OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 34: I’LL HELP YOU

DASURI

"Hindi ka pa rin ba tapos gamitin 'yung phone ko?" tanong sa akin ni Sora habang nasa garden kami at nagpapahinga.

Matapos ko kasing kausapin si Ms. Soo, napagkasunduan naming dahil sa absences ko kailangan kong magkaroong ng special project sa kanya para maging fair sa ibang estudyante. Ipapatawag na lang daw ulit nya ko once na maisip na nya 'yung ipapagawa sa Akin. Pumayag na ko, as if naman kasing may choice pa ako diba? Tss.

"Saglit lang, hindi pa rin kasi sumasagot si hubby."

Hiniram ko kasi 'yung phone nya. Nangako kasi ako kay Kai na tatawagan sya once na magkita na kami ni Sora. Hindi ko parin kasi nahahanap 'yung nawawala kong phone.

Anak ng tokwa! Sino naman kaya nagkainteres 'don? Tss.

"O, eto na nga. Baka busy pa sya kaya hindi sumasagot." Sabay balik ko sa kanya ng phone.

Kinuha naman nya 'yon. "Ikaw naman kasi ilang oras pa nga lang kayo nagkakahiwalay. Tinatawagan mo agad. Wag kang masyadong clingy. Baka magsawa agad sa'yo 'yung asawa mo. Ikaw rin." Paalala pa nya.

"Hindi naman ako ganon 'no. Si hubby kaya 'yung nag-utos na tawagan ko sya."

"E, bakit ayaw nyang sagutin kung totoo yung sinasabi mo?"

"Aba, malay ko. Basta nagsasabi ko ng totoo. Period." Grabe. Pagdudahan daw ba ko? Kaloka talaga 'tong mga kaibigan ko e. Di ako pinapaniwalaan. Hmp.

"Kumain na nga lang tayo. Gutom lang yan," aya ni Sora. Hindi na ko tumangi. Nagugutom na rin naman talaga ko e.

Pagpasok namin sa cafeteria, as usual, parang gyera na naman ang tema ng mga estudyante. Matapos ang mahabang pila, yung mapu-pwestuhan naman ang magiging problema. Kasalukuyan pa kaming naghahanap ni Sora nang mauupuan nang may kumuha ng atensyon namin.

Si Chunji na kumakaway samin, "Ri, Ri, dito na lang kayo maupo. Dali, may vacant pa dito."

"Tayo ba 'yung kinakausap 'non?" nagtatakang tanong ni Sora. Nagkibit-balikat lang ako atsaka naglakad patungo kay Chunji.

"Yah, Ji. Kung makagala ka sa school namin, parang estudyante ka dito ah." biro ko pagkalapit sa kanya.

Nginisihan naman nya ko. "Ganon talaga, kyut ako e."

Umasim bigla ang mukha ko, "Konek 'non?"

"Wala. Gusto ko lang talagang sabihin na kyut ako. Hehe. Maupo na nga kayo. Baka ugatin na kayo dyan." Sinunod naman namin s'ya ni Sora. Sabay kaming naupo sa mga bakanteng upuan.

Nagulat naman ako nang makilala ko 'yung lalaking nakaupo sa harap ko. Nagsisimula na syang kumain at parang walang pakialam sa mga tao sa paligid. Napaismid lang ako habang nakatitig sa kanya. Kung alam ko lang na dito rin pala nakaupo ang mokong na 'to, hindi ako papayag sa alok ni Chunji. Nahaharangan nya kasi 'to kanina kaya hindi ko napansin.

"O, dito rin pala nakaupo si L. joe?" naulinigan kong tanong ni Sora na nakaupo sa tabi ko. Bale, sya naman ang kaharap ni Chunji.

"Woah, kilala mo rin si L. joe? Ibang klase ka talaga, bro. Hindi mo man lang sinabi na may kakilala ka pa lang kyut na nilalang. Pinakilala mo lang sana ko." saad ni Chunji habang pasimple pang kumindat kay Sora. Inirapan naman sya nito na naging dahilan para mapaubo si Chunji.

