OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 65: LET’S START AGAIN

ΚΑΙ

"You did a great job, guys!"

Nakangiti samin si noona habang pumapalakpak. Mukhang matatagalan pa bago namin muling maririnig ang mga katagang 'yan. Ngunit hindi nito maitatago sa mag ngiti nya ang lungkot. Katatapos lang ng huling performance namin bago ang official hiatus ng grupo.

I don't know what to feel. Alam ko namang darating kami sa puntong ito. Tatahak ng iba't-ibang landas na gusto naming patunguhan. But five years is not a joke.

Five years with them, with ups and downs are such a great experience for me. Hindi lang sila basta kaband-mates or katrabaho ko. They are my family. At kahit anong landas man ang tahakin ko. Hindi na 'yon mababago.

"Kai, best regards sa magiging baby nyo ni Dasuri. Kunin mo kaming mga ninong ha." Tinapik ako ni Suho hyung bago sabihin 'yon.

"Just call us and we will be there." Si Kris hyung naman ang nagsalita.

"Oo nga, bibisita din kami sa bahay nyo kapag nagkaroon ng free time. Tagal ko nang hindi naasar asawa mo e. Haha." Tumawa si Chanyeol nang malakas habang hinahampas si Baekhyun.

"Ano ba 'yan! Masakit ha? Pero tama si Channie, nakakamiss din pa lang mangasar. Haha." Segunda pa nito.

"Dadaan ako 'don, kasama syempre ang mayora ko." singit naman ni Chen hyung. Mukhang going stronger pa rin ang relasyon nila ng kaibigan ni Dasuri. I'm happy for them.

Nakatitig lang ako sa bawat myembro ng grupo ko. May mga ngiti sa labi nila pero bakas din ang lungkot sa mata ng mga ito. Kaming lahat ang nagdesisyon tungkol rito pero alam kong malaki ang naging epekto ng sitwasyon ko sa ngayon para mapunta kami sa puntong ito. Hindi ko maiwasang maguilty dahil parang naging selfish ako sa naging desisyon ko pero kailangan ako ng mag-ina ko e.

Naputol ang pagiisip ko nang may maramdaman akong kamay sa kanang balikat ko. Nang lingunin ko ito ay bumungad sa akin si Sehun.

"Hyung, tahimik mo ata? Wag mong sabihing nahihiya ka sa amin?"

Hindi ako nakasagot sa naging tanong nya. Nakatitig lang ako rito habang nakatikom ang aking mga labi. Sandali pa nya kong tinignan bago tumawa ng bahagya. "Wag ako hyung, ang drama mo." He slaps my shoulder bago nagseryoso.

"Wala ka dapat ika-guilty. Si Dasuri ang unang nagparaya noong mga panahong naguumpisa pa lamang tayo. Eto lang 'yung nakikita naming paraan para makabawi kami sa kanya. Kaya pwede? Wag kana magdrama dyan at alagaan sya. Dahil kung hindi mo pa gagawin 'yon. Sige ka, baka maglakas loob na kong umamin sa kanya."

Kumindat pa ito bago ko tuluyang iniwan sa kinaroroonan namin. It was too late when my mind digested everything he said. Napailing na lang ako habang tumatawa nang maalala ang huling sinabi nya.

It looks like our maknae is now a man.

Matapos ang performance, kumain kami sa labas at nagenjoy. Nakareceived ako ng maraming mensahe at tawag mula kay Dasuri pero hindi ko 'yon nagawang sagutin. My battery was dead. I turn off my car's machine and look at my watch. Exactly 9:00 pm when I arrived in front of my in-law's house.

Hindi ko pa man nabubuksan 'yung pinto ng kotse ko ay napansin kong may taong nagmamadaling magtungo sa gate ng bahay.

"Kai? Ikaw ba 'yan?" She asked while walking towards the gate. I saw my wife wearing her panjamas and looking at me intensely.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko habang pinagbubuksan nya ko ng gate.

"Narinig ko kasi 'yung paghinto ng kotse mo sa tapat ng bahay. Nagbakasakali lang naman ako," sagot naman nito.

"Really? Baka naman hinihintay mo talaga ang pagdating ko?" Nanlisik ang mga mata nito nang marinig ang sinabi ko.

"Tigilan mo ko Kai, may kasalanan ka pa sa akin." saad nito bago ko pagbuksan ng gate.

