Pancho Kit Del Mundo -
[36] Terenz Dimagiba
Nangingiti ako papasok sa unibersidad pagkatapos akong maihatid ni Kit dito. Muntik pa nga akong hindi makapasok dahil nananakit ang katawan ko. Ayaw niya akong papasukin pero namilit ako. Unang araw sa pasukan at wala ako, hindi maaari iyon.
Pakiramdam ko ay uminit ang magkabila kong pisngi nang maalala ang nangyari sa amin kagabi. Kinikiliti rin ang tiyan ko kapag tinatawag ko siyang Kit at hindi kagaya ng nakasanayan. Nakapapanibago lahat, pero masayang-masaya ako sa kaisipan na mag-boyfriend na kami.
Umayos ka, Terenz! Pumapasok na naman sa utak ko ang mga nangyari kanina lang.
"I told you, kung hindi mo kaya huwag ka nang pumasok. I can send them a message that you are not feeling well, Renz," malumanay niyang sabi habang nagpaparke na ng sasakiyan.
Sinamaan ko siya ng tingin kung kaya ay tumaas ang sulok ng labi niya. Natutuwa pa siya sa kalagayan ko ngayon na gawa niya naman? Grabe. Ganiyan pala siya kapag napabayaan sa kama! Parang ayaw ko nang umulit at hindi ko kayang sabayan ang stamina niya. Isang round lang 'yun, ha? Kung hindi ako nawalan ng malay, hihingi pa sana.
Noong matapos nga kaming maghapunan gusto pa sanang umisa. Kagigising ko lang noon pagkatapos mawalan ng ulirat! Baka nga kapag nagkataon, tinanghali na ako ng gising ngayon.
"Hindi maganda iyon, Si-" Natigilan ako dahil sinamaan niya ako ng tingin. "Kit. Hindi maganda iyon dahil unang araw ko ngayon tapos liliban ako."
Bumuntonghininga siya at lumapit sa akin. Ang isang kamay ay pinaikot sa likod ko at ang isang kamay ay kinulong ako mula sa harapan. Kaagad akong naalerto dahil sa pwesto namin. Paano kung may makakita mula sa labas? Ano ba ang ginagawa niya?
"Okay then. But you should work more on your stamina, baby. I'll be asking more of you from now on," bulong niya na ikinatayo ng mga balahibo ko. "Bilisan mong masanay. You'll gonna have a taste of what is Pancho Kit Del Mundo as your boyfriend."
Ilang beses akong bumuntonghininga at hinilot ang aking sentido dahil nasa loob na ako ng silid at heto ako nag-iinit ang katawan. Hindi maganda 'to. Kailangan kong umayos at mag-aaral ako. Kahit nakaiinis.
Ganoon pala siya bilang karelasiyon. Hindi yata ako handa. Gaya ng sabi niya ay kailangan kong masanay sa lalong madaling panahon. Hindi yata kakayanin ng puso ko! Kaya nahirapan pala si Sir Ellie na bitawan kahit sa gaspang ng ugali ni Kit noon. Naiintindihan ko na. Ibang-iba siya kapag nagmamahal na.
Napakagat ako ng ibabang labi. Mukhang mahihirapan din akong bitawan siya kapag nagkataon. Kung sakali na bumalik ang nakaraan niya para kuhain siya, patawarin na nila ako dahil mukhang hindi ako magiging mabait. Pasensiya na, Sir Ellie. Nakipagkasundo ka nang ako na ang bahala sa kaniya. Lalaban ako kapag binawi mo iyon.
Naging maganda ang unang araw ko sa unibersidad. May pagkakataon na hindi ako kaagad makasabay sa diskasiyon lalo na at gumagamit ng teknolohiya. Nagpapasalamat na lamang ako at may iba akong blockmates na mabait at tinuturuan ako. Kinabahan pa nga ako dahil akala ko ay magiging iba ang tingin nila sa akin, pero katuwa at hindi ganoon ang nangyari. Maging ang mga professor dito ay mainintindihin.
"Terenz, want to join us?" tanong ng isang kaklase ko na babae noong tanghalian na.
"A-Ah... saan?"
"Sa mall. Kakain sa fastfood. Ano?"
Nahihiya akong napakamot sa aking pisngi. Akala siguro nila sa teknolohiya lang ako mahina, hindi pa yata nila nakuha na hindi ako mayaman kagaya nila.
"Ah k-kasi-"
"He'll be going with me."
Hindi lang ang mga kaharap ko kung hindi maging ako ay nagulat nang may umakbay sa akin na mabangong tao. Una kong nakita ang kulay itim niyang t-shirt bago ang gwapo niyang mukha na bahagyang nakangiti sa mga babae kong blockmates.
Kayin!
