My Stranger Legal Wife
CHAPTER 32: Death

Pagbaba ni Zeke ng hagdan ay nabungaran niya si Franc Belmonte sa kanilang sala. Agad rin itong tumayo nang makita niya si Zeke. "I'm in a hurry, Mister Belmonte."

"I know. But give me few minutes, Mister Fuenteres. Kailangan mo lang 'tong makita."

Inilahad nito ang kanyang cellphone.

Kunot-noong iniabot iyon ni Zeke. Sa screen ay makikita ang isang video. Saglit pa niyang liningon si Franc bago niya pindutin ang play button. Humagikgik ang batang si Neil.

"Today we're gonna play my new car." Inilapit nito ang mukha sa camera. Inilagay rin nito ang kanyang palad sa gilid ng kanyang labi." Mommy brought this one." Pabulong nitong wika. Muli siyang humagikgik nang lumayo siya sa camera.

Bumalik ang tingin ni Zeke kay Franc. Pabalik nitong isinaksak sa dibdib nito ang hawak niyang cellphone.

"So what is this? You want me to watch your son's video? Nawawala ang asawa ko, Mister Belmonte! Wala akong panahon sa mga ganyan."

Humakbang ito paalis ngunit mabilis din siyang hinarang ni Franc.

"Ituloy mo muna kasing panoorin bago ka magsalita." Muling ibinalik ni Franc ang cellphone sa harap ni Zeke. Siya na rin ang pumindot ng play button nito.

Mula sa cellphone ay makikitang nilalaro ni Neil ang kanyang laruang sasakyan.

"Neil, baby."

Nabaling naman ang tingin ng bata sa tumawag.

"Mommy!" Ngumiti ang bata. Agad nitong binitawan laruang hawak at saka tumayo.

Maya-maya lang ay may lumapit sa bata. Nakasuot ito ng kulay itim na bestidang walang manggas. Umabot iyon sa kalahati ng kanyang hita na tinernuhan niya ng kulay itim na heels. Yumukod ito at humalik sa bata.

It's none other than Leinarie Melendrez. Malalaman iyon dahil sa make up nito at sa ayos ng kanyang buhok.

"Baby, I have a surprise for you." Ngumiti ito sa bata at saka itinaas ang hawak niyang tatlong piraso ng paper bags.

"Yehey!" Tumalon-talon pa ang bata dahil sa tuwa.

"But can you just open this inside the room. I have a visitor and we need to talk." Malumanay na turan ni Leinarie. "Yes mommy!"

Gumuhit naman ang tipid na ngiti sa labi ni Leinarie.

"Good boy."

Maya-maya lang nakita ang paglapit ni Neil sa camera ngunit hindi naman niya ito ginalaw, mukhang nilampasan nito ang camera.

Maya-maya lang ay unti-unting nawala ang ngiti ni Leinarie. Lumingon din ito sa kanyang kanan.

"Make sure it's good news."

Nakita sa video ang paglapit ng isa pang babae. Walang iba kundi si Richelle Ravina.

"Buntis si Alora."

"What?!"

"Narinig ko mismo. Buntis siya."

"Sinong ama?"

"Ofcourse, it's Zeke Fuentares. Alam naman nating dalawa na set up lang ang nangyari sa hotel. Alam nating pareho na walang nangyari sa kanila ni Ken." Nag-igting ang panga ni Zeke sa narinig. Nakita rin niya ang pagkuyom ng palad ni Leinarie.

"Hindi siya pwedeng mabuntis ni Xav. Masisira ang plano natin."

"Anong gagawin natin ngayon sa kanya?"

Napakagat si Leina sa kanyang hintuturo. Sandali itong natahimik. Gumalaw-galaw din ang mga mata nito na tila nag-iisip.

"Kailangan mawala ang bata." Lalong umusbong ang galit ni Zeke dahil sa narinig.

"Gusto mo bang patayin ko na siya?"

