[Chapter

6]

"0000 gano'n ay hayaan mo akong bantayan ka bilang isang kaibigan." umihip ng marahan ang hangin, napatingin ako kay Nynzo.

"At bakit mo naman gagawin iyon? Teka kailan pa kita naging kaibigan? Wala akong maalala." napataas na lamang ang kilay ko. Wala talaga akong maalala na kaibigan ko siya tsk.

Natawa muna siya bago sumagot, "Ilang beses na kitang niligtas at ilang beses mo na ring sinabi saakin na huwag sasabihin ang mga nangyayaring iyon sa mga magulang mo na sinunod ko naman. Ikaw bahala, next time hindi na kita susundin we're not friends right?" dire-diretsong pagpapaliwanag pa nito habang natatawa.

Napabuntong hininga nalang ako, "Fine. Friends?" maikling sagot ko habang iniaabot sakanya ang kamay ko, pero imbes na magshake hands ay tinapik niya lang ang kamay ko. "Para saan naman iyon?" tanong ko. "May mga pasa ang kamay ko baka ipitin mo pa." pang-aasar pa nito, natawa na lamang ako sa kababawan niya.

0000000 ang limang araw na pagbabakasyon ay nakauwi na kami. Sumama sina Lolo, Lola, at ang mga pinsan namin sa bahay, gaya ng dati'y dito sila nagpapasko saamin. Umuwi na rin sina Tita Lucinda at ang kanilang pamilya. "Natutuwa ako at naging malapit na ang mga bata sa mga anak nina Henry." nasisiyahang sabi ni Dad habang nagpapahinga sa salas, naririnig ko ang usapan nila ni Lolo mula sa balkonahe ng bahay namin. Gabi na at nagpapahinga na ang lahat, narito ako sa balkonahe habang hawak-hawak si Toby at nagpapahangin walang masyadong bituin dahil nagbabadya ang ulan.

Nang dalawin na ako ng antok ay umakyat na rin ako sa kwarto at natulog.

00000000 ako sa aking pagkakahimbing, hindi ko mawari sa aking isipan kung bakit naroon siya saaking panaginip, kung bakit parang kilalang-kilala niya ako roon at gano'n din ako sakanya?

"Wynt gising ka na ba? Naiwan ko yata 'yong charger ko. Pwede ba akong pumasok?" natauhan ako nang kumatok si Anna. Bumalik ako sa pagkakahiga, binuksan niya ng marahan ang pinto at sumilip, "Bakit mo pa kailangang kumatok? Open sa'yo ang kwarto ko Ann hindi ba?" napakamot nalang siya sakanyang ulo, "Heto naman ang aga aga bad mood, masama ba ang napanaginipan mo? Aishh. Cheer up." tinakpan ko na lamang ang mukha ko ng unan saka nagtago sa kumot, aga aga ang daldal ng babaeng 'to.

00000000 pa rin ako sa aking kama, kanina pa ako gising pero hindi pa rin ako bumabangon, alas diyes na ng umaga, wala akong balak mag-agahan. I don't know but every dream is a mystery for me, it looks like there's something I need to know about.

"Ate, gising ka na ba? May naghahanap sa'yo sa baba." sabi ni Autumn na ngayo'y kumakatok sa kwarto ko, sino namang maghahanap saakin? Wala akong plano ngayong araw, wala rin sina Ali at Isha.

Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba. Pababa pa lamang ako ay natanaw ko na si Ali sa may salas.

"Ali?" gulat kong tanong.

"Far!" napaakap kami sa isa't isa.

"Akala ko bago mag-new year pa ang balik niyo? Napaaga yata?" sa buong akala ko talaga ay next week ko pa makikita ang kaibigan kong 'to, but she's now here.

"Kahapon kami umuwi, may tumawag saamin habang nagbabakasyon kami. May nagtangka raw magnakaw sa bahay namin kaya bumalik agad kami." Ali explained.

"Wala ba kayong kasambahay na nagbabantay sa bahay niyo? Wait, did they captured the thief?" pag-aalalang tanong ko.

"Hmm, nahuli naman na bago pa kami makauwi, luckily wala naman siyang nalimas. Our helpers were also at their vacation that time. Maiba ako, pumunta nga pala ako rito para sunduin ka, let's hang out Far, ipapaalam kita kina Tita." saad nito sabay kindat, natawa naman ako.

"Oh hijo, what brings you here? Tara pasok ka." napatingin ako sa labas, nakita ko si Nynzo papasok sa gate namin. Umirap ako saka ibinaling ang tingin kay Aliza. Nakatingin din siya sa labas.

"Okay Ali, just wait here. Magbibihis lang ako. Make sure na ililibre mo ako." pang-aasar ko sakanya saka dali-daling tumakbo papalapit sa hagdanan. Pero ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay tinawag ako ni Mom mula sa labas. "Wynter, Nynzo is here." napapihit ako sa paglalakad, gulat namang nakatingin saakin si Ali, hindi niya nga pala kilala si Nynzo. "Wynt, naririnig mo ba ako? May naghahanap sa'yo anak." patuloy pa ni Mom habang nagdidilig ng kanyang mga halaman sa labas.

