Pancho Kit Del Mundo -
[Special Chapter]
When I was young, I was just that normal kid. Masiyahin, malambing, malapit sa lahat, maunawain, maawain, god-fearing, and above all, I loved my parents. Wala akong ibang nais noon kung hindi ay maging proud ang mga magulang ko sa akin. That was why I always did my best on whatever I do.
"Dad! Dad! Look oh, top ulit ako "
"Pancho, please! Mamaya na iyan, busy pa ako," ang galit na saad ng aking ama na may hawak na mga papeles at may kausap sa telepono.
"But Dad-"
"I said later! Get out!"
Maluha-luha akong lumabas noon sa office ni Daddy. Why was he always busy? Bakit wala siyang time para sa akin? Kahit congratulations manlang or good job hindi na niya maibigay sa akin? I understood that Dad had to work for us to live, pero nakaiinis lang din at inuubos na ng trabaho niya ang kaniyang oras. Lagi akong nagtatampo dahil doon. Gusto ko lang naman na purihin mo rin ako, Dad. "Pancho, sweetie? Anong ginagawa mo riyan, anak?"
Her angelic voice always cheered me up. Kapag nakikita ko ang mukha ng aking ina ay nagiging ayos na ako. For me, Mom will always be my angel. Siya ang nagtuturo sa akin ng lahat ng mga makabubuti sa akin at sa aking paligid. Minsan nga, sinasama niya ako sa isang parke para mamigay ng mga pagkain sa mga pulubing bata sa daan. Some of them became my friends.
But I was betrayed.
"Mayaman ka naman, eh! Kaya ibigay mo na sa amin lahat iyang pera mo! Pati iyong pera ng Mommy mo, hihingiin na rin namin!" sigaw ng isa sa mga kaibigan kong batang pulubi.
Umiiyak ako noon at nagtataka, bakit nila ginagawa iyon bigla? Tinulak nila ako, pinagkaguluhan ang aking pera, kahit tadyak ay nakatamo pa ako. Bakit? Naging mabait naman ako sa kanila, maging si Mommy ay alagang-alaga sila, kaya bakit ganito na ang binabalik nila sa amin? Dahil ba nasanay sila na mabait kami? Did they take our kindness for granted? "Pancho!"
I heard my Mom's voice in a distant calling my name. Dahil sa labis na pag-aalala sa anak na pinagtutulungan, hindi na niya naisip ang sariling buhay. Tumawid kaagad si Mom noon without seeing a big truck in front of her. She died in front of me, nakita ko kahit pagtilapon ng maliit niyang katawan. That was a total trauma for me. Ilang taon bago ako nakalimot sa tagpo na iyon. It wrecked my heart and not everyone understood that. They wouldn't know, dahil hindi sila ang nasa pwesto ko.
Wala na akong pakialam noon kung kunin nila lahat ng pera ko, ang gusto ko lang noon ay muling huminga si Mommy dahil siya lang ang yaman ng buhay ko. Imagine how hard it was for me seeing her cold body in the pavement, naliligo sa sarili niyang dugo. Nagsisigaw ako noon ng tulong, pero ang mga taong tinulungan namin ay tinalikuran lamang ako noon habang hawak ko si Mommy.
"Come back! Please, save my Mom."
"Anyone, kahit sino, tulungan niyo po ako. Tulungan niyo po ang Mommy ko."
"Mommy, please, huwag niyo po akong iwan."
"Please... please... tulong."
Pero walang tumulong sa bata na iyon na namatayan ng ina. Umiyak nang umiyak ang kawawang bata sa gitna ng daan yakap ang malamig nang bangkay sa kaniyang bisig. Isang napakasalimuot na bangungot na laging dinadalaw ako sa aking pagtulog. Doon nagsimulang mamuo ang kakaibang lamig at galit sa aking puso. Doon nag-umpisa ang pagbabago ko.
I despised the poor. Kapag naging mabait ka sa kanila, iti-take for granted ka nila. Dahil sa mga kauri nila, nawala ang pinakamamahal kong ina. Iyon ang tinatak ko sa aking isipan simula noon. I hated my Dad dahil sa pagiging pabaya. Bahala na siyang malugmok sa pagtatrabaho, I don't care anymore.
