Pancho Kit Del Mundo -
[Special Chapter] Ellie Saavedra
"I... broke up with him," walang emosiyon na balita ko sa aking coach sa kabilang linya.
I dropped my phone after I ended the call. Ah, I couldn't feel anything right now. Pakiramdam ko ay namanhid na ang buo kong katawan. Where am I right now? Where am I going again? I don't know. Tila nawalan na bigla ng direksiyon ang buhay ko. Pancho's not mine anymore. I... I broke his heart... and so I did to mine.
My dream was already at my reach, but why do I feel so empty?
Pagod kong kinusot ang aking mga mata. Nanlabo ang mga mumunting ilaw sa paligid ng airport habang tinatanaw ko ang mga iyon mula sa loob ng eroplano. Humigop ako ng hangin dahil tila mawawalan ako ng hininga sa aking baga. That's when my mind went back to the past. The past where I met Pancho Kit Del Mundo for the first time.
That was around when we were college.
Since I was young, pangarap ko na talaga ang maging tanyag sa larangan ng ice skating. Simula nang matuto ako no'n ay hindi ko na maalis-alis sa aking sistema. I loved the feeling of the cold in my body while I am gliding at the top of the ice. I liked it kapag nawawala ako sa mundo ng paglayag ng aking katawan sa itaas ng yelo. I felt so free, like a bird that got out from its cage. Mom and Dad never liked it at first, pero nang makita nila ang dulot ng unti-unti kong pagkakaroon ng pangalan sa ice skating ay tinulak na nila ako roon.
At first, ayos pa sa akin dahil mahal ko iyon; but when Pancho came into my life, napansin nina Mom and Dad ang pagkawala ng aking konsentrasiyon sa ginagawa.
"Wow."
Gulat at napasinghap ako nang biglang may nagsalita sa aking likuran. Nakita ko roon ang isang lalaki na nakasandal sa pinto ng bakanteng music room, magkakrus ang mga braso niya at manghang nakatingin sa akin.
I was aloof since I was a kid, a total introvert. Wala akong naging kaibigan magmula nang mag-aral ako. Sinusubukan naman nilang makipagkaibigan sa akin, pero sa huli ay nagiging weirdo na ako para sa kanila. I totally understood. Growing up as an only child; always alone at home because of my busy-body parents, only have toys to talk with - I totally understood. Nasanay na ako sa sarili kong mundo.
Pero malungkot pa rin kahit lahat ng meron sa mundo ay kayang ibigay sa akin.
"A-Ahm..." Sinubukan kong aninagin ang lalaki sa may pinto at napasinghap ako no'ng makilala ko siya.
It's him! Ang isa sa mga sikat na lalaki sa paaralan na ito! Why was he here?
"You're good. You look beautiful earlier. I mean doing that... movements," aniya.
Pakiramdam ko ay namula ang aking magkabilang pisngi sa narinig. Some of my parents' business partners or friends often complimented me, pero bakit iba ang epekto mula sa lalaki na ito? Sabi ko na! Mali ang mag-practice rito. Kung bakit kasi naisipan ko kanina na pumunta rito after class?
Pero hindi ko kasi mapigilan. Malapit na ang contest na sasalihan ko at kailangan kong pagpraktisan ang kanta na gagamitin ko. At isa pa, maganda kasi ang atmospera rito kanina. Bakas ang liwanag ng papalubog na araw sa buong music room. Nahalina ako.
"S-Salamat," nahihiya kong sagot.
Napayuko ako. Hindi ko siya matignan. Bakit nga ba narito itong si Pancho Kit Del Mundo? Ang isa sa miyembro ng Pervs na kilala rito sa buong campus. Sino ba naman ang hindi? Grupo sila ng mga gwapong kalalakihan. Pero simula nang umapak ako sa paaralan na ito; hanggang ngayon na nasa ikalawang taon na sa kolehiyo, my eyesight never left Pancho Kit Del Mundo kapag nakikita ko siya. His features, it's exactly my type.
And right. Ang isa sa mga tinatago ko ay ang aking kasarian. Not even my parents knew about this.
Umalis siya mula sa pagkasasandal at lumapit sa akin. Napaatras naman ako ng kaunti. Napalunok ako nang sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. Anong gagawin niya?
