OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 42: PAGSUKO
ΚΑΙ Bakit?
Bakit nangyayari ang lahat ng ito?
Kahit anong isip ang gawin ko, walang kahit na sino ang makasagot sa katanungan kong iyan. Nakaupo ako sa sulok habang nakatulala sa kawalan. I am with my members, waiting outside the emergency room, Pero pakiramdam ko nag-iisa lang ako.
Habang humahaba ang oras ng paghihintay. Mas lalo kong nakakaramdam ng kaba. Mas lalo kong kinakain ng takot.
"Dasuri!"
"Kai.... s-si baby...."
Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang inaalala ang tungkol sa nangyari. I don't know what to think. Naguguluhan ako, sobra.
Akala ko ba hindi s'ya buntis? Akala ko nagsisinungaling lang s'ya para pigilan ako. Pero paanong dinudugo sya ngayon?
Argh. Damn it, Kai! What the hell did you do? Paano kung buntis nga sya? At paano kung dahil sa nangyari, mawala samin ang......
"Hindi pwede!" bulalas ko habang pilit na nilalakasan ang aking loob.
Ayokong isipin na mawawala samin ng ganun-ganon lang ang isang bagay na matagal na naming hinihiling. At mas lalong ayokong isipin na ako ang dahilan ng lahat ng 'yon.
Hindi ko kaya.
Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Suho hyung sa kanang balikat ko. Pinisil nya iyon para pagaangin ang nararamdaman ko. "H'wag ka nang magsyadong mag-alala. Magiging okay din ang lahat. Si Dasuri kaya 'yon. Para namang hindi mo sya kilala."
Gusto ko sanang ibalik ang ngiting ibinigay nya sa akin. Gusto kong maniwalang magiging okay lang ang lahat. Pero ba't di ko magawa?
Wala pang limang minuto matapos ang maikling usapan namin ni hyung. Nakarinig kami ng mga yabag na syang bumasag sa katahimikang kanina pa nangingibabaw sa paligid. Palakas iyon ng palakas habang papalapit sa aking kinauupuan. Halos sabay-sabay na napalingon ang mga kasama ko para makita kung saan 'yon nagmumula.
Para naman akong nakakita nang multo nang makilala ang dalawang taong papalapit sa amin. Napatayo pa ko dahil sa sobrang gulat.
"Pa? Ma?"
"Jong in! Iho, nasaan ang anak ko?!" kitang-kita ko sa mga mata ng mama ni Dasuri ang sobrang pag-aalala. Maski na wala kang emosyon na makita sa mukha ni Mr. Choi, ramdam ko sa presensya nya ang pagiging ama.
Binawi ko ang tingin sa kanila. Hindi ko magawang tumingin dito nang diretsyo. I feel guilty. Pansin ko naman ang pagtitig sa amin ng mga kamyembro ko. Mukhang nagtataka sila sa mga taong nasa harapan namin.
"Ano bang nangyari?! Kalalapag pa lang namin sa airport nang mabalitaang isinugod s'ya dito? Maayos na ba ang lagay nya? Sagutin mo ko!" halos yugyugin na ko ni Mrs. Choi dahil sa sobrang pag-aalala. Wala naman akong maisip na isagot. Pakiramdam ko'y bigla kong nablanko.
"Huminahon ka honey, walang maitutulong ang pag-iisip mo ng sobra. Hayaan mong 'yung doctor na tumitingin sa anak natin ang sumagot sa mga katanungan mo." Hinawakan ng papa ni Dasuri si Mrs. Choi at inilayo 'to sa akin. Sinulyapan naman nya ko't binigyan ng makahulugang tingin. Para bang sinasabi nitong alam nyang hindi ko pinabayaan ang anak nya kaya't wala silang dapat ikabahala pa. Napabuntong-hininga na lang ako't napayuko ng bahagya. Sana nga tama sya. Sana inalagaan ko ng maayos ang asawa ko.
Kalahating oras pa ang lumipas. Wala kahit sino man sa amin ang nagbalak na magsalita. Lahat ay tahimik at tila nag-iisip ng malalim. Maski na si Baekhyun na hindi mapigilang dumaldal ay himalang nananahimik sa isang sulok. Marahil lahat kami ay kinakabahan at nananalangin na sana'y walang mangyaring masama....... sa mag-ina ko.
Otomatikong tumayo ang mga paa ko nang bumukas ang pinto ng emergency room. Lumabas mula rito ang isang doctor na kanina pa namin hinihintay. Nilibot nung doctor ang tingin sa aming lahat na para bang may hinahanap. "Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" bungad nitong tanong.
Agad-agad akong sumagot. "I'm her husband." Nilingon ako nito at tinitigan sandali.
"Kamusta ho ang asawa ko?" kinakabahan kong tanong.