"Ano naman kasalanan ko sa'yo?" Matapos kong makapasok sa loob. Isinara ko na 'yung gate at sumabay kay Dasuri papasok sa bahay ng mga magulang nya.

"Tinatawagan kita ah? Nagtext pa ko bakit 'di ka narereply?" paninita nito sa'kin.

"Nalowbat ako," sagot ko naman.

"Bakit wala ka bang dalang charger? Or powebank? Yaman-yaman ng parents mo wala kang pambili 'non."

"O 'di kaya nakitawag or text ka man lang sa isa sa mga kagrupo mo. Ang dami kayang way para makontak ako. Di mo lang ginawa." Natatawa na lang ako sa panenermon sa kin ni Dasuri. Talaga bang pag buntis ang isang babae nagiging nagger? "Bakit ba galit na galit ka sa'kin? You missed me?" I asked jokingly nang makarating kami sa tapat ng pinto ng bahay nila. Inirapan naman nya ko bago tuluyang pumasok sa loob.

"Ewan ko sa'yo. Nagtatanong ako ng maayos dito e."

Saktong pagbukas ng pinto ni Dasuri I saw her mother smiling at me. I bowed and greeted her a good evening. Hindi ko talaga maiwasang mamangha sa tuwing nakikita ko sya. She looks equally beautiful like my wife. Ngayon pa lang masasabi ko nang mananatiling maganda ang asawa ko sa paglipas ng panahon.

"Magandang gabi rin naman iho. Masaya kong makita kang muli rito." She flashed a smile on her face.

"Ako rin naman ho," ngumiti ako rito. Nahagip pa ng mga mata ko ang papa ni Dasuri na nakaupo sa sala. Busy ito sa pagbabasa ng hawak-hawak nyang dyaryo.

"Kumain kana ba? Sakto dahil ngayon pa lang ako maghahanda ng kakainin namin sa hapunan. Maupo ka muna sa sofa habang inaayos ko ang kakainin natin." Hindi na ko tumanggi sa alok nila dahil gutom na rin naman ako. Hindi ako masyadong nakakainin kanina.

"Sige ho ma, maraming salamat." Kumislap ang mga mata ni Mrs. Choi nang marinig ang sinabi ko.

"Tara na hubby, upo ka muna 'don." Hinatak na ko ni Dasuri para paupuin sa tapat ng papa nya. Bahagya akong kinabahan nang sulyapan ako ni Mr. Choi. Mabuti na lang at nagawa ko itong batiin agad.

"Magandang gabi ho," sabay yuko ko sa harap nya. Tumango lang ito bilang sagot.

"Papa, iiwan ko lang dito ang asawa ko ha. Tutulungan ko kasi si mama sa paghahanda ng hapuan. Wag mo syang tatakutin. Sige ka, magtatanan kaming dalawa." Napangiti ako nang pabirong binantaan ni Dasuri ang papa nya. Nagpapakita lang kasi ito na malapit ang loob nila sa isa't-isa.

"Hindi ako nangangain ng tao anak. Vegetarian ako baka nakakalimutan mo." Wika naman ng kanyang ama.

"Tss. Kaya pala inupakan nyo 'yung litson kagabi. Sige na nga, pupunta na ko sa kusina. Hubby, pakabait ka ah? Hehe." Tinapik-tapik pa nito ang balikat ko bago umalis. Tinatakot ba nya ko? Akala ko ba kakampi ko sya? Psh.

Itinuon ko ang atensyon ko sa telebisyon. Kahit pa nabo-bored na ko sa palabas. Mas minabuti na 'yon kaysa hindi ako mapakali sa kakaisip kung kakausapin ko ba ang papa ni Dasuri o hindi. Busy parin kasi ito sa dyaryong hawak nya kung kaya pinili ko na lang na manahimik.

"Napanood ko 'yung tungkol sa press conference ng grupo mo. Talaga bang hihinto ka muna sa pagaartista mo?" Napalingon ako kay Mr. Choi nang marinig syang magsalita. Bahagya naman nyang ibinaba 'yung dyaryo sa harapan nya at tumitig sa'kin.

"Kaya ka ba nandito dahil balak mo nang sunduin ang anak ko?" Ibubuka ko pa lamang sana ang aking bibig nang dumating na si Dasuri sa gilid namin. Masaya itong nagsalita.

