OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
CHAPTER 66: WE’RE GOING HOME

ΚΑΙ

"Wala na ba kayong naiwan?" wika ni mama habang nakatayo ito sa tapat ng kotse ko.

Katabi pa nito ang asawa nyang nakamasid lang sa pagaayos ko ng mga gamit ni Dasuri. Sasama na kasi sya sa'kin pabalik ng bahay. Kasalukuyan kong inilalagay sa compartment ang mga gamit nito. "Siguro ho, mama." sagot ko pagkasara ko roon.

"Sandali lang, eto pa.." lumabas naman mula sa gate ng bahay ang asawa kong may dala-dalang isang bag na nakasukbit sa likod nya. Dali-dali ko naman itong nilapitan.

"Ano naman laman ng mga 'to?" Kinuha ko sa kanya 'yung bag.

Sa pagkakaalala ko, wala namang dalang gamit si Dasuri nang lumipat sya dito sa parents nya. So bakit sangkatutak ang bitbit nya pabalik sa bahay?

"Mama, Papa, anong oras 'yung flight nyo? Gusto nyo bang ihatid namin kayo?" Hinarap nya ang parents nya habang ipinasok ko naman sa loob 'yung gamit nya.

"Hindi na anak, alam naman naming marami pa kayong dapat asikasuhin sa paguwi mo sa bahay nyo. Baka mapagod ka pa. Kaya na namin 'yon." Nakangiting pahayag ni mama.

"Tama ang mama mo. Hindi naman ito 'yung unang beses na aalis kami. Hindi ka pa ba sanay?"

"Kaya nga nagtatanong ako e." Nakanguso namang sagot ni Dasuri.

"Basta mag-iingat kayo 'don ha. Ikaw papa, wag mong masyadong pasasakitin ulo ni mama. Ikaw naman mama, laba-labas din ng bahay. Ang putla-putla muna kakatago sa lunga." Napangiti ako sa aking nasasaksihan. Akalain mong nagagawa ni Dasuri ang sarili nyang mga magulang? Ibang klase talaga ang asawa ko.

"Aba, kami pa talaga ang binilinan mo. Ikaw ang umayos dyan. Mag-aral kang magluto hindi 'yung asawa mo lagi ang nagaasikaso sa kakainin nyo. Ikaw ang babae, baka nakakalimutan mo." napaismid naman si Dasuri nang marinig 'yon. Dahil pakiramdam ko'y napagtutulungan na 'yung asawa ko. Sumingit ako sa usapan nila.

"Okay lang ho 'yon ma, tinanggap ko sya ng ganon sya. Ano ba naman ang magluto araw-araw kung kapalit naman ay makasama sya habang buhay? 'Di ba wifey?" Ipinulupot ko pa sa ang braso ko sa balikat ni Dasuri. Lumingon ito sa'kin saka ngumiti. Binalingan pa nya muli ang parents nya at saka dumila sa mga ito.

"Haba ng hair ko 'no? Haha."

"Ashush, lumaki naman agad ang ulo ng batang ito. Sige na, umalis na kayo't nakaayos naman na ang lahat. Kami na ang bahala ng papa mo sa bahay." pahayag ni mama.

"Mag-iingat kayo." Muling niyakap ni Dasuri ang mga magulang nya bago kami tuluyang umalis sa harap ng mga ito. Pinagbuksan ko sya ng pinto sa kotse. Hinintay ko munang makaupo ito ng maayos sa loob bago ako nagtungo sa kabilang side at pumasok roon.

"Mamimiss ko kayo mama, papa." Batid ko ang lungkot sa boses ng katabi ko. Alam ko namang kanina pa nya itinatago 'yon.

"Bisitahin nyo kami sa Amerika, okay?" saad ni mama nya.

"Kai, iho, take care of my daughter." Tumango-tango ako sa papa nya at sumagot.

"Makakaasa ho kayo. Papa"

Binuksan ko na 'yung makina ng kotse at dahan-dahan itong pinaandar. Hindi parin inaalis ni Dasuri ang tingin sa kanyang mga magulang hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Wala na itong choice kundi ang umayos ng upo kagaya ko.

