Agad kong nahigit ang aking hininga nang makita kung gaanong karaming tao ang nasa bulwagan ng mansion ng mga Tejada. Sanay naman akong magtrabaho sa lugar kung saan maraming tao pero ngayon lang yata ako nakaramdam ng labis na kaba dahil lang napapalibutan ako ng napakaraming tao na hindi ko naman kilala.

Isa pa, hindi lang naman sila puro ordinaryong tao. Kung ikukumpara ako sa kanila, halata naman na magkaibang-magkaiba ang estado ng buhay nila sa estado ng buhay ko. Hindi dapat ako narito sa lugar na ito dahil hindi naman ako nababagay dito.

"Smile, Lyana. They're greeting us," mahina at pasimpleng bulong ni Sir Preston habang naglalakad kaming dalawa. Sinalubong kami ng ilang grupo ng mga kapwa naka-bestida at tuxedo na tao ngunit hindi ako ngumiti sa kanila. Pakiramdam ko ay aatakihin yata ako sa puso dahil sa kaba habang naka-pokus ang mga mata nila sa amin. Ewan ko ba ngunit pakiramdam ko ay hinuhusgahan nila ako sa bawat sulyap nila sa akin.

Hindi ko tuloy maisip kung gaanong katinding kaba ang nararamdaman ngayon ni Chantal dahil magsasalita siya mamaya para mag-speech sa harap ng ganitong karaming tao. Kinakabahan akong napalunok at mas hinigpitan pa ang hawak sa braso ni Sir Preston-at oo, nakahawak ako sa braso niya.

Tumanggi pa ako kanina na huwag na dahil baka hindi siya kumportable ngunit nang muntik na akong matapilok dahil sa taas ng suot kong high heels ay siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at ipinulupot iyon sa braso niya.

Pasimple akong mas lalong lumapit kay Sir Preston at mahinang bumulong sa kaniya. "K-Kinakabahan ako. Hindi ba puwedeng sa kuwarto nalang ako?" Halos mangiyak-ngiyak na tanong ko.

Malakas siyang bumuntong hininga. "Why are you so nervous? You're just going to say hi to them. It's not as if you're giving them a speech like Chantal. Come on, Lyana. We already talked about this, right?"

Hindi ako sumagot at sa halip ay nagbaba na lamang ng tingin upang iwasan ang bawat titig ng mga nakakasalubong namin. Kanina naman noong lumabas ako sa kuwarto namin ni Jarvis ay hindi ako ka-ganitong kinakabahan pero ngayon, lalo pa't kasama ko si Sir Preston, pakiramdam ko ay mas lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa labis na kaba.

"Chin up, Lyana. You don't have anything to worry about," muling bulong sa akin ni Sir Preston ngunit hindi ko siya sinunod. Mas lalo ko pang kinagat ang aking ibabang labi upang kahit papaano ay makakalma ako. "Lyana, come on." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at pinanlakihan siya ng mata. "Puwede bang saglit lang? Nagpapalakas lang ng loob, wait lang, okay? Ito ang unang beses kong makapunta at maka-attend sa ganitong mga party-party kaya malamang, hindi pa ako kumportable. Saglit lang, okay?" Naiinis na tanong ko sa kaniya pabalik.

Mukha namang naintindihan niya ang ibig kong sabihin dahil bumuntong hininga lamang siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Nang mag-iwas siya ng tingin ay agad akong napalabi at nag-inhale exhale para ikalma ang aking sarili. Hindi pa man ako tuluyang nakakalma nang may lumapit na sa aming lalaki. May dala itong dalawang wine glass na may lamang wine nang lumapit sa amin.

"Oh. You have such a good looking lady with you, Tejada," sambit ng estrangherong lalaki kay Sir Preston bago ito lumingon sa akin. "Hi, Miss."

Ilang beses akong napakurap bago wala sa sariling itinuro ang aking sarili. Tumango naman siya at mahinang tumawa. Akala ko ay kakausapin na niyang muli si Sir Preston ngunit mas lalo pa siyang humarap sa akin habang may nakapaskil na mapaglarong ngisi sa kaniyang mga labi.

