OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS -
CHAPTER 43: NEW CHALLENGE
SEHUN
"Sige na mga hyung, ako nang bahalang mahintay dito kay Kai. Alam ko namang maaga pa ang mga schedule nyo bukas." Suhestyon ko habang nasa labas kami ng kwarto ni Dasuri.
Halos kalahating oras na rin kasi ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas si Kai. Siguro naglalabing-labing na 'yon. Tss. Wala man lang piniling lugar.
"Sabi mo 'yan a. Tumawag ka na lang kapag may nangyari. Magpapaalam muna kami sa parents ni Dasuri tapos aalis na kami." Pahayag naman ni Suho hyung.
"Bahala kayo, kung ano trip nyo. Hehe." Babatukan pa nya sana ko kaso nakailag ako kaya dinilaan ko sya. Kala nya ah. Hahaha.
"Pasaway talaga. Sige na, aalis na talaga kami."
Matapos nilang makapagpaalam. Ako na lang talaga ang naiwan sa hallway. Sumandal ako sa pader at saka inilabas 'yung phone ko. Naalala ko kasi na may mga bagong video nga pala kong dinownload. Lumingon-lingon pa ko sa paligid bago 'yon i-play, "Yehet, nakapagsolo rin. Hehe." Sabay ngiting tagumpay. Wala pa sa kaligitnaan 'yung pinapanood ko nang biglang bumukas 'yung pinto.
Napapitlag ako at nabitawan 'yung cellphone. Mabuti na lang talaga at magaling akong sumalo.
"Ay. Takte! Wag ka namang nanggugulat. Nasa climax na e. Tss." Reklamo ko pa pagkakita kay Kai.
Ngunit imbes na asarin ako. Dinaanan lang ako nito at saka naglakad palayo. Napansin ko pa ang pamumula ng mata nya.
"Jugigo. Nag-adik ba 'yon?" Inayos ko 'yung phone ko at saka sya dali-daling sinundan.
"Hoy Kai! Sandali lang naman! Hinintay pa naman kita o!"
Kakamadali ko sa paghabol hindi ko namalayan na may nabangga na pala ko. Natisod ako sa isang wheelchair.
"Woah! Sorry, sorry!" paumanhin ko pa.
Nakita ko naman ang isang lalaki na nakaupo roon at may salamin. Kung susumahin nasa 40 years old na ito. May kasama pa itong mga lalaki na nakasuot ng black suit. Bigla tuloy akong kinabahan. Panay ang hingi ko ng sorry. "Pasensya na po. Di ko sinasadya. Pasensya na talaga."
"Sa susunod, mag-iingat ka na." sagot naman nung lalaki sa wheelchair.
Nakakatakot pati 'yung boses nya. Halata mong napakaimluwensya nya. Tinitigan ko pa 'iyon ng mabuti. Sa totoo lang may kamukha sya e. Hindi ko lang matandaan kung sino.
"May problema ba, iho?" natauhan ako nang marinig na naman ang boses nya.
"Ha? Ah. Wala po. Hehe." Naputol naman yung sasabihin ko nang biglang tumunog 'yung phone ko.
Dali-dali ko 'yung kinuha at sinagot. "Hello? Oo, lumabas na si Kai sa kwarto ni Dasuri. Actually, hinahabol ko nga sya ngayon." Napasulyap ako 'don sa nabangga ko. Nakatitig kasi sya sa akin na para bang nakikinig sa usapan namin ni Suho hyung.
Nailang naman ako kaya ngumiti ako sabay tango. Umalis ako sa harap nya saka hinahanap si Kai. Hindi ko alam kung tama ba 'yung pagkakarinig ko pero parang binanggit nya 'yung pangalan ni Dasuri habang bumubulong sa isa sa mga lalaking nakablack suit.
Aisst. Hayaan mo na nga. Baka nabingi lang ako.