She took a deep breath, "Aalis na naman sila..." bulong nito.

Sandali akong sumulyap rito. She looks sad. Bagsak ang mga balikat nito at bahagyang nakayuko.

Inabot ko naman ang mga kamay nya at pinisil-pisil ito. "Don't be sad. I'm here,"

Nilingon nya ko at saka tinitigan. Iniakyat ko naman ang kamay ko patungo sa kanyang tiyan.

"Pati si baby, lagi lang kaming nasa tabi mo. We will make you happy every day." Ngumiti naman ito saka tumango-tango.

"Tama, ako ang magiging queen. Ikaw ang King at si baby ang princess sa bubuuin nating pamilya. Nakakatuwa. Nae-excite na ko." Umaliwalas ang ekspresyon ng mukha ni Dasuri ngunit bahagya akong napailing sa sinabi nya. "Princess? Pero wifey, hindi pa ta'yo nakakasigurado sa gender ng magiging anak natin. What if it's a boy? Then it would be a Prince and not a Princess."

Naramdaman ko 'yung panlilisik ng mga mata nya. "Eh, sa gusto ko girl sya e. Bakit ba?" Bahagya kong napanganga sa sinabi nya. "What? Are you serious?"

"Oo nga! Gusto ko ng princess kaya babae ang magiging anak ko. Period." Wala na kong nagawa kundi ang mapailing-iling na lang. Hindi naman siguro sya mag-iiyak kung maging lalaki ang anak namin, diba?

Matapos lang ang isa't kalahating oras. Agad rin naman kaming nakarating sa dati naming bahay.

"Woah! Grabe, ang tagal na rin pala since nang huli akong nagpunta rito." Hindi matanggal ang tingin ni Dasuri rito habang bumababa ng kotse. Inalaayan ko naman ito.

"Ikaw lang naman kasi, alam mo namang ang tagal ko nang naghihintay rito." Ngumiti ako nang lumingon sya sa akin.

"Well, kinailangan ko ng space kaya nagpahinga muna ko sa malayo. Pero wag kang mag-alala, di ko na uulitin 'yon. Mas magiging matapang na ko para harapin 'yung mga problema. Hindi na ko tatakbo at magtatago pang muli." "Are you sure, wifey?"

"Naman. Nagmamatured na kaya 'tong asawa mo." Buong pagmamalaki pa nyang pahayag.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Well, I believe in you." Napatitig sa akin si Dasuri nang marinig ang sinabi ko.

"What?" I mouthed to her.

"Wala. Nagulat lang ako sa isinagot mo. Dati kasi ang madalas mong sabihin, 'I doubt it'."" Inabot ko ang buhok nya at ginulo-gulo ito nang bahagya.

"Mali ako nung sabihin ko sa iyo 'yon. Dahil ako bilang asawa mo ang kauna-unahang dapat na maniwala sa sasabihin mo. I trust you more than anyone kaya simula sa araw na ito. Kahit ano pa man ang sabihin mo, paniniwalaan ko." She grabbed my wrist, "Paano kung magsinungaling ako? Maniniwala ka parin sa'kin?"

Hindi ako nagdalawang isip na sumagot, "Yes, hindi dahil sa 'yun ang dapat kong gawin. Kundi dahil mahal kita at kahit ano mang sabihin ng iba. Ikaw at ikaw parin ang una kong paniniwalaan."

Kinuha ko ang kamay nito at inalalayan papasok sa loob nang munti naming bahay. "From now on, I won't let you slip your hands from me. I will hold you tight forever."

DASURI

Hindi ko maipaliwanag 'yung sayang naramdaman ko nang makapasok akong muli sa bahay namin ni Kai. Itinanggal na ni Kai ang kamay nyang nakahawak sa akin upang pumasok sa dati naming kwarto at ipasok ang mga gamit ko. Nanatili akong nakatayo sa bukana nang aming sala. Nilibot ng aking paningin ang buong paligid.