"Wait for a moment Ali." napatango lamang ang aking kaibigan. I immediately go outside and face him.

"Oh hi, what brings you here? May kailangan ka ba?" sunod-sunod na tanong ko rito. "W-Well, let's go inside. Gusto mo ba ng maiinom?" pagbawi ko sa mga tanong ko kanina, baka masabihan pa akong walang modo sa mga bisita. "I heard that you have a visitor, Let's just stay here." Nynzo said. Tumango ako.

"Bakit?" tanong ko. "Tanda mo pa ba 'yong grupo ng mga lalaki na humabol saatin?"

"Hmm." tugon ko saka nagcross-arms. "What's with them?" dagdag ko pa.

"Hindi ka ba natatakot na baka nakilala ka nila?" napailing ako sa tanong niya.

"Bakit naman ako matatakot? Kasi baka resbakan nila ako dahil nahuli ko sila? Tsk. Over my dead body!" pagtataray ko pa. Pinipigilan niya ang tawa niya.

"Kilala ko na sila, pati na 'yong binubugbog nila noong gabing iyon." pagpapaliwanag niya pa. "Hindi ka yata nabigla?.." diretso lang akong nakatingin sa mga halaman.

"Kilala ko rin sila." namangha siya sa sinabi ko.

Ilang araw akong hindi pinapatulog ng nakita ko noong gabing iyon kung saan may binubugbog na isang freshmen student ang grupo ng mga kalalakihan, naisipan kong mag-imbestiga at 'di nga ako nahirapan, nalaman kong si Gabriel Bernal ang leader ng mga humabol saamin, kilala siya bilang na isang siga at mahilig mang-trip ng mga baguhan, naging blockmates ko rin siya noong first sem. Samantala, si Ronaldo Genova naman iyong biktima nila na nakilala ko na rin noong minsang magvolunteer siyang mag-ayos ng mga props sa isang activity sa school kung saan isa ako sa mga naatasang umawit sa entablado.

Tumango siya ng tatlong beses, "Mabuti kung gano'n, alam mo na kung sino ang iiwasan." nagpapaka-concern yata 'to, sus.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"By the way, iyon lang ba ang sadya mo? May lakad pa kasi kami ng kaibigan ko." feel ko tuloy pinapaalis ko na siya, baka magalit si Mom kung marinig niya ako, haysst.

"Ah aalis na rin ako, what if sumabay na kayo saakin?" alok nito.

"No, thanks. Magko-commute nalang yata kami." sagot ko naman, saka pumasok na sa loob ng bahay. Natanaw ko ang pagpaalam ni Nynzo kay Mom. Nasalubong ko pa sina Anna at Cyrus na parang pinagkakaisahan na ako, sinagi pa ako ni Anna sa braso, ba't pa nauso ang salitang 00000?

Naabutan ko sa salas na nagse-cellphone si Aliza, ngumisi siya na para bang nang-aasar, lahat nalang tsk. "Wait, magbibihis lang ako." pagpapaalam ko rito.

"Mom, may pupuntahan lang po kami ni Ali." ipinaalam na ako ni Ali kung kaya't mabilis ding pumayag si Mom.

"Huwag magpapagabi." sabi ni Mom habang kumakaway saamin.

"Bye Tita!" pagkaway pabalik ni Aliza.

Paglabas namin ni Ali ay tumambad saaming harapan ang isang puting kotse na nakapark na malapit sa gate, nakasandal doon si Nynzo habang nagse-cellphone, nakasuot na rin siya ngayon ng white cap. Nagkatinginan kami, buong akala ko'y kanina pa siya umalis pero bakit tila may hinihintay siya?

Sinagi ako ni Aliza saka bumulong, "Far, hindi ako isang chismosa ah. But who's that handsome guy? Don't tell me tha" sinagi ko siya pabalik para hindi niya matapos ang kanyang sasabihin.

"Stop that nonsense Ali, okay?" pagpapatigil ko sa kaibigan ko, nag-irapan na lamang kami. "Tara na." hinila ko na siya, mag-aabang pa kami ng sasakyan sa labasan pero ilang hakbang pa lamang ang nagagawa namin ay tinawag ako ni Nynzo. Napatingin ako sakanya.

"Saan kayo pupunta? Sumabay na kayo saakin." muling pag-alok niya.

"Huwag na maaabala ka pa namin." tugon ko naman saka muling pumihit ng aking paa, nakatalikod na ako ngayon. "Hey Far, pagbigyan mo na pasko naman. Uso ang libre." pabulong na pamimilit naman ni Ali, hinila ako nito papalapit sa kotse saka nagsalitang muli, "Farah suddenly changed her decision, sasabay na pala kami. Aliza Bien De Guzman Issafarah's friend, and you is..?" aba hindi man lang ako hinintay na ipakilala ko siya, walang hiya rin 'tong kaibigan kong 'to ah. Sinagi ko siya sa braso.

