OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 35: THIRD WHEEL

DASURI

Matapos ang naging usapan namin ni Ji, nag-iwan sya sa akin ng isang palaisipan. Hanggang ngayon hindi ko parin maisip kung ano ba ang ibig nyang sabihin sa sa mga salitang binitawan nya?

"Oo nga, kaso...paano pala natin gagawin 'yon?" ngayon ko lang narealized, hindi pala 'yon ganon kadali. Hehe.

Huminto naman sa pagiging kikinsot si Chunji at bigla kong hinarap nang seryoso. Naglean pa sya sa'kin at saka bumulong, "Hindi mo na kailangan ng plano. Ikaw lang..... sapat na."

"Eh?"

"Anong ako lang sapat na? Arrgh, nakakaloko naman 'yung sinabi nya. Ang dami kayang meaning." Saad ko pa habang umiiling-iling.

Lumabas ako sa kwarto namin ni Kai at sumilip sa labas. Madilim na pero hanggang ngayon wala parin ang asawa ko. Tumawag ako kay Jamie unnie gamit ang telepono namin pero maski sya hindi masabi kung anong oras makakauwi si Kai. Nakakapagtaka nga e, para kasing aligaga sya nang kausapin ko. Hindi naman sya dating ganon.

Hmmm.

Binuksan ko na lang 'yung tv atsaka naupo sa sala. Naghanap ako ng pwedeng panoorin. "Ano ba 'yan. Inaantok na ko. Tagal naman kasi ni hubby." Bulalas ko pa.

Hindi naman nagtagal, nararamdaman ko na ang unti-unting pagbigat ng magkabilang pilik-mata ko. Kahit kasi wala kaming klase ngayon, napagod pa rin ako dahil sa naging byahe namin pabalik ng Seoul. Makalipas ang ilang minuto, hindi ko na nakayanan at tuluyan nang napapikit.

Mahimbing akong natutulog sa ibabaw ng aking kama. Nakapatay ang ilaw at tanging sinag mula sa buwan sa labas ng aking bintana ang nagiging linawag sa buo kong silid. Tahimik sa paligid, wala kahit kaunting ingay ang maririnig. Hinigit ko ang unan sa aking tabi at niyapos ito nang mahigpit. Patuloy sa aking pagidlip, nakaramdam ako nang kakaibang bagay mula sa ilalim ng aking kumot na puti. Sinubukan kong isawalang-bahala iyon pero hindi talaga ko mapalagay. Iminulat ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang bagay na iyon.

Natuon naman ang aking paningin sa mga bakas sa gilid ko na nagmamarka sa kumot. Para bang may kung anong bagay ang gumagalaw mula rito. Nakaramdam ako nang pagkaba. Lalo na nang mapansin kong wala sa tabi ko ang aking asawa. Tuluyan nang nagising ang aking diwa. Kasabay nang mabilis na tibok ng aking puso. Nag-ipon ako ng lakas ng loob at dahan-dahang tinatanggal ang nakatakip na kumot sa aking katawan.

Nagimbal ang buo kong pagkatao nang may makita kong ahas na nasa mismong tabi ko. Sinubukan kong sumigaw at tumakas pero para kong napako sa aking pagkakahiga. Tanging pagtitig lang ang naibigay ko habang dahan-dahang gumagapang ang ahas sa aking braso. Nililingkis nya iyon habang ang kanyang ulo ay papalapit ng papalapit sa aking mukha. Gusto kong humingi ng tulong! Tawagin ang pangalan ng aking asawa! Pero tanging pag-ungol lang habang tumutulo ang luha sa aking mga mata ang aking nagawa.

"Kai! Nasa'an ka ba?! T-Tulungan mo naman ako o, p-please...."

"Dasuri, Wifey?! Wake up!" Pagmulat ng aking mata bumungad sa akin ang mukha ng aking asawa.

Nakatitig ito sa akin habang sinusubukan nya kong gisingin. I feel relieved nang makita ito. Niyakap ko sya nang mahigpit. Sobra kong natakot sa napanaginipan ko. Pinagpawisan ako kahit malamig naman dito sa sala.