Agad na napalingon si Leinarie kay Richelle dahil sa tinuran nito.

"Ang bata lang sa sinapupunan niya ang kailangang mawala."

"Kaya ko siyang patayin. Abot kamay ko siya sa mansion."

"Hindi! Sinabing hindi!" Pinanlisikan niya ng mata si Richelle. "Are you deft?" Mataray na turan nito. "Hindi mo sasaktan si Alora." Puno ng pinalidad ang boses nito. "Ako lang! Ako lang ang dapat manakit sa kanya." "Okay, fine!" Pagsuko ni Richelle. "Anong dapat gawin?"

"We will kidnap her."

"Sige. Anong gagawin natin para makuha natin siya?"

"Susunugin natin ang mansion." Walang kagatol-gatol nitong saad. "Magpapadala ako ng pekeng rescue car. Kailangan maisakay doon si Alora."

Maya-maya lang ay narinig ang tunog ng doorbell.

"May bisita ka."

"I think it's Franc."

Bumalatay ang takot sa mukha ni Richelle.

"Huh? Hindi niya ako pwedeng makita."

"I know. Magtago ka muna sa CR. We'll talk the details later."

Maya-maya lang ay nakita sa camera ang pagtakbo ni Richelle patungo sa kusina. Kalmante namang naglakad si Leinarie.

Maya-maya lang ay narinig na ang pagtawag ni Franc sa anak. Nakunan ng video ang paglapit nito sa camera. Yumukod po ito at pinulot ang laruang iniwan ni Neil. Maya-maya lang ay dumako ang tingin nito sa camera. Lumapit ang kamay nito at maya-maya lang ay napokus na sa sahig ang camera.

Matapos ang ilang sandali ay natapos na ang video.

"Ipinakita ko ang video sa'yo dahil malakas ang kutob kong siya ang may kagagawan ng pag-kidnap kay Alora."

"Pero anong motibo nila?"

"Magkapatid sa ama sina Alora at Leinarie. Nagsimula ang lahat dahil mas pinili ng papa nila sina Alora at ang mama niya."

"Kung natuloy ang plano nila, baka wala na ngayon ang mga anak ko." Bumalatay ang sinseridad sa tinig nito.

"Hindi ako dapat makikialam sa plano ni Leina kaso hindi ako pinatulog ng konsensiya ko. Hindi ko plinanong itago is Alora. Ang gusto ko lang protektahan ang bata sa sinapupunan niya."

Iniabot ni Franc ang isang folder sa harap ni Zeke.

"Iyan ang mga tagong properties ng mga Melendrez. Maaaring isa sa mga 'yan dinala si Alora."

"Salamat sa lahat."

"Sige na, kumilos ka na. Iligtas mo si Alora para sa mga bata."

Puno ng pasasalamat ang mata ni Zeke bago humakbang palabas ng kanilang bahay.

Kasama ang mga pulis ay pinuntahan nila ang mga address sa listahang ibinigay ni Franc. Ngunit nagsimulang mawala ang pag-asa si Zeke. Mahigit bente-kwatro oras na sila sa paghahanap pero wala parin silang napapala. Ito na rin ang pinakahuling property na nasa listahan.

"Parang walang katao-tao dito." Patuloy parin sa paggala ang paningin ni Art.

Iginala ni Zeke ang kanyang paningin. Luma na ang mansion ng mga Melendrez. Buo pa ang mansion subalit nagtataasan na ang mga damo sa paligid. Nagkalat rin ang mga tuyong dahon sa bakuran. "Parang wala dito ang hinahanap natin."

Humakbang sila paalis ngunit natigil sila sa paghakbang nang umalingawngaw ang putok ng baril.

"Putok iyon ng baril!"

"Men, search the area." Mabilis na kumilos ang mga pulis at tinungo ang mansiyon.

"Mister Fuentares, mas mabuti pong magpaiwan na muna kayo dito."

Akmang hahakbang na pasunod si Zeke nang pigilan siya ni Art.

