Buong ingat na binuhat ko si Terenz paalis sa tub at siya noo'y nahihimbing na. Maybe I got too rough with him but I couldn't help it. He's too sexy and my feelings wouldn't make me wait. Nang naliligo na kami sa bathtub ay nagulat na lamang ako na tulog na siya dahil sa pagod.

I couldn't help but chuckle.

"Sleepy head..." I murmured to him who's in my arms.

Maingat ko rin siyang inihiga sa malapad kong kama. Binabaan ko muna ang aircon dahil wala pa siyang saplot. Mabilis akong nagbihis para siya naman ang mapagtuonan ko ng pansin.

Right after, kumuha na ako ng mga gamit panglinis sa kaniya. I properly wiped his whole body, worshiping his tanned skin. Pagkatapos ay saka ko rin siya binihisan. Natapos ako at lahat-lahat ay ni hindi manlang siya natinag sa mahimbing niyang tulog.

Pinanuod ko ang bawat taas at baba ng dibdib niya sa paghinga. Noon ko napansin na mas tumitingkad na ang angkin niyang kagwapuhan. Maybe, he properly used what Ellie bought him before. That's good but... I'm afraid he'll got more attention this way lalo na at haharap na siya sa maraming tao dahil sa pag-aaral.

Crap. I'm feeling insecure. Lalo na at may Kayin nang iyon kung tama ang pagkaaalala ko sa pangalan. But I wouldn't let him or any of them. I wouldn't allow anyone take Terenz away from me. He's mine. Tama nang nawalan ako ng dalawang beses, hindi ko na siguro makakaya pa kung pati pa si Terenz.

Tipid akong napangiti. Marahan kong tinabing ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa kaniyang mga mata.

"Do you know?" I trailed-off. "Honestly, you've already got my interest the first time we met."

Totoo iyon.

Bahagya akong natawa nang maalala no'ng una ko siyang nakita. He's cooking that time, swaying his hips from left to right and I was like, "Who the fuck is this guy?"

I was sorry, too. Dahil no'ng mga panahon na iyon ay may galit pa sa puso ko kung kaya ay nabitawan ko siya ng masasakit na mga salita. Saying to feed what he effortly cooked for me to the street dogs. Nang nakita ko ang lungkot sa mga mata niya ay gusto ko sanang bawiin, kaso dahil sa pride ay nagpatuloy ako sa pagpahihirap sa kaniya. Remembering it right now, tila tinutusok ang puso ko.

"Baby, I'm sorry," I gently whispered.

The first time I was attracted to him phsyically was when I told him to clean the pool. Nahulog siya sa pool noon at nang umahon kami'y noon ko unang kong nakita ang hubad niyang pang-itaas na bumalandra sa akin. I didn't have a thing for tanned skin because I prefer Ellie's creamy one, pero hindi ko alam kung bakit bumigat ang paghinga ko noon nang nakita siya. I felt my cheeks burning and because I was flustered, napagsalitaan ko ulit siya ng masasakit na salita. How dumb were you, Pancho? Really.

"I love you." I gave him a light kiss on his forehead bago tumayo paalis sa kama.

Tinignan ko kung anong oras na sa orasang naroon sa kwarto ko at nakitang lagpas na sa hapunan. Baka iniwan nila sa baba ang pagkain namin ni Renz, I should go and pick it. Mabuti na lang at napagsabihan ko kaagad sila ng maaga na huwag kaming istorbohin. I know Nana, she's strict when it comes to time for eating. Gigisingin ko na lang si Renz pagbalik.

Lumabas ako ng kwarto ko and jogged my way down the stairs. Tahimik na sa buong bahay so inakala ko na tulog na sila, but I almost screamed when I saw Nana at the kitchen. Nakaupo siya sa hapagkainan habang nasa harap niya ang sa tingin ko'y pagkain namin ni Renz. God, she got me scared.

Napahihimas sa dibdib na lumapit ako sa pwesto niya.

"Na, why are you still awake?"

She glared at me kung kaya defensive kaagad akong napataas ng dalawang kamay. I pouted my lips to hide my smile pagkatapos ay naghila ng upuan katabi niya para maupo. I know. We needed to talk again.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Nakapag-usap na ba kayo kasama ang ama mo?" mabilis niyang tanong.

I knew it. Nag-usap din sila ni Dad.

Bumuntonghininga ako bago tumango.

"Nakapagusap din kayo? You told him about us, right?" malumanay kong ani para hindi magtunog nang-aakusa.

"May napansin din naman siya kung kaya ay tumawag dito sa mansiyon. Kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sa mga magulang mo basta tungkol sa iyo ang usapan, Pancho. At isa pa, alam mo ring nag-aalala ako kay Terenz." Alam ko naman, Nana. And I am very thankful that God gave me another woman in my life that I could call a mother.

Yinakap ko siya mula sa tagiliran niya, naglalambing. Hinimas din naman niya ang buhok ko pabalik. Alam ko na nadamay ko si Nana sa pagrerebelde ko noon, kung kaya ginagawa ko ang lahat makabawi rin sa kaniya ulit ngayon. "Nana... naiintindihan ko naman po kayo. Kasi witness din naman kayo ng mga nangyari. But please, believe me." Tumingin ako ng seryoso sa kaniya. "Mahal ko siya, Na. I love, Terenz."

Matagal siyang napatitig sa akin. Nangilid ang mga luha niya kung kaya ay natatawa na mas niyakap ko siya nang mahigpit. I knew she was worried for me when I was broken. I knew she's worried that I'll break Terenz to be satisfied in return. But I'll prove to them it's not like that.

"Sino ba naman ako para hindi kayo suportahan, mga apo. Masaya ako para sa iyo, para sa inyo. Sana lamang ay ingatan niyo ng mabuti ang kung ano ang mayroon kayo at hindi magkasakitan, ha? Ipangako mo, Pancho Kit," habilin niya. "Pangako, Na."

"Oh siya, dalhin mo na itong pagkain at kumain kayo nang mabilis. May mga pasok pa kayo bukas dalawa."

Mabilis kong sinunod ang utos niya at binitbit sa dalawang kamay ang dalawang pinggan ng pagkain. Nakita kong mukhang may pag-aalinlangan pa kay Nana so I paused and waited for her to say something. Nagtaas din siya ng tingin sa akin at marahan akong hinaplos sa aking braso.

"Nakausap ko ang ama mo kanina. Aniya ay gabayan kayong dalawa ng mabuti. Malalaki na raw kayo, ang sa kaniya lamang ay huwag humantong sa hindi maganda ang relasiyon niyo. Nasabi niya rin apo na mainam na ipagpaalam niyo rin daw sa mga magulang ni Terenz at ayaw niyang pangunahan kayo," sabi niya.

I tilted my head and smiled at Nana.

"Huwag po kayong mag-alala at personal akong pupunta sa mga magulang ni Terenz kapag hihingiin ko na sa kanila ang kamay niya." I winked.

Malakas akong nahampas ni Nana sa braso kung kaya ay naging malutong ang halakhak ko habang papalabas kami ng kusina. I'm not kidding though. I'm preparing for that moment. When time comes and we're both ready, I'm really gonna have his hand. For sure.

I'm really glad for falling inlove with you, Terenz. Ellie made me felt love, but you showed me how to properly fall in it. Fast... and hard.

I'm happier with you right now. I really do.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report