Pancho Kit Del Mundo -
[20]
Me and Terenz... we started to avoid each other since that day. Well, that's convenient I guess. Alam ko na may iba pa siyang rason kung bakit niya ako iniiwasan-even before that kiss happened. Mabuti na lamang at wala naman yatang ni isa sa mga kasamahan namin sa bahay ang nakapapansin. The only thing I couldn't tolerate right now was my guilt for Ellie.
"Pancho?"
Natigilan ako sa pag-iisip sa nangyari sa amin ni Terenz kanina at kinakabahan na nag-angat ng tingin kay Ellie. Katatapos lang niyang maligo and he looked so confused while looking at me. Ramdam ko na magkadikit ang kilay ko at siguro ay litong-lito ang expresiyon sa mukha, kung kaya sinubukan kong mag-relax at bigyan siya ng ngiti.
"Hey, babe. Looking good, huh?" pilyo kong sabi habang hinahagod siya ng tingin.
Tinapon niya sa akin ang isang unan mula sa kama na mabilis kong kinatawa.
Kinalimutan ko ang mga nangyari ng araw na iyon. I made love with Ellie that night to forget that my heart and mind wavered for a bit. Si Ellie lamang ang mahal ko, siya lang. Tinatak ko iyon sa aking puso at isipan na simula ng araw na iyon ay ni hindi ko na tinutukso o pinapansin pa si Terenz. Kinakausap ko lamang siya kapag kailangan, I couldn't afford to waver again. Not with my Ellie here.
Good thing at iniiwasan niya rin ako.
"Napakabilis ng isang linggo, huh?" Ellie said out of nowhere habang nandirito kami sa aking opisina.
Katatapos lamang ng aking trabaho pero hindi pa kami umaalis. The old man saw him earlier at nakipagbatian kay Ellie. That old man. Alam ko na ayaw pa rin niya sa relasiyon namin, but good thing hindi naman siya naging kontrabido. Pinapakitunguhan niya naman ng maayos si Ellie eversince pinakilala ko siyang boyfriend ko.
Niyakap ko siya nang mahigpit mula sa likuran habang siya ay nakahilig sa dibdib ko. Damn. Babalik na siya bukas sa New York. A week was really too fast.
"Huwag ka nang umalis babe, please?" I pleaded sabay baon ko ng aking ulo sa kaniyang leeg.
Narinig ko siyang bahagyang natawa, pero hindi ko alam kung bakit bigla ay natahimik din siya. Kaninang umaga ko pa napapansin iyan sa kaniya. Parang malalim ang iniisip. Hindi pa nga niya pinasama si Terenz sa amin ngayon sa hindi ko alam na dahilan, pero ayos lang naman sa akin. May masama lamang talaga akong kutob. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
"Promise me na hindi ka na mangmamaliit ng iba lalong-lalo na sa mga kagaya ni Terenz, Pancho. Ayusin mo na rin ang relasiyon mo sa Daddy mo. Hindi magiging masaya ang Mommy mo niyan. I want you to be a more matured, fine man, when I see you again."
Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya bago niya ako inayang umuwi.
When we got home, roon ko lamang lubusang naintindihan ang lahat. I looked at Ellie with so much awe, no words left my mouth. Kaya pala d-i-n-elay niya ang pag-uwi namin dahil may pinaghandaan siya.
Naglakad si Ellie sa pathway na pinunuan ng mga maliliit na ilaw. Nagtapos iyon sa mini-gazebo ng garden sa mansiyon. Nangingibabaw ang isang instrumental na tugtugin sa paligid at tila ay kaming dalawa lamang ang narito ngayon. Marahan akong naglakad patungo sa kung saan siya. Light illuminated his face that made me fall all over again. My Ellie's so beautiful.
Pagkalapit ko sa kaniya ay kaagad kong ipinulupot ang aking mga braso sa kaniyang bewang. I kissed his forehead, his nose, and then his lips.
"Kaya pala, ha? May pa-surprise pala ang mahal ko," tukso ko sa kaniya that made him giggle.
Pinakatitigan niya ako. Sa likod ng kumikinang niyang mga mata ay may nakatago pa roong ibang emosiyon, pero ipinasawalang bahala ko iyon. I am too happy to mind whatever it was.
"Alam mo naman siguro na mahal na mahal kita, 'di ba? You'll always be my one and only, Pancho. Wala na yatang makapapalit sa'yo rito sa puso ko." Narinig ko ang bahagyang pagkabasag ng boses niya, kaya ay naalarma ako. "Hey, babe, ako rin. Mahal na mahal din kita, Ellie." Tuluyan na siyang naluha nang sinabi ko iyon. "You're my one and only since that day you captured my heart."
Nagulat ako nang niyakap niya ako nang mahigpit at humagulhol siya ng iyak sa dibdib ko. Nagsimula akong kabahan. There really was something wrong, something's up.
"Ellie? Babe?" tawag ko sa kaniya habang sinusubukan siyang ipaharap sa akin. "Hey, what's wrong?"