"Pa, hubby, doon na tayo sa kusina. Kakain na tayo sabi ni mama," kinuha pa nito ang kamay ko at hinila ko patungo sa kusina.

Pagkarating namin roon, bumungad sa amin ang iba't-ibang putahe na nakalatag sa mesa. Itsura pa lang mukhang masarap na.

"Take a seat iho, wag kang mahihiya samin. Feel at home," si Mrs. Choi ang nagsalita. Naupo naman ako sa tabi ng aking asawa. Habang nasa center position ang papa nya at nasa kaliwa naman ito ang kanyang asawa. "Mukhang masarap po lahat ito mama," pahayag ko habang naghahanda na sa pagkain.

"Masarap talaga 'yan. Magaling talaga magluto si mama." Pagmamalaki pa ni Dasuri.

"Talaga? Sayang naman hindi mo namana." Biro ko rito. Tumalas ang mga mata ni Dasuri. Bahagya namanng natawa 'yung mama nya.

"Bakit iho? Ipinagluto ka na ba nitong anak namin?" Medyo gulat nitong tanong.

"Opo ma, kaso may kasamang balat 'yung itlog. Tapos natusta naman 'yung hotdog." Lalong namula sa inis 'yung katabi ko habang nagkukwento ko.

"Naku, mabuti't di ka nalason? Minsan kasing nagluto 'yan dito. Napagkamalang mantika 'yung dishwashing liquid namin. Nagiiyak 'nung bumula 'yung niluluto nya." Hindi ko na napigilan at natawa sa nalaman ko. "Talaga ho? Matindi ka pala wifey, hahaha."

"Yah! Sige, tawa pa!" Singhal nito sa'kin.

"Totoo 'yon. Sayang nga at hindi ko navideohan. Hahaha." Natatawa ring pahayag ni mama.

"Ehemp," naputol ang pagtawa ko nang magkunwaring umubo ang papa ni Dasuri.

"Masamang tumawa ng malakas sa harap ng pagkain."

Natahimik kami ni mama at nagpatuloy sa pagkain. Binulungan naman ako ni Dasuri. "Buti nga,"

After a couple of minutes, natapos na rin kami sa pagkain. Nagpresinta na kong maghugas ng pinagkainan pero tumanggi si Mrs. Kim. Hindi daw nya pinangarap na alilain ang son-in-law nya. Sinabi pa nito na doon na lang daw ako matulog. Gabi na daw masyado para umuwi pa ko sa bahay namin. Pumayag naman ako dahil wala naman na kong gagawin kinabukasan.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Aakyat na sana kami sa kwarto ni Dasuri nang bigla kong pigilan ng papa nya. Sumunod daw ako sa kanya sa kwarto kung saan nya ginagawa ang trabaho nya. Balak pa sanang sumama ni Dasuri pero pinigilan ko sya. I think this is the right time para magusap kami ng papa nya.

"Sigurado ka ba? Samahan na kita." Pamimilit ng makulit kong asawa.

"Nah, I'm fine." Saad ko nang makarating sa pinto ng opisina ng papa nya.

"Eh... baka anong sabihin sa'yo ni papa. Mamaya bigla ka na namang umalis kasi di mo nagustuhan 'yung mga sinabi nya tapos iwan mo na ko nang tuluyan."

"That's impossible. Sige na, umakyat kana sa kwarto mo. Susunod na lang ako," I kissed her forehead bago sya palakarin papunta sa hagdan.

"Promise, susundan mo ko?" Aist. Ang kulit talaga.

"Oo nga. I promised. Sige na." I wait until she goes upstairs. Nang mawala na sya sa paningin ko. Huminga muna ko nang malalim bago binuksan 'yung pinto.

Masyadong tahimik sa loob. Isang table at isang sofa set lang ang makikita mo sa loob. Nakapatong sa mesa nya ang mga papeles na tungkol sa business na hinahawakan nya. Nilingon naman nya agad ako pagkapasok ko sa loob. "Maupo ka," pahayag nito. Sinunod ko naman sya.

"Salamat ho." Tumayo naman ito at naupo sa upuan sa harap ko. Dama ko parin ang otoridad na bumabalot sa buong pagkatao nya.

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Bukas na bukas rin ay babalik na kami ng mama ni Dasuri sa U. S and we will stay there for good." Nagulat ako sa sinabi nya.

