The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Fifteen
"Dito ang kuwarto niyong dalawa. May kasama ka kasing bata kaya hindi na tayo kasya sa maid's quarter kaya sinuhestiyon ko kay Sir na rito na lamang kayo dahil wala namang tumutuloy sa kuwartong 'to." Marahan akong tumango bilang sagot kay Manang Lerma habang iniikot ang paningin ko sa silid kung saan kami matutulog ni Jarvis. Agad namang binitiwan ni Jarvis ang aking kamay at nagtatakbo patungo sa kama. Ibinagsak niya ang katawan doon kaya't nanlaki ang aking mga mata sa gulat at pag-aalala na baka nasaktan siya ngunit laking pasasalamat ko nang magpakawala siya ng mahinang tawa habang nakahiga.
"Mama... lambot..." tumatawang sambit niya.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti matapos marinig ang sinabi niya. Maliit kasi at medyo matigas ang kamang hinihigaan namin sa bahay noon kaya marahil ay excited na excited si Jarvis dahil sa wakas ay kahit papaano, maluwang at malambot na ang kamang hihigaan namin gabi-gabi.
Sumulyap ako kay Manang Lerma na ngayon ay tipid na nakangiti habang pinagmamasdan ang anak ko. "Manang?" pagtawag ko sa atensiyon niya.
Agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin. "May tanong ka ba?"
"Ano ho bang eksaktong gagawin ko sa bahay na 'to bukod sa aalagaan ang anak ni Sir?"
"Ah, schedule mo, ganoon." Tumango-tango siya bago may kinuhang kung ano sa bulsa ng suot niyang uniform. "Bale gigisingin mo sa umaga si Ma'am Chantal, 7AM. Tapos pakakainin at papaliguan mo. Kapag 8:30 na, ihahatid mo naman sa school niya. Uuwi ka rito tapos kapag 12PM na naman, susunduin mo na si Chantal. Half day lang kasi sila ngayon. Tapos pagkasundo mo, iuuwi mo rito, papalitan ng damit, at saka pakakainin. Tapos puwede ka nang makipaglaro sa kaniya." Bahagyang kumunot ang noo ko. "Ano ho bang klaseng laro ang gusto ni Ma'am Chantal?" pang-uusisa ko pa.
Malakas na bumuntong hininga at napailing si Manang Lerma kaya't hindi ko maiwasang magtaka. Nag-angat siya ng tingin sa akin at animo'y awang-awa akong tiningnan. Ilang beses naman akong napakurap dahil sa naging reaksiyon niya. "Manang?" tanong kong muli.
"Ang mga gustong laro ni Ma'am Chantal... 'yong nakakapagpaiyak ng ibang tao."
Wala sa sarili akong napalunok nang marinig ang sagot niya. Sabagay. Hindi ko pa man siya nakikita, boses niya pa lamang, alam ko nang may pagka-maldita nga siya. Base sa pagsigaw niya sa mga katulong, halatang-halata na hindi kami kaagad magkakasundo.
Bumuntong hininga ako bago muling tumingin sa gawi ni Jarvis na nakaupo sa kama at nakatingin sa aming dalawa ni Manang Lerma. "Kahit na hindi kami magkasundo ng alaga ko, sana naman ay magkasundo silang dalawa ni Jarvis, Manang Lerma," mahinang sambit ko.
Tumango si Manang Lerma at tinapik ang aking balikat. "Mukhang mabait naman 'yang si Jarvis, Lyana 'neng. Huwag lang masiyadong mabait dahil baka i-bully niyang si Ma'am Chantal. Malala si Ma'am, e. Labing apat na yaya na ang napaalis niyan sa bahay. Sana lang talaga ay magtagal kayo rito kahit papaano. Sayang ang suweldo. Mahirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon. Buti nalang talaga at nasabihan ako kaagad ni Jasrylle na kailangan mo ng trabaho." Natahimik ako at muling napailing. Kakaiba rin pala 'tong bahay na 'to, e. Halos linggo-liggo yata, may naeevict. Grabe naman sila.
"Oh siya, ayusin niyo muna itong kuwarto niyo at maging kumportable rito. Magpahatid na lamang kayo sa driver pagpunta sa bahay niyo para kumuha ng mga gamit. Mukhang hindi kayo kaagad nakapag-impake, e." Nahihiya akong napakamot sa ulo. "Hindi ko naman po kasi inaasahan na matatanggap kami kaagad dito. Sabi kasi ni Jasrylle, mayaman daw ang amo kaya akala ko ay hindi papayag na isama ko si Jarvis," sagot ko. "Madali lang namang maging katulong dito... ang mahirap ay 'yong hindi mo alam kung kailan ka tatanggalin."