"Ehemp, joke lang po. Baka na-offend ka. Hehe. Anyway, ako nga pala si Chunji, friend ni Ri, at best friend naman ni L. joe. Nice to meet you. Ano pa lang pangalan mo?" inilahad pa nya 'yung kamay nya para makipag-shake hands kay Sora pero tanging pagtitig lang ang natanggap nya mula rito. Binawi na lang nya ulit tuloy 'yon para hindi na mapahiya pa.

"Ahh, ganda naman ng pangalan mo. Sa sobrang ganda hindi ko na maalala. Haha."

Pinigilan ko ang sarili ko na tumawa ng malakas. Ngayon ko na lang naiintindihan kung bakit walang nagiging girlfriend 'tong si Ji. Mahina dumiskarte e. Hahaha.

Hinayaan ko na lang 'yung dalawa sa pagkukulitan. Kinuha ko na 'yung chopstick ko at sumubo nang pagkain. Isang kimchi spaghetti kasi 'yung inorder ko. Kakasubo ko pa lang ng unang beses nang mapatingin ako sa pwesto ni L.joe. Napatigil ako sa pagsubo nung noodles nang mapansin ang pagtitig na ginagawa nya sa'kin. Hinintay kong bawiin nya 'yung tingin nya pero hindi nangyari. Parang nage-enjoy pa nga syang titigan ako.

"Problema nito?" bulong ko sabay subo na nang tuluyan. Nilunok ko muna lahat ng pagkain sa bibig ko bago sya kinausap.

"Bakit mo ko tinititigan? May dumi ba ko sa mukha?" inosente kong tanong. Napalingon din sa amin sila Chunji at Sora nang marinig ang naging tanong ko. Sabay-sabay naming hinintay ang magiging sagot ni L. joe.

"I wasn't looking at you." Simple nitong saad.

Nagsalubong bigla ang dalawang kilay ko. Ipinapalabas ba nyang nagiilusyon lang ako, ganon? Tatarayan ko na sana sya nang bigla itong tumayo at magtungo sa mesa sa likod namin.

May isang grupo 'don ng mga babae na naguusap-usap. Nagtungo sya doon at nilapitan 'yung asong dala-dala ng isa sa mga babae. Lumuhod sya't hinimas-himas yung ulo ng aso. Kinausap pa nya 'yung amo ng aso na halatang kinilig sa ginawa nyang paglipat. Napalingon naman ako kay Chunji nang marinig ko syang magsalita.

"Hay naku, hindi parin sya nagbabago. Ganyan talaga 'yan, kapag nakakita ng aso laging nilalapitan. Masanay na kayo. Haha." hindi ko alam pero parang nainis ako nang malamang hindi pala ako 'yung tinititigan ni L. joe. Siguro kasi pakiramdam ko napahiya ako. Tsk.

Kinuha ko na lang ulit yung chopstick at nagpatuloy sa pagkain. "Wag ka kasing masyadong assumera Dasuri. 'Yan tuloy napapala mo." saad ko pa sa sarili ko habang masama ang loob na chinachopstick yung kinakain ko. Matapos ang maghapong pagliligalig sa school. Wala kasing klase, ipinasya na naming umuwi nung bandang ala-singko na ng hapon. Ilang beses ko ring tinawagan si hubby pero hindi parin sya sumasagot. Gusto ko sanang tawagan kahit isa man lang sa mga kagrupo nya kaso wala nga yung phone ko para gawin 'yon. Ano ba kasi 'yung pinagkakaabalahan nya para dedmahin lahat ng tawag ko? Aisst.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Paano Dasuri, una na ko? Babye. Ingat." Paalam ni Sora pagkalabas naming building.

Iba kasi yung direksyon ng unit na tinitirhan nya kaya maghihiwalay na kami. Tapos pinauna ko na sya kasi subukan ko munang maglakad-lakad sa field. Baka kasi bigla kong sunduin ni Kai. Nagpapamiss lang pala kaya hindi sinasagot 'yung mga tawag ko. Alam nyo naman, minsan pabebe rin. Haha. "Sige bye. Kita na lang tayo bukas." Saad ko pa. Pagkaalis ni Sora, nagtungo na nga ko sa field. Habang nalalakad-lakad, napunta ko sa part ng school na hindi masyadong tambayan ng mga estduyante.

