I immediately eyed like a hawk in hunt the pauper with my babe after I got out from work. Nasa parking lot na sila noon at hinihintay akong makasakay ng kotse. I'm a bit pissed, my babe promised me to spend his time with me today. Nasabi niya na isang linggo lamang siyang mananatili rito sa pinas, pero pinili pa niyang makipag-bonding kasama ang pauper! Damn, now I am jealous. Nasayang ang isang araw na dapat ay para lamang sa amin.

"What's with the frown, babe?" natatawang sabi ni Ellie sa akin pagkatabi ko sa kaniya sa backseat. "C'mon, may bukas pa para mag-bonding tayo. Nais ko lamang talagang makipag-bonding kay Terenz. He looked so happy earlier!" Mas nalukot ang mukha ko sa narinig. Ellie looked so happy na mas kinaselos ko. Hinapit ko siya sa bewang at pinanggigilang halikan ang kaniyang mga labi. Nang pinakawalan ko siya, I gave him a smirk out of satisfaction. That's what he got for being so good of provoking me.

Ngumuso ako at umayos nang upo nang makuntento na sa nagawa. Nahiya yata siya, kung kaya binaon niya ang kaniyang mukha sa aking dibdib na kinatawa ko. Natigil lamang nang mapansin ko ang pauper na tahimik lang at nakatanaw sa labas ng kotse.

Tumaas ang isa kong kilay.

"Siyempre masaya siya, first time niyang makaapak at makagala sa mall," malakas ang boses kong tukso.

I suppressed the smile that was about to come out of my lips nang makita kong napalingon si Terenz sa gawi namin. I showed him my sarcastic expression to tease him more. Naikagat niya ang kaniyang ibabang labi at nahihiyang muli ay nag- iwas ng tingin.

"Pancho!" Napa-aray ako nang malakas akong pinalo ni Ellie sa aking braso. "Ano nga ang sinabi ko sa'yo?" nakataas ang isang kilay niyang sabi.

I sighed. "Okay, okay. I'll stop, babe."

Kahit labag sa aking kalooban ay kailangan ko siyang sundin. Mahirap pa naman magtampo ang pinakamamahal kong ito. Masakit sa puson at pati na sa ulo. "Why do you like teasing him anyway? Inaanak pala siya ng Dad mo, you should treat him properly, Pancho."

I liked teasing him since day one, babe. Nais ko sanang sabihin iyon sa kaniya kaso baka mas magalit siya. I didn't know why, too, though. It's just, teasing Terenz gave me something satisfying ever since. I liked the way he frowns, the way he gets shy, or the way he suppresses his anger dahil amo niya ako. Yet, siya lang din ang kauna-unahang nakasagot-sagot sa akin na alalay - lalo na ang tumagal ng ganito. He's so innocent, too. That made it more fun for me to tease him. Saktong napadaan kami sa may convenience store kung saan noon ay naligaw si Terenz. Wala sa sariling napatawa ako nang maalala ko ang pagsasayaw niya sa harapan ng mga bata. Hindi pa rin pala niya alam na nakita ko iyon. Maitukso nga sa kaniya iyon, his expression might be priceless. Imagining it made me thrilled.

"What's funny? Care to share, babe?"

Natigilan ako nang natatawa na dinungaw ako ni Ellie sa aking tabi. I cleared my throat at napatingin sa harap. I sighed when I saw Terenz was still quiet and oblivious from us here at the back. Niyuko ko ang aking pinakamamahal at binigyan siya ng isang halik sa noo.

"Just happy that you're at my side again."

Napatitig pa siya ng ilang segundo sa aking mga mata bago siya ngumiti. Damn. My babe was really the most beautiful human being I ever saw in my life. He never failed to snatch my heart since day one.

"I love you, Pancho," bulong niya sa akin.

I smiled. "I love you more, my Ellie."

Nang makarating kami sa mansiyon ay naghahanda na ng hapunan sina Nana. Natutok lamang ang paningin ko sa mga pinamili ni Ellie. I knew how he loved shopping to relieve some stress, pero ngayon ko lamang nakita na ganito kadami na maging si Terenz ay may hawak-hawak na rin.

"Are you stressed a lot?" hindi ko naiwasang magtanong. "You bought a lot today." Noong una ay nagtatakha pa yata siya sa sinabi ko, pero kalaunan ay natawa.

"Heto lang sa akin, kay Terenz naman iyang hawak niya."

Nagulat ako. Binilhan niya iyong pauper na iyon? Why? Why am I so... pissed? "Oh, dito na pala kayo! Halina kayo at handa na ang hapunan," si Nanay Matilda. "Thanks, Nana! Maliligo lang muna ako. Nanlalagkit na ako, eh," Ellie answered back. "Ah! S-Sir Ellie... salamat po pala ulit dito," Terenz said na kay Ellie lamang tumitingin.

Kanina ko pa 'to napapansin na umiiwas ng tingin sa akin, bukod sa pananahimik. Mas nangunot ang noo ko. Why do I feel that something was not right? Lalo na noong sinagot siya ni Ellie na ayos lamang iyon at tila may pinapahiwatig ang tingin niya kay Terenz. Bigla akong kinutuban ng hindi maganda. "Maliligo lang ako, okay?" Ellie kissed me on the lips bago siya pumasok sa banyo rito sa aking kwarto.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Tinanaw ko pa muna ang banyo kung nasaan siya bago ko naisipang puntahan si Terenz. Tahimik akong naglakad patungo sa kaniyang silid - katapat lamang sa akin. Hindi pa rin humuhupa ang inis ko sa mga bagay na hindi ko rin alam ang rason. Basta naiinis ako kay pauper sa araw na ito.