My life became dark and messy. Nagrebelde, nagbarkada, kahit papaano, roon ako sumaya. Pero may boses pa rin sa likod ng aking utak na humihingi ng saklolo. Physically, I didn't give a fuck. But emotionally, I wanted someone to save me. Until that day, I finally found my savior.
Aksidente noong napadaan ako sa music room pagkatapos ng klase. Inis na inis ako kina Axel dahil pinagtataguan na naman nila ako. But what I found was an angel. Napakaganda. Sobrang ganda. Pakiramdam ko nga naiyak pa ako noong tinititigan siya. The light illuminating him made him more beautiful. He looked like an art. Nasabi ko noon sa aking utak na sa wakas, natagpuan ko na siya.
Ellie melted my heart; he saved me from the dark.
"I love you, Pancho."
The moment he came into my life, the moment he became mine, the first time I held him, bumalik muli ang liwanag sa aking buhay. I was saved. Alam kong hindi ako ganoon kabuting tao, pero nagpapasalamat ako at ibinigay si Ellie sa akin. He's the greatest gift of my life. Wala na akong mahihiling pa. I didn't care if he's a man, alam ko lang ay mahal ko siya. Minsan nga naiisip ko na baka si Mom ang naging daan para makilala ko si Ellie. Like my Mom asked all the angels above to make me happy. Dahil iyon naman ang lagi niyang ginagawa. Hindi niya ako pinapabayaan.
Pero bakit kailangan bawiin din?
"Let's break-up. Let's end this relationship."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Pakiramdam ko ay nagunaw ang mundo ko nang sinabi niya iyon kanina sa harapan ko. Pakiramdam ko ay muling dumilim ang aking mundo. I felt alone again. Iyong bumalik ako noong maliit ako at nag-iisa sa dilim. I felt traumatize again. Tinatanong ko ng paulit-ulit ang aking sarili kung may kulang pa rin ba sa akin? Am I not enough? Was my love still not enough? I could fight for him sa mga magulang niya. I could do anything for you, Ellie. Pero bakit? Bakit ba palagi na lang akong iniiwan ng mga taong mahal ko?
The moment he turned his back at me, I knew for sure it was really the end. Ni hindi na siya lumingon pa at diretso nang iniwan ako. I felt betrayed again for the second time. Gusto ko siyang habulin at magmakaawa sa kaniya na bawiin ang mga sinabi niya at huwag akong iwan, pero ayaw ko na rin siyang mahirapan pa. He looked so tired and I didn't want to burden my beloved anymore. May magliligtas ba muli sa akin mula sa sakit?
Then suddenly, a warm hug enveloped me. Who was it? Tila ba kinukulong ako ng isang mainit na bisig habang ako ay nasa payapang pagtulog. Please, save me.
"Nandito lang po ako, Sir Pancho."
Hindi ako nagdalawang-isip na yumakap pabalik. I badly needed it right now. Pakiramdam ko kapag walang susuporta sa akin ay tuluyan na akong mawawasak. Kahit pa ang yakap lang ni Ellie ang kailangan ko ngayon, nagpapasalamat pa rin ako at nanatili siya sa tabi ko. I hope he was different. Alam kong naging masama ako sa kaniya, pero sana kapag nagtiwala ako sa kaniya ay hindi niya ako biguin. I am hoping that atleast he'll stay, no matter how hard it was to be with me. Mahal na mahal kita, Ellie. Hindi ko alam kung mawawala pa ba itong pagmamahal ko sa iyo. Hindi ko alam kung may papalit pa ba sa'yo rito sa puso ko. You're my first love. You're my everything. You saved me, pero iniwan mo rin ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan nating humantong sa ganito. Pero ang tanging hiling ko lamang ay sana maging masaya ka. I only wanted you to be always happy. I hope when we see each other again, this pain's not here anymore. "Let's get along, shall we?"
That's what I said to him for the first time. Noong inabot niya ang kamay ko at ngumiti siya sa akin, pakiramdam ko ay abot kamay ko na ang langit. I wouldn't ever forget how my heart was loudly beating that time. I wouldn't ever see that smile anymore nor taste that sweet lips anymore. The 5 years of love seemed like just yesterday, today, it finally ended.
Goodbye, babe. Goodbye, my Ellie.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report