"Maayos na naman ho ang lagay nya. Kinakailangan nya lang siguro ng kaunti pang pahinga. Masyado kasi syang na-i-stress nitong mga nakaraang araw na naging dahilan para duguin sya. Pregnant women are too emotional, kaya hangga't maari iwasan natin na bigyan sila ng dahilan para maistress. Dahil ano man ang maramdaman nila ay tiyak na makakaapekto sa bata."
"Sandali, doc? Ano ho ang sinabi n'yo? B-buntis ang anak ko?!" halos hindi makapaniwalang pahayag ni Mrs. Choi. Nilingon pa n'ya ang kanyang asawa na may munting pag-asa sa kanyang mga mata.
"Honey, magkakaapo na tayo." Usal pa nito.
Hindi mapagsidlan ng tuwa ang mama ni Dasuri nang marinig ang sinabi ng doctor. Hindi rin ako makapaniwala sa aking narinig. Maski ang mga kasama ko ay sumigla nang marinig ang balita. Napaapir pa nga si Baekhyun at Chanyeol. "T-Totoo ba 'to? Dasuri is pregnant? M-Maging ama na ko?" parang tanga kong pahayag. Ngingiti pa lang sana ko nang mapigilan iyon dahil sa sumunod na sinabi ng doctor.
"Yes, Mr. Kim. She was...." Para bang nagdadalawang-isip nitong pahayag. I got shock and stuck for a while.
"A-Anong ibig mong sabihin doc? M-may nangyari ba sa baby namin?" pakiramdam ko ayoko nang marinig pa kung ano ang isasagot nya.
Parang mas gusto kong lagpasan na lang ang pangyayaring ito sa buhay ko. Wag naman sanang magkatotoo ang kinatatakutan ko.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"No. No. You are lying, doc. This can't be." Napalitan ng pagkadismaya ang tono ng pananalita ng mama ni Dasuri. Maski ako ay parang biglang nanlumo.
"I'm sorry but I can't answer all of your questions. Mabuti pa siguro ay ang pasyente na mismo ang tanungin nyo. Ililipat namin sya sa isang private room at doon ay maari nyo na syang bisitahin. Now, you may excuse me."
Nanatili ako sa pwesto ko kahit kanina pa nakaalis sa harapan namin ang doctor. I can't think properly. Pakiramdam ko'y may nakatarak na pana sa aking dibdib.
Muli kong nakita ang awa sa mata ng mga kasama ko. Kasabay nito ay ang pag-iyak ng mama ni Dasuri. Muli ko namang nilingon yung pinto ng emergency room. Tinitigan ko pa iyon sandali at saka umiling-iling. "This is not happening." Then leaves the place.
Matapos marinig ang masamang balita. Umalis ako sa kinaroroonan ng mga kasama ko. Gusto kong mapag-isa, gusto kong isiping mabuti kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Makalipas ang isang oras, nakatanggap ako ng text message mula kay Sehun. Wala pa sana kong balak na bumalik sa hospital kung hindi lang dahil sa sinabi nya.
Tol, nasa'an kana? Gising na si Dasuri. Alam ko gusto mong mapag-isa ngayon pero kailangan ka rin ng asawa mo.
Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko pagkarating sa tapat ng kwartong kinaroroonan ni Dasuri. Kung kanina'y puro lungkot at pagsisisi ang nararamdaman ko. Ngayon naman ay pinangugunahan ako ng kaba. Kabang baka hindi ako magawang patawarin ng asawa ko.
Pagpasok ko sa kwarto, bumungad sa akin ang mga magulang ni Dasuri na nasa tabi nito. Pati na ang mga kamyembro kong halatang kanina pa hinihintay ang pagdating ko. Sa pangalawang pagkakataon, huminga ako nang malalim para humugot ng lakas ng loob.
Hindi maiwasang sumikip ang aking dibdib habang nakatingin sa asawa kong nakatigtig lang sa labas ng bintana. Nakasuot ito ng hospital gown habang bahagyang nakasandal sa mga unan nito sa kama. Para bang meron itong sariling mundo at walang pakialam sa mga tao sa paligid nya.
"Kai, mabuti at dumating kana. Simula kasi ng pumasok kami sa kwartong 'to. Hindi na sya nagsasalita at nakatunghay lang sa labas ng bintana. Mukhang dinamdam nya talaga ang pagkawala ng anak nyo." Malungkot na pahayag ni Suho hyung pagkalapit sa akin.
Sinulyapan ko lang sya sandali at muling itinuon ang atensyon sa aking asawa. I can't help but to feel guilty and sad. Lalo na ngayong nakikita ko ang naging epekto ng kagaguhan ko sa asawa ko.
I messed up everything.
Muli akong naglakad upang tuluyang lapitan si Dasuri. Lalong nadurog ang puso ko nang makita ang mangilan-ngilang patak ng luha nito na dumadaloy sa kanyang pisngi. Balak ko na sanang abutin ang mga iyon at punasan kung hindi lang nagsalita ang ama nya sa gilid ko.
