"Mama... laki..."

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa bahay-o mansion, sa harapan namin. Akala ko noon ay pinakamalaking bahay na ang natuluyan ko ngunit ngayon, parang naging kuwarto na lamang ang bahay na iyon dahil ang bahay na nasa aming harapan ay tila isang palasyo.

Napangiwi ako. Palasyo na may nakatirang evil king at evil princess.

"Mama, may princess ba sa loob?" Mahinang tanong sa akin ni Jarvis. Sobrang higpit ng hawak niya sa aking braso na animo'y takot na takot na baka mawala siya sa tabi ko.

Bumuntong hininga ako at nagkibit balikat. "Evil princess daw sabi ni Manang Lerma, Jarvis," pagtatama ko sa kaniya.

Napatango naman si Jarvis bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Sakto namang nakapagbayad na si Manang Lerma sa tricycle na sinakyan namin kaya't ibinalik ko na sa kaniya ang tingin ko.

"Manang Lerma, sigurado ho ba kayo na hindi kami magbabayad ni Jarvis? Mahal ho yata ang pamasahe sa tricycle rito, e," nag-aalangan kong tanong sa kaniya.

Mahina naman siyang tumawa at tinapik ang aking balikat. "Mura lang dito, Lyana 'neng. Puro kasi mayayaman na naka-kotse ang nakatira rito kaya 'yong ibang nagtatrabaho rin sa ibang mansion dito sa village, naisipan na magtricycle driver habang wala silang ginagawa. Sideline lang, ganoon. Saka kaming mga katulong lang ang nasakay kaya hindi naman gaanong kamahal. Abot kaya sa bulsa naman," nakangiting sagot niya sa akin.

Wala naman akong nagawa kung hindi ang marahang tumango. May ilang tricycle nga naman ako na nakita rito sa village kanina noong papasok kami. Hindi ko tuloy maiwasang ma-curious kung paano pumayag ang mga mayayamang nakatira rito sa village sa pagkakaroon ng tricycle rito sa loob. Paano kaya sila napapayag?

"Oh siya, tara na at nang makapasok na kayong dalawa sa loob. Sigurado akong hinihintay na kayo ni Sir."

Kinakabahan man ay sumunod pa rin ako sa sinabi ni Manang Lerma. Mahigpit naman ang hawak ni Jarvis sa braso ko na animo'y takot na takot at labis ding kinakabahan. Unang beses niya kasing sumama sa akin sa pag-aapply sa trabaho kaya't alam kong maging siya ay kinakabahan din.

"Mama, dito po ba tayo titira?"

Ibinaba ko ang tingin ko kay Jarvis at tipid siyang nginitian. "Hindi pa sigurado si Mama pero susubukan natin, Jarvis, ah?" sagot ko. Marahan naman siyang tumango at nag-iwas na ng tingin sa akin.

Mabibigat ang bawat hakbang namin papasok sa mansion kaya't tila naghuhumerantado ang puso ko sa labis na kaba. Hindi ko alam pero ito ang unang beses na kabahan ako nang ganito bukod noong tinanggap ko ang alok ni Doctora Vallero noon.

Hindi ko alam kung bakit pero dahil marahil ay desperada na rin ako ngayon. Desperada ako noon dahil kailangan kong magkaroon ng pambayad sa hospital para kay Thirdy. Ngayon naman ay ganoon pa rin ngunit para magkaroon na ng magandang buhay sina Thirdy at Jarvis.

Hindi naman para sa sarili ko ang lahat ng ginagawa ko... para sa kanila.

"I told you, I don't want that food! Sabi ko, masarap 'di ba? You're so kadiri! Does that look masarap, ha?!"

Napatigil kami sa paglalakad ni Jarvis nang may marinig na matinis na boses. Nasisiguro kong galing iyon sa bata na marahil ay kasing edad ni Jarvis base sa pagsasalita.

Malakas na bumuntong hininga si Manang Lerma kaya't napunta sa kaniya ang atensiyon ko. "Iyon po ba ang batang aalagaan ko, Manang Lerma?" tanong ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siyang muli at napailing. "Wala nang bago sa pagsigaw niya kaya masanay na lamang kayong dalawa niyang anak mo. Huwag niyo nga lang sisigawan dahil baka magalit si Sir sa inyo."

Tumango na lamang ako dahil alam ko naman iyon at hindi na niya ako kailangan pang pagsabihan. Sa rami na ba naman ng batang naalagaan ko sa pagkakatulong, talaga namang alam ko na ang pasikot-sikot sa lahat ng pag-aalaga ng bata. Kay Thirdy at Jarvis pa nga lamang,. Quoting-quota na ako, e. Sa iba pa kaya? Hindi na 'yon masiyadong magiging mahirap dahil sanay na sanay na ako sa ganoon.

"Mama, 'di ba bad po 'yon?"