"O-Oh..." Tila bigla ay nahiya sa presensiya niya ang mga babae. "S-Sige, Terenz. Next time na lang siguro."
Bago sila umalis at lumagpas sa amin ay binigyan pa nila ng pahuling tingin si Kayin. Ang isa naman sa kanila ay nahihiyang kumaway sa akin kaya wala rin sa sarili na napakaway ako pabalik.
"Kayin!" kuha ko sa atensiyon niya. "Bakit hindi ka nagpadala ng mensahe na pupunta ka rito?" "Para surprise. We weren't able to see each other this morning dahil mas nauna ang pasok ko."
Ngumiti siya at nanggigil naman ako bigla sa malalim niyang mga biloy. Ang gwapo talaga ng isang 'to!
Naglakad kami palabas ng silid. Aniya ay sabay na kaming kumain sa cafeteria at saktong ala-una rin pala ang balik niya sa klase nila. May itim din siyang bag na nakapaikot sa katawan niya at may tatak iyong Adias. Hawak niya sa isang kamay ang kaniyang sketchpad. Hindi na ako nagtataka kung bakit kahit simple lang ang kasuotan niya ay halos mabali pa rin ang ulo ng mga babae katitingin. Sobrang lakas din ng dating niya. Hindi rin siya mahirap mahanap dahil sa tangkad niya. "What do you want to have?" tanong niya habang nakaharap na kami sa counter para tignan ang mga nakahain doon.
"Ah... Kung ano ang sa'yo, iyon na lang din ang sa akin," nahihiya kong ani.
Ngumuso siya bago tumango. Buti na lang may kagaya ni Kayin na sumasama sa akin. Tiyak mangangapa lang ako kung sakali na mag-isa lang ako kanina. Nakahihiya rin naman kasing sumama sa mga blockmates kong sa fastfood pa kakain habang may libre naman dito.
Pinahanap na ako ni Kayin ng pwesto at siya na lang daw ang pipila. Sinunod ko na lang din siya kahit nagpresinta akong tutulong sa pagdala ng mga pagkain. He can manage naman daw, iyan ang sagot niya. Saktong pagkaupo ko ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Kit. Mabilis na lumabas ang isang malapad na ngiti sa aking mga labi.
My Baby:
Kumakain ka na ba? Don't skip your meals, please.
Natawa ako dahil iyan pala ang pinalit niyang pangalan sa dating Sir Pancho na naka-save. Minamaktulan niya ako nito umaga pa lang kanina. Dapat daw sweet na ang naka-save na pangalan niya.
"Opo, baby. Kumakain na. Ikaw rin huwag magpagutom." Ang balik kong mensahe.
Nangingiti pa ako nang dumating si Kayin sa tapat ko dala ang napakaraming pagkain. Mauubos ba namin 'to? Umayos ako nang upo at tinago na ang cellphone ko.
"Ang dami naman?" natitigilan kong sambit.
"Oh, sorry. I'm a heavy eater," sagot niya na kinagulat ko. Bahagya siyang ngumisi, tila biglang nahiya.
"Hindi halata sa'yo, ha? Hindi ka naman mataba at mamasel pa," ani ko.
Si Kit mapili iyon sa pagkain at strikto sa katawan kaya naiintindihan ko pa ang ganda ng katawan. Itong si Kayin maganda ang katawan pero matakaw yata.
Tumawa siya. "I guess foods are inlove with me kaya mabait sila sa katawan ko."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Inlove raw ang pagkain sa kaniya. May puso ba sila? May pagkakrungkrung pala itong si Kayin.
Kumuha na ako ng pagkain at kinuha na rin niya ang sa kaniya. Napakiskis ako ng mga palad dahil mukhang masasarap. Dinig ko minsa'y mga HRM student daw ang nagluluto ng pagkain dito lalo na kung may pa-activity. Hindi ako makapaghintay kapag kami na.
Habang kumakain, napapatigil lamang ako dahil panay ang sulyap ni Kayin sa mga daliri ko. Napatingin din ako kung ano ang meron doon. Wala naman. Daliri pa rin. Bakit kaya?
"May problema ba?" hindi ko napigilan na tanong.
Halatang natigilan siya nang magtanong ako. Sinuklay ng isang kamay niya ang kaniyang buhok na malambot. Namamangha pa rin talaga ako minsan sa kulay noon.
"Actually, I've noticed this eversince we first met. You got good bones structure, Terenz. Hilig ko sa lahat ay iguhit ang mga tao, lalo na ang mga kagaya mo na may magagandang bones structure. Dagdag pa na unang activity namin ay iguhit ang sa tingin nami'y magandang model. So I've been thinking..."
Kumunot ang noo ko.
"Na?"
"Terenz..." Sumeryoso ang paningin ni Kayin kung kaya bigla akong napalunok. "Will you be my model?"
Teka. Ano raw? Model?
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report