KAI
*KREEEEENGGG*
*KREEEEENGGG*
Naalimpungatan ako dahil sa walang tigil na pagtunog alarm clock sa bahay. Kinuha ko 'yung unan sa tabi ko at saka itinalabong 'yon sa ulo ko.
"Argh, Wifey, nag-alarm ka naman ba? Turn it off! Gusto ko pang matulog." Medyo naiinis kong pahayag.
*KREEEEENGGG* *KREEEEENGGG*
"Ano ba Dasuri! Hindi mo ba naririnig 'yan?!" Nakailang tawag na ko sa pangalan nya pero hindi parin sya kumikilos. Naiirita na ko kaya iminulat ko na ang aking mga mata.
Bumalikwas ako nang upo at saka sya sinamaan ng tingin, "Yah! Wifey! Talaga bang ini----" nanlumo ako bigla nang maalalang wala na nga pala si Dasuri sa bahay. At 'yung alarm clock nyang bear lang ang tanging nasa tabi ko. Bigla kong nakaramdam ng lungkot. Ilang araw na rin pala ang lumipas. Kinuha ko 'yung alarm clock at saka pinatay. Bumangon na rin ako't nagtungo sa kusina.
Matapos ang naging usapan namin ni Dasuri. Hindi ko na sya binisita pa sa hospital. Sinunod ko ang gusto nya. I will give her the space that she wanted pero ang hiwalayan sya nang tuluyan ang hindi ko magagawa.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nagpatuloy ako sa buhay. Inaattenand ko lahat ng activities ng grupo ko. Sumasabak din ako sa mga guesting. Pero 'yung drama naming ni Hyena, nagwidthraw na ko. Nagbayad nga lang ako ng penalty pero okay lang. Ang mahalaga maputol na ang komunikasyon naming dalawa. Though, tinatawagan parin nya ko. Hindi ko na lang 'yon sinasagot.
Habang pababa ng hagdan, napabuntong-hininga na lang ako sa aking mga naaalala. 'Yung mga panahong hindi ko nagawang pahalagahan.
"Good morning sa pinakagwapo at sexy kong hubby! Grabe, parang araw-araw ka atang gumagwapo ah?" salubong sa'kin ni Dasuri pagkababa ko ng hagdan. Umangkla pa sya sa braso ko at saka sumama papunta sa kusina. "Wag mo na kong utuin." Sabay pitik sa noo nito.
"Aray! Grabe ka naman. Kaya ko nabobobo nyan e. Lagi mong pinipitik ang noo ko." Bahagya kong natawa sa tinuran nya.
"Akalain mo 'yon, may ibobobo ka pa pala sa lagay na 'yan? Haha." Pang-aasar ko rito. Kumunot naman ang noo nya sabay hampas sa'kin. "Grabe ka talaga sa'kin, I hate you na." lalayo na sana 'to kung hindi ko sya hinigit agad. Ipinulupot ko ang kamay ko sa bewang nya sabay hapit dito.
Napakapit naman sya balikat ko. "Woah!"
"Ikaw naman. Matampuhin ka talaga. Nanlalambing lang e." then give her a peck on her lips. She giggled. "Ikaw naman tamang hinala agad. Nagpapalambing lang kaya ko. Hehe."
"Ahh, ganon. Pwes, I'll give what you want." Aangkinin ko pa lang sana 'yung labi nya nang takpan nya iyon.
"Ayaw." Saad pa nya habang umiiling. Kumunot naman ang noo ko. "Bakit?" Tanong ko pa habang tinatanggal ang pagkakayakap sa kanya.
"Di ka pa kaya nagto-toothbrush. Ewwwww." Sabay dila sa'kin. Natawa naman ako nang makita ang reaksyon nya.
"Ah, ganon? Pwes, humanda ka kapag nahuli kita. I will kiss you million times." Nagulat naman sya't umakma na sa pagtakbo.
"Ayoko nga, Yakiiiii e! Hahaha. Bleh." Sabay takbo nito. Hinabol ko naman sya hanggang sa maikot naming ang buong bahay.