Malapit 'yon sa stock room na pinagiimbakan ng mga sirang gamit ng school. Sa hindi inaasahang pangyayari, may naulinigan akong naguusap sa di kalayuan. Nacurious ako kaya lumapit ako roon. Pero ang mas ikinagulat ko e nung makilala ko kung sino sila.

Si Chunji at L. joe, seryoso silang naguusap malapit sa kwartong pinagiimbakan ng mga sirang gamit. Napansin ko pa ang paninigarilyo ni L. joe. Nagulat ako kasi kahit alam kong may pagkaastang bad boy ang mokong na 'to. Never ko parin syang nakitang manigarilyo sa harap ko. Mas lumapit pa ko para makinig sa usapan nila.

"Alam mo na naman siguro kung bakit ako pinasunod dito ni Tita," panimula ni Chunji. Bigla kong kinabahan, bakit kasi ang seryoso nila pareho. Nakakapanibago.

"Of course, I know." Pahayag naman ni L. joe sabay hithit ng sigarilyo. Naiinis akong makita syang ganyan.

"Bro, wala ka ba talagang balak na sundin ang gusto nya? Para sa'yo rin naman 'yon. H'wag mong idaan sa galit. Paano kapag nawala na sya? Saka ka pa magsisisi kung bakit hindi mo sinunod ang gusto ng iyong ina? Payong kaibigan lang," hinawakan pa ni Chunji yung balikat nya saka 'to tinapik-tapik.

"H'wag mong sayangin ang oras. Hangga't may pagkakataon ka pa, kumilos kana. Mahirap magsisisi sa huli. Maniwala ka."

Yun lang ang sinabi nya at pagkatapos ay iniwan na si L. joe roon na mag-isa. Naglakad si Chunji papalapit sa pwesto ko pero hindi ako umalis o nagtago man lang. Hinayaan ko syang makita ko. Sinenyasan ko syang manahimik. Kahit nagulat nang makita ko, sinunod naman nya ang gusto ko at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Nilingon ko muna ulit si L. joe bago sumunod kay Chunji.

"Anong ginagawa mo 'don, Ri? Nakikinig ka ba sa usapan namin ni L. joe?" bungad sa'kin ni Chunji nang magtagpo kami sa garden ng school. Sinenyasan ko kasi sya kanina magkita kami dito.

"Hindi ko namang intensyong makinig sa usapan nyo. Napadaan lang naman ako doon at hindi sinasadyang malaman ang tungkol sa usapan nyo." Depensa ko agad.

Napabuntong-hininga naman si Chunji sabay upo sa bench. Kahit na naiilang talaga ko sa pagiging seryoso nya ngayon. Pinili ko paring maupo sa tabi nya't magtanong.

"Ji... alam ko hindi tamang mangialam ako sa buhay ng may buhay. Pero okay lang ba kung magtanong ako tungkol kay L. joe? Sa totoo lang kasi, napalapit na ko sa kanya pero wala pa rin akong alam tungkol sa buhay nya, sa pamilya nya. Masyado kasi syang private na tao. Hindi rin naman ao nagtatanong kasi baka ma-offend sya." pahayag ko.

"Kaya sa akin ka nakikichismis?" nilingon pa nya ko pagkasabi 'non. Hinampas ko nga sya. Mabuti naman at bumalik na sya sa normal. Nakakailang kasi talaga na makita syang seryoso.

"Hindi 'no. Grabe ka sa akin."

Ngumiti si Ji bago nagsimulang magkwento, "Si L. joe, para syang x-rated video sa YouTube. Hindi lahat pwedeng makaopen pero once na magkaroon ka ng access, masasabi mong worth it." Ngiting-asong pahayag nito. Hinampas ko na naman sya.