"Okay ka lang?" nag-aalala nitong tanong habang nasa tapat ko. Tumango-tango naman ako kahit may bakas pa ng luha sa aking mga mata. Ano ba kasi 'yon. Bakit bigla na lang ako nanaginip ng nakakatakot.

"Are you sure? Para kasing ang sama nang napanaginipan mo. Kanina pa nga kita ginigising pero tanging pag-ungol lang 'yung ginagawa mo." nag-aalala nitong pahayag. Huminga naman ako nang malalim bago sya harapin. Bahagya akong dumistanya mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Okay lang talaga ko. Nilamig lang siguro ko kaya bigla kong bianangungot." Ngumiti pa ko para mapaniwala sya. Tinitigan pa nya ko saglit bago naniwala. Ayoko nang i-kwento yung tungkol sa napanaginipan ko. Hindi naman siguro magkakatotoo 'yon.

"Next time kung inaantok ka. Doon ka sa kwarto natin matulog at hindi dito. You made me worried." Kunot-noo nitong pahayag. Nagpeace sign naman ako dito. "Okay po. Hehe."

"Bakit ngayon ka lang? Umaga na ba?" kiniskis ko pa ang dalawang mata ko para tanggalin ang antok.

Umiling sya't umupo sa tabi ko, "Nope, alas-onse pa lang ng gabi." Namilog ang mga mata ko dahil 'don.

"Ano?" napasulyap ako sa orasan at nakumpirma 'yon. Napansin ko pa 'yung tv na bukas parin hanggang ngayon. Mukhang nakatulugan ko na 'yon kanina.

"Sorry kung ginabi na ko. Tinapos pa kasi namin 'yung photoshoot. Kumain kana?" hinaplos pa nya ang buhok ko at inipit sa aking tenga.

Umiling-iling ako bilang sagot. "Di pa, hinihintay kita e."

Lumapit ako sa kanya at niyakap ito. Idinikit ko rin ang mukha ko sa dibdib nya bilang panlalambing. "Bakit hindi mo sinasagot 'yung tawag ko? I was calling you hundreds of times. Nakakatampo ka, alam mo 'yon." Sabay hampas ko pa sa dibdib nito. Naagapan naman nya 'yon at hinawakan ang kamay ko,

"Aww. Nagtatampo sa akin ang wifey ko? Ahm, sige. What should I do para hindi na sya magtampo sa akin?"

Tumingala ako para salubungin ang tingin nya. Binitawan nya naman ang kamay ko't pinanghawak 'yon sa aking mukha. He leans on me and kiss the tip of my nose.

"I love you," saad pa nito. Napangiti naman ako nang marinig ang kanyang sinabi.

"I love you more." Sagot ko naman sabay subsob sa dibdib nya.

Masyadong kong kinikilig kaya itinago ko ang mukha ko rito. Ayokong makita nya ang pamumula nang magkabilang pisngi ko.

Napahinto lang ako nang may mapansin akong kakaiba. Inamoy-amoy ko muna ang damit nya bago sya muling harapin. Tinignan naman nya ko habang walang kaalam-alam sa ipinagtataka ko.

"Uhm, hubby. Nagpalit ka ba ng pabango?" tanong ko rito.

"Bakit?" gulat nitong tanong.

"Ahmm, para kasing nagbago 'yung amoy ng pabango mo. Parang...naging pambabae?" nagtataka kong tanong.

Natigilan naman sya at napaisip sandali. Maya-maya pa, nagulat ako nang bigla syang tumayo at lumayo sa akin,

"Sandali, cr lang ako."

Napakamot na lang tuloy ako sa ulo ko. "Ang weird naman. Bakit bigla syang tumayo? Tss."

Pagbalik ni Kai mula sa banyo. Naayos ko na 'yung hapagkainan. Ininit ko na lang 'yung mga pagkaing niluto ko kanina. Lumamig na kasi 'yon dahil sa tagal nang pagdating nya.

"Niluto mo 'yan?" tanong nito pagkarating sa dining area. Napansin ko ang pagbabago ng suot nito. Mukhang naligo rin ito base sa basa nyang buhok. Kahit medyo nagtataka, isinawalang-bahala ko na lang iyon.

