwian.
"Love is not real." Napahikbi na lamang siya.
"Kung si papa nga hindi ako magawang mahalin, ang ibang tao pa kaya?" Lalo siyang nahabag para sa sarili. Ngunit matapos niyang umiyak ng halos magdamag ay kailangan niyang bumangon kinabukasan at ipakita sa lahat walang makatitibag sa kanya.
Bumalik siya sa una niyang plano, matapos makakuha ng malaking halaga ay tinuloy na niya ang pag-iwan kay Zeke ng walang paalam. Muli niyang ginamit ang kanyang tunay na pagkakakilanlan. Wala na rin naman siyang dahilan para gamitin ang identity ni Alora.
Nang muli silang magsama ni Alora sa iisang bubong, nasaksihan niya kung gaano kasaya ang buhay nito. Ito ay base na rin sa mga kwento nito. "Tell me about your father." Pinigil niya ang sariling huwag maluha.
"Si Papa? Best father in the world siya. Very supportive siya at walang araw na hindi niya ipinaramdam ang pagmamahal niya sa'min ni Mama." Nangilid ang luha ni Leina.
"Ako dapat 'yon. Para sa'min dapat iyon." Nausal niya sa kanyang isip.
"Bakit ka umiyak, Leina?"
"Don't mind me. Naaalala ko lang si Papa." Totoo namang naaalala niya ang kanyang papa ngunit masakit na alaala nga lamang.
Labis siyang naiinggit dahil lumaki si Alora sa mundong puno ng pagmamahal at hindi nito naranasan ang bangungot na naranasan niya.
Umusbong ang inggit at bumalik ang galit na matagal na niyang ikinukubli.
Gustong-gusto na niyang sabihin rito ang totoo ngunit pinipilit lamang niyang magtimpi sa tuwing maiisip niyang magagamit niya si Alora sa oras na balikan siya ni Zeke upang gantihan.
Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, nadiskubre niyang matagal na siya hinahanap ni Zeke, hindi lamang siya nito matagpu-tagpuan dahil ginamit ni Franc ang pera at impluwensiya nito. Ang pinakamasakit sa lahat, ginawa niya iyon, hindi para sa kanya kundi para protektahan si Alora.
Lalong gumuho ang kanyang mundo. Noon na rin siya naging desidido sa paghihiganti.
Pinangako niya sa sariling bibigyan niya ng magulong buhay si Alora Andrada.
At upang maisakatuparan iyon, siya na ang gumawa ng paraan upang mahanap ni Zeke si Alora. Plinano niya ang lahat, maging ang paghiling kay Alora na magpanggap bilang siya. Pinag-apply rin niya si Richelle sa kompanya upang magsilbing mata niya sa mga nangyayari.
Buong akala niya ay paghihigantihan siya ni Zeke Xavier ngunit sa halip ay gusto pa nitong makipag-ayos.
Noon niya ipinasok si Kenneth sa eksena. Ang unang plano ay ang pagkabuko ni Kenneth na may iba itong babae upang masaktan si Alora. Ngunit nabago ang plano nang maisip niyang mas mahihirapan si Alora kung magagalit si Zeke at magkukunwaring galit rin si Kenneth. Naisakatuparan ang plano. At labis siyang natuwa nang masaksihan kung paano umiyak si Alora sa paghahabol kay Kenneth.
Ngunit wala ngang permanente sa mundo. Nawala ang ligayang kanyang nadarama at bumalik ang pagkamuhi niya nang magkamabutihan sina Zeke at Alora. Noon na nila isinakaturapan ang nangyaring set up sa Cerie Hotel. At ngayon, nasa harap na niya si Alora Andrada. Nasa kanya na ang tagumpay.
"Ready ka na ba Alora?"
Parang nanalamin si Alora. Pareho silang nakasasuot ng hospital gown. Nakalugay na rin ang buhok nito katulad niya.
"Bakit ganyan ang suot mo Leina?" Mababakas po rin ang luha sa mga mata nito.
"Dahil mamaya, uuwi ako sa pamilya mo. Ako na ang magiging Misis Fuentares at ako na rin ang tatayong ina ng mga anak mo." "Huwag mo gawin 'to. Please. Nakikiusap ako, Liena." Tumulo ang luha nito. Kitang-kita sa mata nito ang pagmamakaawa. Ngumisi ito.
"Pagpasalamat ka nga dahil bubuhayin pa kita."
"Parang awang mo na, Leina. Nakikiusap ako sa'yo. Gusto kong makasama ang mga anak ko." Lalong bumuhos ang luha nito.
"Huwag kang mag-alala dahil gagawin ko silang masaya. " Binigyan niya ito ng blankong ekspresiyon. "At lahat ng iyon ipapakita ko sa'yo. Magiging masaya ako kasama sila habang ikaw, ikukulong ko dito." "Huwag namang ganito Leina."
"Have you noticed? I sounds like you already. Unti-unti ko nang natutunan ang pananalita mo." Tumaas ang gilid ng labi nito. "Ang talino ko, right?"
"I beg to disagree. Kung totoong matalino ka, hindi na dapat humihinga ang babaeng 'yan." Sabat ni Richelle.
Agad siyang liningon ni Leinarie. Matalim ang titig na ipinukol nito kay Richelle Ravina.
"Will you shut up!"
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Mahina ka dahil hindi mo kayang patayin ang kaaway mo!"
"Tauhan lang kita! Ako parin ang amo mo! Isaksak mo 'yan sa kokote mong hindi marunong mag-isip." Mariing turan nito.
"Kahit kailan, hindi mo ako naging tauhan, Leinarie! Napilitan lang akong sumunod sa'yo dahil sa utang na loob!"
Bumalatay ang galit sa mukha niya. Nagngingitngit ang mga ngipin nitong idinuro si Leinarie.
"You manipulated me! Sana pala nagpakulong na lang ako. Dahil itong nangyayaring ito, mas masahol pa sa kulungan! Mas masahol pa nga 'to sa impyerno!" Ikinasa nito ang baril niyang hawak.
"And sad to say, I have to kill again."
Nanlaki ang mata ni Leina.
"Stop what you are planning!"
"No! Pagod na ako. Pagod na pagod na ako."
Itinutok nito ang baril kay Alora.
At bago pa makaalma ang kahit sinuman sa kanila, umalingawngaw na ang putok ng baril.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report