Natigilan lamang ako nang itaas niya ang isa niyang kamay sa aking harapan. "Let's get along, shall we?"
Doon nagsimula ang lahat. Dumaan ang mga araw na kada tapos ng klase ay pupunta ako sa bakanteng music room na iyon kung saan naghihintay si Pancho. Lagi niyang pinapanood ang pag-practice ko. Afterschool became my favorite; that music room became my favorite place, for the first time ginusto ko ang pumasok sa paaralan araw-araw. I kept on looking forward.
"If you win, you'll be mine," iyon ang ekstaktong sinabi ni Pancho bago ang araw ng aking contest.
Sobrang nagulat ako. Hindi magkamayaw ang pagpintig ng aking puso. Alam ko nang may kakaiba na sa aming dalawa. We already said we liked each other; we already kissed, we almost had sex in this music room, pero wala kaming label. Nangingiti ako sa kaniyang harapan. "Paano kung hindi ako manalo?"
"You will," siguradong-sigurado niyang sagot. "I believe in you." Nanalo nga ako.
Pinanghawakan ko ang sinabi ni Pancho. I wanted him to be mine, too. Gusto kong maging kaniya na ako at ganoon din siya sa akin. Hawak ang medalya ay malapad ang ngiti na itinaas ko iyon sa gawi ng mga audience kung saan siya at nanonood. He mouthed 'I love you' to me and so did I. That was the day we started our relationship.
That was the happiest day of my life.
"Who was that man you kept on smiling with earlier?"
Dumagundong ang kaba sa aking dibdib nang mangibabaw ang boses ni Dad sa gitna ng aming pagkain sa isang mamahalin na restaurant. Natulala ako sa aking kinakain. Napansin niya pa iyon? Mariin akong napapikit and was about to answer nang mabitin sa ere ang aking boses. Pancho was standing behind my parents' chair! Nakangiti siya nang malapad sa akin habang nakapamulsa! "Pa"
"Good evening, Maam and Sir," pagputol niya sa akin.
Parehong gulat sina Mom and Dad na napatingala sa kaniya habang ako, gusto ko siyang suntukin! Ano bang ginagawa niya? Oh god!
"And who might you be?" malalim ang tono sa boses ni Daddy no'ng tinanong niya si Pancho.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"I am Ellie's "
"Friend!" agap kong sabi na nagapagulat sa kanilang tatlo. "He's my friend from school, Dad. He's Pancho Kit Del Mundo."
Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni Dad nang marinig ang apelyido ni Pancho. Good thing he's a Del Mundo!
"Oh. The only heir of the Del Mundo's I presume?"
Nalagpasan namin ang momento na iyon. Dad was a bit happy na nagkaroon na raw ako ng kaibigan at isang Del Mundo pa. As well as Mom, ofcourse. Pero nang malaman ni Pancho na tinatago ko sa mga magulang ko ang relasiyon namin, nagkatampuhan kami. Gusto niya akong ilaban-kami, pero natatakot ako. I am not ready.
"I'm sorry," nanginginig ang labi na paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.
I was standing in front of him while he's sitting on a chair dito sa music room. Hinila niya ako at ikinulong sa mga bisig niya.
Narinig ko siyang bumuntonghininga. "May magagawa pa ba ako? But if the right time comes, ilalaban kita."
The right time. When is it? I guess, right time for me and Pancho would never happen.
Noong gum-raduate kami sa kolehiyo ay kinailangan kong tumulak sa New York para ipagpatuloy ang aking career. Dahil sa sunod-sunod kong panalo maging sa ibang bansa, I was already recognized as one of the best ice skater hindi lamang sa Pilipinas kung hindi globally. Wala na akong mahihiling pa. I had my dream and I had my Pancho.
Pero may mga bagay pala talaga na hindi mo makukuha ng sabay. May mga bagay pala talaga na kailangan mong isakripisyo. You couldn't really have anything in this world without giving up something or someone.
"Kaya pala nawawalan ka na ng focus kahit sa ensayo magmula nang umapak ka rito sa New York. All because of a man. And you dare lie to us all this time na kaibigan mo lamang siya?" Dad's voice boomed in the four corners of our house here in New York.