"Yup, pinaghirapan ko 'yan kaya kumain ka ng madami ha? Hihi." Nakangiti kong nilagyan ng pagkain ang plato sa tapat nya. Umupo naman si Kai at hinarap ito. Umupo na rin ako sa pwesto ko.

"Wala ka bang balak kumain?" puna ko kay hubby. Kanina pa kasi sya nakatitig 'don sa plato habang mukhang malalim ang iniisip. Para tuloy wala syang balak galawin 'yon.

"H-huh? Ahh, sorry." Sabay kuha na nito sa chopstick sa tabi nya.

Nakakapagtaka na talaga. Bakit parang wala sa wisyo 'tong asawa ko? Kanina pa ko nawe-weirduhan sa ginagawa nya e.

"Uhmm, kamusta ang araw mo hubby? Hindi ka ba masyadong napagod sa mga activities nyo? Ako kasi kahit napagod nang kaunti na-enjoy ko naman 'yung pagbabalik natin dito sa Seoul." Paninimula ko sa usapan. Kanina pa kasi sya walang imik. Nakakapanibago tuloy. May sakit ba sya?

"Alam mo bang nakita ko si Chunji sa school namin kanina. Sya 'yung sinasabi ko sa'yong naging kaibigan ko sa dati kong eskwelahan sa Amerika. At alam mo kung ano ang mas nakakagulat? Magkakilala pala sila ni L. joe, best friend pa nga to be exact." Nagpatuloy ako sa pagsasalita kahit parang hindi naman nakikinig 'tong kaharap ko. Ayoko kasing ipahalata na naninibago ko sa mga kilos nya.

"Nung una hindi ako makapaniwala pero nung kinuwento sa'kin ni Ji kung paano sila nagkakilala. Naniwala na rin ako. Sabay-sabay pa nga kaming kumain kanina. Ayoko sana kasi may issue kami ni L. joe ngayon. Bigla kasing nagdrama 'yung mokong. At alam mo ano 'yung mas nakakaloka? Sabi ba naman nya..." nagulat ako nang biglang tumayo si Kai mula sa pagkakaupo nya. Napatigil ako sa pagsasalita at napatitig sa kanya. "Saan ka pupunta? Tapos kana?!" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Oo e, busog na ko. Okay lang ba kung mauna na ko sa taas? Medyo inaantok na rin kasi ako." Halos mapanganga ko sa naging sagot nya.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Seryoso ba sya? Hinintay ko sya nang matagal para lang magkasabay kami sa pagkain tapos lalayasan nya lang ako bigla? Aba magaling.

"Pero paano 'tong mga pagkain?" napapout na lang ako sa naging tanong ko.

Paano nag-effort talaga ko sa pagluluto ng mga 'yon. Gusto ko kasing ipakita sa kanya na kahit hindi ako magaling sa mga bagay na katulad nito. Nagsusumikap talaga kong magtuto para maging karapat-dapat na asawa nya. "Put it on the fridge. I'll try to eat it tomorrow." Walang gana nyang pahayag sabay akyat na sa taas. Napanguso na lang ako dahil 'don.

"I'll try. Ibig sabihin susubukan nya pa. Tss." sinilip ko 'yung kinainan nya at kinali-kalikot 'yon.

"Wala pa nga sa kalahati ang kinain nya. Busog na agad sya? Tsoge naman." Kahit medyo masama ang loob ko wala na kong nagawa kundi ang ubusin mag-isa lahat ng niluto. Kung sinuswerte ka nga naman.

Hindi ba masarap 'yung niluto ko kaya ganon? Dati naman napagtitiisan nya ah? Bakit ngayon hindi? Aisst.

ΚΑΙ

Hindi ko mapigilang maguilty matapos kong makita ang naging reaksyon ni Dasuri matapos kong magpaalam na umakyat na. Ayoko sanang gawin 'yon kaya lang...aysst.

Nevermind.

I lie on our bed and put my arm on my forehead. Patuloy lang ako sa pagbubuntong-hininga habang nakatitig sa kisame. Kakauwi lang namin mula sa honeymoon. Matapos ang ilang araw na kasiyahan, puro problema naman ang bumungad sa'kin ngayon. Napapapikit na lang ako dahil sa pagsakit nang ulo ko.