Muli kong kinagat ang aking ibabang labi at tumango na lamang bilang tugon sa sinabi ni Manang Lerma. Sabagay. Gaya nga ng sinabi niya sa akin kanina, kakaunti ang nagtatagal dito.
"Mauna na ako sa labas. Pagkatapos niyong makapagpahinga, bago kayo pumunta sa bahay niyo at kumuha ng gamit, dumaan ka muna sa opisina ni Sir Preston. Kakausapin ka yata tungkol sa suweldo at mga patakaran niya rito sa bahay. Sabi ko nga ay ako na ang bahalang magpaliwanag pero gusto ka raw niyang makausap.'
"H-Ho? K-Kakausapin ako? Hindi kayo kasama, Manang? Bakit hindi niya ako kaagad kinausap kanina, 'di ba galing na tayo roon?"
Nahigit ko ang aking hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Ewan ko ba pero hindi ako kumportable kay Sir-hindi naman sa pakiramdam ko ay manyak siya o masamang tao pero kasi, may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya na hindi ko maipaliwanag.
Pangalan niya palang, kakabahan na ang kung sino mang makakaalam. Baka mamaya, may masabi akong mali at tanggalin ako kaagad sa trabaho.
"Aba'y ewan ko. Baka kakausapin ka rin tungkol kay Ma'am Chantal. Alam mo naman ang mga mayayaman, hindi man nila inaalagaan ang anak nila dahil palaging abala sa trabaho, sinisiguro naman nilang mapagkakatiwalaan at mabuti ang mag-aalaga sa anak nila," sagot sa akin ni Manang Lerma.
Hindi ko maiwasang magbaba ng tingin dahil sa sinabi niya nang maalala ko kung anong ginawa ko anim na taon na ang nakakaraan. Kaya ayaw ko sa mga mayayaman, e. Akala ko noon, ang tanging problema sa mundo ay kapag naubusan na ng pera ang isang tao. Pero habang tumatagal, napagtanto ko na mahirap din pala kapag sumobra na sa pero.
Masiyadong magulo ang buhay nila at wala akong balak na pumasok sa mundong ginagalawan ng mga mayayamang tulad nila dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ako nababagay doon.
Basta may pang-kain kami ni Jarvis at may matutuluyang bahay, sapat na sa akin iyon. Hindi ko na kailangan ng sobrang daming pera... nadala na ako sa nangyari noon.
Nagpaalam muli sa amin ni Jarvis si Manang Lerma at lumabas na ng kuwarto samantalang naiwan naman kaming dalawa ng anak ko sa loob.
"Mama, dito na po ba talaga tayo titira?"
Sumulyap ako sa gawi ni Jarvis bago dahan-dahang tumango. Naglakad ako palapit sa kaniya at umupo sa gilid ng kama. "Basta good boy ka palagi para hindi mahirapan si Mama, ha? Baka kasi magalit sila sa atin. Kapag nagalit sila sa atin, hindi na tayo rito titira."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Wala na po ulit ikaw trabaho?"
Ayaw ko mang aminin sa kaniya na ganoon nga ang mangyayari ay hindi ko rin naman magagawang magsinungaling sa kaniya. Malakas akong nagpakawala ng buntong hininga at marahang tumango. Anim na taong gulang pa lamang siya pero hindi na maipagkakaila na marunong na siyang umintindi ng mga bagay-bagay--- na siya ko rin namang ikinapagpasalamat.
Mabuti na lamang talaga at mabait ang anak ko at hindi sakit sa ulo kaya't hindi na ako masiyado pang nahihirapan sa buhay.
"Mama, aawayin ba ako ni Chanty, 'Ma?"
Agad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya. "Chanty? Sino si..." Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa aking bibig nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy niya. "Nako, Jarvis, 'nak. Ma'am Chantal. Ma'am Chantal, ha? Hindi Chanty. Baka awayin ka noon kapag tinawag mo siya nang ganiyan."
Humaba ang nguso ni Jarvis at sumimangot. "Ma'am Cha... chan... Mama, hirap naman, e," reklamo niya at kumamot sa ulo.
Sa huli, wala akong nagawa kung hindi ang mapailing at mahinang tumawa. Nagkuwentuhan muna kami ni Jarvis hanggang sa mapagdesiyunan namin na uuwi muna ako sa bahay. Iiwan ko na lamang muna si Jarvis kay Manang Lerma dahil hindi ako makakapagbuhat ng mga gamit kapag kasama ko siyang umuwi.
