Stars Over Centuries -
Chapter 7
[Chapter 7]
"I know you..." nakatingin lang ako sakanya, at nag-aantay ng mga sasabihin pa niya. "I know you. More than you know yourself, so be careful." napatigil ako sakanyang tinuran hindi ko na alam kung ano ang kanyang sinasabi. "A-Anong ibig m-mong sabihin? Anong nalalaman mo? May kinalaman ka ba sa mga-" natigil ako nang muli siyang tumingin saakin pero sa sandaling ito ay wala na ang ngisi sakanyang mukha.
"Malapit mo nang malaman ang iyong..."
mapait na alaala sa nakaraan,
na kung saan isang malapi---" napatayo ako at naibagsak ko sa mesa ang mga kamay ko, kinikilabutan na ako, paulit-ulit na ring naglalaro sa isipan ko ang mga katagang narinig ko sa magkaibang taong iyon. Dali-dali akong lumabas, patakbo't lakad ako sa maingay na kalsada.
Dapithapon na at nagsisimula na ring magpailaw ang mga kabahayan, paulit-ulit pa ring bumubulong saaking isipan ang mga misteryosong boses, napatigil nalang ako sa isang bench malapit sa isang puno. Humahangos na ako't humihikbi, magulo na rin ang mga buhok ko.
May napadaan na ale at lumapit saakin, "Hija ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito. Tumango-tango ako, "O-Opo, pasensya na ho kailangan ko nang umalis." agad akong tumakbo papalayo pero hindi pa rin mapigil ang pagluha ko. Pinupunas ko ng braso ko ang mga luhang pumapatak saakin nang bigla akong matumba dahilan ng pagkakabangga ng isang lalaki. Nakatingin lang ako sakanyang sapatos, hindi alam ang gagawin.
"S-Sorr-" hihingi na dapat ako ng tawad ng makilala ko ang boses ng lalaki nang magsalita ito.
"Bakit sa tuwing nakikita kita ay may problema ka." mabilis niya akong tinulungang makatayo.
"Anong nangyari?" pinunasan ko muna ang luha ko bago magsalita.
"Ah w-wala 'to, aalis na ako." nakayuko lang akong tumalikod pero hinatak niya ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sakanya.
"Ihahatid na kita." saad niya.
"P-Pero mag-aalala sila kapag nakita ako!" mas bumuhos pa ang mga luha ko. Nakahawak na ako ngayon saaking mukha.
Kasabay ng mga panaghoy na kapwa sumasabay sa bawat pag-ihip ng hangin ay marahan siyang lumapit saakin, sa unang pagkakataon ay niyakap niya ako, "Kung gayon ay sasamahan nalang kita, huwag ka nang umiyak." saad niya habang tinatapik ang likod ko.
0000000 ako ni Nynzo sa isang bukas at mahanging lugar, kapwa kami nakaupo sa likod ng kotse niya. Sinabi ko sakanyang ayaw ko munang umuwi hangga't namamaga pa ang mga mata ko. Sa totoo lang gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nasa paligid siya, siguro dahil siya lang ang maaari kong mapagsabihan ng mga nangyayari dahil higit na ayaw kong mag-alala ang aking mga mahal sa buhay.
"Ano bang nangyari?" diretso lang akong nakatingala sa mga bituin, makita ko lang ang kislap nila ay napapawi rin ang maraming katanungan na sunod-sunod na gumugulo sa aking isipan. Napatikhim siya nang hindi ako sumagot, "Sa tuwing naguguluhan ako o nalulungkot wala akong ibang ginagawa kundi ang pagmasdan ang naggagandahang mga bituin."
"Bata pa ako hindi ko na maipaliwanag ang saya sa tuwing pagmamasdan ko sila. Iniisip ko nga na baka sa dami ng tao sa mundo ay may isang tao rin na kagaya ko, 'yong hindi rin magsasawa at palaging titingala bawat gabi na kung saan, sa gitna ng dilim na bumabalot sa sanlibutan ay mayroon pa ring maliliit na liwanag na nagsisilbing pag-asa sa bawat mga pangarap, at tagumpay sa bawat mga hiling." nakangiti siya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Naaalala ko 'yong sinabi saakin dati ni Rhea na magkakasundo raw kami ng kuya niya 'pag tungkol sa mga bituin ang usapan, siya pala ang sinasabi niya, si Nynzo.