"Arrrgh! How can I explain it to her? Magagalit sya, panigurado." I whisper.

Iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ang pagtunog ng cellphone sa gilid ko. Kinuha ko 'yon at tinignan ang mensaheng dumating.

*From: *****

I miss you.*

Makalipas ang ilang minuto. May dumating pang isang mensahe galing sa iisang tao.

*I can't sleep. Pwede ko bang marinig ang boses mo? Please...?*

Isinara ko ang mensaheng iyon at saka tinawagan ang nagpadala nito. Ilang ring ang lumipas at agad-agad rin naman nya itong sinagot. Isang pamilyar na boses ng babae ang narinig ko mula sa kabilang linya. Bakas sa tono ng pananalita nya ang saya nang marinig ang boses ko.

"You should sleep now. Makakasama sa'yo ang pagpupuyat." I utter. I heard her giggle.

"Alam ko, gusto ko lang talagang marinig ang boses mo."

I don't know what to say. Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Alam kong mali 'to. And I feel guilty.

"Ahmm, kamusta na kayo ng asawa mo? Alam na ba nya 'yung tungkol sa'tin? Pumayag ba sya sa...." I cut her words.

"You don't have to worry about Dasuri. Wala na naman kasi syang magagawa kundi tanggapin ang naging desisyon ko."

But this is the only choice I have.

DASURI

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Good morning." Walang gana kong bati pagkapasok ko sa room namin.

Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang naging honeymoon namin ni Kai. Mula rin 'non ang laki nang pinagbago nya, ewan ko ba. Hindi ko alam kung ako lang ba talaga o talagang naging cold sya?

Madalas na syang umuwi ng gabi. Minsan nga madaling araw pa. Okay lang naman 'yon kasi alam kong ganon naman talaga ang schedule ng mga idols. Kung pwede nga lang na hindi na sila umuwi ng bahay, baka pinagawa na sa kanila 'yon ng management. Kaya nga nagpapasalamat parin ako kasi inuuwian ako ni Kai.

Kaso...madalas syang magkulong sa kwarto. Kapag pupuntahan ko naman sya 'don. Lagi ko syang nakikitang natutulog. Hindi ko na ginigising kasi baka pagod. Ayoko namang makaistorbo sa pagpapahinga nya.

Alam ko naman kasing kailangan nya 'yon. Lalo ngayon na hindi masyadong maganda ang rating ng drama nila ni Hyena. Kung anu-ano na ngang reality show ang sinasalihan nila para lang maibalik yung pagiging click ng love team nila. I admit, minsan nagseselos na ko. Yung iba kasi masyado na silang touchy at masyadong sweet yung pinapagawa. Ang sakit lang sa heart. Kung umasta kasi sila kala mo walang asawa si Kai sa likod ng camera. May mga issue pang nahuhuli daw na madalas lumabas 'yung dalawa, nang silang dalawa lang Date kung baga.

Pero mas pinipili kong maging isang matured na babae at maintindihing asawa. Ayoko nang patulan pa ang tungkol sa mga 'yon. Basta ako naniniwala ko sa binitawang mga salita sa'kin ni Kai. 'Malaki ang pagkakaiba namin ni Hyena.' "Good ba talaga ang morning mo? Base kasi dyan sa mukha mo. Mukhang very bad. Hahaha." Komento agad ni Gain pagkakita sa akin. Hindi ko sya pinansin at nagdire-diretsyo sa pwesto ko.

Wala ko sa mood makipag-away. Masama 'yung pakiramdam ko e. Paggising ko pa lang sa umaga. Para kong lalagnatin na ewan. Tapos mukhang naempatcho pa ko sa mga kinain ko kagabi. Kung hindi lang talaga ko nagkaroon ng maraming absent nung nakaraan. Hindi talaga ko papasok.

"Itsura mo. Para kang may dysmenorrhea na ewan." Pahayag ni Sora pagkaupo ko sa tabi nya.

"Sinabi mo pa. Kanina pa nga ko naduduwal. Naparami kasi 'yung kain ko kagabi." Sagot ko naman.