Sabay kaming lumabas ni Jarvis sa aming silid. Tulad ng nakasanayan ay akay ko siya habang binabagtas namin ang mahabang pasilyo kung saan naroon ang opisina ni Sir Preston. Hindi naman ako nahirapang tandaan kung nasaan iyon dahil ang alam ko ay nasa pinakadulo iyon ng hallway.
Idaraan ko sana muna si Jarvis kay Manang Lerma ngunit dahil kinakabahan akong kausapin si Sir Preston nang mag-isa ay napagdesisyunan kong isama na lamang muna si Jarvis sa pakikipag-usap kay Sir.
Ilang beses akong kumatok sa pintuan ngunit wala akong narinig na sagot mula kay Sir Preston. Hindi ko alam kung nasa loob ba siya dahil wala akong naririnig na ingay sa loob o baka naman ay soundproof ang opisina niya. Kahit na wala siyang sinabi na pumasok na ako ay binuksan ko pa rin ang pintuan ng opisina niya dahil hindi naman iyon nakalock.
Papasok na sana kami ng tuluyan ni Jarvis sa loob nang marinig ko ang mataas na boses ni Sir Preston. Nakaharap siya sa nakatalikod sa aming batang babae. Mahaba ang buhok ng batang babae at naka-pajama na at mukhang handa na sa pagtulog.
"Chantal, how many times do I have to tell you that you shouldn't hurt your nannies? My God! Hindi ko alam kung saan kang nagmanang bata." Hinilot niya ang sintido at inalis ang suot na salamin kaya't wala sa sarili akong napalunok. "And what? Itinulak mo sa hagdan 'yong cook dahil hindi mo nagustuhan ang niluto niya kanina? I know that you're just a child but are you out of your mind, huh?"
Bahagyang nanlaki ang aking mga mata dahil sa aking narinig. Itinulak ni Ma'am Chantal sa hagdan ang cook na pinapagalitan niya kanina noong dumating kami? Paano nagawa iyon ng maliit na batang ito?
"What, Daddy? Is it my fault that she irritates me? She's not doing her job and she always scolds me"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Because you really need some scolding. Ang bata-bata mo pa pero ganiyan ka na, paano pa kapag lumaki ka na? You're stressing me out, Chantal Louisse!"
Napaigtad ako dahil sa lakas ng boses ni Sir Preston. Bakas na bakas na sa boses niya na halos sasabog na siya sa galit sa anak-marahil ay iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya pa rin kami napapansin.
Wala sa sarili akong napasulyap sa gawi ni Ma'am Chantal. Nagtataas-baba ang balikat niya tanda na umiiyak siya dahil sa panenermon ng tatay niya. Kahit na alam kong mali naman talaga siya at dapat lang na sermonan siya, hindi ko pa rin mapigilang maawa sa kaniya.
"Now, I have to find another cook to replace her. Fuck it. Linggo-linggo na lamang!"
Kinagat ko ang aking ibabang labi habang pinipigilan ang sarili na awatin silang dalawa. Magsasalita pa sana si Sir Preston ngunit naunahan na siya ni Ma'am Chantal.
"You're rich naman so you can find new ones. You always go to work.... I just want to play and have fun on my own!" Hindi nagpatalo ang anak sa malakas na pagsigaw ng ama at sa halip ay sumigaw din dito. Muli akong napabuntong hininga.
Mag-ama nga sila.
"You can have fun on your own without messing other people's lives, Chantal. Sumosobra ka na "
"I don't care! You're bad! I hate you!"
"You spoiled brat---" Nahigit ko ang aking hininga nang iangat ni Sir Preston ang kamay at akmang papaluin ang anak dahil sa galit. Magsasalita na sana ako upang pigilan sila ngunit tila natulos ako sa aking kinatatayuan nang makita si Jarvis na humarang sa harapan ni Ma'am Chantal.
Ni hindi ko na napansin na wala na siya sa tabi ko...
Ibinuka ni Jarvis ang dalawang braso at animo'y pinoprotektahan ang batang aalagaan ko kaya't umawang ang aking mga labi. Maging si Sir Preston ay naguat din sa ginawa nito. Nanlalaki ang mga mata niyang napalingon sa gawi ko at mukhang ngayon niya lamang napansin na narito kami sa loob.
"J-Jarvis 'nak..." Mahinang pagtawag ko kay Jarvis.
Sa halip na pansinin ako ay hindi niya inalis ang kaniyang mga mata sa pagtingin kay Sir Preston. "Bawal po manakit saka magsabi ng mga bad words... B-Boss."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report