"For good? Ibig hong sabihin wala na kayong balak bumalik ng Seoul?" Naguguluhan ako. Paano 'yung business nila dito ni Papa? Paano si Dasuri?

"As you know bumibisita lang naman kami rito dahil sa anak namin. Kung tungkol naman sa business. We already appointed an acting President hanggat wala pang napipiling hahalili sa pwesto namin ng papa mo. Kung hindi dahil sa business at anak namin wala nang dahilan para bumalik pa rito." Kumunot ang noo ko.

"What do you mean? Isasama nyo po ba si Dasuri sa U. S?" Thats the exact situation na naiisip ko para mawalan sila ng dahilan na bumalik pa rito. Biglang kumabog ang dibdib ko.

Takte! Balak ba nilang ilayo sa akin ang asawa ko?

Lumalim naman ang mga mata ni Mr. Choi at tumitig sa akin nang matagal. Napalunok ako sa maari nyang maisagot. Mali sana ang iniisip ko.

"Well, it depends on you." malumanay ngunit may diin nitong pahayag.

"P-Paano pong nakadepende sa akin?" Pakiramdam ko isa kong aplikanteng sinasala nya para sa isang importanteng posisyon. I'm nervous like hell.

"Magagawa mo bang alagaan ang anak ko kung ipagkakatiwala ko sya sayo?" He was looking at me like he wants to scan my soul.

"I don't want those sugar-coated words para lang ma-impressed ako. I need an honest answer. Dahil hindi ka nandirito sa harap ko bilang aplikante ng kumpanya ko. You are here because you want to be part of my family and get the most important person in my life, my priceless treasure, my daughter."

Kitang-kita ko sa mga mata nya kung gaano nya kamahal si Dasuri. Kung gaano nya kagustong makasigurado na mapupunta sa tamang tao ang kaisa-isa nyang anak.

Ibinalik ko ang pagtitig na pinupukol nya sa'kin. If he wants to read me, I will let him. Gusto kong sya mismo ang makaalam kung gaano ko kamahal ang anak nya.

"Papa..." his eyes dilated when he heard that. Mas lumakas naman ang loob kong magsalita.

"I won't make any promise just to get your permission. I only have one thing to say, kung ipagkakatiwala nyo ulit sa akin si Dasuri I will never ever disappoint you again." DASURI

"Bakit ang tagal naman nya?"

Nakailang sulyap na ko sa pinto ng aking kwarto. Nakahiga na ko sa kama ko habang nanonood ng telebisyon. Panay rin ang lipat ko ng channel wala naman kasi akong balak manood. Trip ko lang talagang buksan 'yung tv. "Hindi naman siguro sya dinurog ni papa 'no? Puntahan ko kaya?" Sisilipin ko lang naman e. Tapos babalik na ulit ako dito. Aktong bababa na ko mula sa aking kama nang muli akong bumalik sa dati kong pwesto. "Ay, hindi. May tiwala ko kay Kai. Sabi nya pupuntahan nya ko dito kaya mananatili lang ako dito at maghihintay." Tama! Tama! Makanood na nga lang ng tv.

"Oh...." natuon ang atensyon ko sa kalilipat ko lang na channel.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

SpongeBob SquarePants 'yung palabas. Tapos 'yung episode na 'to is about sa baby clam na nakita nila SpongeBob. Dahil hindi nila makita 'yung mother ng baby clam they decided to be their parents.

"Wow. My wife is too serious watching cartoons?" Napalingon ako kay Kai na kasasara pa lamang ng pinto. Base sa awra nya nukhang hindi naman pangit ang naging usapan nila ni papa.

"Ha? Ah, nakakarelate kasi ako sa episode ng spongebob na 'to. Nagpanggap sila ni Patrick na parents 'nung baby clam na natagpuan nila."

"Oh? Sounds interesting." Lumapit ito at tumabi sa akin. Sumandal sya sa headboard saka iniunat ang kanyang kaliwang braso. Umusod naman ako at ipinatong roon ang ulo ko.

"Grabe pala ang responsibilidad ng isang ina. Akala ng iba hayahay ang mga housewife kasi nasa bahay lang sila. Pero tignan mo si Spongebob ang daming ginagawa. Gumamit pa sya ng maraming kamay para gawin 'yon ng sabay-sabay. Haha." "Nasa'an si Patrick?" nagtatakang tanong ni Kai.

"Nasa trabaho. Sya 'yung tatay e." sagot ko naman.