"Hulaan ko, nagluto ka na naman nangsangkatutak na pagkain kagabi. Kaso wala pa sa katiting yung naubos ng asawa mo kaya ikaw ang pilit na umubos 'non? Tama ko 'no?" maintriga nitong wika. Napaismid naman ako nang maalala 'yung nangyari kagabi.

"Correction, hindi talaga sya tumikim kahit isang subo. Nakakain na daw kasi sya kasama ng kagrupo nya. Kaya ayun, ako yung umubos ng lahat." Lalong umasim ang mukha ni Sora ng marinig ang sinabi ko. Halatang lalo nyang kinainisan ang asawa ko.

"Hay, naku Dasuri. Kailan ka ba mauuntog ha? Gusto mo iuntog na kita ngayon? Can't you see? Ang laki na nang pinagbago ng asawa mo. At lahat ng pagbabagong 'yon ay mga sensyales na nagloloko ang isang lalaki? Gusto mo ulitin ko pa? He's cheating on you Dasuri. Hello?"

Sa sobrang haba ng litanya ni Sora, wala kong naintindihan kahit isa. Natuon kasi ang atensyon ko sa nangyayari sa loob ng katawan ko. Napatakip ako sa aking bibig nang maramdaman ang nagbabadyang paglabas ng hindi inaasahang bagay mula rito.

"Hey, nakikinig ka ba?" sita pa nito sa akin.

Hindi na ko nakatiis. Tumayo ako mula sa upuan ko habang sapo-sapo ang aking bibig. Wala kong pakialam kung tumunog na 'yung bell hudyat na mauumpisa na 'yung klase. Lumabas ako ng kwarto at nagmamadaling tumakbo patungo sa cr na malapit roon. Kaya lang lalo kong nataranta nang mapagtantong sa kabilang direksyon pala ko nagtungo. Sa direksyon patungo sa cr ng mga lalaki. Dahil ramdam ko na na anumang oras ay maduduwal na talaga ko. Hindi na ko nagisip pa at pinasok ang cr ng mga boys.

"Hey!" sita nung lalaking nabunggo ko habang papasok sa loob. Hindi ko na sya pinansin pa at nagtungo sa isa sa mga cubicle doon.

"Bluuuuuurrrggghhh" halos mailabas ko na rin pati kaluluwa ko dahil sa pagsuka. Hinampas-hampas ko ang aking dibdib para mahimas-himasan ako. Wala na kong pakialam kung nasaan ako. Basta ang gusto ko, mailabas ko 'yung sama ng loob ko. Chos. Haha.

"Wooh! Grabe, kala ko talaga hindi na ko makakaabot. Promise, hindi na talaga ko kakainin ng marami sa gabi." Saad ko habang hinihimas ang aking sikmura papalas ng cubicle.

Lalabas na sana ko nang makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa tapat ng pinto. Nakatitig ito sa akin na para bang hindi makapaniwala sa nasaksihan. Ngayon lang ba sya nakakita ng taong sumusuka? Psh.

Umarte kong walang nakita. Nagsimula na kong maglakad at sinubukan syang lagpasan. Kaso bigla nyang hinablot ang kamay ko habang titig na titig sa akin. Ang nakakapagtaka pa, nakapatong ang mga daliri nya sa aking pulso. Para bang may pinapakiramdaman syang kung ano. Naiilang ako sa ginagawa nya kaya hinila ko ang kamay ko mula sa kanya.

"Yah, bitawan mo nga ko." saad ko pa.

Hindi naman sya nagsalita. Tanging pagtitig parin ang ibinibigay nya sa akin. Mga tingin na hindi ko maintindihan ang ibig sabihin. Nilagpasan ko na sya at tuluyang lumabas ng banyo. Habang pabalik na ko sa kwarto namin, hinawakan ko 'yung pulso kong hinawakan ni L. joe.

Pinakiramdaman ko rin 'yon sandali gaya ng ginagawa nya kanina. "Ano ba 'yung ginawa nya? Nababaliw na nga ata 'yon. Tsk. Kawawa naman." Umiling-iling pa ko bago pumasok sa loob.

Bakit ba ang weird ng mga tao ngayon?

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report