Pagkarating ko sa kusina, kumuha ko ng isang beer in can. Tinungga ko 'iyon at saka nagtuloy sa sala. Simula nang hindi na umuuwi si Dasuri dito. Alak na ang nagiging almusal at hapunan ko. Hindi ko mapigilan, dito lang kasi ako nakakakuha ng comfort na hinahanap ko.
Hindi naman nagtagal, mayroong nagdoorbell. Sinilip ko iyon mula sa bintana. Nagulat pa ko nang makita ang papa ni Dasuri. "Anong ginagawa nya rito?" dali-dali akong lumabas at pinagbuksan sya ng gate. "Magandang umaga ho," bati ko rito.
Isang walang kaemo-emosyong tingin naman ang ibinato nya sa akin, "Amoy alak ang hininga mo. Uminom ka kagabi?" saad nito pagkakita sa'kin.
"Ho? Ah, isang bote lang ho." Sagot ko naman.
"May gana ka pang uminom habang ang asawa mo hindi mo man lang nabisita sa hospital." Ramdam ko ang inis sa boses ni Mr. Choi. Nanahimik na lang ako para hindi na madagdagan pa ang inis nya.
"Can we go inside?" tanong naman nya.
"Sure, Sir." Sagot ko agad.
Buong akala ko talaga ay kaming dalawa ang tinutukoy nya. Kaya laking gulat ko nang may mga tao pang sumunod sa amin.
"Teka ho, Papa, Bakit nyo kinukuha 'yung mga gamit ng asawa ko?!" I was shocked ng hakutin nung mga lalaking kasama nya ang mga personal belongings ni Dasuri. Gusto ko man silang pigilan ay hindi ko magawa. Masyado silang marami, iisa lang ako.
"Well, it's my daughter wish na sa amin na sya umuwi pagkalabas nya ng hospital. Mga gamit naman nya 'yan kaya wala akong nakikitang masama."
"Ha? But we didn't talk about it. I'm sorry Sir, pero sa tingin ko hindi nyo pwedeng kuhain ang lahat ng 'yan ng wala kong pahintulot." Kahit alam kong magagalit sya sa akin. Nilakasan ko na ang loob ko. Hindi ako papayag na ilayo nila sa'kin ang asawa ko.
"At bakit ko naman susundin 'yon? Ang mga bagay na 'yan ay pagmamay-ari ni Dasuri. And Dasuri is my daughter. Do you think I don't have the rights to take it from you?"
Huminga ko ng malalim at sumagot, "Yes, Sir. Dahil asawa ko ni Dasuri. Between the two of us, sigurado kong ako ang mas may karapatan pagdating sa mga gamit nya. And besides, hindi pa naman po kami divorce. Binibigyan ko lang sya ng kalayaang hinihingi nya. Pero darating pa rin 'yung panahon na babalik sya sa akin." Buong kumpyansa kong sagot.
Naningkit naman ang mga mata ni Mr. Choi, "Are you trying to compete with me, Mr. Kim?"
Hindi ako nagpatinag, nakipagtitigan ako sa kanya. "No Sir, pero kung 'yan lang ang paraan para makasama ko ang asawa ko. I will."
I saw him smirked. Para bang natuwa pa sya sa naging sagot ko.
"We'll let see, prove to me that you are worth it to be my daughter's husband. Hindi ko muna kukunin ang mga gamit nya, but once you failed...."
"Maski anino ng anak ko ay hindi mo na makikita." Ngumiti ito at saka nagsimulang lumabas ng bahay. Isinama na nya 'yung mga lalaking kasama nya rin dumating.
Napaupo naman ako sa sofa at napatitig sa wedding photo namin ni Dasuri na nakasabit sa pader.
Ngumiti ako dito ng buong kumpyansa, "Hindi ako papatalo, pababalikin ko rito ang asawa ko. Pangako 'yan."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report