Humiwalay siya mula sa pagkayayakap sa akin at umatras ng ilang hakbang palayo sa akin. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Sinubukan ko siyang lapitan at abutin, pero mas lumalayo siya sa akin. Kumunot ang noo ko. Ang kaba ay nahahaluan na ng inis.
"I-I'm sorry, Pancho," umiiyak niyang sambit na tila ay sumuntok sa dibdib ko.
Why was he sorry? What did he mean by that?
"Ellie? What's the matter?" Sinubukan kong muli ay hulihin ang kamay niya pero talagang umiiwas siya sa akin.
"Let's end our relationship," tila nabingi ako sa sinabi niya, hindi ako nakakibo sa kinatatayuan ko. "Let's break-up."
He's telling mo to just end our 5 years of relationship right now? Nang gano'n-gano'n lamang? Was he fed-up with me? Magbabago pa ako! Dahil ba hadlang ako sa pangarap niya? But I'm always patient kahit mas marami pa siyang oras sa pangarap niya kaysa sa akin! Iniintindi ko naman siya, kulang pa rin ba? Do I needed to be more patient?
"W-Why?" I cleared my throat and blinked my eyes dahil tila may namumuo na rin doong mga luha. "Tell me what's wrong at aayusin ko. Hindi iyong ganito. Not breaking-up babe, please? H-Hindi... Hindi ko kakayanin, Ellie."
Puno ng mga luha ang kaniyang mukha nang tumingin siya ng diretso sa aking mga mata. He's breaking-up with me pero parang hindi naman niya gusto ang ginagawa at mga nasabi. Nasisiguro ko na ayaw niya rin ang desisyon na ito. So why was he doing this?
"I need to chase my dreams, Pancho. At kailangan na kitang bitawan para maisakatuparan iyon," diretso niyang sabi.
Natigilan ako. Pagak akong natawa, hindi ko alam kung maiinis ba ako o maiiyak sa narinig. Lahat ng frustrations ko ay bumuhos!
"We promised each other, babe. Nangako tayo sa isa't isa na sasamahan kita sa pangarap mo at hinding-hindi mo ako iiwan para roon, 'di ba?" halos naging pabulong ang pagkasasabi ko. "We promised that our love for each other will always be strong no matter what. Kahit anong mangyari, Ellie! Mahal na mahal kita. Bumabaw na ba ang pagmamahal mo sa akin?"
Siya naman ngayon ang natigilan sa narinig. Alam kong nahihirapan siya. Alam kong hindi niya ito gusto. Nakikita ko iyon sa mga mata niya. But a resolve was making him do these things. His parents. Sila lang naman ang alam ko na hinding- hindi niya kayang suwayin.
"S-Sorry," he uttered again.
Nakita ko ang panginginig ng kaniyang katawan. Hindi na niya ako tinignan pang muli. Ayoko siyang nahihirapan. Gusto ko siyang ipaglaban ngayon din sa mga magulang niya and curse them to death. Pero alam ko na mas pipiliin pa rin sila ni Ellie. I knew, because I already tried it before dahilan para pansamantala kaming magkalabuan. Sa huli, mas matimbang pa rin ang utos ng mga magulang niya.
But it's his dream anyway, sino ba naman ako para ipagkait iyon sa kaniya? Sa masayahin niyang mukha ko siya minahal. Sa pigura niya na ginagawa ang bagay na kaniyang minamahal ako nahalina. Klaro pa iyon sa utak ko hanggang ngayon. Kaya sino nga ba ako para ipagkait iyon sa kaniya? Masyado ko siyang mahal na kung ito ang nais niya, hahayaan ko siya.
"Ito ba ang ikasasaya mo, Ellie?" tanong ko na nagpagulat sa kaniya.
Matagal siya bago nakasagot sa akin. He tried so hard, ayaw ko na siyang pahirapan pa. Hindi ko lang akalain na sa ganito kami magtatapos.
"Yes," sinabi niya iyon ng may pagtatapos.
Tumango ako sa kaniya at iniwas na ang aking paningin sa kaniya. Umalis na siya sa harapan ko at alam kong iyon na ang huling beses na makikita ko siya. Sobrang sakit. Kagaya noong araw na nawala sa akin si Mommy. Sa ikalawang pagkakataon, iniwan na naman ako ng taong labis kong mahal.
Nailapat ko ang aking dalawang daliri sa pagitan ng aking mga mata dahil sa mga luha na unti-unti ay namuo roon. Sobrang sakit ng dibdib ko.
A hug enveloped me from behind. A warm hug na pinaparating sa akin na hindi ako nag-iisa ngayon. Ayokong ipakita sa iba itong kahinaan ko, but I am thankful because I needed it right now. "Nandito lang po ako, Sir Pancho."
Ang garalgal na boses ni Terenz ang pumuno sa aking pandinig. Mabilis akong humarap sa kaniya at napayakap sa kaniya nang mahigpit. Sa kaniyang balikat, tuluyang kong inilabas lahat ng aking hinanakit. That was the night that Ellie Saavedra finally broke my heart.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report