Wala parin itong ipinagbago, mula sa pagkakaayos ng mga sofa. 'Yung T. v na madalas naming panooran habang nagpapahinga. 'Yung mantel sa sahig. Maski na 'yung mga litratong nakasabit sa pader. Pinipigilan kong maluha habang lumalapit sa wedding photo namin ni Kai.

Ang tagal na rin pala mula nung huling beses ko itong makita. Sa sobrang tagal muntik ko nang makalimutan kung gaano ko kasaya 'nung panahong nangyari ito.

"You are the most beautiful brides that I've ever seen." Napalingon ako kay Kai na nakatayo na pala sa gilid ko. Kailan pa sya nakarating dyan?

"Kai? Kanina ka pa dyan?" but instead of answering my question. Kinuha nya 'yung kamay ko.

"Pwede ko bang maisayaw ang asawa ko?" he asked.

"Ha?" seryoso ba sya? Bakit bigla nya ginustong sumayaw? At saka paano kami sasayaw wala namang tugtog?

"Alam ko na disappointed ka nung araw nang kasal natin dahil gusto mo sanang makipagsayaw sa'kin sa harap ng mga bisita but I rejected your offer. Ang dahilan ko? Kaartehan lang naman 'yon."

Naalala ko 'yung sinabi nya. Inis na inis ako sa kanya 'non pero wala kong nagawa kundi ang manahimik sa isang tabi.

"Ang sama ko para hindi pagbigyan 'yung maliit na kahilingan mo. Ano ba naman ang sumayaw sa harap ng maraming tao. I already did that hundreds of times. Naging selfish ako nung mismong araw pa ng kasal natin samantalang ilang oras lang ang nakalilipas since sumumpa ako sa harap ng altar na gagawin ko ang lahat para alagaan at pasayahin ka."

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Hindi na nya hinintay ang magiging sagot ko. Ipinatong nya ang kamay ko sa kanyang magkabilang balikat. Hinawakan nya rin ako sa baywang at bahagyang ipinagdikit ang aming mga katawan.

"Hayaan mo sana kong bumawi sa mga pagkukulang ko and I want to start with this..."

Nagulat ako nang makarinig ako nang tugtog pagkatapos ni Kai na pumitik. Nagbago rin ang kulay nang ilaw sa sala na nakadagdag sa pagiging romantic nito. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa nangyari. Paano nangyari 'yon? "Oh, I'm sorry, girl. For causing you much pain. Didn't mean to make you cry, make your efforts all in vain"

My jaw dropped when I heard Kai's voice singing. It was recorded pero it still giving me the feels. Gosh!

"Listen carefully on the song," saad pa nya habang isinasayaw ako. Hindi ko alam kung paano magpo-focus sa mga nangyayari pero sinubukan ko pa rin dahil sinabi nya.

"And I apologize for all the things I've done. You were loving me so much

But all I did was let you down"

Nakatitig lang sa akin si Kai habang patuloy kami sa pagsayaw. At kahit sa mga simpleng pagtitig na iyon, ramdam ko kung gaano nya ko kamahal. "Oh, I really don't know just what to say. All I know is that I want you to stay... Yeah..."

"Dasuri, my wife..." Nagulat ako nang huminto sya sa pagsayaw at magsimulang kumanta. Nandoon pa rin 'yung back ground music pero minus one. "This time I'm not gonna let you slip away." He was looking at me while singing fucking live!

"This time I'm not gonna let another day go by, without holding you so tight," hinatak nya ko papalapit sa kanya na mas lalong nagpakabog sa aking dibdib,

"Without treating you so right..." and touched my face.

Ipinagdikit pa nya ang aming mga noo habang patuloy sa pagkanta. Ibinaba ko naman ang kamay ko patungo sa bewang nya. I closed my eyes and listen to his song not knowing na may mga luha na palang tumutulo sa aking pisngi. "This time I'm not gonna let go of your love. This time I promise you that we'll rise above it all and I will never let you fall." pinunasan nya ang mga luha kong iyon and whisper on my ears,

"I'm gonna give you my all.. This time.."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report