"Hindi kita pipiliting sabihin kung ano man ang problema mo, pero alalahanin mong kaibigan mo na ako. You'll always have my shoulder when you cry." napangiti nalang ako sa sinabi niya.
"Thank you." iyon lamang ang nasabi ko.
Ipinagpatuloy niya pa ang kanyang pagsasalita, "Tayo ay konektado sa kanila.. " turo niya sa mga bituin, sinundan ko naman ang daliri niya na ngayo'y nakatutok sa isa sa malalaking bituin na may malalim na liwanag. "Konektado ang ating nakaraan sa mga butuin..." saad ko naman, manghang napatitig saakin si Nynzo.
"Konektado sa nakaraan at kasalukuyan ng bawat tao." patuloy ko pa.
"Paanong-" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Sinabi ni Rhea." wika ko.
Napabungisngis na lamang siya sa hindi ko malamang dahilan, kunot-noo akong tumingin sakanya, "Kasi akala ko nababasa mo ang nasa isipan ko, akala ko tuloy mangkukulam ka." natawa nalang din ako sa ideyang pumasok sa utak niya. Ilang minuto makalipas ay binalot kami ng katahimikan, kapwa lang kami nakatingala sa kalawakan.
Maya-maya pa'y may dinukot siya sa bulsa ng pantalon niya "Ah, by the way, take this. Palaging gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing hawak ko iyan." napatulala nalang ako sa hawak niyang pulseras. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung kukunin ko ba iyon? O magpapadala sa kaba na nararamdaman ko?
Hawak niya ang isang pulseras na napapalibutan ng maliliit na bituin na may malaking bituin sa gitna, ang lalong nagpahinto saakin ay ang disenyong nakaukit dito.
'Yon ang disenyo sa hawak na laruan ng bata, at sa puyod na nakasuot sa matandang nakita ko sa Boracay kamakailan lang!
Napaatras ako sa aking pagkakaupo, lumapit si Nynzo saka isinuot sa kamay ko ang pulseras.
"☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐." bulong ng isang pamilyar na boses. Napatakip ako sa aking tenga nang sabay-sabay na bumubulong saakin ang mga tinig.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"☐☐☐☐☐☐ ☐☐..."
Napahawak ang dalawa kong kamay saaking magkabilang tenga, patuloy na rin ang pagluha ng aking mga mata.
"Hindi..." sobrang sakit na ng ulo ko, animo'y puputok ang mga ugat nito. "Hindi!" sigaw ko.
"Anong nangyayari? Ayos ka lang ba Wynter?" nag-aalalang tanong ni Nynzo.
"Wynter?" lumapit saakin si Nynzo saka hinimas ang likod ko, pinapatahan niya ako. Naguguluhan man ngunit mas pinaiiral niya ngayon ang pagiging kalmado para pagaanin ang sitwasyon.
"Wait, just stay here. Kukuha lang ako ng tubig." mabilis siyang pumasok sa kotse niya at kumuha ng isang bote ng tubig para ibigay saakin.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, palakas nang palakas ang mga tinig at panaghoy, napakalamig na rin ng aking mga palad.
Muli kong nakita ang matanda, hanggang sa unti-unti na siyang lumalapit saakin, iniaabot niya saakin ang kanyang palad habang nakatingin ng diretso saaking mga mata, wala siyang salitang binibitawan at higit sa lahat ay kalmado siya sa gitna ng aking pagsisisigaw.
Nakita ko ang papalapit na paglakad ni Nynzo, ngunit tila nagbabago ang mga kasuotan niya. Ito'y nagiging coat at pantalon na parang luma na, nagiging barong rin, kamiso at may sombrerong buri, hindi ko na maintindihan pa!
Sa kanyang paglapit ay nakita ko ang isang nakasisilaw at napakahiwagang liwanag na dahan-dahang bumalot saaking paligid, kasabay ng aking pagtumba mula sa pagkakaupo ay ang pagsalpok ng aking ulo sa sahig, napigtas ang pulseras at tanging paglabo na lamang ng aking mga mata dulot ng mga luhang nagpumiglas at kumawala na wari'y isang hamog na nagbabadyang agawin ang linaw ng mga imahe sa paligid, tila nagpupuyos ang hangin umiimbay ang mga halaman at kapwa binalot na ng isang pambihirang liwanag, pinilit kong makaupo ngunit hindi ko na kinaya, mas lalo pa akong nalugmok sa aking kinalalagyan hanggang sa tuluyan na itong nangibabaw at wala na akong makita pa.
rieteratura
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report