"Ah. I'm Nynzo Aeroll Silvius. I'm also her friend." sagot naman ni Nynzo habang nakatingin saakin, nagshake hands sila.

☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ako sa isang abalang kalsada habang nakaupo at naghihintay kay Ali, nasa isang cafe kami. Isang salamin ang pader ng estrukturang ito kung kaya't tumatagos din ang liwanag mula sa labas, pasado alas dos na ng hapon. Iniisip ko kung bakit naroroon sa aking panaginip si Nynzo, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit doo'y parang malapit na malapit kami sa isa't isa, masyadong kabaliktaran ng awkwardness namin tuwing nagkakadaupang palad. "Here." abot saakin ni Ali ng inumin, "Alam mo ang ganda ng twists ng pinanood natin. 'Di ko lubos maisip na kahit sa tinagal man ng siglo at panahon ay magkukrus pa rin ang landas ng dalawang bida! Whoa, what if totoo nga ang reincarnation? What do you think Far?" nadala na naman ng movie ang kaibigan kong 'to. "Paano kung totoo nga ang reincarnation? Paano kung nabuhay na tayo dati pa?" napatigil ako sa mga sumunod niyang sinabi. "Uh nevermind, iniisip mo na naman siguro si Nynzo, tsk." napalunok ako, mariin kong inilapag sa mesa ang inumin ko. "N-Nynzo?" tumango siya habang naka-pout pa.

"Masyado nang occupied ang isip mo girl, tara sa bahay? Manood tayo ng maraming movies, but this time make sure to focus watching okay?" ni hindi ako makatanggi sa mga alok ng kaibigan ko, tama nga siya masyado nang occupied ang isipan ko.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Napabalikwas ako sa pagkakatulog, napahawak ako sa aking dibdib na ngayo'y 'di na mapigil ang pagkabog. Narinig ko ng paulit-ulit ang mga boses, ilang ulit na bumulong sa isipan ko ang mga katagang kanilang binitawan. Napapasabunot na rin ako saaking sarili sa inis, hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari! Kung may nais man sanang sabihin ang kung sino mang nilalang na iyon ay dapat direktahin nalang niya, napapagod na ako, gulong-gulo na rin! Napahalukipkip ako at marahang humikbi, natauhan ako ng may gumalaw sa tabi ko, narito pa pala ako sa bahay nina Aliza. Nahihimbing din ang aking kaibigan, naalala kong nanonood pala kami ng movie dito sakanyang kwarto habang ka- video call si Isha hanggang sa dapuan ako ng antok.

Agad kong kinuha ang sling bag ko at hindi na nag-abala pang magpaalam kay Aliza.

Pumunta muna ako ng Quezon City Evangelical Church bago umuwi, nagdasal ako ng taimtim, humingi ng kapatawaran, at humiling na sana'y gabayan ako ng Panginoon sa aking pang-araw-araw na buhay. Higit sa lahat, ipinagdasal ko rin ang kalinawan ng mga napapanaginipan ko.

Paglabas ko ng simbahan ay kinuha ko ang phone ko sa bag at tinext si Ali. Naglalakad na ako para umabang ng taxi.

"0000 0000, 000000!0" -☐☐☐☐☐

"Uh Farah?" napatingin ako sa tumawag saakin, si Ate Cindy. Nakasuot siya ng isang mini yellow skirt, at white shirt na may panda pa sa gitna, nakabraid din ang buhok niya. Ngunit ang umagaw ng aking pansin ay ang kanyang kasama na ngayo'y nakasuot ng black cap, sky blue plain shirt, at black shorts, hawak-hawak din nito ang sling bag ni Ate Cindy, Gabriel Bernal?

00000 ako nakatanggi nang imbitahan akong magmeryenda ni Ate Cindy sa isang kainan, kasalukuyan na siyang nag-oorder at kami lang ngayon ni Gabriel ang nasa mesa, katapat ko siya ngayon.

Ngumingisi siya na parang aso, magsasalita na sana siya ng isuot ko ang earphones ko. "Hey! I'm talking to you." kunot-noo kong ibinaba ang earphone sa kaliwang tenga ko. "Ano iyon?" naiiritang tanong ko rito. Muli na naman siyang ngumisi, "Kilala mo ako hindi ba?" umikot ang mga mata ko sa sinabi niya. "Yes, you're the boyfriend of Ate Cindy..." sagot ko at akmang ibabalik na ang earphone sa tenga ko pero muli siyang nagsalita.

"Hindi ako magugulat kong ikaw nga 'yong babae nang gabing iyon." nakatingin na siya ngayon sa labas.

Muli siyang tumingin saakin, pero ngayon ay diretso nang nakatitig sa mga mata ko, "I know you..." nakatingin lang ako sakanya, at nag-aantay ng mga sasabihin pa niya. "I know you. More than you know yourself, so be careful."

rieteratura

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report