"Mabuti pa siguro ay maiwan naming kayong dalawa. Dahil higit kanino man, ikaw ang nakakaintindi sa pinagdadaanan nyo ni Dasuri. Sana iho, tulungan mong maging maayos muli ang anak ko." Kitang-kita ko sa mga mata ni Mr. Choi ang pag-aalala. Marahil ay nasasaktan din sya sa kanyang nakikita. Tumango-tango naman ako bilang sagot.
Hinawakan nito ang balikat ko at pagkatapos ay inalalayan ang kanyang asawa sa paglabas. Hindi naman nagtagal ay nagsisunod rin ang iba pang tao sa loob.
Matapos ang ilang segundo, isang nakakabinging katahimikan naman ang namutawi sa pagitan namin ng asawa ko. Umupo ako sa harap nya at maingat na inabot ang kanyang kamay. Kagaya kanina, wala parin itong imik habang patuloy sa pagluha.
Wala kong magawa kundi ang pisilin ang kanyang kamay at halikan ito habang nagsusumamong pansinin nya. "Wifey...." I cried.
Hindi ko na mapigilan. I close my eyes to prevent my tears from falling.
"Wifey, I'm sorry."
"Sorry kung ang laki kong gago para hindi kita paniwalaan noon. S-Sorry kung dahil sa akin.... n-nawala 'yung...." My voice is already broken and I felt some water coming from my eyes.
Napamulat ako nang may maramdaman akong bagay na dumampi sa aking pisngi. Hindi naman nagtagal ay nakita ko ang asawa kong nakatingin na sa akin habang
Hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko. I look at her with all my heart. Gusto kong maramdaman nya kung gaano ko nagsisisi sa mga nagawa ko. At kung gaano ko sya kamahal. Ngunit kahit anong gawin kong pagsusumamo, mukhang hindi 'yon sapat para.... patawarin nya ko.
"Kai, a-ayoko na.... pagod na ko.." she said that while looking straight to my eyes.
Halos lamunin naman ako nang lupa nang mairinig 'yon. Gusto kong magsalita. Gusto kong isigaw na wag nyang ituloy. Ayoko nang makinig pa. Pero tanging pag-iling lang ang nagawa ko habang tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Tinanggal nya ang singsing na nasa kaliwang kamay nya at inilagay sa palad ko. Wala naman akong nagawa kundi pagmasdan lang sya habang ginagawa 'yon. Muli nya kong nilingon at saka nagsalita, "Maghiwalay na tayo."
"Hindi."
"Hindi pwede, Dasuri. Hindi ako papayag!" I said hysterically.
Binitawan ko ang kamay nya't niyakap sya ng mahigpit. "Nagsisinungaling ka lang di 'ba? Gusto mo lang ako saktan kaya mo sinasabi 'yan. Di ko kakayanin kung pati ikaw mawawala sa akin wifey. Please, sabihin mo that you are lying.... please...." para kong batang nagmamakaawa na huwag iwan. Wala na kong pakialam kung nagmumukha kong tanga. Basta ang mahalaga, manatili si Dasuri sa tabi ko!
I was shocked nang itulak nya ko palayo. I tried to calm myself but fuck! I'm hurting so much. Pakiramdam ko may sumusuntok sa dibdib ko ng paulit-ulit. Hinarap ko syang muli at saka nakipagtitigan. Wala kong pakialam kung nakakabawas ng pagkalalaki ang pag-iyak. Kasi ito lang 'yung nakikita kong paraan para mailabas yung sakit na nararamdaman ko sa loob.
"Wala ka nang magagawa pa Kai. Pagod na ko e. Pagod na kong makinig sa mga kasinungalingan mo. Pagod na kong magpanggap na masaya. Pagod na maghintay sa'yo gabi-gabi. At higit sa lahat, pagod na kong manatili sa tabi mo." "Ayoko na."
Wala kong makita kahit kaunting pagsisisi sa mukha ni Dasuri habang sinasabi 'yon. Pakiramdam ko tuloy para na nya kong pinapatay.
I took a deep breath and smiled bitterly. "How can you say that so easily? Bakit parang ang dali lang para sa'yo na itapon ang lahat? Na sa tuwing may problemang darating sa atin," "Lagi mo na lang pinaplanong iwan ako? Bakit?!"
Imbes na sumagot. Iniiwas nya lang muli sa akin ang kanyang tingin. Doon ko napatunayan na wala na nga kong magagawa pa. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Pinunasan ko ang aking mga luha saka kinuha ang kanyang kamay. Nagulat man ay hinayaan nya ko sa gusto kong gawin.
"I will give you the space that you want. Pero pasensya na, hindi ko matatanggap itong singsing mo." Ibinalik ko sa kanya 'yung wedding ring namin then left the room.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report