"It's my first time seeing you. It's nearly impossible that I already saw you back then. I won't ever forget the kind of beauty that you have, Miss."

Sinubukan kong hindi ngumiwi dahil sa sinabi niya at sa halip ay tipid ko lamang siyang nginitian. Agad ko namang narinig ang pagbuntong hininga ni Sir Preston sa tabi ko dahil malapit lamang kami sa isa't-isa.

In-offer ng estrangherong lalaki ang kamay niya sa akin at malapad akong nginitian. "I'm Kamden Destura by the way. I'm Preston's business partner and I'm also..." Tumingin muna siya kay Sir Preston bago ibinalik ang tingin sa akin. "And I'm also single," dagdag niya.

Naguguluhan man ako sa sinabi niya ay tinanggap ko pa rin ang pakikipagkamay niya sa akin. "Lyana Dela Merced," tipid na sagot ko.

Akmang babawiin ko na ang kamay ko mula sa kaniya nang hindi niya iyon binitiwan at sa halip ay hinalikan ang taas ng aking palad.. Agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa ginawa niya ngunit bago pa ako makapag-react ay agad nang binawi ni Sir Preston ang kamay ko mula sa estrangherong lalaki na basta-basta na lamang humalik sa kamay ko.

"Hindi mo ba nakikitang ako ang kasama o sadyang tanga ka lang?"

Umawang ang labi ko nang marinig ang sinabi ni Sir Preston at gulat siyang tiningnan. Mabuti na lamang at wala sa amin ang atensiyon ng mga bisita kaya naman hindi na siya narinig pa ng mga ito.

Mahinang tumawa ang lalaki dahil sa sinabi ni Sir Preston ngunit alam kong mapang-asar na tawa iyon. Umismid ako dahil sa inis. Sino ba siya?

"Come on, Tejada. Huwag ka namang masyadong possessive riyan sa kasama ko. Can't I just introduce myself to her?" Tila nang-iinis pang tanong niya kay Sir Preston.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

At tama nga ang napansin ko dahil mas lalong nagdilim ang mukha ni Sir Preston at aamba sana ng suntok sa estrangherong lalaki ngunit agad kong nahawakan ang braso niya. Malakas siyang bumuntong hininga na animo'y ikinakalma ang kaniyang sarili.

Napailing naman ako habang pasimpleng tumitingin sa ibang tao na nasa paligid namin. Hindi gaya kanina, may iba ng nakatingin sa direksiyon namin at pasimpleng nakiki-usyoso kaya't tipid ko lamang silang nginitian. Mukhang gumana naman ang pagngiti ko sa kanila nang mag-iwas na sila ng tingin sa amin.

"T-Tara na," mahinang bulong ko kay Sir Preston.

Muli siyang bumuntong hininga at tumango sa akin. Akala ko ay titigil na ang pang-aasar ng lalaki kay Sir Preston ngunit nagsalita na naman ito bago kami umalis. "Miss," tawag niya. Alam ko naman na ako ang tinatawag niya ngunit hindi ako lumingon. "Lyana," pagtawag niyang muli.

Lumingon si Sir Preston sa lalaki at sinamaan ito ng tingin. "Can't you see that she's fucking off limits? If you're going to continue that bullshit of yours, then just fucking leave my house. I don't want to see your disgusting face anymore," seryosong babala niya.

Mahinang tumawa ang lalaki at kaswal na nagkibit balikat nang lumingon ako sa gawi niya. Hindi naman nakatakas sa aking mga mata ang pasimple niyang pagtingin sa dibdib ko kaya't agad na nanlaki ang aking mga mata. Akmang tatakpan ko ang dibdib ko nang maramdaman ko ang kamay ni Sir Preston sa aking baywang.

Nanlaki ang aking mga mata at gulat siyang tiningnan ngunit nakatingin lamang siya sa gawi ng estrangherong lalaki at nakikipagsukatan ng tingin dito. Wala sa sarili akong napalunok nang makita kung gaano kaseryoso at kadilim ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ngunit sigurado akong hindi iyon dahil sa kaba.

"I can see your fucking eyes, Destura. Isang tingin mo pa, tatanggalan na kita ng mata."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report