"Yah! Ano ba 'yang pinagsasabi mo. Nakakahiya ka!" nakakaloka. Maghahanap na lang ng ikukumpara kay L. joe, yon pa. Bwisit talaga 'tong si Ji. Bigla tuloy namula yung dalawang tenga ko.

"Hahaha. Ang pula mo. Hahaha. Pinapatawa lang naman kita. Masyado ka kasing seryoso. Hahaha." At talagang nagawa pa nitong tumawa.

Argh. Sinamaan ko nga sya ng tingin.

"Yah," Umayos naman sya.

"Okay, seryoso na."

"Tama ka, masyadong malihim si L. joe pagdating sa mga bagay-bagay tungkol sa kanya pati na sa pamilya nya. Pero hindi ko sya masisisi. Bakit? Kasi maski ang buong pagkatao nya ay isang lihim na matagal nang itinatago. Isa syang anak sa labas ng kinikilala at ginagalang na politiko ngayon. One of the most successful and influential man in Seoul."

"Ang ina naman nya ay kinoronohang Miss. Korea sa panahon nya. Nagkakilala ang parents nya matapos mapanalunan ng kanyang ina ang trono bilang pinaka magandang babae sa Korea. Maganda ang naging pagsasama ng dalawa kahit pa sabihing kabit lang ang ina ni L. joe. Nang magbunga naman ang pagmamahalan nila, napilitan ang ina ni L. joe na manirahan sa U. S para hindi masira ang iniingat-ingatang pangalan ng kanyang ama. Hanggang ngayon naman pinapadalhan parin sila ng pera ng kanyang ama kaya nga maraming pera 'yang si bro."

"Kaya lang, nung nagkaisip sya at nalaman ang kwento tungkol sa kanyang mga magulang. Namuhi si L. joe sa sariling ama, pakiramdam nya kasi ipinatapon sila ng kanyang ina. Mas pinili nito na pangalagaan ang pangalan imbes sa kanilang mag-ina. Simula noon, never nang kinausap ni L. joe ang kanyang ama. Kahit pa ngayon na meron na itong malubhang sakit." Napasinghap ako nang marinig 'yon.

"Ano? Kung ganon na may sakit pala ang papa nya. Dapat lang na bisitahin nya ito bago mahuli ang lahat." Nagugulimahanan kong pahayag.

"Yon nga din 'yung sinabi ko sa kanya. At yon din ang dahilan kung bakit pumunta ko dito sa Seoul, susubukan ko sanang baguhin ang isip nya. Kaso mukhang uuwi akong luhaan." Malungkot na pahayag nito.

"Bakit mo naman nasabi 'yan? Hindi ka dapat sumuko agad. Kailangan mapapayag mo si L. joe na bisitahin ang ama nya bago mahuli ang lahat." Buong kumpyansa ko pang saad.

"Sana nga ganon lang 'yon kadali. Matigas ang ulo ng kaibigan kong 'yon. Mama nga nya hindi nya sinusunod. Ako pa kaya?" may halong pagsuko nitong pahayag. Umiling-iling naman ako.

"H'wag kang sumuko. Tutulungan kita." Suhestyon ko. Ayokong magsisisi si L. joe sa huli. Kaya hangga't may oras pa, dapat na kaming kumilos.

Mukha namang nabuhayan si Chunji, "Talaga? Tutulungan mo ko, Ri?" nangniningning pa nitong pahayag.

"Ahh... oo, sana lang makatulong ako." Bigla kong kinabahan sa naging tanong ni Ji. Para kasing may kakaiba sa kilos nya.

"Alright! Sabi mo 'yan. Wala nang bawian." Tuwang-tuwa nitong pahayag. Kinuha pa nya ang mga kamay ko at inalog-alog 'to habang nakangiti.

"Oo nga, kaso...paano pala natin gagawin 'yon?" ngayon ko lang narealized, hindi pala 'yon ganon kadali. Hehe.

Huminto naman sa pagiging kikinsot si Chunji at bigla kong hinarap nang seryoso. Naglean pa sya sa akin at saka bumulong, "Hindi mo na kailangan ng plano. Ikaw lang sapat na." "Eh?"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report