Nanginginig ang buong katawan ko sa takot at kaba ng mga oras na iyon. Nablangko ako. I didn't know what to do. Gusto kong tumakbo kay Pancho at makulong sa yakap niya. Please, I needed his comfort. "S-Sorry Dad."
I looked at Mom seeking for help, but she looked at me with pure disappointment and disgust. My own parents were disgusted at me. Gusto kong matawa sa sarili ko ng mga oras na iyon. Hanggang ngayon ay mahina pa rin pala ako. Hindi marunong lumaban sa mga gusto ko. Nakakadena pa rin ako sa nais ng aking mga magulang. Hanggang kailan ako magiging mahina?
"Your sorry is not accepted here. Break up with him, Ellie. Kung hindi, kalimutan mo na rin ang pangarap mo at kakalimutan na rin namin na may anak kami."
Labis akong nagulat sa narinig. Is that it? They were willing to forget their own child for their own means? Kaya lamang sila naghihigpit sa pangarap ko ay dahil sa kasikatan na naibibigay ko sa pangalan namin! Oo pangarap ko iyon, kasiyahan ko. Pero hindi ang anak nila at ang pangarap ko ang sinusuportahan nila, eh, it's their own ego.
Pagak akong natawa. "Hindi naman kayo seryoso, 'di ba? Dad? Mom?"
Ofcourse they were, Ellie.
Tinalikuran ko sila sa labis na inis. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata sa halu-halo na emosiyon. Fine! Makakaya ko naman na abutin ang pangarap ko on my own! Hindi ko isusuko si Pancho!
"Don't ever think of disobeying us, Ellie. Or else, idadamay namin ang mga Del Mundo," ang huling narinig ko mula kay Dad.
How cruel! Kung ako lang kaya ko pa. But not Pancho. Not my Pancho.
I cursed my life from then on. Bakit pa ako pinanganak sa pamilyang ito? Yaman? Fuck wealth, I don't need it. I only wanted freedom, iyon lamang. Pero kung madadamay ang taong mahal ko sa pagiging malaya ko, hindi ko makakaya iyon. Kaya bago pa may masirang ibang buhay, I needed to let go. Even it meant destroying myself in return.
"Let's end this relationship." Pinilit ko ang aking sarili na hindi maiyak sa punto na iyon. "Let's break up."
"Ito ba ang ikakasaya mo, Ellie?"
No. Ofcourse not, babe. Pero ito lamang ang alam kong paraan para maprotektahan ka.
"Yes."
Sorry, Pancho. Sorry if I needed to protect you this way. Pasensiya na kung napakahina ko. Pasensiya na kung hindi kita kayang ipaglaban. Pasensiya na kung kailangan kitang bitawan at saktan para hindi kita masira. Pasensiya na at nagkamali ka ng taong minahal. I knew someone's out there that deserved you more and you deserved in return.
At hindi ako iyon.
Napatingala ako sa harapan ng airport ng New York. Natawa ako dahil sa mga maling desisyon na nagawa ko sa aking buhay. Crap. Heaven looked so peaceful right now. Should I go up there?
"Ellie!" narinig kong tawag ng aking coach.
Pagod akong napatingin sa kaniya at hindi ko na napigilan pa ang malakas kong hagulhol. Wala na akong pakialam kung pagtinginan ako o kung may makilala man sa akin ngayon. I just wanted to cry my heart out. I badly wanted to go back from where he was, pero alam ko na wala na akong babalikan pa. It's really a goodbye this time.
Goodbye to my 5 years of love. Goodbye to the first man I had ever loved and would only love for the rest of my life. Hindi ko alam kung may papalit pa ba sa kaniya rito sa puso ko. Pancho will forever be my true and greatest love. And it broke my heart so much na magwawakas din pala ang pagmamahalan na iyon.
That one afternoon, after class. That music room. That handsome man. That warm rays of sunlight that reflected his smile. That voice calling my name. Those eyes looking at me. Hindi ko na muli makikita pa iyon. Isa na lamang lahat iyon na alaala. I knew he believed in me and I am cursing myself for betraying him. If we may cross our paths someday, sana mapatawad niya ako. I hope he'll be happy.
I am leaving him in your care. Please take good care of him. I loved him so much.
Until we meet again...
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report