Tatlong katok ay binuksan na niya ang pinto. Tumaas pa ang dalawa kong kilay nang magulat siya nang makita ako. Napadako ang paningin ko sa kama niya at agarang naningkit ang aking mga mata nang makita roon ang mga pinamili ni Ellie para sa kaniya. Ramdam ko ang paggalaw ng aking panga.

"S-Sir Pancho..."

Hindi ko siya pinansin at diretso ko siyang nilagpasan para tumungo sa mga paper bag sa itaas ng kaniyang kama. Nakita ko ang sari-saring mga bagay roon; mga beauty products, damit, pabango, at kung anu-ano pa. "You got a lot from my babe today, huh?" nang-uuyam ang aking boses.

"H-Hindi ko naman pinabili iyan kay S-Sir Ellie, kusa niyang binigay. K-Kung ayaw mo, ibabalik ko na lamang, Sir," narinig ko ang halos pabulong niyang sagot.

Hinarap ko siya at mabilis na naman siyang nag-iwas ng tingin! Seriously, what's wrong with him? May sinabi ba si Ellie sa kaniya para magaganito siya ngayon sa harapan ko? Terenz was always head-on with me, though, napapansin ko nang naiilang na siya sa akin lately. Pero may kakaiba talaga ngayon, I could sense it.

Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa aking bulsa at nagsimulang maglakad palapit sa kaniya. Umatras naman siya nang umatras, halatang kinakabahan. I am eager, until wala na siyang maatrasan pa. Napasandal siya sa pader at tumayo naman ako sa harapan niya - halos dumikit na rin sa kaniya.

"Huwag mo na ibalik at naibigay na niya sa'yo. Happy? Nag-enjoy ka ba? Masaya ba na maibigay sa'yo ang mga bagay na wala ka?" Nakita kong manginig ang mga labi niya at doon natutok ang paningin ko. "Answer me, Terenz." Bumilis ang paghinga niya at hindi ko alam kung bakit bigla ay namula ang mukha niya. Sobrang pula na kitang-kita ko kahit sa likod ng moreno niyang balat. I remembered teasing him like this sa Boracay sa dagat kung saan iniwasan din niya ako pagkaumaga. Noon ko rin nakita na kapag tinignan mo si Terenz sa malapitan, you'll appreciate the exotic beauty he had.

Noong una hindi ko ma-appreciate, but his tanned skin was somehow attractive. I even thought it's sexy. May kakaibang glossiness iyon - so natural. Halatang hindi siya balat mayaman, pero nakaaakit tignan.

Have I ever complimented him like this before? I wouldn't ever say it to him anyway. Teasing him was enough to satisfy me.

Bumuka ang bibig niya para siguro sumagot sa akin nang maantala dahil sa pagtunog ng cellphone niya na nakapatong sa maliit na lamesa katabi namin. Sabay kaming napatingin doon. Nangunot kaagad ang noo ko nang makita ang pangalan ni Axel sa nakailaw pa niya noong cellphone.

Akmang lalapit siya roon nang mabilis ko siyang nahigit sa braso. I pinned him on the wall, ngayon, mas galit na ako kaysa kanina.

"Axel?" I gritted my teeth saying my friend's name. "You're texting with Axel." Tumango-tango ako. "And since when is this, Terenz?"

Sinubukan niyang itulak ako, kasi hindi ako nagpatinag. Galit ako. Hindi ko alam, pero galit ako.

"N-Nang dumalaw siya rito n-noon. H-Hiningi niya ang numero ko, S-Sir." Ramdam ko ang pagkabahala sa boses niya, sa galit ko o sa lapit ko sa kaniya. Hindi ko alam.

Damn, that playboy! Ano na ang nangyari sa Keanu niya, huh?

"Erase his number. Don't dare text him again," galit kong sabi. "P-Pero -"

Hindi ko siya pinag-pasalita pa ulit. Dala ng kakaibang galit sa aking sistema, marahas ko siyang hinawakan sa batok. I crashed my lips into his. Damn it. He tasted so exotic, too. Like a chocolate? I don't know, but damn, I might be his first kiss. Bumaba ang isa kong kamay sa kaniyang bewang, sinusubukan siyang idiin sa akin. Noon una ay tinutulak pa niya ako, kaso bigla yata siyang nanghina. I licked his lower lip and smiled inwardly because he obviously didn't know how to kiss. Nang pinakawalan ko siya, kitang-kita ko ang pamumungay ng kaniyang mga mata.

Doon lang ako natauhan! Humupa bigla ang galit ko! Nanlamig ako sa kaba.

Mabilis akong lumayo sa kaniya at lumabas doon sa kwarto niya. Pagkapasok ko sa aking silid ay napasuntok ako sa pader. Why?

Nagalit ako nang makita na nabilhan siya ni Ellie ng mga mamahaling bagay. I was jealous? Heck, yes. Dahil ang pinakamamahal ko ay gumastos para sa pauper na iyon. Nagalit ako when I saw Axel texting him. I was jealous? I... am? "F-Fuck," I muttered a curse as I roll my tongue below my lips. Mas napamura ako dahil pakiramdam ko, nalalasahan ko pa rin siya roon. "Pancho?"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report