The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Three
"So you're telling me that you were there because you're applying for a job? Sa lugar na iyon talaga?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagbaba ng tingin. Malakas na bumuntong hininga si Dra. Vallero kaya't hindi ko maiwasang kainin ng hiya. Dati ko siyang kaklase noong High School kaya't medyo nakakapanliit na makita siyang maganda na ang buhay at may maayos na trabaho tapos ako... heto.
"How about your son? Kumusta na siya? Ngayon na lamang ulit ako bumalik dito sa Pilipinas kaya't pinagpaplanuhan ko pa na bisitahin kayo. Hindi ko naman inaasahan na sa ganoong klase ng lugar pa kita makikita,” dagdag na tanong niya. Mas lalong bumigat ang aking paghinga at hindi kaagad nakasagot. Si Doktora Vallero ang nagpaanak sa akin noon. Wala akong pambayad sa hospital at wala rin akong ibang kasama. Mabuti na lamang at saktong siya ang naka-duty kaya't siya na ang nagpaanak sa akin kahit na hindi ko pa alam kung saan ako kukuha ng ipambabayad. Tinulungan niya rin ako sa pagbabayad ng bills noon matapos kong manganak kaya't kahit papaano ay hindi na masiyadong lumobo ang utang ko.
Pasasalamatan ko pa sana siya noon pero nabalitaan ko namang nangibang bansa na siya bago ko pa siya makausap muli. Dahil doon, hindi na niya nalaman na... "Wala na ang anak ko."
"What? Anong ibig mong sabihin na wala na? Kinuha ng tatay sa 'yo?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi at mapait na ngumiti sa kaniya. "N-Namatay noong two years old siya. Dengue," tanging sagot ko.
Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pag-awang ng kaniyang mga labi matapos marinig ang sinabi ko. Malakas naman akong bumuntong hininga at muling nag-iwas ng tingin sa kaniya. "I-I'm sorry. Hindi ko alam," mahinang sambit niya. Mas lalo ko namang ipinulupot sa aking katawan ang suot niyang coat kanina ngunit ipinahiram niya sa akin nang makitang napakaikli ng suot kong damit. Inaya niya rin ako na uminom ng kape at mag-usap sa malapit na coffee shop. Tatanggi pa sana ako sa kaniya kanina dahil 3 in 1 na kape lamang naman ang afford ko pero sabi niya ay siya na ang bahala kaya't siyempre ay sumama ako.
"Ayos lang. Medyo kakaunti lang din naman ang may alam sa batch natin. 'Yong iba, wala namang pakialam."
"Pero Lyana..."
"Kailan ka nga pala umuwi?" Sinubukan kong ibahin ang usapan nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Bumalik ka ba rito para sa trabaho o bakasyon lang?"
Hindi ko mapigilang mainggit sa kaniya. Tamang sakay lang sa eroplano at hindi na kailangan pang problemahin kung may makakain ba siya sa susunod na araw. Sana all.
Tipid siyang ngumiti ngunit nahalata kong pilit pa rin iyon. "Umuwi ako para sa trabaho. Hinire kasi ako ng pinsan ko kasi kailangan niya raw ng tulong ko kaya umuwi ako kahit na busy ako sa trabaho ko roon," pormal na sagot niya. "Ano bang trabaho mo roon? Doktor pa rin?"
Natahimik siya at animo'y nag-aalangan kung sasagutin ba ang tanong ko o hindi kaya't bahagyang nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa pagtataka. Kapagkuwan ay mahina siyang tumawa. "H-Hindi na ako doctor sa government hospital. U-Uh... sa agency ako nagtatrabaho tapos doctor ako roon."
"Talaga? Anong agency?" pag-uusisa ko pa. Baka kasi mamaya, may alam siyang bakanteng trabaho na maaari kong pag-applyan. Susunduin ko na si Thirdy kay Tiyang bukas kaya't kailangan kong magkaroon ng kasiguruhan na magkakaroon ako ng trabaho para kahit papaano ay magkaroon ako ng kahit na kaunting peace of mind.
Tulad kanina ay hindi kaagad siya nakasagot at animo'y nag-aalinlangan pa rin sa isasagot sa tanong ko na sa tingin ko naman ay madaling sagutin.
Mayamaya pa ay malakas siyang bumuntong hininga at pasimpleng lumapit sa akin. "Nagtatrabaho ako sa surrogacy agency sa California," mahina at halos pabulong na sagot niya sa tanong ko.
Agad namang nagsalubong ang kilay ko dahil sa isinagot niya. Ano raw? "Surro... ano? Anong klaseng trabaho iyon?"