Tumingin ako kay Jarvis bago tumango. "Kaya huwag kang gagaya sa kaniya, 'nak, ah? Dapat palagi kang mabait para masaya si Mama, okay? Promise?"

Napalabi na lamang si Jarvis bago siya tumango sa akin.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Lyana, Jarvis, pasok na raw kayo sabi ni Sir."

Ni hindi ko na napansin na nasa tapat na pala kami ng opisina ng amo ni Manang Lerma. Masiyado akong abala sa paglilibot ng paningin ko sa bahay at sa pag-aalala sa batang aalagaan ko. Sana naman ay kahit papaano, magkasundo silang dalawa ni Jarvis dahil iyon lamang naman talaga ang inaalala ko.

Baka kasi tulad ng sinabi ni Mang Lerma ay bully-hin ng batang aalagaan ko si Jarvis. Siyempre ipagtatanggol ko ang anak ko, ano. Pero kapalit ng pagtatanggol ko kay Jarvis, sigurado rin naman ako namawawalan ako ng trabaho. Malakas akong nagpakawala ng buntong hininga upang ikalma ang sarili ko at mawala sa isip ko ang mga bagay na pinoproblema ko. Ang mahalaga ay iyong ngayon at hindi ang bukas. Kailangan ko munang isipin ang mga panandaliang kailangan namin ni Jarvis-at iyon ay pera.

"Manang, matapang ba talaga si Sir?" Kinakabahang tanong ko nang hawakan na ni Manang Lerma ang seradura ng pinto.

Sa halip na sagutin ako ay ngumiti lamang sa akin si Manang Lerma at tuluyan nang binuksan ang pinto. Nauna siyang pumasok sa loob kaya't kinakabahan man ay sumunod pa rin kami ni Jarvis sa kaniya. "Sir? Narito na po 'yong sinasabi kong nag-aapply ng trabaho para Yaya ni Ma'am Chantal. Kaibigan ho ng pamangkin ko."

Bahagya akong sumilip mula sa likod na Manang Lerma ngunit agad ding nanlaki ang aking mga mata nang magtagpo ang paningin namin ng lalaking nakaupo sa swivel chair. May suot siyang salamin, maayos ang buhok, at naka-bihis pang- opisina. Isang tingin pa lamang ay mapapansin na kaagad kung gaano siya kayaman. Ilang beses akong napakurap dahil parang nakita ko na siya noon ngunit mas sinalakay ako ng kaba sa dibdib.

"Magpakilala ka na, Lyana," untag ni Manang Lerma kaya't wala sa sarili akong napalunok.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak sa laylayan ng damit ko ang kamay ni Jarvis kaya't kahit na kinakabahan ako ay matikas at taas noo pa rin akong tumindig upang hindi panghinaan ng loob si Jarvis. "Good evening po, Sir. Lyana Dela Merced nga po pala."

Muli akong napakurap nang saglit niya akong tiningnan ngunit agad niya ring ibinalik ang tingin sa dokumentong nasa kaniyang harapan. "Manang, hindi ba't sabi ko, 'yong walang anak."

Natulos ako sa aking kinatatayuan hindi lamang nang marinig ang lamig ng boses niya kung hindi pati na rin ang sinabi niya. Wala sa sarili akong napalunok at sumulyap kay Jarvis na mukhang nasaktan dahil sa sinabi ng lalaki.

"Kasi Sir, masiyadong mga bata 'yong ibang walang anak saka walang experience sa trabaho. Ito kasing si Lyana, recommended ng pamangkin ko dahil maayos daw magtrabaho."

"She can't stay here because of her family, Manang," malamig na sambit muli ng lalaki.

Napalunok ako. "Ay naku, Sir. Huwag kayong mag-alala. Kapatid na may sakit lang ang kasama nitong si Lyana saka nasa Tiyahin naman niya ang kapatid niya kaya silang dalawa lang ng anak niya ang titira rito," sabi ni Manang Lerma. Gulat akong napatingin sa kaniya dahil alam niya ang tungkol doon ngunit kumindat lamang siya sa akin at ngumiti. Nahihiya naman akong nag-iwas ng tingin.

"Husband?"

Hindi kaagad ako nakasagot dahil akala ko ay si Manang Lerma ang tinatanong ngunit nang sikuhin niya ako ay saka ako nag-angat ng tingin sa amo niya. Muli akong napalunok dahil sa kaba. "Wala po, Sir."

"You're raising your son alone? Is that it?" seryosong tanong niya sa akin.

Dahan-dahan akong tumango habang nakatingin sa kaniya. Nagbaba naman siya ng tingin at muling sinulyapan ang mga hawak niyang papeles. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pa ngunit laking gulat ko nang muli siyang magsalita nang hindi nakatingin sa akin.

"So you're single, Miss Dela Merced?"

Marahan akong tumango. "Y-Yes po, Sir."

"That's good then. Walang magiging problema." Nag-angat siya ng tingin sa akin at inayos ang suot na salamin. "You can now move your things here. You're hired."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report