"Ano naman daw trabaho nya? Di 'ba wala syang utak?" Hinampas ko nga si Kai.

"Ang bad mo. Makawalang utak ka naman. Kahit matalino ka, wala kang karapatang manlait ng iba." I even rolled my eyes.

"Luh, starfish don't have brain. Patrick is a starfish. Therefore, Patrick don't really have a brain." pang matalinong pagpapaliwanag naman nito. Kailan kaya ko mananalo sa agrumento sa lalaking 'to. Psh. "Manood na nga lang tayo." medyo badtrip ko nang pahayag.

Nasa kalagitnaan na kami ng panonood nang maloka ko sa plot twist ng kwento. Nagsisimula na kasing magaway si Spongebob (bilang nanay) at Patrick (bilang tatay). Nagpapatulong kasi si SpongeBob sa pagaalaga sa baby calm since ang dami pa nyang dapat gawin. Pero kada uuwi naman si Patrick, na mukhang pagod na pagod mula sa trabaho. Didiretso agad 'yon sa sofa sa tapat ng tv at manunuod ng football habang kumakain ng donut. "Grabe. Di man lang tumulong si Patrick sa pagaalaga ng baby! Pagod na kaya si Spongebob!" Hindi ko napigilang ibulalas 'yung opinyon ko.

"Pagod na kasi si Patrick. Tignan mo hila-hila na nga lang nya 'yung maleta nya e. Haha."

Mukhang tuwang-tuwa pa 'to. Tsk. Ipinagpatuloy ko na lang 'yung panonood. Almost every day ganon ang nangyayari. Uuwi si Patrick na pagod na pagod tapos diretsyo sa tapat nang tv.

Hanggang sa isang araw, napuno na si Spongebob. Kinompronta na nya si Patrick at doon nya natuklasan ang kalokohan nito. Hindi naman pala talaga pumapasok sa trabaho si Patrick. Which is I conclude, wala naman talaga syang work. Sa tuwing umaalis ito sa bahay na pinya ni Spongebob nagtutungo lang ito sa bahay nyang bato saka maghapong nanonood ng tv. Pagdating ng gabi, babalik sya sa pinyang bahay saka uuwing pagod na pagod. Takte! Sabay na umusok ang ulo namin ni Spongebob dahil sa inis.

"Ayan! Ayan ba 'yung sinasabi mong pagod sa maghapong pagtatrabaho? Kita mo nga! Pagod sa panonood ng tv!" Sinamaan ko pa ng tingin si Kai habang sinasabi 'yon. Kalmado naman syang sumagot. "Well, I never said na sa work sya napapagod." Kibit-balikat nitong pahayag. Bumilog naman ang mga labi ko dahil sa gulat.

"At least he doesn't have an affair." pagmamalaki pa nito.

Anak ng! Talagang ipinagtatanggol pa nya 'yung lokong 'yon? Gamit ang ano? Mga bulok nyang pangangatwiran? Mga lalaki talaga! Grrrrrrrr!

"Just kidding! Namumula kana sa galit wifey. Cartoon lang 'yan. Chill."

Chill? Chill-Chillin nya 'yang mukha nya.

"Bakit mo kasi sya ipinagtatanggol! Siguro ganyan gagawin mo sa akin 'no? Di mo ko tutulungan sa pagaalaga kay baby pag lumabas na sya. Kasi ano? Kasi ikaw 'yung nagtatrabaho sa ating dalawa tapos ako nasa bahay lang?!" Alam ko medyo oa na pero naiinis talaga ko e. Lalo na pag nakikita ko reaction ng lalaking nasa harap ko.

"I never said that." kalmado pa rin nitong pahayag. Hinarap ko naman sya at nagpamewang.

"O' talaga? Paano naman ako nakakasiguro na di ka nga kagaya ni Patrick ha? Paano?" Nagulat ako nang ngumiti ito bigla.

"Paano? Try me." Lalo kong naguluhan sa sinabi nya.

"Ha?"

Kinuha nya ang kaliwang kamay ko at dahan-dahan roong isinuot 'yung sing-sing namin. Nagulat ako nang makita 'yon. Paano napunta sa kanya 'yon? Iniwan ko 'yon sa hospital noon e. "Umuwi kana wifey, hindi kasi masaya magbahay-bahayan kung wala 'yung asawa ko."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report