Pamilyar sa akin ang salitang iyon ngunit dahil hindi naman ako doctor katulad niya at mas lalo namang hindi kami magkapantay ng talino, hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin niyon. Hindi ko nga alam kung saan ko unang narinig ang salitang iyon. Sa eskwelahan yata o sa hospital din? Ewan ko.
"Mahirap ipaliwanag pero basically, p-parang ano, naghahanap kami ng babae na puwedeng magbuntis-"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Gulat kong tinakpan ang nakaawang kong labi gamit ang aking palad. "Illegal ba 'yan?" Hindi ko alam pero iyon ang unang lumabas na salita mula sa aking bibig.
Mukhang sanay na si Doctora Vallero sa ganoong tanong dahil hindi na siya nagulat sa reaksiyon ko. Dahan-dahan naman siyang umiling bilang sagot sa tanong ko. "Legal ang surrogacy sa ibang bansa. Hindi rin naman siya illegal dito pero dahil sinasabing conservative country ang Pilipinas, hindi siya common," pagpapaliwanag niya.
Inalis ko naman ang palad na nakatakip sa aking bibig at dahan-dahang tumango. "Anong ginagawa ng mga ganoon? Trabaho ba 'yon? Kasi agency, e, 'di ba?"
"Bale tinutulungan namin 'yong mga mag-asawang hindi magkaanak dahil sa infertility o kahit na anong sakit. Natutulungan namin sila through gestational surrogacy kung saan ipinapasok sa katawan ng surrogate mother ang egg cell ng babae at sperm cell ng lalaki. Kapag naman same-sex couple, tinutulungan din namin silang magkaanak. Hahanap ng egg cell donor o sperm cell donor tapos dadalhin sa tiyan ng surrogate mother ang bata hanggang sa maipanganak." Mas lalong umawang ang bibig ko dahil sa narinig ko mula sa kaniya. Baka bobo lang talaga ako o ano pero hindi ko kaagad naintindihan kung anong sinabi niya.
"P-Posible ba 'yon?" Hindi makapaniwalang usal ko.
Tumango si Doctora Vallero. "Marami na rin kaming natulungan. Binabayaran ang agency at ang surrogate mother depende sa kontrata," sagot niya. Binabayaran?
"Ibig mo bang sabihin, ginagawang business ng babaeng surrogate ang mga bata-"
"It's not like that," mabilis na pagtutol niya kaya't muli akong tumingin sa kaniya. "Tinutulungan lang nila ang mga couple na magkaanak. Binabayaran sila for compensation... bayad sa tulong nila. 50-50. Tutulungan ka nila financially, tutulungan mo naman silang magkaanak. Ganoon. Pero depende pa rin sa surrogate mother kung ano ang mindset niya."
Wala sa sarili naman akong napatango nang maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. "Astig pala noon, ano? Pwede pala 'yong ganoon," komento ko.
"Lyana?"
"Hmm?" Kaswal na tanong ko at sumimsim sa kapeng inilibre niya sa akin. "Ano 'yon?"
"Yong anak mo naman, healthy siya noong ipinanganak mo, 'di ba? Wala namang ibang sakit?"
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya ngunit marahan pa rin akong tumango bilang sagot. "Oo. Healthy naman siya noon saka walang problema. Hindi rin naman ako nahirapan sa pagbubuntis kasi hindi naman ako maselan. Nawala lang siya dahil sa... dahil sa dengue." Muli akong lumunok at nagbaba ng tingin.
"Sabi mo noon, saglit lang naman kayong nagkarelasyon ng tatay ng anak mo, 'di ba? I-Ilang beses bago..."
"Bago?"
"Bago kayo nakabuo?" Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko dahil sa tanong niya. Marahas akong nag-angat ng tingin sa kaniya at kunot-noo siyang tiningnan. "I-I mean, curious lang naman ako. Kung isa lang, ibig sabihin, m-mabilis ka palang maano... mabuntis."
Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya at taka lamang siyang inobserbahan. Nang makabawi ay saka ako nagsalita. "Bakit mo tinatanong ang ganiyang bagay sa akin?" tanong ko.
"Kailangan mo ng trabaho, 'di ba? Para sa kapatid mo?"
Naguguluhan man ay tumango pa rin ako dahil kailangan ko naman talaga ng trabaho ngayon lalo pa't susunduin ko na ulit si Thirdy. Sa ngayon ay wala akong ibang priority kung hindi ang kapatid ko. "Kailangang-kailangan," pirming sagot ko sa tanong niya.
"Kung ganoon..." Tiningnan niya ako sa aking mga mata kaya't hindi ko maiwasang kabahan sa kung ano man ang susunod niyang sasabihin sa akin. Mag-iiwas na sana ako ng tingin nang muli siyang magsalita. "Gusto mo bang maging surrogate?"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report