"Hayaan niyo na ang mga pulis, sir."

Muling umalingawngaw ang isa pang putok ng baril. Doon na tinanggal ni Zeke ang kamay ni Art na nakahawak sa kanya.

Mabilis itong tumakbo patungo sa direksiyong tinungo ng mga pulis.

"Sir!"

Ngunit parang walang narinig si Zeke kaya naman agad na ring inihakbang ni Art ang paa niya upang sundan ang kanyang amo.

"Itaas ang kamay! Mga pulis kami!"

Dumagundong ang kaba ni Zeke. Gustong-gusto na niyang makita kung anong nangyayari sa loob ng silid.

Maya-maya lang ay sumenyas ang pulis sa kasamahan niyang pumasok sa loob. Sumunod ito sa kanila habang diretso ang tingin at ang pagtutok nito ng baril.

Maya-maya lamang ay inilabas ng isang pulis ang isang babaeng nakaposas.

"It's all Arnaldo's fault. Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito." Nagkukumahog ito.

"Sa presinto ka nalang magpaliwanag, miss."

Nang palapit na ito sa kinatatayuan ni Zeke ay nagtama ang kanilang mga mata.

"Zeke! Zeke sabihin mo sa kanilang kasalanan ito ni Leiarie. Sabihin mo sa kanilang inosente ako." Pagmamakaawa ni Richelle. Pinipilit pa niyang kumawala sa pagkakahawak ng mga pulis pero hindi naman siya nagtagumpay. "Magdala kayo ng stretcher dito."

Doon na bumalik ang tingin ni Zeke sa pintuang pinasukan ng pulis kanina at kung saan inilabas si Richelle. Hindi na rin niya pinansin ang pagpapasaklolo sa kanya ng dalaga. Mabilis siyang humakbang sa loob.

Awtomatiko siyang napakapit sa hamba ng pintuan dahil sa nakita.

Sa sahig ay nakahandusay ang babaeng nakasuot ng hospital gown. Nakasaboy ang buhok nito sa kanyang mukha. At sa sahig ay umaagos ang dugong nagmumula sa katawan nito. "Alora." Halos pabulong na niyang nausal.

"Humihinga pa 'to." Napunta ang tingin ni Zeke sa nagsalita. Sa harap ng pulis ay may upuang gawa sa kahoy.

Mula roon ay may nakaupong babae. Nakatali ang beywang nito sa upuan. Ang mga kamay nito ay nakalagay sa likod ng upuan, halatang nakatali. Umaagos ang dugo sa bandang tiyan nito.

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Zeke nang mapansin nito ang suot ng babaeng naroon. Kaparehong-kapareho ito ng suot ng babaeng nakahandusay sa sahig.

Akmang hahakbang na siya sa loob nang hilain siya si Art. Parang tumigil ang ikot nang kanyang mundo. Parang tinakasan siya ng kaluluwa habang pinapanood ang rescuer na pumasok sa loob ng silid. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang ilagay nila ang katawan ng dalawa sa stretcher.

Nang magkasunod na ilabas ang katawan ng dalawa ay kusang humakbang pasunod ang mga paa ni Zeke.

Dinala nila sa pinakamalapit na hospital ang dalawa.

Sabay na ipinasok angmga ito sa emergency room. Hindi naman malaman ni Zeke ang gagawin. Paroon at parito siya ng hakbang.

Nang bumukas ang pinto ay lalong lumakas ang tibok ng kanyang dibdib.

"Kayo ba ang pamilya ng mga pasyente?"

"Yes, Doc"

Bumalatay ang lungkot sa mukha ng Doctor.

"Ginawa po namin ang lahat ng makakaya namin. Hindi po namin nagawang mailigtas ang isa sa kanila. I'm sorry."

Tila pinagsakluban ng mundo si Zeke dahil sa narinig. Ngunit ang tanong....

Sino ang nakaligtas?

Sino ang namatay?

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report